Chapter 14 " THE REQUEST "

1719 Words
Pagdating ni Detective Leumas Nugas sa Star Grove Tower ay agad siyang sinalubong ng dalawang security guard kasama ng isang magandang babae na sa tingin ng detective ay isa ring may mataas na katungkulan sa naturang kumpanya. " Good morning po sir Nugas, please this way po " magalang na sabi ng babae, sumunod naman ang detective. Doon sila dumaan sa isang hallway na tanging mga VIP lamang ang puwedeng dumaan doon. Pagsapit nila sa pinaka dulo ay mayroon isang malaking elevator kung saan ang kadalasang lumululan doon ay may mga matataas na katungkulan sa the grove at maging ng mga panauhing pandangal katulad ng mga business tycoons at ilang diplomats o opisyal ng gobyerno na may mga importanteng transactions sa may ari ng The Grove. Kasama niyang sumakay sa elevator Ang babae at naiwan naman sa ibaba ang dalawang bantay na guwardiya. Hindi maiwasan ng detective na basagin ang nakabibinging katahimikan sa kanilang pagitan kaya minabuti niyang magtanong sa kanyang kasamang babae sa elevator. " Ikaw ba ang personal secretary ni Mr. Eathan Hawk? " tanong ng detective. " opo sir " tipid na sagot ng babae habang ito ay nakangiti sa kanya. " any idea kung bakit ako inimbita dito ng may ari ng Star Grove Tower? " muling usisa ng detective. " pardon me sir Nugas but I shouldn't be allowed to talk the matter to you personally, it's highly confidential according to Mr. Eathan Hawk " seryosong pahayag sa kanya ng babae. Minabuti na lamang ng detective na tumahimik at hintayin na personal niyang makausap ang may ari ng The Grove.Nang tumunog na ang elevator ay nakarating na sila sa kinaroroonan ng opisina ni Mr. Hawk na nasa 99th floor ng The Grove Tower.Paglabas ng dalawa sa elevator ay muling may nakaabang doon na dalawa pang security guard at nagbigay pugay pa ang mga ito bilang acknowledgement sa kanilang inaasahan naring pagdating. Muli silang dumaan sa isa pang hindi na gaanong mahabang hallway, kapansin pansin ang magandang venue ng lugar na napapalibutan ng mga clear glass panel at tanaw ng detective ang asul na kalangitan at maging ng mga katabing nagtatayugang gusali.Pagtapat nila sa isang modernong pintuan ay naglabas Ang babae ng tila ID Card nito at matapos niya itong itapat sa scanner ay kusa nang bumukas ang pintuan. Nabungaran nila doon ang may ari ng The Grove na si Mr. Eathan Hawk at nakangiti ito sa kanila. First time lang makita at makausap ni detective Nugas ang prominent business tycoon bagamat nababalitaan narin niya ito at nakikita ang larawan niya sa pahayagan ay hindi niya akalain na matanda na pala ito at sa kanyang mabilis na estimasyon ay may edad na siyang 70 pataas.Halos puti narin ang buhok niya sa ulo ngunit mababakas parin sa awra nito ang kasiglahan at kalakasan. Si Mr. Eathan Hawk ang isa sa tatlong anak ng mga yumaong Hawk Clans na tubong Cebu,at pinalad na makapag-migrate ang kanyang mga magulang sa ibang bansa at doon ay pinalad na makapagtayo ng isang maliit na negosyo hanggang sa kanila itong mapalago. "I'm so glad na pinaunlakan mo ang aking imbitasyon sayo sir Nugas. " tumayo si Mr. Eathan Hawk at inilahad nito ang kanyang palad. " isang karangalan din para sa akin na kayo po ay aking makilala at makausap ng personal Mr. Hawk " magalang din na sabi ng detective at tinugon nito ng isang mahigpit na pakikipag kamay ang aktuwasyon iyon sa kanya ni Mr. Hawk. " ah Lala magtimpla ka nga ng dalawang kape para sa amin ng butihing detective. " Napalingon naman si Detective Nugas dahil sa kanyang narinig na banggit na pangalang Lala na nagkataon pang kapangalan ng kanyang sekretarya.Napansin naman ni Mr. Hawk ang palihim sulyap nito sa kanyang secretary habang ito ay nagpi-prepare ng black coffee buhat sa isang coffee maker na nasa loob lamang ng maluwang na opisina ni Mr. Hawk.Paglapag ng kape sa harap ng lamesa ay nagpasimulang mangusap si Mr. Hawk. " siyanga pala sir Nugas, I want you to meet my personal secretary Ms. Lalaine Hawk, she's also my youngest daughter " nakangiting sabi ng may ari ng The Grove Tower. " hello Po sir, I'm also glad for having you here ? " magalang na sabi ni Lalaine na bahagya ring ikinagulat ng detective. " now I know your little secret " nakangiting sabi ng detective na ang tinutukoy niya na hindi lang pala ito basta secretary lang kundi anak pala siya ng may ari at kabilang sa mga tagapagmang ng mga Hawk. " actually, no one knows except you of course that Lalaine is my daughter for some reason. Kailan ko lamang siya pinapunta dito and she undergo the process of hiring an ordinary employees.I hired her as assistant secretary but since the unexpected death of Mr. James Perez i promoted her as my personal Secretary and top executive secretary in general. " may kahabaang salaysay ni Mr. Eathan Hawk. " marahil ay nagtataka ka kung bakit kita inimbitahan dito sir Nugas and in order for you to understand the very reason behind ay gusto ko munang magpaliwanag sayo ng mga ilang mahahalagang bagay baka sakaling makuha ko ang iyong pagsang-ayon sa aking mga nakatakdang plano sa mga hinaharap na panahon. " makahulugang pahayag ni Mr. Hawk. Nanatili lamang na tahimik ang detective at minabuting pakinggan muna ang iba pa nitong sasabihin. " ang pagkamatay ni Mr. James Perez ay nagdulot sa akin ng matinding bagang sir Nugas at ayaw ko na sanang mangyari pa ito ulit... Pero nitong mga nakakaraang araw ay napapansin kong mukhang lumalala pa ang sitwasyon. Ang tinutukoy ko ay ang unti unting misteryosong pagkawala at pagkaubos ng mga ari arian ng The Grove Tower. Nangangamba ako sir Nugas na baka pag aking hinayaan na mamalagi ang ganitong sitwasyon ay baka tuluyan naring bumagsak at mapilitan akong isara ito bago pa mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng aming angkan" paliwanag muli ni Mr. Hawk. " I know your reputation sir Nugas at kung papayag ka ay nais sana kitang Kunin bilang aking personal investigator sa nangyayaring anomalya sa loob at labas ng aking kumpanya." malinaw ang mensahe. " so sa papaanong paraan Ako makakatulong sa inyo Mr. Hawk? " tanong ng detective. " I can give you all the power and authority para makapag conduct ka ng imbestigation sa lahat ng departamento na aking nasasakupan. I know that this a big task for you at ina- anticipate ko na baka hindi mo kayanin na mag isa pero naniniwala parin ako na sa matalino mong pagsubaybay at sa tulong ng mga pinagkakatiwalaan mong kasamahan ay magagawa mo itong masolusyunan at makakaasa ka rin na nasa likod mo lamang kami ni Lalaine." dagdag na paliwanag ni Mr. Eathan Hawk habang si Lalaine naman ay tumango bilang pag sang ayon sa plano ng kanyang Ama. " salamat sa napakalaking pagtitiwala ninyo sa akin Mr. Hawk at isang malaking karangalan para sa akin na kunin niyo ako bilang personal na kinatawan sa isasagawang pagsisiyasat sa nangyayaring anomalya sa inyong kumpanya. Subalit katulad ng inyong mga sinabi kanina na ang usaping ito ay lubhang napakalawak kung kayat nangangailangan ako ng konkretong ebidensya para matukoy ang mga responsable sa krimen na nagaganap sa loob ng inyong kumpanya. "Saad ng detective. " mayroon ba kayong specific na mga data na kung saan ay doon Ako makakapagsimula? " naglabas naman ng kulumpon ng mga documents si Mr. Hawk at sinabing maaari niya iyong ipadala sa kanya thru online para kanya itong mapag aralang mabuti.Nag agree naman ang detective sa suhestiyong iyon ni Mr. Hawk. " one thing more sir Nugas before I forgot" naglabas siya ng isang envelope at ibinigay iyon sa detective.Kaagad naman itong kinuha ng detective at tinignan ang nakapaloob doon. Ang nilalaman ng envelope ay tatlong pamilyar na uri ng sobre na naglalaman ng mga mensahe para kay Mr. Eathan Hawk. " I found these letters just yesterday at naipon ito sa aking Letter Box while I'm on tour in Singapore 3 days before mangyari ang explosion sa opisina ni Mr. James Perez." paliwanag ni Mr. Hawk. Inisa isang tignan iyon ng detective ang mga nakasulat at napatunayan niyang iisa lamang ang posibleng gumawa nito. Those letters were from the same person responsible for the three poison letters received by his client at ipinadala rin ito thru LBC. Ang unang sulat na may petsang April 9,2023 ay naglalaman ng ganito: ANG MGA AHAS AY NAGLIPANA... AT NAKA-ABANG NA ANG ULUPONG NA TUTUKLAW SAYO... MAGIINGAT KA! sa bahaging kaliwa ng card ay isang caricature na nakapulupot ang isang sawa na may dalawang ulo sa kalawit ni kamatayan. Sa pangalawang sobre na ipinadala naman 2 days after the first letter ay nakasulat naman ang ganito: MALAPIT NANG DUMATING ANG NAKATAKDANG ARAW... AT NASA PALIGID MO NA ANG MAGDUDULOT SAYO NG KAMANDAG... HAHANAPIN MO ANG SOLUSYON...SUBALIT WALANG MAKAPAGBIBIGAY SAYO NG LUNAS! Sa kaliwang bahagi ng card ay naroon ang isang tila bote ng antidote na may naka engraved na bungo at nakasabit na parang pendant sa leeg ni kamatayan. Sa pangatlong sulat naman na ipinadala dated April 13 ay nakalimbag ang ganito: ILANG HAKBANG PA... AT NARIYAN NA SIYA PARA SALUBUNGIN KA... PERO MAUUNA MUNA ANG ISA... AT MAY MGA SUSUNOD PA! sa kaliwang bahagi ng card ay mga larawan ng mga kabaong na may blankong lapida. " this is not just a joke! " may kalakasang nasabi ni detective Nugas. " I agree with you sir Nugas and I think there is a lunatic out here that causing trouble and who ever he or she is I want you to catch this stupid culprit sir, at naniniwala ako na sa pamamagitan ng iyong malawak na karanasan ay makikilala rin natin siya...why did you look at me like that sir Nugas? of course hindi ako bato para hindi makaramdam ng takot sa bagay na ito na kailan ko lamang natuklasan. " seryosong pahayag ni Mr. Hawk. Nang pagmasdan ni detective Nugas ang reactions ng kanyang kausap ay tila lumarawan doon sa kanyang balintataw ang anino ni kamatayan sa kanyang likuran habang inaambahan siya ng kalawit sa kanyang leeg.Pilit na iwinawaksi ng detective ang isiping iyon lalong Lalo na ang imahe na naglalaro sa kanyang malikot na imahinasyon, pero hindi niya puwedeng balewalain ang hatid nitong tiyak na kapahamakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD