Chapter 10 " THE SEARCH "

2151 Words
Pinagtulungan ng tatlong babae na katuwang ni detective Leumas Nugas na i-search sa internet thru social media platform ang pangalang Sam Samonte. Wala mang kasiguraduhan kung makikita nila ang kanilang hinahanap na lalaki ay sinubukan parin nila itong gawin at ginamit nila ang pinaka basic na paraan para i-eliminate ang ilan sa mga pangalang may mga nakalagay na profile picture na malayo sa descriptions na nasa larawan. Katulad halimbawa ng mga batang babae at lalaki, mga bakla,at tomboy, mga old personas at maging ng mga lalaki at babae na kasing edad ng nasa larawan ngunit lubhang napaka layo sa hitsura ni Sam Samonte sa larawan compare sa profile picture na nakalagay. Halos magdadalawang oras na sila sa pag scan sa computer at matiyaga namang isinusulat ni Ms. Morales ang mga pangalan ng mga medyo nahahawig sa description ng hinahanap nilang lalaki sa larawan.Rejected narin ang mga hindi nakatira around Metro Manila subalit kung taga ibang Lugar man ito pero nagta trabaho at kasalukuyang naninirahan sa kalakhang maynila ay ikino consider nilang i-verify.Dis-regarded narin ang mga may pangalang Sam Samonte na naninirahan sa ibang bansa katulad ng mga banyaga o foreigner upang mas mapabilis ang kanilang paghahanap. Maga-alas tres na ng hapon ng pansamantalang tumigil ang mga ito para ma-relax kahit papano ang kanilang mga pagod na isipan. Nasa harapan ng tatlong babae ang limang potential prospects na may pagkakahawig sa kanilang hinahanap at bagamat medyo malabo ang kuha ng larawan kumpara sa nakaflash sa tv monitor na naka zoom in na hitsura ni Sam Samonte ay minabuti parin ng mga ito na magbakasakali. Gumawa sila ng Kani kaniyang panibagong account sa google, f******k at maging sa iba pang social media platforms at saka sinubukang I reach out ng mga ito ang limang potential prospects sa pamamagitan ng friend request at iba pang pamamaraan. Minarapat naman ng tatlo na i-search narin nila ang pangalan ni Mrs. Veronica Perez pero lalong sumakit ang kanilang ulo ng tumambad sa kanila ang sangkatutak na larawan na may mga kaparehong pangalan katulad ng mga nasa f******k, messenger, t****k, google at iba pang media platform. Subalit laking pasasalamat ng tatlo ng kaagad nilang malocate ang totoong Veronica Perez na kanilang hinahanap na hindi katulad kanina ni Sam Samonte. Kaagad nilang sinuri ang mga post doon from 2020 up to the latest post nito at matiyaga nilang ini-scan ang mga pictures na naroroon kung may nagma match na larawan na kasama ni Veronica ang isa sa limang potential prospects na nahahawig sa description ng lalaking nasa tv screen monitor. Bigla silang natigilan ng mula sa mga collaged pictures na nasa mga taong 2022 ay lumitaw ang kaparehong kuha ng larawan na ibinigay mismo ni Mr. Perez Kay detective Nugas. Nagkatinginan ang tatlong babae at kaagad na pinalaki ang larawan via Zoom in para mas lalo nilang ma-identify ang awra nito sa actual picture na kanilang hinahanap.At ang resulta ay positibo at nagkakaisa ang tatlo sa kanilang judgement. " BINGO!!! " halos sabay pang nasabi ni detective Freda at Ms. Lala Morales. They focused on one potential prospect na sa tingin nila ay 99.9 percent identical kaya binalewala na ng mga ito ang iba pang apat na pinagpipilian kanina. Pinalaki ni Allen ang profile picture ng lalaki at lumarawan ang mas malinaw na kuha ng kanyang hitsura, isa siyang makisig na lalaki at maski medyo plain ang kutis ng kanyang balat sa kanyang mukha ay kita parin sa awra ng lalaki ang pagiging balbas sarado nito ngunit sa kuhang iyon ay halatang ito ay bagong ahit .Kapansin pansin din ang pagkakaroon nito ng kissable lips na hindi sigurado ng tatlo kung dahil ito sa epekto ng filter o likas na sa kanya ang gayon. Tulad sa mga nakakaraming profiles na nagkalat sa ngayon ay nakalagay doon ang kanyang status bilang Digital Creator na may followers na 399 at siya ay nakatira sa JP Rizal Street, Washington Makati City.Makalipas pa ang ilang minuto ay may mga nag confirmed na sa mga friend request ng tatlong babae at excited ang mga ito na tinignan kung isa sa kanilang nag-iisang final prospect ang tumugon sa kanilang request at hindi naman sila nabigo sa kanilang inaasahan.Napatingin sina Allen at Freda sa direksyon ni Ms. Lala Morales. " OMG why me?,I regret kung bakit pa ako sumali sa inyo it supposed to be you Allen or you Freda! " tila protesta ng secretary ni detective Nugas na si Ms.Lala Morales.Napapangiti naman ang dalawang detective sa nakikitang reactions ng dalaga. " eh ikaw lang naman ang kinumpirma niya so labas na kami diyan he he " nakangiting tila pang aasar ni Allen. " so what's the next step? " si Lala habang palipat lipat ng tingin sa dalawang detective. " chat him ! " susog naman ni Freda. " Omg naman talaga hindi ako sanay makipag chat sa hindi ko kakilala " nakasimangot na sabi ni Lala. " Wala tayong magagawa mas type niya siguro ang may curly brown hair,may mahabang eyelashes at medyo chubby na sexy " nakangiting sabi ni Allen. Napilitan na mag send ng message si Lala kay Sam Samonte. " Hello " Hindi nagtagal ay nag reply ito. " hi there Ms. charming eyes " napatingin ito sa dalawa na wari ay hindi alam ang kanyang isasagot at nagpapatulong sa kanila.Agad naman siyang Sinenyasan ni Allen na umusog siya ng bahagya at siya ang magtutuloy ng conversations. " how old are you Sam? " birada ni Allen. " I'm 35 years old already, how about you? " saglit na nag isip si Allen. " I'm 29 years old, if you don't mind my asking, are you married already? " " no, I'm still single " " puwera biro Sam " " yeah it's true, why did you ask? " " nothing Sam, I'm just curious " " kidding aside, may asawa na ako dati but she's gone now " " what do you mean by that? " " what I mean is namatay siya a couple of years ago " " oops I'm sorry to hear that " " no it's okay, how about you are you engaged to someone? " " yeah but I'm still confused with my feelings towards the guy " nanlaki ang mga mata ni Freda at Lala sa sagot na iyon ni Allen at mukhang game na game ito sa kanilang sagutan sa chat. " how sad, if hindi ka sigurado sa feelings mo sa kanya you better off with him kasi medyo tagilid yan " " well, I think your right Sam but I'm so scared for the consequences " natagalan si Sam Samonte bago ito nag response. " can I call you now Lala? I want to see you in an actual video kung okay lang sayo " tila awtomatiko naman ang sagot ni Allen. " Later Sam, magpapaganda muna Ako before you do that, let's just talk muna " " haha your so funny " " sa profile mo dito Sam you looked so great " " thanks for the compliment, ikaw din i find you so attractive " Hindi man aminin nina Freda at Lala ay naroon ang kilig moments sa pagitan ng dalawa.Lalong Lalo na sa mga sweet na litanya ni Sam Samonte. " can I call you now? " mas lalong nagprotesta si Lala ng sabihan siya ni Allen na umupo na siya sa harap ng computer. " go girl kaya mo yan! isipin mo na lang na isa lang itong trabaho at walang personalan, go with the flow and rely on your instinct." pampa good vibes na pahayag naman ni Freda.Nang marinig ito ni Lala ay inayos Niya ang kanyang posture at sinuklay ang kanyang buhok, nagpahid ng powder sa pisngi at naglipstick gamit ang vogue lipgloss saka humarap sa kanyang computer.Pumuwesto naman ang dalawang detective sa kanyang magkabilang side na tiyak na hindi makikita ni Sam Samonte. " okay you can call me now Sam I'm ready " at an instant ay nagpangita ang dalawa. " oh hi, I did not expect that you're more attractive than what i thought, honestly speaking you look amazing " " Thank you Sam, pero napaka bolero mo pala " Todo ang ngiti ni Lala habang itoy nagsasalita. " at sa lahat ng bolero sa mundo ako ang hindi marunong magsinungaling " " grabe siya oh, well anyway talaga bang 35 years old kana Sam? " " hindi pa ba obvious? " " not really, you looked younger than your age " " haha now who's talking? " " hindi kita binobola noh ? " napapairap si Lala sa dalawang babae na nakikinig sa kanya na halatang pigil na pigil sa pagtawa. " maiba naman tayo Sam, seriously speaking... nasabi mo kanina na may asawa kana pero sad to say ay namatay siya, would you mind if I ask kung anong ikinamatay ng wife mo? " " she died of cancer, and sorry lala if I don't want to talk about it " malungkot na sabi ni Sam na hindi mawari ng tatlong babae kung nagsasabi ito ng totoo o nagkukunwari lamang. " okay sorry din, pero... nagkaroon ba kayo ng anak? " medyo nag alangan siya sa tanong pero itinuloy parin niya. " unfortunately Hindi kami pinalad na magkaanak, she died while she's 2 months pregnant... it's too painful to bear " maski sina Allen at Freda ay nakadama ng lungkot sa sinabi nito. " sorry for being topsy turvy Sam it's not my intention to make you sad " " it's okay Lala, by the way... puwede bang Ako naman ang magtanong sayo? " " okay Sam go ahead I'm listening " " bakit ayaw mo pang magpakasal sa boyfriend mo ? " " forgive me Sam but I'm not engaged! binibiro lang kita kanina at gusto ko rin makita kung ano ang magiging reactions mo" napangiti naman ang dalawang detective sa pag shift nito ng gear to make the momentum steady. " ganun ba haha, I'm so glad to hear that" " ha bakit naman? " kunwaring tugon ni Lala. " hmmn... ibig lang sabihin nun ay may pag asa pa pala ako " " agad agad? " tila kinikilig din si Lala sa mga sweet nothings na ipinupukol ng ka chat niyang lalaki.In reality, sa edad ni Lala na 27 years old ay hindi pa siya nakaranas magka boyfriend pero mahilig siyang magbasa ng mga romance novels na madalas na Pini features sa dreame app at maging sa yugto na under ni stary writing lalong lalo na ang mga pinopromote ng isa sa top Contributor nito na si Bhie Rambonanza Inson. Madalas pag break time niya at walang ipinapagawa sa kanya si detective Nugas ay nagbabasa siya at doon niya napi-feel kung paano ma-inlove sa mga karakter na nilikha lamang ng mga malilikot na imahinasyon ng mga writer. " hello are you still there? " doon pa lamang tila nagising si Lala at hindi namalayan na nag off pala ang video sa kanyang computer sa tagal niyang mag imagine pero ng marinig nito ang nananatiling audio ay muli niyang pinindot ang on button. " do you believe in love at first sight lala?" muling tanong ni Sam Samonte. " well ewan ko kasi hindi ko pa nararanasan yan hehe" tila wala sa loob na tugon ni Lala. " saken naman ay naniniwala na ako ngayon, actually kausap ko siya ngayon " " hahaha are you courting me Sam? " " if fate will permit gusto na kitang iuwi sa bahay at gagawin kitang Reyna ng aking tahanan " " OMG are you serious? " " yeah I'm deadly serious at kung okay lang sayo ay yayayain sana kitang magkita tayo ng personal and I'm begging you to accept my request but... don't forced yourself to get in I'm willing to wait for your approval. " nag thumbs up naman ang dalawang detective dahil iyon naman talaga ang main goal nila ang makaharap at makilala ang sinasabing kalaguyo ni Mrs. Veronica Perez ayon mismo sa kanyang asawang si Mr. James Perez. " okay Sam I'll think about it... no worries Sam I'll let you know whenever I'm ready to meet you in person but don't expect too much from me Sam I'm not as beautiful as what you first thought that I am " kaagad ng ini-off ni Lala ang video cam at Hindi na niya hinayaan si Sam na makapag rebuttal pa ng mga makalaglag panga na mga litanya. " great acting Lala I'm so proud of you! " Saad ni Allen na sinang ayunan naman ni Freda.Nasa gayun silang paguusap ng muling bumukas ang pintuan at pumasok doon ang kanilang head. " any developments so far? " usisa ng detective na halatang nakabawi na ng lakas dahil sa kanyang ilang oras na pamamahinga.Nagkatinginan naman ang tatlong babae at nagpapakiramdaman kung sino sa kanila ang magpapaliwanag tungkol sa napipintong pagkikita ng kaniyang sekretarya at ni Mr. Sam Samonte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD