Chapter 18 " THE FACE "

1737 Words
" why did you stare with me like that? " tanong ni Lala kay Sam dahil sa hindi niya matagalan na pagtitig nito sa kanya ng lalaki. " it's a habit of mine too, staring the face of people that i really cared so much " buweltang tugon ni Sam.Hindi maitago ni Lala na mapangiti sa mga binibitawang salita ng kanyang kaharap. " hindi mo ba nagustuhan ang pasta na niluto ko lala? " tanong nito sa kanya. " oh wait hindi ko pa pala natitikman, okay let me taste it first... hmmn taste great! this is one of the best pasta that i have ever experience, yeah totoo walang halong biro." nakangiting sabi ni Lala. " thanks for the compliment hindi mo kasi naitatanong eh mahilig lang talaga akong magluto." pahayag ni Sam. " really? by the way ano nga pala ang trabaho mo Sam if i may ask. " " ah dati nagtatrabaho ako sa isang shipping company pero umalis na ako doon at pinasok ko naman ang pagnenegosyo at least sa ganitong uri ng job walang gaanong pressure at lalong wala kang amo na magalit sayo pag hindi mo na meet ang requirements nila kasi your boss is yourself. " paliwanag nito habang nakangiti.Gusto pa sanang itanong ni Lala kung anong uring negosyo ang pinagkakaabalahan nito pero minabuti nalang niyang i-reserved muna ang tanong na iyon sa ibang pagkakataon. Samantala ay inip na inip naman sina Allen at Freda sa ilang oras na nilang paghihintay sa mga bagong kaganapan, nagkaroon na tuloy ng question mark sa kanilang isipan kung siya nga bang talaga ang Sam Samonte na kalaguyo diumano ni Mrs Veronica Perez. " I have an idea Allen! " biglang nasabi ni detective Freda na bahagyang ikinagulat ni Allen. " ano ang ibig mong sabihin Freda? " usisa ni Allen. " what exactly the time now Allen? " tinignan sandali ni Allen ang oras sa kanyang suot na relo. " 5 minutes past 4 o'clock... bakit ano ba ang pinaplano mong gawin? Tanong ni Allen. " can't you see Allen, it's meryenda time " hinawakan pa nito ang kanyang tiyan.Tinawanan pa siya ni Allen sa tila pa kenkoy nitong reaction. Kinuha ni Freda ang kanyang cellphone at pagkatapos ay may tinawagan. " hello domino's pizza delivery, what is your order mam " magalang na sabi ng customer service ng grab. " yes my dear two family size special pizza " tugon ni Freda at sinabi narin nito ang eksaktong address na pagdadalhan nito at maging ng plate number ng kotse na dala nila as an additional information. " what about the flavor and your drinks mam? " " Hawaiian and potato pizza and two iced tea will do " kalmanteng sabi ni Freda.Nang matapos ang dalawa sa kanilang usapan ay saka pa lamang nakapagbigay ng kumento si Allen. " mukhang ginutom ka ata dami ng inorder mo ah mauubos ba natin yun? " nginitian lang siya ni Freda.Narinig din ni Lala ang pinag uusapan ng dalawa at palihim siyang napapangiti para sa dalawa, Hindi naman nalingid iyon sa paningin ni Sam na ang buong akala ay para sa kanya ang mga ngiting iyon ni lala. " kung puwede lang ilagay sa wallet ko ang mga ngiti mo i will keep it as a token for your visit here. " muling birada ni Sam.Na sinakyan naman ni Lala para hindi siya maubusan ng sasabihin. " may lahi siguro kayong makata ano?, talaga bang mag isang anak ka lang ng mga magulang mo kasi I'm sure kung nagkaroon ka lang siguro ng kapatid ay siguradong kaparehas mo lang din na bolero at kabilang sa mga taga sunod ni Shakespeare " natatawang sabi ni lala. " the truth is may kapatid ako na matagal ko ng hinahanap...we separated ng mga bata pa kami ayon sa nakagisnan kong pamilya. To be honest lala until now ay hindi siya nawaglit sa isipan ko never na lumipas ang isang araw na hindi ko siya naalala at kung itulot lang ng panahon na mag krus ang aming landas ay hinding hindi na ako makakapayag na magkahiwalay pa kami ng kapatid kong iyon " biglang natahimik si Lala dahil sa kanyang mga narinig at maging sina Allen at Freda ay saglit ding napapaisip sa mga sinasabi ngayon ni Sam Samonte. " you mean may kapatid kang nawawala Sam? lalaki ba siya o babae? " gustong linawin ni lala kung tama ang kanyang kutob. " Lalaki siya and he's about my age, halos magkasunod lang daw kaming ipinanganak bago namatay ang totoong mother ko ayon sa auntie ko na siyang kinagisnan ko ng magulang " paliwanag ni Sam. " magkakambal kayo? " tumango si Sam. " mag iisang taon pa lamang kami noon ng kami ay magkahiwalay, ayon sa auntie ko ay hindi pumayag ang aking biological father na hindi niya kami makuha sa poder niya bagay na hindi sinang ayunan ng auntie ko dahil sila na ang nagpalaki sa amin simula ng sila ay magkahiwalay at dahil sila'y legal na nagpakasal ay may karapan siya para kunin kaming magkapatid. Pero nakiusap ang auntie ko na iwan niya sa kanya ang isa sa amin bilang ala ala sa aking yumaong ina at sa kalaunan ay napahinuhod din ang aking biological father. Hindi ko lang masigurado kung hindi nila pinalitan ang kanyang pangalan na Sam Samonte Jr. dahil iyon din ang ipinangalan sa akin ng aking ginagisnang mga magulang...im longing to see my brother at sana naman ay nasa maayos siyang kalagayan ngayon." mahabang paliwanag ni Sam sa tahimik na nakikinig na dalaga.Sa isipan ng dalawang detective ay unti unting nabubuo sa kanila ang idea na baka nga Hindi si Sam Samonte na kalaguyo ni Mrs.Veronica Perez ang kanilang subject kundi ang kambal nito.Pero katulad ng payo sa kanila ni detective Leumas Nugas na hindi sila basta na lamang magtitiwala sa isang katulad ni Sam Samonte dahil madali lang naman talaga ang magkunwari o magpanggap. Medyo nagulat pa ang dalawang detective ng biglang may kumatok sa kanilang dalang sasakyan na hindi nila namalayan dahil sa buhos ang kanilang pakikinig sa mga salaysay ni Sam Samonte patungkol sa diumano ay kambal nito na matagal na niyang hinahanap. " mam Freda Parazo po? " ibinaba ni Allen ang tinted na bintana ng kotse upang makita sila ng grab driver.Biglang bumaba naman si Freda para kunin ang order nito na dalawang pizza. Pagkaabot ni Freda ng inorder na pagkain ay agad ng nagpasalamat ang grab driver pero pinigilan siya ni Freda. " wait lang po manong, i want to give you something at dahil mabait ka at mabilis mong na i-deliver ang inorder naming pagkain eto ang tip ko para sayo. " nag abot ng 500 pesos si Freda at medyo nahihiya namang tinanggap iyon ng grab driver. May asawa kana ba manong? " meron na po " magalang na tugon ng halos kasing edad lang nila na lalaki at kapansin pansin na pogi din ito na nakaka hawig pa ni Miguel Tan Felix. " sayang akala ko pa naman binata ka pa kasi itong best friend ko eh matagal ng naghahanap ng special someone irereto sana kita " sinulyapan din ng grab driver si Allen na nananatiling nakaupo sa may driver seat at kumindat pa siya sa lalaki. Kitang kita sa mukha ng mahiyaing grab driver ang pagba-blush ng kanyang mukha. " kuya puwedeng humingi sayo ng favor kasi nagugutom na ako, puwede bang ikaw nalang ang mag abot nito sa kasama namin sa bahay na yan nandiyan siya ngayon kasama ng girl friend niya malamang nagugutom narin iyon puwede ba kuya? " pakiusap ni Freda. " anong pangalan Po ng friend niyo mam? " tanong ng grab driver na hindi makatanggi sa request ng kaharap niyang magagandang babae. " Sam Samonte ang pangalan niya at pakisabi nalang na ipinabibigay ni Veronica Perez ang pizzang iyan, okay lang ba kuya at saka huwag mong sasabihin na nandito pa kami ha ang alam kasi niya ay nasa studio na kami baka kasi magalit sa amin si direk ? lalong nalito ang grab driver at iniisip na baka mga new artist ang kanyang mga kausap dahil sa taglay nilang kagandahan. " kuya sa totoo lang may kamukha kang artista " hindi napigil ni Allen ang mapahagalpak ng tawa sa mga tirada ni detective Freda, ngayon siya lalong na convinced na hindi nagkamali si detective Leumas Nugas na siya ang piliin. Noong una kasi na mag apply ito bilang isang private detective sa CDG ay hindi siya ang unang bet nito kundi ang kasabayan niyang top contributor ng stary writing at isa ring magaling na detective na si Bhie Rambonanza Inson na siyang nagbigay ng malaking ambag upang malutas ang isang controversial case tungkol sa pagkamatay ng mga magkakaibigan na ilang buwan ding laman ng mga balita at balak pa yatang isa pelikula ang nasabing kaso na tinaguriang FRIENDS NIGHTMARE. " medyo ikaw yung matured and taller version ni Miguel Tan Felix na crush na crush ng kasama ko, o pano kuya pakisuyo nalang please.." Freda managed to scribble a short statement.. to: Sam from: Veronica sa tissue paper at isiniksik niya iyon sa tali ng pizza box. " sige po mam ako na po ang magaabot nito sa kaibigan niyong Sam ang pangalan, wala na po ba kayong maidadagdag mam? " sinabi naman ni Freda na wala na at pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng kotse at isinara narin ni Allen ang bintana. Hindi naman nagtagal ay kitang kita ng dalawang detective mula sa kanilang kinaroroonan na iniabot na ng grab driver ang pizza kay Sam Samonte. Mas lalo naman silang nagkagusto sa attitude ng grab driver na hindi man lang tumingin sa kanilang direksyon habang iniaabot niya ang pizza katibayang sinunod nito ang tagubilin ni Freda na huwag niyang sasabihin na naroon lang sila malapit sa kanyang bahay. Sinamantala naman nina Allen at Freda na magbigay ng instruction kay Lala habang nasa gate pa si Sam Samonte. " lala listen, obserbahan mo ang magiging reactions niya and try to make a convincing way to tell him that you love pizza so much at magkunwari ka na ang pizza ay personal na inorder niya para sayo, we inserted a message there written in a tissue paper na naka mention ang pangalang Veronica and then watch him closely kung siya nga ba talaga si Sam Samonte na nagpapakunwari na may kakambal." malinaw na tagubilin ni Freda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD