Chapter 16 " THE HOUSE "

1892 Words
Palihim na sumunod sina Allen at Freda patungo sa tahanan ni Sam Samonte. Nasa likurang bahagi lamang sila sa di kalayuan upang hindi sila mahalata ng lalaki na may nakabuntot sa kanilang likuran. Bagamat sa unang tingin ay panatag parin naman ang sitwasyon ay hindi parin maalis sa kanilang dibdib ang kaba para kay Lala.Muling nanariwa sa alaala ni Allen ang huling sinabi sa kanila ni detective Nugas ' mas lalo kayong mag ingat, he might be like an angel in front of you but behind that, the devil is just around the corner right down under your nose '... tila nagkakaisang diwa naman sila ni Freda na iyon din halos ang naglalaro sa kanyang isipan ' he might be in a camouflage right now '. " what do you think Freda? " " I'm not sure Allen everything is possible! kaya hanggat maaari ay hindi sila dapat makalayo ng husto sa atin i can't take the risk na mapahamak siya " nangangambang nasabi ni Freda. " lalo na ako Freda,dahil ako ang may idea ng lahat ng ito hinding hindi ako makakapayag na may mangyari sa kanyang masama " seryosong pahayag ni Allen. Nasa gayun silang paguusap ng biglang dahan-dahang nag-menor ang sinasakyang kotse ni Sam Samonte at nahulaan ng dalawa na doon na marahil ang bahay ng lalaki. Hindi na kinailangan pa ni Sam Samonte na bumaba pa ng kanyang kotse dahil kusa na itong nagbukas ang gate sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong automatic controlled gate opener,pagpasok ng kotse ay kusa rin itong nagsara.Inilagpas naman ng bahagya ni Allen ang kotse sa di kalayuan ng gate at inihinto niya ito sa lilim ng isang punong kahoy saka pinakiramdam kung abot pa roon ang tinig ni Lala. " are you alright Lala this is my house " nakangiting sabi ni Sam habang ipinapark nito ng maayos ang kanyang kotse.Napabuntong hininga si Allen ng muli nitong marinig ang boses ni Sam.Maging si Freda ay tila nakahinga din ng maluwag Lalo na ng muling magsalita si Lala. " this is a huge house Sam you mean mag isa ka lang dito? " pahayag ni Lala habang naglalakad ang dalawa patungo sa pinaka terrace ng bahay. The house has a modern design by some of the finest designers and architect na sa estimate ni Lala ay hindi bababa sa 20 million pesos hindi pa kasama doon ang ibang amenities sa loob like a medium size pool sa bahaging side ng high ceiling house bugallow type.Hindi magkamayaw si Lala sa kanyang nakita Lalo na ng pumasok sila sa loob at nakita niya ang maaliwalas na kapaligiran na very minimal ang design at hindi masakit sa mata at napaka bango at malinis tignan. " this is an awesome house Sam " hindi mapigil ni Lala ang humanga sa ganda ng paligid. " oh thanks Lala " nakangiting sabi ni Sam. " well would you care for a drinks " Hindi na hinintay ni Sam na sumagot si Lala at kaagad itong nagtungo sa pinaka kusina at kumuha ng dalawang bottled juice drinks at ibinigay iyon kay Lala na abala parin ang mga mata na palinga linga at tinitingnan ang paligid ng bahay. Nakatawag sa kanya ng pansin ang isang aquarium na nakalagay na isang corner at bahagyang naliliwanagan ng sikat ng araw na nagbubuhat sa malaking glass window. " Oo mahilig akong mag alaga ng isda, kaya naisipan kong maglagay ng aquarium dito sa loob dahil sabi nila ay pampasuwerte daw ito sa negosyo, hey come Lala I'll show you... ako narin ang nag aquascape nito, this little one with orange color is one of my favorite ang tawag dito ay sword tail, tapos eto naman ay mga mollies... " hindi na naituloy ni Sam ang iba niyang sasabihin ng ituloy na iyon ni Lala. " at eto naman ay mga platties and the rest is all guppies! right Sam? " nagblink pa ang mga mata ni Sam sa katuwaan. " oh wow how did you know that? " pahayag ni Sam na hindi maalis alis ang ngiti sa kanyang mga mata. " mahilig din kasi ako sa isda kaya lang sa nature ng work ko ay hindi ko rin yata sila maaalagaan ng husto kaya hayun nagtitiyaga nalang ako sa panonood sa youtube kung papaano mag raise ng mga yan, isa kasi itong stress reliever para sa akin " masayang nasabi ni Lala. " I'm glad to hear that, parehas tayo minsan pag nagi-isa lang ako nandito lang ako sa harap ng aquarium na ito and I'm staring this all night hanggang sa makuha ko na ang antok ko " masayang kuwento ni Sam. " we have something in common talaga " dagdag na sabi nito. Nagkakatinginan naman sina Allen at Freda habang nakikinig ng palitan ng dalawa ng mga litanya. " what do you think Allen is this the real Sam Samonte that were looking for? " tila nagsisimula ng magkaroon ng doubt si Freda na naoobserbahan niyang asal ng lalaki. " shhh... just listen muna okay " " Mag isa ka lang ba sa bahay na ito Sam, Wala ka bang kasambahay I mean katulong kaya or driver man lang? " tanong ni Lala na nagsisimula naring tubuan ng duda kung ito nga ba ang Sam Samonte na sinasabi ni Mr. James Perez na kalaguyo diumano ni Mrs. Veronica Perez.Parang gusto na niyang prangkahin ang lalaki at itanong sa kanya kung may kilala siya na nagngangalang Veronica Perez pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. " just be patient Lala huwag kang ma-tempt masyado pang maaga para sa bagay na gusto mong gawin " tila nababasa naman ni Allen ang nasa isip ni Lala ng mga oras na iyon.Pilit na kinalmante ni Lala ang kanyang sarili at ibinaling sa iba ang kanyang atensiyon. " Buhay pa ba ang asawa mo ng naipatayo mo ang bahay na ito Sam? " tanong ni Lala. " unfortunately ay may two years na siyang patay ng magkaroon ito ng katuparan, honestly speaking this is our dream house before pero hindi na niya nagawang makita pa ito. " malungkot na Saad ni Sam. " since then ba after ng mawala siya ay hindi ka na nagkaroon ng mga gf's... " medyo nahihiyang tanong ni Lala at Ewan niya kung marapat ba iyong itanong o baka mamis interpret nito ang tanong. " kung sabihin ko ba sayong since the day na mawala siya sa piling ko ay never na akong nagkaroon ng karelasyon sa iba ay maniniwala kaba? " hindi naka imik si Lala sa tila rhetorical question na iyon ni Sam Samonte.Hindi man aminin ni Lala sa kanyang sarili ay waring nagkakaroon na siya ng ibang pakiramdam sa kanyang kaharap na lalaki at kung hindi lamang ito subject for investigation ay malamang na mas nanaisin pa niya na mapalapit siya dito. Nasa gayun siyang pagiisip ng bigla siyang hawakan sa kamay ni Sam at hinatak siya nito palabas ng Sala at dinala siya nito sa harap ng swimming pool. " gusto mo bang maligo, puwede kitang pahiramin ng mga damit ko Jan na medyo hindi na kakasya sa akin ? " nakangiting sabi Sam. " seryoso ka ba? hahaha sira " nakangiting sabi ni Lala na sa totoo lang ay parang gusto din niyang magtampisaw sa napaka cristal clear na tubig sa may pool kasama ng isang lalaking katulad ni Sam Samonte. Muling naglakbay ang imahinasyon ni Lala at naisip niya na kung may relasyon ang lalaking kasama niya ngayon sa isang babaeng kasing ganda ni Veronica ay hindi malayong magkaroon nga sila ng intimate relationship dahil pareho sila ng kalidad at bagay na bagay talaga sila.Palihim na binatukan ni Lala ang kanyang sarili ng maisip niyang tila nagkakaroon na siya ng instant jealousy. " hey Lala are you okay? nabo bored kana yata sa company ko " seryosong sabi ni Sam. " no hindi naman...parang gusto ko ngang maligo kaso lang hindi ako ready for this maybe some other time." nagkabuhol buhok ang dila nito at mukha siyang nadulas sa huling word na ginamit niya.Kitang kita sa Mukha ni Sam ang saya sa kanyang narinig. Samantala ay nakaramdam ng pagkainip ang dalawang detective na animoy nakikinig sila ng isang drama sa radyo na ang bidang babae ay si Lala at ang bidang lalaki naman ay si Sam Samonte. " Sam may mga albums ka ba dito na puwede kong makita? gusto kong makita kung anong hitsura mo noong bata ka pa hehehe " nakatawang sabi ni Lala na sa totoo lang ay nauubusan na ng sasabihin.Naglabas naman ng mga lumang album si Sam and to Lala's surprise ay mga old album nga ito na naingatang mabuti kaya medyo clear pa ito at malinis. " mahilig kasi si Mama at Papa na noong maliliit pa kami ay every birthday namin ay kinukuhanan niya ako ng picture at inilalagay niya ito sa isang album at sinusulatan niya ng petsa." paliwanag nito. Tinignan din iyon ni Lala at bawat pahina ay wala sa loob niya na nagkukumento para hindi siya mahalata ni Sam na may gusto talaga siyang makita sa album. Nagbabakasakali siyang baka naroon ang larawan ni Veronica na nakaipit sa mga lumang Album. Halos nabuklat na niyang lahat ang limang album na naroon pero kahit isang larawan ni Veronica ay wala doon. Nasumpungan din niya ang mga larawan ng kanyang yumaong asawa at sa matama niyang pagsusuri ay nagtataka siya kung bakit tila nakakahawig niya si Jessica ang yumaong niyang asawa. Gusto sana niyang tanungin si Sam tungkol doon pero Wala na pala ito sa kanyang tabi. Namalayan na lamang niya na nasa kusina ito at naaamoy niya ang kanyang niluluto na kung hindi siya nagkakamali ay parang amoy pizza o kaya ay spaghetti.Kinapa nito ang kanyang tiyan na tila nakaramdam siya ng gutom at hindi niya maiwasang sampalin ang kanyang sarili ng biglang pumasok sa kanyang isip na kung ang lalaking ito ang kanyang mapapangasawa ay malamang na magiging balyena siya. " Lala okay ka lang ba diyan? " tinig iyon ni Freda. Tumikhim lamang si Lala bilang code na ayos lang siya.Napaangat naman siya ng mukha ng makita si Sam na nakatayo sa harap niya at inanyayahan siya nito sa may kusina para pagsaluhan nila ang niluto niyang pasta na amoy pizza.Pag upo ni Lala sa may eleganteng dining table ay nagsalin ng tila red wine si Sam sa isang long glass at ibinigay iyon kay Lala. Gusto sana niyang tumanggi at sabihing hindi siya umiinom ng ganun pero tila napaka lakas ng attraction niya sa kaharap niyang lalaki. Kapwa sila nagkatitigan sa isat isa at ng itaas ni Sam ang kanyang kupita ng red wine para makipag toast sa kanya ay tila naging sunod sunuran na siya sa mga gustong mangyari ng lalaki. " cheers " mahinang sabi nito at saka nilagok ni Sam ang kalahating laman ng red wine sa kanyang kupita.Napilitan namang inumin din ni Lala ang kanyang bahagi pero ng masaid ang laman nito ay doon lamang tila rumehistro sa kanyang isip na baka palihim na nilagyan ni Sam ng pampatulog ang red wine na kanyang ininum. Saglit niyang pinakiramdaman ang tila mainit na likido na dumaan sa kanyang lalamunan at hinihintay na may maramdaman siya kakaiba.Nakatingin lamang sa kanya si Sam habang iniikot nito ang tinidor para kumuha ng pasta na naka serve sa isang napaka eleganteng diner plate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD