Chapter 9 " THE FORTUNE "

1725 Words
Agad na itinawag nina Allen at Freda kay detective Nugas ang nangyari sa kanilang sinasakyang kotse. Nabahala naman ang kanilang head at kaagad na tumawag sa pinaka malapit na himpilan ng pulisya upang makunan ng report ang nangyaring sa kanila. Agad din niyang ipinag utos kay Ms.Lala Morales na kontakin ang kakilala niyang Towing Company upang Kunin ang sasakyan matapos itong igawan ng kaukulang report sa biglaan nitong paggewang habang nakasakay ang kanyang dalawang junior detective patungo sa kanilang headquarters. Pasado alas onse na ng tanghali ng matapos ang mga alagad ng batas na suriin ang nangyari sa sasakyan nina Allen at kumpirmadong may sumabotahe nga sa kanila kaya kaagad na ipinag utos ni Chief inspector Ronaldo De Vera sa kanyang deputy na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa nangyari at ipinag utos na tignan ang lahat ng CCTV footage upang malaman kung mayroon doong makikita na kahinahinalang mga tao na siyang may kagagawan ng pananabotahe.Kinuhanan din ang dalawa ng detalye sa kanilang pagpunta sa Star Grove at kung saan nila ipinark ang kanilang sasakyan.Nang tuluyan ng i-tow ang sasakyan ng dalawang detective matapos ang ilan pang palitan ng kumento sa pagitan ng dalawang panig ay tuluyan na silang naghiwahiwalay. Nagpanukala naman si Detective Nugas at sinabi sa kanilang mag taxi muna ang mga ito sa pagtungo nila sa kaniyang opisina. Pagsapit ng dalawa sa opisina ni detective Leumas Nugas ay naihanda narin ni Ms. Lala Morales ang pagkain na inorder nito sa Food Panda dahil alanganin narin ang oras kung kakain pa sila sa labas.Pinagsaluhan ng apat ang pagkain habang unti unti nilang tinatalakay ang ilang bahagi ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa mga taong naroon sa Star Grove Tower partikular ng dalawang mataas na opisyal ng nasabing kumpanya. " maliban kay Mr. James Perez sino sino pa ang mga pinaghihinalaang involved sa naturang embezzlement case Allen? " " ayon po sir kay Mr. Dwight Arevalo ay kasama rin sa pinagsususpetsahan ang vice president na pamangking buo ng may ari ng TSGT at maging ng ilang kawani ng kumpanya at maging sila man daw ay hindi rin ligtas o exempted sa nasabing usapin ng fraudulent case." Saad ni Allen. " Nabanggit ba ni Mr. Dwight Arevalo kung magkano ang nawawalang pondo ng kanilang kumpanya? " " sa initial findings daw po ng kanilang board of directors ay umaabot na ng humigit kumulang na isang bilyong piso sir " tugon ni Allen.Napatango si detective Nugas, napa-isip siya na ang ganoong kalaking halaga ay sapat na para gumawa ng isang karumal dumal na krimen lalo na sa mga panahong ito na labis na ang pag-ibig ng tao sa salapi. " Tinukoy na raw ba ng board kung sino ang naka diskubre ng nasabing embezzlement at pinangalanan na raw ba ng itinuturong nakatuklas nito ang mga kasangkot dito? " " ayon parin kay Mr. Arevalo ay mukhang si Mr. Perez ang itinuturong siyang nagbigay ng report sa isa sa mga board of director at nangako diumano na ilalantad niya ang lahat ng mga kasangkot bago matapos ang buwan dahil inaalam pa raw umano nito ang kumpletong listahan mula sa pinaka mataas na opisyal hanggang sa pinaka mababang posisyon. Pero taliwas naman ito sa mismong paniniwala ng nakakarami kabilang na ang CEO na si Mr. Perez daw diumano ang pasimuno ng lahat ng nangyayaring kalokohan sa loob ng TSGT. " mahabang paliwanag ni Allen.Napailing ang detective at naisip niyang mukhang masalimuot ang tinatahak na direksyon ng kanilang imbestigasyon. Napunta naman ang usapan sa ginawang pakikipagusap ni detective Freda sa Presidente at presiding COO ng TSGT na si Mrs. Kelly Morgan Wilder. " Batay naman po sir sa aking ginawang panayam kay Mrs. Wilder ay nagsisimula na raw umusad ang imbestigasyon sa pangunguna ng mga board of directors at kinumpirma din niyang umaabot na nga raw po sa mahigit sa isang bilyong piso na kinita ng kumpanya ang nawawala. Binanggit din sa akin ni Mrs. Wilder na maituturing pa nga raw na isang late hero si Mr. Perez dahil sa pagkakadiskubre niya ng mga nangyayaring anomalya.Hindi rin daw siya tutol kung sakaling ibigay kay James ang lahat ng mga benefits na entitled sa kanya." may kahabaang salaysay ni Freda. Naging interesado naman si detective Nugas sa nabanggit ni Freda na benifits na matatanggap ng kanyang kliyente. " Naitanong mo rin ba kay Mrs. Wilder kung magkano sa estimate niya ang makukuhang kabuoang halaga ni Mr. Perez sakaling aprubahan iyon ng kanilang board of trustees at lagdaan naman iyon ng may ari ng TSGT. " tila excited na tanong ng detective. " naitanong ko nga rin po ito sir at nasabi sa akin ni Mrs. Wilder na hindi bababa sa 200 million pesos ang makukuha ni Mr. Perez bukod pa sa kanyang insurance policy sa nangyari sa kanyang biglaang malagim na pagkamatay na nangyari sa loob pa mismo ng premise ng TSGT. " Lumarawan sa isipan ni detective Nugas ang mala Diyosang mukha ni Veronica, ang kaisa isang benificiary ng yumaong Perez. " samakatuwid ay instant millionaire na pag nagkataon ni Mrs. Veronica Perez! " tila wala sa sarili na nasabi iyon ni detective Nugas. Nagkatinginan naman ang tatlong babae. Nagpaliwanag naman sa kanila si detective Nugas at atentibo namang nakinig ang mga ito sa kuwento ng detective lalong lalo na ng banggitin nito ang tungkol sa kanilang Maid sa mansion na tila may nalalaman sa totoong nangyaring pagkamatay ni Mr. Perez. " so anong plano niyo ngayon sir? itutuloy pa ba natin ang ating nasimulang imbestigasyon sa pagkamatay ni Mr. James Perez? " tanong ni Allen.Saglit na nag isip ng sasabihin ang detective bago ito nag kumento sa tanong na iyon ni Allen. " iniisip ko na nga ang bagay na ito kanina pa bago kayo dumating dito.Kanina ay napagdesisyunan kong huwag nang ituloy ang pagiimbestiga sa kaso ng pagkamatay ni Mr. Perez at ipaubaya na lamang sa kapulisan ang lahat pero nagbago iyon ng tumawag kayo sa akin at ipinaabot ang balita na may sumabotahe sa inyong dalang sasakyan.Napag isip isip kong there is more deeper than Mr. Perez dramatical death! kaya naipasya ko sa aking sarili na kailangan kong ituloy ang ating nasimulan. Infact bago umalis si Mr. Perez ng gabing iyon sa aking tanggapan ay nag iwan siya ng paunang bayad para sa unang Linggo ng ating isasagawang serbisyo para sa kanya. " inilabas ni detective Nugas ang post dated cheque na pirmado ni Mr. Perez at nakalimbag doon ang amount na 500,000 pesos. " Please kindly encash this cheque at the end of the month Lala " iniabot ng detective ang tseke sa kanyang secretary at agad naman iyong kinuha ni Ms. Morales at isinama sa mga top priority nitong gagawin. " siyempre kasabihan ng lahat na hindi naman aandar ang sasakyan kung walang gasulina, at ang perang iyan ay magagamit natin sa patuloy nating isasagawang imbestigasyon sa kanyang pagkamatay at maging sa nais nitong pagsubaybay sa kanyang asawang si Veronica na siyang sinabi nitong prime suspect sa ipinapadala sa kanyang poison letter na naglalaman ng threat sa kanyang buhay. Hindi ko na hinahangad ang kabuoang bayad dahil alam naman natin na patay na siya, pero ang hinahangad ko ay ang katotohanan, as what written in our vision and advocacy kaya nabuo ang grupo natin na bagamat kakaunti tayo sa bilang kumpara sa ibang private company na katulad natin,pero ang pinagka iba natin sa kanilang lahat... our ultimate goal is to FIND THE TRUTH AND THE TRUTH WILL SET US FREE! hinango ko ito sa bibliya.Saglit na napapikit si detective Nugas dahil naalala niya ang nangyaring misteryosong pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na asawa kasama ng nagi-isa nilang anak na babae labin limang taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa niya nabibigyan ng kalutasan. Muli siyang nagmulat ng mga mata.Mga ilang sandaling katahimikan bago binasag iyon ni Freda. " so ano po sir ang susunod nating gagawin? " " sa ngayon ay ipaubaya muna natin sa grupo ni Inspector De Vera ang tungkol sa sinapit ni Mr. Perez sa Star Grove Tower at maging sa pananabotahe sa inyong sasakyan. Mag focus muna tayo sa paghahanap sa mga taong may kaugnayan kay Mrs. Veronica Perez " Sinenyasan ng detective ang kanyang sekretarya na buksan ang nito ang computer na naka connect sa isang malaking tv monitor kung saan naka flash doon ang larawan ni Mrs. Veronica kasama ng isang lalaki na pinangalanan ni Mr. Perez na si Sam Samonte. " gusto kong hanapin ninyo ang lalaking iyan na ayon kay James Perez ay kalaguyo ng kanyang asawa.Mariin itong itinatanggi ni Veronica pero may kutob ako na may malaking maitutulong sa ikalulutas ng kaso kung makakausap natin ang lalaking ito. " paliwanag ng detective.Pinagmasdan ni Allen ang larawan at maging siya man ay humanga rin sa taglay na kagandahan ni Veronica, her simplicity means a lot, at maski babae siya na may angkin ding ganda ay hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na humahanga siya sa pisikal na kaanyuan nito na tila maihahalintulad sa mga created AI character na perpekto ang pagkakagawa. Maging si detective Freda Parazo din ay hindi napigilang magkumento. " she's so beautiful " malakas nitong nasabi na sinang ayunan naman ni Ms. Morales. Napagtuonan naman nila ng pa sin ang lalaki sa larawan na nagngangalang Sam Samonte, guwapo rin ito at maganda ang katawan na animoy isang celebrity sa isang indian or Turkish film na kahalintulad ng isang Bida sa pelikulang ' water and fire '. " nabanggit ba ni Veronica sir kung saan nakatira itong si Sam Samonte? " napailing lang ang detective at pagkatapos ay ngumiti ito sa kanyang secretarya.Muli niya itong sinenyasan at agad naman itong tumalima sa utos ng kanyang boss.Tumipa ito sa keyboard ng computer at lumabas ang napakaraming pangalang SAM SAMONTE. " we have no choice but to start with a scratch " pahayag ni detective Nugas. Nang tignan ng dalawang detectíve ang mga listahan na ibinibigay ni f*******: sa pangalang itinype ni Lala ay naglabasan ang mga taong may gayong pangalan, mayroong babae, may lalaki, may mga bata at mayroon ding matatanda at higit sa lahat ay nasa magkakaibang lugar. " sige maiwan ko muna kayo diyan at suriin niyong mabuti kung may isang nagmamatch sa description ni Sam Samonte sa Larawang ibinigay ni Mr. Perez... sige Allen, Freda, Lala magpapahinga muna ako sandali." naiwan ang tatlong kababaihan at hindi maiwasan ng mga ito na magkatawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD