Nagtungo naman si detective Allen Mendoza kasama ni detective Freda Parazo sa THE STAR GROVE TOWER para kausapin ang mga nabanggit ng kanilang senior detective na mga personalidad. Hindi naman sila nabigo na makausap ang mga ito, at gaya ng panukala ni detective Nugas ay isinagawa nila ang pagsisiyasat ng sabay sa magkahiwalay na dako upang sa gayun ay mas mapabilis ang pag usad nang kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Halos kararating lang ni Mr. Dwight Arevalo,ang presiding CEO ng THE GROVE ng dumating sina Allen at Freda sa kanilang tanggapan at mapitagan nitong hinarap si detective Allen.Hindi maiaalis sa mga mata ni Mr. Arevalo ang paghanga sa kaharap niyang detective.
" p-please have a seat detective " nakangiting pahayag ni Mr. Dwight Arevalo habang patuloy parin siyang nakatingin sa sophisticated na awra ni Allen.
" Thank you sir sa pagbibigay niyo sa amin ng pahintulot na kayo ay aming makausap " panimulang sabi ni Allen habang matama din niyang pinagmamasdan ang awra ng kanyang kaharap. Sa maikli niyang pagsusuri kay Mr. Arevalo ay una niyang napansin ang tila wig nitong buhok na tila na dis arranged pa ng bahagya ng siya ay napayuko para ialok sa kanya ang isang upuan sa kanyang opisina. Nagmukha itong nerd professor na tampulan ng tukso ng mga pasaway niyang estudyante. Sa estimate ni Allen ay may edad na ito na hindi baba sa 35years old pataas, maputi ito at medyo chubby at may taas na hindi lalagpas sa 5feet 9inches napansin niya ito ng sila'y kapwa nakatayo.
" we-well, do you care for anything like something to drink mam? coffee or tea detective...? " medyo nagkanda utal utal na pahayag nito na sinadya din niyang i-hinto ang kanyang pagsasalita sa huling part na yun na agad namang sinagot ni Allen.
" my name is Allen Mendoza sir , thanks but no sir! don't bother yourself we came here for a reason, and as part of our inquiry ay hindi maiiwasan na kuhanan ng pahayag hanggat maaari ang lahat ng nandito noong mangyari ang insidente ng pagsabog sa opisina ni Mr. James Perez. " medyo sinadya ring bigyan ni Allen ng emphasis ang kanyang mga sinabi upang ma-absorb nito ang gusto niyang iparating na mensahe.
" may ilang bagay lang kami na gustong linawin sir, dahil kayo po ang kasalukuyang presiding CEO ng the GROVE TOWER ay maaari niyo po bang kumpirmahin sa amin kung talagang may nangyayaring corruption or embezzlement sa loob ng company ? " maliwanag ang tanong na iyon ni Allen at ang isa sa maaaring makasagot nito ay walang iba kundi si Mr. Dwight Arevalo.
" as far as I am concern we can't give an official detail right now.As of to date ay nagtalaga na ang aming mga board of directors ng mga trusted individual na magsisiyasat sa source of fund ng kumpanya sa iba't ibang departamento and to be honest detective it seems likely that some scheming fraud found by someone na hindi pa pinapangalanan ng board of directors" propesyonal na paliwanag ni Mr. Arevalo.Ipinagtaka ni Allen ang mabilis na pag shift ng identity ng kanyang kaharap,from nerd professor into a cunning instructor.
" May kinalaman ba si Mr. James sa nangyayaring embezzlement sir? " direktang tanong ni detective Allen.
" well hindi naman sa idinidiin ko si James dahil siya ay wala na pero in my opinion... mukhang may kinalaman siya sa nangyayaring anomalya at kung hindi man siya ang mastermind ay malamang na isa siya sa mga allied ng pagtransfer ng property ownership ng mga condominium units na naibenta na pero ibinenta pa ulet." medyo pabulong na nasabi ng presiding CEO at bagamat nasabi niya kanina na hindi pa nila opisyal na mareresolve ang detalye kung may mga high level officials na involve ay mukhang mayroon na itong sariling opisyal na suspek at iyon ay si Mr. James Perez.
" Ano naman sir ang masasabi mo sa nangyaring insidente ng pagsabog na ikinasawi ng inyong executive secretary." gustong tiyakin ni Allen kung consistent ito sa kanyang opinion na si James ang pinaka utak ng nangyayaring nakawan sa kabang yaman ng TSGTower.
" again it's still my opinion not a facts, na ang may kagagawan ng pagsabog ay nasa loob din ng bakuran ng TSGT meaning to say may mga kasabwat na empleyado na nasa mababang level at lahat sila ay nakatikom ang bibig dahil lahat sila ay naka payroll, maski yung mga mababang managers na may mga sobra sobrang overtime na sa totoo lang ay wala naman siya nang time na iyon and I think even yang mga security officers ay malaki din ang tinatanggap ng mga iyan, of course wala pa akong data na pinanghahawakan sa ngayon pero sakaling mapatunayan ay posibleng mawalan sila ng trabaho and some of them may put into jail with 20 years imprisonment if I'm not mistaken " biglang nagbago ang pananaw ni Allen sa kausap niyang nerd na ngayon ay nag transform bilang master planner.Siya yung tipo ng tao na aakalain mong tatanga tanga but deep inside ay kaya ka niyang lamunin ng patalikod.
Samantala ay kasalukuyan namang naguusap si detective Freda at Mrs.Kelly Morgan Wilder ang presidente na siya ring tumatayong COO ng kumpanya. Siya ang nagmamanage ng mga on going transactions sa iba't ibang projects na ipinagkatiwala sa kanya. Nang kunan naman siya ng pahayag kung ano ang masasabi niya tungkol sa nangyaring malagim na insidente ng pagkamatay ni James Perez ay kaagad naman itong nagpahayag ng kanyang mga saloobin.
" Hindi ko kilalang personal si James pero hindi ako naniniwala sa mga bulong bulungan na siya ay may kinalaman sa nangyayaring nakawan sa kumpanya. "
nakatingin ito sa kawalan habang itoy nagsasalita.
" sa tingin niyo po ba ay may malaking kaugnayan ang pagkakapaslang kay Mr. Perez sa nangyayaring anomalya sa kumpanya Mrs. Wilder? " tanong ni Freda.
" well hindi naman sa gusto ko lang na maiba pero halos lahat ng mga narito ay iyon ang iniisip na sinadya siyang patayin dahil hindi na siya makontrol ng mga kasamahan din niyang nagkakamal ng milyon milyong halaga na inililipat sa iba't ibang mga credit accounts.Napaka broad ng usaping ito at nangangailangan ng malalim at seryosong pagsisiyasat, kung ang mga trusted individual na ilalagay ng mga board of directors na kasama ring nakinabang sa mga nasabing scheming fraud ay mawawalan ng saysay ang isasagawang pagsisiyasat at posibleng mapilitan ang kumpanyang magsara ng tuluyan."
mahabang paliwanag ni Mrs. Kelly.
" sa personal kong pananaw ay maituturing pa nga si Mr. James Perez bilang isang LATE HERO dahil sa kanyang natuklasan,ninais niya marahil na ibunyag sana ang kanyang mga natuklasan pero dahil maraming masasagasaan kaya ginusto na lamang ng mga ito na siya ay manahimik upang hindi na niya maisiwalat ang kanyang mga nalalaman. At iyon na rin ang naging mitsa ng kanyang naging kamatayan." mahabang paliwanag ni Mrs.KM Wilder.Ipinaliwanag din ng Presidente at COO nang TSGT Company na hindi malayong babagsak sa hinaharap na panahon ang kumpanya kung hindi nito magagamot at masusupil ng tuluyan ang anay na unti unting kumakain sa pinaka pundasyon nito.
" natukoy niyo na po ba kung sino sa mga highest ranking officials ang posibleng kasapakat ng mga ito at siya ring may kagagawan sa nasabing scheming fraud." usisa ni Detective Freda.
" as of now ay wala pang malinaw na pahayag tungkol dito pero umaasa ako na bago matapos ang buwang ito ay lalabas din ang katotohanan sa pagka matay ni Mr. Perez " Nagpatuloy pa ang ginawang pagtalakay nang dalawang detective sa magkahiwalay na dako at makalipas pa ang ilang oras ay muli silang sabay na lumabas ng TSGTower na walang nakuhang malinaw na pruweba na magpapatunay na ang nangyaring pagsabog na ikinasawi ni Mr.James Perez at kliyente ng kanilang Senior Detective ay may kinalaman sa embezzlement.
Pawang mga espekulasyon lamang ang karamihan ng mga binabanggit ng iba pang nakausap nila sa loob at pawang walang sapat na batayan.Sa daan habang patungo ang mga ito sa kanilang head quarters upang iulat kay detective Nugas ang kanilang nakalap na mga balita ay napagusapan ng dalawa ang kanilang naging tila interview sa matataas na opisyal na kanilang nakausap at doon nila nadiskubre ang opposing opinions ng CEO at COO ng the GROVE sa dahilan ng pagkamatay ni Mr. James Perez. Nasa gayun silang paguusap ng bigla na lamang gumewang ang minamanehong kotse ni Allen at muntik na itong makabanggaan ang isang motorsiklo na mabilis na tumatakbo pasalubong sa kanya at mabuti na lamang at kaagad itong nai-preno ni Allen kung hindi ay malamang na pinaglalamayan na ang driver ng motorsiklo. Dali daling bumaba si detective Allen matapos nitong i-hinto ang kotse na halos nasakop na nito ang kalahati ng lane sa kabilang linya. Patakbong pinuntahan ni Allen ang sakay ng motor na halata ring niniyerbiyos sa nangyari.
" Hey are you okay, I'm sorry I was out of control pero hindi ko sinasadya medyo nagloko yata ang sasakyang minamaneho ko pasensiya kana talaga. "
hindi naman siya napano pero, inalok parin siya ni Allen ng assistance kung may nararamdaman siyang kakaiba dahil sa nangyari at humingi siya ng paumanhin sa hindi niya ginustong pagkakamali.Sinabi naman ng babaeng sakay ng motor na okay lang siya pero niniyerbiyos siya ng husto sa nangyari.
Nang makabawi sa kabiglaanan ang babaeng sakay ng motor ay saka ito nagsabing ayos na siya at saka muli niyang inistart ang kanyang motor at si Allen ay muli ring bumalik sa kinaroroonan ng sasakyan. Napansin niya si detective Freda Parazo na tila may tinitignang mabuti sa magkabilang gulong ng harapan ng kotse at nang mag angat si Freda ng mukha ay saka siya nagbigay ng remarks na ikinabahala ni Allen.
" May sumabotahe sa gulong ng sinasakyan natin Allen " mariing sabi ni Freda.Kaagad ding sinuri iyon ni Allen.Napatunayan niyang totoo ang sinabing iyon ni Freda.Dahil niluwagan ang mga turnilyo ng gulong ng kanilang sasakyan at ang matindi ay sinadya pa niyang bawasan iyon.Nangilabot si Allen sa kanyang naisip... na balak silang ipahamak ng hindi nila nakikilalang intruder na walang duda na nasa loob mismo ng THE STAR GROVE TOWER.