Chapter 36 " THE SHIFT "

1535 Words
Lingid sa kaalaman nina Allen at Freda maging ni Ms. Lala Morales ay kinailangan ni detective Leumas Nugas ng panibagong General Check up dahil sa patuloy at mabilis na pagbaba ng kanyang timbang. Isa rin sa dahilan ay ang madalas nitong pagkahilo at p*******t ng ulo ng mga nagdaang araw. Ipinayo ng kanyang private doctor na muli siyang mag under go ng several check ups para maagapan ang anumang signs ng mga panibagong nakamamatay na sakit bago pa ito lumala. His personal Doctor also advice him to take atleast a minimum two to three days consecutive rests. Gayun pa man ay nakagagawa parin ng paraan ang detective na makatulong sa paglutas sa kaso ng pagkamatay ng kanyang kliyente na si Mr. James Perez. He managed to talked to a certain person which happen to be his school mates and closest friend during his High School days. Sa kasalukuyan ay mayroon itong mataas na katungkulan sa isang sangay ng government. Si Mr. Avelino Daynong ay nakatalaga bilang overall chairman ng kagawaran ng National Statistics Office o NSO. Nagbigay ang detective ng mga listahan ng mga pangalan na nais niyang maimbestigahan. Ipinakiusap ng detective sa kanyang matalik na kaibigan na kung maaari ay imbestigahan at kalapin ang lahat ng detalye sa buong pagkatao mula ng ang mga ito ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan buhay man o patay. Ang nasabing request ng detective ay kaagad na inaprobahan ng kalihim at nangako ito na bago matapos ang buwan ay sisikapin nilang maipadala sa kanyang tanggapan thru E-mail o maging ng personal. Ipinaliwanag pa ng detective ang mga dahilan kung bakit niya ito nais na bigyan ng priority sa pangambang baka magkaroon pa ulit ng panibagong krimen kung hindi ito maaagapan. Particular na ibinigay na mga pangalan ng detective ay si Mr. James Perez mismo, sumunod ang kanyang Asawa na si Veronica Perez. Kabilang din sa mga nasa talaan ang mag asawang Chan na sina Carlos at Marilou. Maging sina Dave Olivarez, at Mr. Sam Samonte, at marami pang iba. Katuwang ng NSO maging ng NBI ang mga lokal na pamahalaan upang mapadali ang pagkakaroon nito ng agarang resulta batid ng detective na makakatulong ito ng malaki sa kaso. Samantala ay pasado alas singko na ng hapon ng mamataan ni Allen ang paglabas ng sasakyan ni Veronica. Kahayagan na tapos narin ito sa kaniyang ginawang transactions sa mag asawang Chan. Kaagad namang itinawag ni Allen ang bagong kaganapan Kay Freda na batid niyang kanina pa naiinip sa paghihintay. " Hello Freda you better watch out dahil palabas na si Veronica buhat sa loob at any minute aalis narin siya sa lugar. " warning ni Allen. " ilan silang lalabas Allen? " tanong naman ni Freda. " I'm not sure right now pero mukhang si Veronica lamang ang nakatakdang umalis " tugon naman ulet ni Allen. Nang muling lumitaw ang sasakyan ni Veronica palabas ng gate ay saka naman pinaandar ni Freda ang makina ng kotse subalit nanatili muna itong nakamasid. Matapos makalayo ng bahagya ang sasakyan ni Veronica ay saka pa lamang sumunod sa kanya si Freda. " Freda magiingat ka if anything goes wrong just let me know immediately okay? " concern na tagubilin ni Allen. " sige Allen mamaya na tayo ulet mag usap, Ikaw din magiingat ka diyan just be extra careful and make sure to locked all your door and windows sa apartment especially when you go to bed. Mamaya lang ay uuwi narin ako sa bahay I don't wanna be called a chasing nerd to a beautiful widow of our client for so many hours." natatawang sabi ni Freda. Pansamantalang tinapos ng dalawa ang kanilang paguusap at nag focus naman si Freda sa patuloy na pagsunod sa sinasakyang kotse ni Veronica at gayun din sa pagmamasid ni Allen. Tulad ng naunang eksena ay Nakita ni Allen ang hubad na lalaki na puno ng tattoo sa katawan na nakasandal sa may hood ng pulang kotse at mukhang may kausap sa kanyang suot na earbuds. Pahitit hitit din ito ng sigarilyo habang nagsasalita. Pagkatapos ng halos walong minuto ay napansin ni Allen na muling binuksan ng lalaki ang gate at pagkatapos ay sumakay sa may pulang kotse at saka niya pinaandar ang makina at mabilis na pinaharurot ang sasakyan sa hindi matiyak na direksyon. Mga ilang sandali ay lumabas naman si Mr. Carlos Chan upang isarado ang gate na hindi na nagawang isarado pa ng lalaki. Bago niya ito isinara ay kitang kita ni Allen na palinga linga ito sa paligid at parang sinasadya pang napatingin siya sa kinatatayuan ni Allen na wari ay tumatagos ang kanyang ocular albanism eyes sa kanyang kinaroroonan. Dahil sa may katagalan nitong pagkakatitig sa kanyang direksyon ay minabuti ni Allen na isiksik ang kanyang sarili sa mas makapal na part ng kurtina. Naisip niyang maggagabi na at posibleng sa epekto ng ilaw na maaaring tumama sa katawan niya ay mag iwan ito ng visible shadow ng isang tao. ' OMG ' awtomatikong naisaloob ni Allen. Hindi maipaliwanag ni Allen kung bakit ganoon kalakas ang epekto sa kanya ng awra na taglay ni Mr. Carlos Chan dahil sa close up look nito sa kanyang Digital Binoculars. In Allen's mind Mr. Chan Albanism feature is not ugly to look at but for her he seems sharp and scary. Maihahalintulad niya si Mr. Chan bilang isang serial killer sa isang horror movies considering his broad shoulder and a height that she estimated it to be more or less six foot inches tall. Nang isara na ng tuluyan ni Mr. Chan ang kanilang gate ay doon pa lamang nakahinga ng maluwag si Allen. Naalala niya bigla ang sinabi ni Freda kayat dali dali siyang bumaba ng hagdan at saka isa isang ini-locked ang bintana at pintuan ng apartment. Pag akyat muli ni Allen sa itaas ay muli siyang sumilip sa pinaka gilid ng bintana at sa kanyang kabiglaanan ay tumama ang auto zoom ng kanyang digital binoculars sa Mukha ni Mr. Chan na kasalukuyan paring nakatayo sa harap ng kanilang pintuan sa direksyon ng kanyang kinatatayuan kanina. Halos mabitawan pa nito ang kanyang hawak na binoculars. Likas kay Allen ang matatakutin sa mga multo at mga kakaibang features noong bata pa siya lalong Lalo na sa mga titig ng mga pusa sa kanya. She definitely loves pet except cat not because she hates them pero takot talaga siya sa pusa. She diagnosed once having a SCOPOPHOBIA pero pilit niya itong nilalabanan upang hindi ito makaapekto sa kanyang trabaho. Likas din siyang matapang lalo na kapag ang nakasalalay na ay ang kaligtasan ng sinuman sa harap ng mga kaaway. Nang muling sipatin ni Allen ang kinalalagyan ni Mr. Chan ay naglaho na ito sa kanyang paningin at hindi na niya alam kung pumasok na ito sa loob ng kanyang bahay o kung saan na ito nagpunta. Naalala rin bigla ni Allen ang pulang kotse na lumabas lulan ang lalaking puno ng tattoo sa katawan. Naisip niyang doon din inilagay sa loob ng compartment ang tila package na nakasilid sa isang kahon. Nakapag iwan din iyon ng isang palaisipan kung para saan iyon at kung para kanino ito. Bago naman mag alas sais ng gabi ay inihatid na ni Sam si Lala sa CDG Office Building. Hindi nasunod ang ipinangako ni Sam sa kanya na kakain lamang sila sa isang restaurant at pagkatapos ay ihahatid din siya kaagad sa CDG Office Building. Pero pagkatapos nun ay niyaya pa siya ni Sam sa isang Mall at sinabing bibili lamang ng mga grocery items na kalaunan ay napunta sila sa isang amusement center at doon sila nagtagal sa mga singing karaoke booth na sila lamang dalawa. Lalo siyang nabighani sa ganda ng boses ni Sam na kuhang kuha rin nito ang mga kantang nagpasikat Kay Arnel Pineda sa isang sikat na foreign band. Pagkatapos ay katakot takot na mga branded dress ang kanyang mga pinamili para kay Lala na hindi niya magawang tanggihan. Mga ilang minuto ng nakaalis si Sam ay tila tulala parin si Lala at nananatiling nakatayo sa may harap ng entrance ng kanilang tanggapan. Bago kasi umalis si Sam ay biglang rumihistro sa kanyang kaisipan ang isang tagpo noong gabing dumating doon si Mr. James at nakikiusap sa kanya na gusto niyang makausap si detective Nugas. Bagamat hindi niya napag ukulan ng matamang pansin noon ang kabuoan ng hitsura ni Mr. Perez ng gabing iyon but she noticed that they have something in common. Hindi lamang sa pananamit kundi maging sa kanilang manerisms. Aminado din siya na sa tingin niya sa hitsura ni Mr. Perez noong gabing iyon ay medyo haggard at stress at mukhang mas matanda ito kaysa sa kasalukuyang Sam na kilala niya ngayon. But she also admit that with the aid of an expert make up artist ay kayang kayang gawing mas matanda ang hitsura ng tao keysa sa kanyang totoong hitsura. Now She's in doubt again, ang dating 85-15 trust niya dito ay nagbalik na naman sa 50-50. Sa isip ni Lala na kung sakaling totoong nagpapanggap lamang si Sam sa kanyang mga ipinapakitang kabaitan ay masasabi niyang isa siyang best actor na mayroong 1000% ability to portray his act. Habang iniisip ito ni Lala ay ibayong kalungkutan naman ang kanyang nadarama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD