Chapter 39 " THE WATCHED "

1132 Words
Napakabilis ng pag t***k ng puso ni Allen pakiramdam niya ay hindi siya nag iisa sa loob ng kanyang silid ng mga sandaling iyon. Labis ang kanyang nadamang takot dahil sa nakita niyang anino ng isang babae na may hawak na pusa. Sa isipan ni Allen ay mukhang kilala siya ng babaeng iyon at alam nito ang kanyang kahinaan. Tiyak niyang nakapag imbestiga na rin ang mga ito tungkol sa kanyang mga kahinaan at iyon ang labis niyang ipinagtataka sino ang babaeng gustong manakot sa kanya?. Naalala ni Allen ang isang interview sa kanya dati ng isang reporter pagkatapos nilang malutas ang kaso ng mga pinapatay na mga pari sa San Lorenzo Parish Church, isa sa naitanong sa kanya noon ay kung mayroon pa bang kinatatakutan ang isang Allen Mendoza. Ang isinagot niya noon ay ' mayroon ' na akala ng mga nanonood ay nagbibiro lamang siya, pero ng itanong ng reporter na iyon kung anong bagay ang kinatatakutan niya ay nasabi niya ito: "I'm so afraid with the a cat's eyes especially when the cat's scream at me, when the cat jumps towards me I will lose all my balanced that's what I felt " ito ang eksaktong pahayag niya noon na na-feature pa sa isang tabloid ilang taon na ang nakakalipas, natalakay pa sa nasabing magazine ang pagkakaroon niya ng scopophobia na sinamahan pa ng ailurophobia o fear of cats.Ito marahil ay nasubaybayan ng babaeng nais manakot sa kanya ngayon. Kasalukuyan namang ipinapainit ni Freda ang natirang ulam sa kanyang fridge. Solong katawan si Allen sa kanyang apartment at sa edad niyang 27 ay wala pa sa isip niya ang pag aasawa bagamat ilang taon narin sila ng boyfriend niyang kapwa rin niya alagad ng batas na si Calvin Pascual. Niyayaya narin siya nitong magpakasal pero tumatanggi ito at sinasabi niya palagi kay Calvin na baka nabibigla lamang siya. Hindi rin mapilit na tao si Calvin at ito ang bagay na nagustuhan niya sa kanya ang pagiging marespeto nito sa kanyang mga nararamdaman lalong Lalo na sa kanyang mga desisyon. Sa may dining table ay mag isa siyang kumakain habang binabasa niya ang mga ipinadalang mensahe ni Calvin sa kanya. Napapangiti ito sa mga ka cornihan ng kanyang boyfriend na batid niyang simulat sapul ay ganoon na ito ka sweet kahit pa itoy nanliligaw pa lamang sa kanya noon. Mag aalas diyes na ng gabi ng magpasya si Freda na ilapat ang pagal niyang katawan dahil sa halos maghapon niyang paglalakbay. Gaya ng dati ay isinet up nito sa kanyang alarm clock sa oras na kailangan niyang magising ( 4:30 am ). Wala pang limang minuto paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kama ay kaagad ng nakatulog si Freda. Samantala sa silid ni Allen ay pilit parin niyang nilalabanan ang pagkakaroon nito ng takot sa mga bagay na nakikita niya sa kanyang paligid na batid din niyang isa lamang itong uri ng phobia na kailangan niyang mapagtagumpayan. Ilang buwan naring hindi umaatake ang phobia niyang ito kung kayat batid niya naninibago lamang siya sa lugar kayat kung ano ano ang kanyang mga nai-imagine. Hanggang sa naka-tulugan din nito ang gayong kaisipan. Kinabukasan ay ginising si Allen ng ilang sunod sunod na tunog ng doorbell, dali dali siyang bumangon upang tignan kung sino ang kanyang panauhin ng umagang iyon. Pasado alas sais na ng umaga at maliwanag na ang kapaligiran, nawala narin ang takot sa kanyang dibdib na matagal na namayani sa kanyang isipan kagabi. Pagbukas niya ng pintuan ay nabungaran niya doon ang isang babae na walang iba kundi si Mrs. Marilou Chan. " Good morning Ms. Allen Mendoza right? ako nga pala si Mrs. Marilou Chan pasensiya kana kung medyo naistorbo kita, gusto lang sana kitang imbitahin na magdinner mamaya sa bahay para naman makilala namin ang isa sa aming magandang bagong kapitbahay " nakangiting sabi ni Mrs. Chan. Kaagad namang nag isip si Allen ng maaari niyang isagot na hindi naman obvious na siya ay natatakot. " well ako nga si Allen Mendoza but excuse me how did you know my name? " gustong alamin ng detective kung paano siya nito nakilala. " in this busy world sino sa tingin mo ang hindi pa nakakakilala kay detective Leumas Nugas at maging ng kanyang mga kasama. " tanong ni Ms. Marilou na naroon narin ang tumpak na kasagutan. " well if you don't mind Mrs. Chan, ano naman ang mahalagang okasyon kung bakit mo ako gustong imbitahin sa inyong bahay para mag dinner. " tanong ni Allen. " wala naman, gusto lang naming makilala ang bawat miyembro ng aming community." tugon ni Mrs. Chan " I just hope that you will come para makilala mo narin pati ang aking asawa. " dagdag na pahayag ni Mrs. Chan. " please do come Ms. Mendoza and don't worry may mga kasama naman tayo na mga bagong kabitbahay para makilala mo narin sila, sige bye see you later " napaka bilis ng mga pangyayari at hindi na siya binigyan pa ni Mrs. Chan ng pagkakataon para sana tumanggi. Pagtingin niyang muli kay Mrs. Chan ay medyo nakalayo na ito sa kanya. Wala rin itong dala na kahit na anong hayop in her possesion. Hindi maiwasan ni Allen na magkaroon na naman ng mga panibagong katanungan sa kanyang isipan na may kinalaman dito. Isa na sa kadahilanang nasaisip niya ay kung bakit kilala siya nito at higit sa lahat ay kung bakit kailangan pa siyang sadyain doon ni Mrs. Chan para lang sabihan at imbitahan siya ng personal. Mas lalong nakadama si Allen ng kakaibang adrenaline rush feelings ng maisip niya na makakaharap niya doon ng Malapitan si Mr. Chan. Ngayon pa lamang ay kinikilabutan na siya sa kanilang nakatakdang paghaharap. Muling isinara ni Allen ang pintuan at pagkatapos ay nagtungo sa may kusina para makapag kape. Doon sa bahaging iyon sumagi sa isipan niya si Lala na madalas na makita niyang nagkakape sa kanilang opisina. Naisipan niya itong tawagan para kumustahin pero nakaka ilang tawag na siya ngunit wala paring sumasagot sa kanyang tawag. Kinabahan na si Allen hindi siya sanay na hindi sinasagot iyon kaagad ni Lala ang kanyang tawag. Isinunod niyang tinawagan si Freda at gaya ng kanyang inaasahan ay nakontak niya ito kaagad. " oh Allen napatawag ka something wrong? " bungad na sagot ni Freda sa medyo tensionadong boses ni Allen. " pakitawagan mo nga rin si Lala please kasi kanina ko pa siya tinatawagan pero Hindi niya sinasagot ang phone niya basta patuloy lang itong nag ri-ring." nagaalalang sabi ni Allen. Agad namang tumugon si Freda at tinawagan niya si Lala. Pero katulad ng sabi ni Allen ay patuloy lamang itong nag ri-ring ngunit walang sumasagot. Nabahala ang dalawa kung kayat nagkasundo silang puntahan doon si Lala upang alamin kung ano ang nangyayari sa kanya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD