April 16,2023 @ THE STAR GROVE TOWER, pinangunahan ni Deputy Inspector Gary Garcia ang imbestigasyon sa nangyaring pananabotahe sa sasakyan nina Allen at Freda. Agad namang tumugon ang pamunuan ng TSGT sa hiling ng mga awtoridad na masiyasat ang mga recorded video footages ng mga oras na nasasakupan ng pagpunta ng dalawang detective sa The Grove.
Sa mismong opisina ng Head of CCTV Monitoring Department ng TSGT ay iprinisinta nito Ang bawat CCTV footages sa grupo ni Garcia. Magkakasama nilang pinanood ang video kung saan ay ipinarada nina Allen ang kanilang dalang sasakyan.Ang The Grove ay binubuo ng dalawang matataas na building,ang building A at building B na maituturing narin na isang skyscraper na bantog sa Lungsod ng Makati.Ang dalawang tower ay may dalawa ring facade na magkaugnay na nababalutan ito ng malawak na curtain wall na yari sa makapal na fiber glass.Sa video ay makikitang sa Building "B" parking area inilagay nina Allen ang naturang sasakyan. Kapansin pansin din na hindi pa gaanong crowded ang parking area ng dumating sina Allen. Nasa tatlong sasakyan pa lamang ang naka park dakong 9:00 am ng umaga, pero makalipas lamang ng mga 15 minutes halos mapuno na ang parking area sa harapan ng building B.
Sa naturang video ay nakitang magkasamang bumaba sina Allen at Freda buhat sa kanilang sasakyan at kitang kita sa CCTV na naglalakad ang dalawa papasok sa building " B " kung saan naroon ang tanggapan ng TSGTower.10 minutes later ay may nag park ng kotse sa left side portion ng parking lot katabi ng sasakyan nang dalawang detective.
After naman ng dalawang minuto ay sumunod namang nag-park ang isang puting Van sa may kanang bahagi naman kung saan nakahimpil ang kotseng dala nina Allen.
Nakatawag ng pansin kay Garcia ang hindi maayos na pagkakapark ng puting Van na nagbigay sa kanila ng impressions na sinadya itong gawin ng driver. Medyo naka slant din ito at naka-protrude ng bahagya na hindi umabot sa guide na humps sa bahaging likuran.Ang unang pumasok sa isip ni Garcia kung bakit ganito ang ginawa ng driver ng puting van ay upang i-block nito ang kotse ng dalawang detective at higit sa lahat ay upang hindi gaanong makuhanan ng CCTV camera ang kanilang mga nakatakdang gagawin.
After 3 minutes ay may lumitaw na dalawang tao na lulan ng puting Van at ang hindi gaanong matiyak ni Garcia ay kung ang mga ito ay bumaba from the driver's seat o sa passengers seat.
" Paki pause mo nga saglit sa bahaging iyan Boss tapos i-backward mo ng kaunti " request ni Garcia sa operator ng CCTV na nagpakilala lamang sa pangalang Mark. Agad namang tumalima ang lalaki.
" okay boss please paki play mo na ulet " maging ang mga naroroon ay nagtataka rin kung saan galing ang dalawang lalaki na bumaba dahil nagmistulang itong mga ghost na basta na lamang lumitaw.
" may iba pa ba kayong CCTV camera na naka set up na puwedeng makasapol sa bahaging iyan na natatakpan ng puting Van boss ? " Saglit na nag isip si mark at pagkatapos ay may pinindot ito sa kanyang computer at mga ilang sandali pa ay may lumitaw na isa pang video footages na kung saan ay nakuhanan ang bahaging iyon na sinasabi ni inspector Garcia.Bagamat hindi ito ganun ka visible ay ipinagpasalamat narin ni Garcia na may ganoong view.Doon narin sa video na iyon natuklasan kung saan nanggaling ang dalawang lalaki na nakatayo sa tabi ng sasakyan ni Allen. At doon narin na- ispatan ni Garcia na sa likuran ng Van bumaba ang mga ito.
" sandali lang boss paki pause mo nga diyan saglit sa bahaging iyan diyan...oo yan tapos paki zoom mo sandali " tumalima naman si mark.
" dalawang lalaki nga sir " pahayag naman ng kasamahang pulis ni Garcia.
Sa CCTV video ay hindi gaanong malinaw ang mga hitsura ng mga culprit dahil pareho silang nakasumbrero at naka jacket, at mas naging mahirap na makita ang kanilang hitsura dahil nakasuot din ang dalawang lalaki ng shades na kulay dark.
" there you go " may kalakasang nasabi ni inspector Garcia ng makitang naglabas ang mga ito ng tools na maaari nilang gamitin at mga ilang sandali pa ay sinasabotahe na ng dalawang lalaki ang magkabilang gulong ng sasakyan ng dalawang detective sa bahaging harapan.
" mukhang balak nilang palabasin na aksidente ang mangyayari sana kina Allen at Freda tsk tsk pero bakit nila kailangang gawin iyon? " nagtatakang tanong ni Garcia sa kanyang sarili.
" boss hindi mo ba kayang I zoom in sa bahaging iyan baka sakaling makita ang plate number ng ginamit na sasakyan ng mga culprit " sinubukan ding gawin iyon ni Mark pero nabigo ito na ma identify nila ang nais sanang mangyari ni Garcia.
" pasensiya na sir hindi na abot ng CCTV at saka malabo narin sakaling maabot ito ng CCTV dahil lubha itong malayo." paliwanag ni Mark.
Sa pagpapatuloy ng video ay kaagad ding umalis ang puting van makalipas lamang ang limang minuto at dumaan ito sa exit way palabas at hindi na ito nakita kung saang direksyon ito nagtungo.Nanlumo si Garcia dahil sa kakulangan ng ibidensiya upang tukuyin ang nasa likod ng pananabotahe ng mga hindi nakikilalang culprit.Hindi rin ito maaaring gawing basehan na ang nangyaring iyon ay may direktang kaugnayan sa pagkamatay ni Mr. James Perez. Gayunman ay nagpasalamat parin ang grupo ni Garcia sa pamunuan ng STGT at nakumpirma nilang isa nga itong sabotage at hindi aksidente lamang.
" salamat mga bossing sa inyong cooperation at umaasa kami na sa oras na muli ninyong makita ang sasakyang iyan ay mangyaring ipagbigay alam niyo sa amin kaagad " nakangiting pahayag ni inspector Garcia.
" makakaasa po kayo sir " magalang namang pahayag ni Mark na sinang ayunan naman ng iba pang naroon.Mga ilang sandali pa ay tuluyan ng nilisan ng grupo ni Garcia ang the Grove at nagtungo ang mga ito sa kanilang headquarters.
Samantala ay minabuti naman ni Allen na siya na ang magpaliwanag kay detective Nugas sa naging resulta ng kanilang ginawang paghahanap sa nagngangalang Sam Samonte na nasa larawang ibinigay sa kanya ni Mr. James Perez.Partikular ng ginawang pakikipag usap ni Ms. Lala Morales kay Sam Samonte at sa balak ng mga ito na pagkikita kung sakaling payagan niya ito.
" papaano kayo nakatitiyak na si Mr. Sam Samonte nga ang inyong nakita at nakausap sa video ? " sa halip na sagutin iyon ni Allen verbally ay minabuti na lamang niyang i-print out ang larawan sa profile ni Sam Samonte at maging ng identical pictures na mula sa collage photos sa mga previous post ni Mrs. Veronica Perez at pagkatapos ay ibinigay iyon sa kanilang head. Matapos naman itong suriing mabuti ni detective Nugas ay saka pa lamang ito nakumbinsi na iyon nga ang kanilang hinahanap.
" Job well done " nakangiting papuri nito kina Allen at Freda.Nang bumaling ng tingin ang butihing detective sa kanyang sekretarya ay seryoso itong nangusap sa kanya.
" so... Ikaw kung ganun ang makikipagkita kay Mr.Sam Samonte Lala? " hindi makapag salita si Lala sa nasabing iyon ng kanyang boss. Kung sakali kasi ay iyon ang unang pagkakataon na gagawin niya ang tila misyong iyon na may kaugnayan sa kanilang nasimulang imbestigasyon na bahagi sa kasong may kaugnayan sa kanilang kliyente.
" don't worry lala nasa likod mo kami ni Allen! " Saad naman ni detective Freda na gustong ikampante ang dalaga matapos nila itong kakitaan ng pagka bahala sa kanyang mukha.Lumapit naman sa kanya si Allen at saka yumakap ito sa kanya sabay bulong nito na kaagad na nagpangiti sa kanya.Pati sina detective Nugas at Freda ay na curious kung ano ang bagay na ibinulong nito kay Lala na nagpangiti sa kanya ng husto.
" Bukas sir ay makikipag date si Lala kay Sam Samonte at sasamahan namin siya ni Freda." kampanteng sabi ni Allen.
" so tatlo kayo na makikipag kita sa iisang lalaki ganun ba? " tanong ng detective.
" not exactly sir, what i mean is susubaybayan lang namin siya ng palihim, at magpapanggap si Freda na tomboy at ako naman ang magkukunwaring girlfriend niya " kaagad na tumawa ng malakas si Lala at doon pa lamang nahiwatigan ng mga ito ang bagay na ibinulong sa kanya kanina ni Allen.
" so all was set already, but a piece of advice sa inyong tatlo, this person in the name of Sam Samonte is one of the suspect by Mr. James Perez bilang accomplice ng kanyang asawang si Veronica sa planong pagpatay sa kanya. This man might be dangerous and he is probably in a camouflage right now. So you better be ready for any consequences lalo na ikaw Lala kaya ipinapayo ko sa inyo na doblehin ninyo ang inyong pagiingat. Hindi kayo dapat malingat dahil ang salarin ay posibleng nag aabang lamang ng tamang pagkakataon, he might be like an angel in front of you but behind that the devil is right down under your nose " makahulugang pahayag ng butihing detective.Nakadama naman si Ms. Lala Morales ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib sa nakatakda niyang pakikipagkita kay Sam Samonte.Halos hindi na namalayan ni Lala na nag iisa na pala siya sa kanyang opisina at nakaalis narin sina Allen at Freda. Minabuti narin niyang iligpit ang kanyang gamit para sa kanyang maagang pag uwi ng muli siyang mapatingin sa kanyang computer na patuloy paring nakabukas. May kung anong puwersa na nagtutulak sa kanya para buksan muli ang profile ng lalaking nakatakda niyang makita ng personal sa araw ng kinabukasan.Muling lumitaw sa harap niya ang makisig na mukha ng lalaki pagkatapos ay humabi ito ng isang mensahe para kay Sam Samonte.