Chapter 17 " THE FEAR "

1583 Words
APRIL 17,2023 (3:16 PM), nakauwi ng payapa ang magkapatid na Edwin Saños at Joan Castillo sa kanilang tahanan at sa tulong ng kanilang agency ay halos wala silang ginastos sa ospital. Nagbigay din ng tulong pinansyal ang may ari ng The Grove Tower sa magkapatid at Pinayagan din sila na mag leave muna pansamantala at pinayagan na magbakasyon muna ng isang buwan para sa kanilang lubusang pag-galing at nangako ang pamunuan ng The Grove na buo parin ang kanilang sahod sa loob ng isang buwan nilang pamamahinga. Magkapitbahay lamang ang magkapatid na Saños at Castillo kung kayat Malaya ang mga ito na makapag usap kahit anong oras nila ibigin. " kuya edwin bakit ayaw mong sabihin dun sa imbestigador ang totoong nangyari? " tanong ni Joan. " hindi ka ba nagi-isip Joan!? ano ba sa tingin mo ang mapapala natin kung sasabihin pa natin ang tungkol sa kanilang pinagtatalunan ha!? bibigyan ba nila tayo ng premyo? at saka mas mabuti na yung unang sinabi natin at pagkatapos nun ay huwag nalang tayong magsabi ng iba pang kuwento at ikaw pigilan mo ang bibig mo dahil baka iyan pa ang maging dahilan ng ikapahamak natin at yang matabil mong dila ang magdala sa atin sa malaking prublema... tandaan mo itong sasabihin ko Joan na napaka laki ng utang na loob natin at kung hindi dahil sa kanilang tulong ay malamang na hanggang ngayon ay patuloy parin tayong nangangalakal sa may payatas. " mahabang paliwanag ni Edwin. Hindi naman nakaimik si Joan sa kanyang mga narinig dahil siya ang buhay na saksi na totoong lahat ng sinabi ng kanyang kuya. Muling nanariwa sa alaala ni Joan ang mga nakaraan... kapwa sila walang maayos na hanap buhay ni Edwin at maging ng kanyang asawa. Ang tanging ikinabubuhay ng mga ito ay ang pangangalakal ng basura sa may payatas dumping site pero kahit ubusin pa nila ang buong maghapon sa pagkalkal ng basura ay hindi parin makasasapat para matustusan ang kanilang pang araw araw na pangangailangan.Hanggang isang araw sa hindi inaasahang pangyayari ay nahagip ang kanilang ginagamit na kariton ng mga kalakal ng isang kotse na mabilis na tumatakbo sa kanilang direksyon na muntik nang ikinasawi ng kanyang asawang si Rodel.Dahil sa pangyayaring iyon ay naging bed ridden ang kanyang asawa kaya siya ay napilitang itaguyod ang kanyang pamilya ng mag isa. Dalawa ang kanilang anak na parehong nag aaral ng elementarya kaya ng pakiusapan sila ng abogado ng mga nakabangga sa kanila ay wala na silang pagpipilian kundi tanggapin ang offer ng kabilang kampo.Hindi na sila magsama ng kaso sa husgado dahil mismong ang mga nakabangga sa kanyang asawa ang nag offer na magbigay Sila ng daños perwesyo sa kanilang nagawang aksidente at nangako ang mga ito na sasagutin nila ang anumang gastusin nila sa ospital at nagbigay pa sila ng malaking halaga para sa kanilang gagamitin sa pang araw araw nilang pangangailangan habang kasalukuyang ginagamot si Rodel.Halos tatlong buwan ang ginugol nila sa loob ng ospital bago nila naiuwi sa kanilang bahay si Rodel.Hindi naging madali sa umpisa ang naging kalagayan ni Rodel dahil nagmistula itong lantang Gulay na kailangan pang alalayan katulad halimbawa ng paghiga niya sa kama, sa pagpunta niya sa CR upang maligo at dumumi at maging ng pagkain at pag inom ng tubig ay kailangan pa siyang subuan. Naging lubhang mahirap para kay Joan ang kanilang naging sitwasyon at maging ng kanyang kapatid na si Edwin ay wala ring magawa para siya ay tulungan dahil tulad niya ay kapos din ang mga ito ng pangangailangan.Hanggang isang araw ay dumalaw sa kanila ang sa kanyang asawa at gusto nila silang tulungan para makapasok silang magkapatid sa trabaho.Inalok din si Joan na kung papayag siya ay sila na lamang ang magpapaaral sa dalawa nilang anak hanggang sa makatapos sila ng college.Laking pasasalamat nina Joan at Edwin sa naging pagtrato sa kanila ng nakabangga sa kanyang asawa.Naisip nila na tama ang kanilang desisyon noon na iurong ang kaso na sinang ayunan din noon ng PAO na humahawak sa kanilang kaso.Mabuti na lamang at nakipag areglo sila noon ni Edwin dahil diumano ay isa naman itong aksidente at hindi sinasadya. Mula noon ay mas guminhawa na ang kanilang buhay at pamumuhay lalo na ng sila ay kapwa makapagtrabaho sa THE GROVE bilang Janitor at Janitress sa tulong din mismo ng nakabangga sa kanila.Tinulungan din sila na makapag-avail ng sarili nilang bahay thru PAG-IBIG fund kung kaya nakalipat ang magkapatid sa isang desenteng bahay na duplex type na nakatayong mainam sa corner lot ng isang average town houses na pinangalanan ng developer na JERGENS SUBDIVISION.Tuluyan na nga silang nakaalis sa may slum o squatters area,isang lugar na kanila naring nakasanayan mula pa pagkabata . " ano ang iniisip mo Joan? " nagbalik ang gunita ni Joan ng marinig nitong muli ang tinig ni Edwin. " Wala kuya naalala ko lang ang dati nating buhay at pamumuhay. Malaki rin ang pasasalamat ko dahil sa unti unti naring pag buti ng kalagayan ni Rodel⁷⁶⁶⅚. Hindi narin siya masyadong alagain ngayon dahil naigagalaw na niya ang kanyang mga kamay at paa at kaya narin niyang kumain at uminom ng tubig ng mag isa.Maging ng mga anak ko ay maayos ng nakakapasok sa eskuwelahan dahil sa patuloy nilang pagtulong sa akin " pahayag ni Joan. " kaya nga iyan ang gusto kong laging ipinapaalala sayo Joan. Itikom mo na lamang ang iyong bibig at huwag kang magsasalita ng anumang laban sa kanila tutal ay Wala pa namang sapat na ebidensiya kung... " hindi na itinuloy ni Edwin ang kanyang sasabihin. Napabuntong hininga na lamang si Joan bago ito muling nangusap. " oo kuya sa palagay ko ay tama ka, at ipinapangako kong hindi ako magdadala ng anumang laban sa kanila kahit pa pilitin nila ako." Saad ni Joan habang itoy napapikit at pilit na iwinawaksi sa kanyang isipan ang kaniyang narinig sa loob mismo ng opisina ni Mr. James Perez. Subalit habang pinagsusumakitan⁸i niyang iwaglit iyon sa kanyang isipan ang mga tagpo na kanilang nasaksihan ay lalo lamang itong sumisiksik sa kanyang gising na diwa.Dahil sa katotohanan ay nasa loob siya mismo ng opisina ni Mr. James Perez at kasalukuyang naglilinis sa loob ng kaniyang comfort room.Samantalang si Edwin ay abalang nagma mop sa isang bahagi ng maluwang na opisina ni Mr. Perez ng biglang pumasok si Mr. Dave Olivarez at pasigaw na kinukumpronta niya si Mr. James Perez habang ito ay nakaupo sa kanyang lamesa na walang imik at nakikinig lamang sa mga sinasabi sa kanya ni Mr. Olivarez. " anong ibig sabihin nito james! how dare you to tell this to me! gusto mo bang magka-bulgaran na tayo dito? " hawak ni mr. Olivarez ang sulat na ibinigay sa kanya ni mr. James Perez. " huminahon ka wala akong alam sa mga sinasabi mo! " pabulyaw ding sagot ni Mr . Perez. " huwag kanang magkaila James iniabot ito sa akin ni Zeny kanina at pawang kasinungalingan ang lahat ng mga nakasulat dito! Hindi ako ang pasimuno ng lahat ng mga kalukohang nangyayaring sa loob ng The Grove kundi kayo ni Mr. Dwight Arevalo kasama ng iba pa, kinasangkapan niyo lamang ako tapos ngayon ay ako ang inyong idinidiin at gusto ninyong palabasin na siyang mastermind ng lahat ng anomalya dito! to hell with you James both of you and your comrade! " Galit na galit na sabi ni Mr. Olivarez samantalang si James ay walang imik at tila takot na takot sa mga nanlilisik na mga mata ni Mr. Olivarez. Hindi makontrol ni Mr. Olivarez ang kanyang temper at nilapitan niya si James at saka nagpakawala ng isang surpresang suntok sa panga ng nabiglang si James hanggang sa sila'y nagkagiriang dalawa. Napilitang lumabas ni Joan buhat sa banyo pero dahil sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng dalawang opisyal ng the Grove subalit hindi siya makalabas ng banyo dahil bahagya pang nakadagan sa pintuan ang katawan ni Mr. Perez habang sinasakal siya ni Mr. Olivarez.Pilit din silang inaawat ni Edwin upang sila'y payapain at papaghiwalayin subalit dahil sa matinding Galit ni Olivarez ay nasuntok pa siya nito at napalugmok siya sa sahig. Sinamantala naman ni Joan na makaalpas sa pintuan ng bahagya itong bumukas at patakbong dinaluhan si Edwin upang tulungan siyang makabangon. Patuloy paring nagpambuno ang dalawa kung kayat naisipan nilang tumawag na ng tulong sa mga guard upang sila ay awatin. " kuya lumabas na tayo dito at tumawag ka ng tulong sa mga guwardiya." nahihintakutang sabi ni Joan. Tuminag naman si Edwin at kaagad na lumabas ng opisina pero si Joan ay nagawa pang pulutin ang lukot lukot na sulat na nabitawan kanina ni Mr. Olivarez saka niya ito ibinulsa at mabilis na lumabas ng opisina ni Mr. Perez nasa bungad pa lamang ng pintuan si Joan palabas ng biglang nagkaroon ng isang malakas na pagsabog.Kasama sila ni Edwin sa naiulat na casualties at ospital na nila napag alaman na dead on the spot si Mr. James Perez at halos hindi na ito makilala sa malubhang pinsalang na kanyang tinamo samantalang si Mr. Dave Olivarez naman ay nasa critical condition.Napabalikwas si Joan sa kanyang pagkakahiga sa kanyang kama ng maalala niya ang sulat na inilagay niya sa kanyang bulsa kaya agad niyang kinakailangan ang kaniyang bag kung saan inilagay ang suot nitong pantalon noong mangyari ang pagsabog.Nang masumpungan niya ito ay nanginginig ang kanyang mga kamay habang unti unti niya itong binubuksan para alamin kung ano ang nilalaman ng liham na siyang labis na ikinagalit ni Mr. Olivarez kay Mr. James Perez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD