Kasalukuyan paring iniimbestigahan ng mga Police Authority ang lawak na pinsala ng pagsabog. Total wreck ang inabot ng sasakyan ni Veronica at ang mga katabi nitong kotse ay nagkaroon din ng mga major at minor damages. Inaalam ng kapulisan ngayon kung ang bomba ay nakalagay na dati pa doon bago pa dumating sa simbahan ang may ari ng sasakyan o doon na mismo inilagay ang improvised bomb sa mismong lugar ng pagsabog. Dahil hindi naman gaanong nasugatan si Veronica ay nagawa pa niyang sagutin ang mga importanteng tanong ng mga imbestigador bago siya dinala sa Hospital para sa kaukulang medical examination. Minabuti naman ni Freda na umuwi muna sa kaniyang apartment para makapag recharged. Habang nasa biyahe ay naisipan niyang tawagan si Allen para ipaalam sa kanya ang mga nangyari.
" what? you mean umabot kayo sa lugar na iyan OMG para ano at nagpunta si Veronica para lang magsimba ganun lang kaya yun o may iba pang dahilan." hindi makapaniwalang sabi ni Allen.
"mabuti na nga lang at nagbago ang isip ko, noong una kasi ay parang gusto kong idikit ang kotse ko sa sasakyan niya pero naisip ko later na baka mahalata niya ako at mamukhaan kaya sa ibang side ako nag park pero natatanaw ko parin ang kanyang location."
mahabang paliwanag ni Freda.
" kumusta naman ang lagay ni Veronica mabuti naman at hindi siya napahamak dahil pagnagkataon ay hindi niya sana pakikinabangan sa kabilang buhay ang mga kayamanan na naka laan sa kanya. " paliwanag muli ni Freda.
" okay naman siya at nagawa pa nga siyang interviewhin ng dalawang police Officials." sagot naman ni Freda.
" ang ipinagtataka ko lang Allen ay kung bakit sa mismong kotse niya nakalagay ang bomba! " mariing pahayag ni Freda. Nang marinig ito ni Allen ay doon naman niya naalala ang isang packaged box na iniabot ni Mrs. Marilou Chan sa kanilang kasamahang lalaki na puno ng tattoo sa katawan.
" Sino kaya ang gustong pumatay kay Mrs. Veronica Perez " naguguluhang tanong ni Freda kay Allen.
" Yan din Freda ang kanina pa pumasok sa isip ko at kung i-analyse na mabuti ng mga hukuman for example ay tiyak na ang tinutukoy dito na responsable ay ang mga taong against sa kaniya na makuha ang lahat ng mga benifits ng nasira niyang asawa at upang sa Ganon ay hindi ito mapunta sa kanya kapag kapwa na sila nasa hukay. " mahabang litanya ni Allen.
" Parang ganun na nga siguro Allen maliban nalang kung si Veronica mismo ang may pakana nito para mas mapabilis ang pag claim niya ng mga entitled benifits. " opposing views naman iyon ni Freda.
" you mean isa lamang itong palabas Freda ganun ba? " gustong tiyakin iyon ni Allen.
" yeah Tama ka at kaya ko ito nasabi ay kanina bago nag karoon ng malakas na pagsabog ay may tumawag Kay Veronica. Sa aking sariling imahinasyon ay tila binibigyan siya ng babala na malapit nang sumabog ang inilagay nilang bomba sa kanyang sasakyan at kailangan niyang lumapit ng bahagya na Hindi naman siya masasaktan ngunit bahagya rin siyang aabutan para mas lilitaw na isa siya sa mga biktima. Magagamit Niya Ang alibi na ito para mas lalong mapabilis ang pag release ng mga nakapending pang assets ni Mr. James Perez na lahat ay mapupunta sa kamay ni Veronica. " mahabang salaysay ni Freda. Subalit iba naman ang naglalaro ngayon sa isip ni Allen. Sa isip naman nito na ang nakita niyang package na iniabot ni Mrs. Marilou Chan sa lalaking tadtad ng tattoo sa katawan ay iyon na mismo ang bomba at palihim na inilagay iyon ng lalaki sa kanyang kotse. Ipinabatid din niya kay Freda ang sarili niyang mga speculations na nagbunga ng dalawang opposing statements.
" Sakaling totoo ang speculations mo Allen dahil nga doon sa package na Nakita mo sayong binoculars pero ang tanong bakit nila gustong iligpit si Veronica gayong sa umpisa palang mula ng magbigay Sila ng pahayag ka detective Nugas ay Sila ang pinaka malakas niyang kakampi." saan ni Freda.
" Yun nga eh medyo mas nagiging complicated ang sitwasyon, teka nakauwi kana ba? " si Allen.
" Hindi pa pero medyo malapit na rin akong makarating kasi hindi gaanong ma-traffic " si Freda.
" Magiingat ka at tawagan mo nalang ako pag nakauwi kana dahil mayroon akong importanteng ikukuwento sayo tungkol ulet ito kay Mr. Carlos Chan, I'm so scared kanina " hindi napigil ni Allen na sabihin ang nangyari kanina dahil hanggang sa kasalukuyan ay nasa balintataw parin niya ang kakaibang features sa Mukha nito lalo na ang kanyang ocular eyes na animoy nanghihigop ng mga kaluluwa ganun ang pakiramdam sa kanya ni Allen.
" naku sige magiingat ka diyan I'll call you later Allen Bye! " pagbabang pagbaba ni Allen sa kanyang handphone ay kasabay naman ng pagtunog ng kanyang doorbell. Halos napalundag pa siya sa kaba ng maisip niyang baka ang may gawa nito ay si Mr. Chan Carlos. Dali dali siyang sumilip sa may bintana pero hindi iyon abot ng kanyang paningin. Muling may nag operate ng doorbell subalit wala namang tinig siyang naririnig. Nilakasan niya na Ang kanyang loob na bumaba upang alamin kung sino ang kanyang panauhin sa ganoong oras. Malapit ng mag alas otso ng gabi at wala namang nakakaalam sa mga kakilala niya na naroon siya kundi ang kanyang mga kasamahan at ang may ari ng apartment. Nang muli itong mag doorbell ang Hindi tiyak na panauhin ay saka niya sumilip sa may pasadyang butas ng pintuan at sa medyo madilim na bahagi ng gate ay nakita niya ang tila isang anino ng isang babae. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na takot ng mapansin niyang tila may hawak ang babae na isang nilalang na gumagalaw. Yakap ito ng babae at hindi siya maaaring magkamali na Ang hawak ng babae ay isang malaking pusa o isang Siberian Cat. Sa malabis na takot ni Allen ay halos pagapang siyang bumalik sa hagdan at mabilis na nagkumot sa kanyang silid. Ngunit gaano man kakapal ang kumot na idinagan nito sa kanyang mukha ay parang nasa harapan lamang niya ang anino na Nakita Niya at may hawak na isang nakakatakot na pusa.