Maluwag sa araw na iyon ang daloy ng trapiko at umabot lamang ng halos 34 minutes ang pagsunod ni Freda kay Veronica. Hindi siya makapaniwala na doon siya mapapadpad sa lugar na iyon. Ipinarada ni Veronica ang kanyang kotse sa isang bahagi ng malawak na parking area ng kilalang Baclaran Church. Sa pagtataya ni Freda ay umabot ng more or less 7 kilometers ang kanilang tinakbo. Namili naman ng magandang puwesto si Freda malapit sa may exit para mabilis lamang siyang makalabas sakaling naisin na niyang umalis. Kitang kita niya si Veronica na naglakad kasama ng iba pang patungo rin sa loob ng simbahan. Minabuti narin niyang sundan si Veronica at interesado siyang makita kung bukal nga ba sa kalooban niya ang magsimba o baka naman ay front lamang niya ito para sa mas kapanipaniwala niyang pagganap na isa siyang mabuting Asawa na karapatdapat na tumanggap ng milyon milyong benifits buhat sa kamatayan ng kanyang asawa. Ito ang mga naglalaro sa isip ni Freda.
Matapos mag sign of the Cross ay Umupo siya sa isang bahagi na hindi gaanong ma tao at doon ay taimtim na nag dasal. Sa likuran ni Veronica pumuwesto si Freda upang masubaybayan nito ang bawat kaganapan sa kanilang pagitan. Nanalangin din si Freda ng isang payak na pangungusap na hindi na niya kinailangan pang pumikit. Ngunit si Veronica ay napakatagal sa kanyang taimtim na pananalangin na animoy nagmamakawa ng husto para patawarin siya ng Panginoon sa kanyang mga nagawang kasalanan. Pagkatapos niyang magdasal na nakaluhod ay saka siya Umupo ng matuwid na siya namang paglabas ng isang pari upang mag conduct ng sermon.
Ang tema ng sermon ng pari ay ang tungkol sa tamang pagsasalita ng maayos sa kapwa tao. Tinalakay ng pari na kailangang ingatan ang bawat ilalabas na salita na huwag makapanakit ng ibang tao. Nakinig si Freda ngunit hindi parin nito inaalis ang focus din nito kay Veronica.
" mga minamahal kong kapatid, kabilin bilinan ng Bibliya na ingatan natin ang ating dila dahil ito ay isang bagay na kayang sumugat ng damdamin ng kapwa natin " pahayag ng pari.
" Minsan noong ako'y nag aaral pa lamang ng high school ay may nasabi ang Lola ko na hindi ko makalimutan. Kapag daw ang SALITA ay hindi pa nailalabas ng iyong bibig at hindi pa binibigkas ng iyong dila ang sabi ng Lola ko ay ALIPIN pa raw natin ang SALITA na iyon. Subalit kapag ito ay naibuka na ng ating bibig at nabigkas na ng ating mga DILA ay ALIPIN na tayo ng Salitang iyon. " mahabang sabi ng pari.
" Ano kaya ang ibig nitong sabihin mga minamahal kong mga kapatid, ganito iyon Halimbawa ay Galit na galit ka sa iyong tatay or sa iyong nanay dahil nga may hindi ka nagustuhan na nagawa nila sayo kaya PARANG GUSTO MO SIYANG MURAHIN ng P. I., habang hindi mo pa ito nabibitawan nasa Control mo pa ang Salitang iyon. Hindi sasama ang loob ng mga magulang mo dahil kahit na nagawan ka ng bagay na masakit sayo ay hindi ka naghimagsik. Pero sa oras na nabigkas mo na ang P. I. na nasa isip mo at nagmanifest na iyon mismo sa iyong bibig at dila hay naku Wala na finish na HINDI mo na iyon kayang bawiin pa diyan na papasok ang mga hinanakit na hanggang pagtanda nila ay nakatatak na iyon sa puso at isip nila na MINURA mo Sila na mga magulang mo, in effect ALIPIN kana ng sinalita mong iyon. Kaya tumpak ang mga nakasulat sa Bibliya say for example in Proverbs 21: 23 whoever keeps his mouths and his tongue keeps his soul from trouble. Sa Ephesians 4: 29 naman ay Do not let any unwholesome talk come out of your mouths, but only what is good for building others up according to their needs, that it may benefit those who listen. Nakasulat naman sa Proverbs 12: 18 na ganito Some people make cutting remarks, but the words of the wise bring healing." may kahabaang sermon ng pari ng Baclaran Church. Nagkaroon ng offerings ang lahat ng mga nagsimba at makalipas pa ang ilang sandali ay napansin ni Freda na nag ring ang Cellphone ni Veronica. Hininaan nito ang Volume at tinignan kung kanino galing ang tawag. Nang matiyak niya kung kanino iyon galing ay saka niya ini- off ang kanyang Cellphone saka siya tumayo at naglakad palabas ng simbahan. Muli siyang sinundan ni Freda pasado alas sais na ng gabi ng mga sandaling iyon ng makaramdam siyang muli ng pagkalam ng sikmura. Suko na talaga siya sa pagsunod sunod Kay Veronica at naipasya niyang kahit saan pa nito gustong pumunta ay bahala na pero uuwi na talaga siya.
Tumigil sandali si Veronica malapit sa may entrance door ng simbahan at siya'y gumilid upang magbasa ng mga mensahe sa kanyang cellphone na ipinapadala sa kanya. After ng ilang mga minuto ay muli siyang naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Subalit isang hindi inaasahang pagsabog ang gumulantang sa buong Simbahan ng Baclaran Church. Sa lakas ng pagsabog ay nagtalsikang pa ang mga debris buhat sa mga naapektuhang sasakyan. Mabilis namang kumilos ang mga kinauukulan upang maapula kaagad ang apoy at hindi na lumawak pa ang pinsalang maaari nitong maidulot. Sa tulong ng BFP ay pumayapa ang kapaligiran. May mga nasugatan sa nangyaring pagsabog kabilang na dito si Veronica na siyang target talaga dahil nasa mismong sasakyan niya nakalagay ang bomba ayon sa mga bomb expert na nagsasagawa ng investigation ukol sa nangyaring pagsabog. Bawat sugatan na tao ay dinala lahat sa pinaka malapit na ospital. Masuwerte namang walang namatay sa naganap na pagsabog.
Hindi akalain ni Freda na may ganoong mangyayari mabuti nalang at Hindi niya pinili na ilapit sa tabi nito ang kanyang kotse dahil kung nagkataon ay kasamang nawasak ang kanyang sasakyan. Mabilis na nakarating sa social Media ang nangyaring Pagsabog hanggang sa nagkaroon na naman ng mga sari saring speculations. Subalit sa isipan ni Freda ay may malinaw na dahilan pala kung bakit itinulot ng kalangitan na mapadpad siya doon upang masaksihan ang isang pangyayari na mas lalong magbibigay kay Mrs. Veronica Perez sa isang napaka delikadong situation.