Chapter 4-Birthday Party

1508 Words
Nakangiti siya ng ubod ng tamis habang bumababa sa kanyang kotse. Today is the birthday of Levi's dad , Mayor Zandro turned 57 this day.Syempre hindi siya pwedeng umabsent dahil future father in law niya si Mayor na ninong niya ngayon. The party's venue is in the most expensive hotel in town. Maraming mga kalalakihan ang napapatingin sa kanya , sino ba naman ang hindi maaakit sa ganda niya na pang-international? Isang mermaid gown ang isinuot niya ngayon, its color resembles fire that enhance her looks and makes her the most stunning lady tonight.Syempre, nag-effort siya para sa boyfriend niya, for her babe na little sister ang tingin sa kanya.Sana siya na lang pala ang panganay sa kanila ng kuya niya. Nakita niya ang Kuya niya kasama ang mga kaibigan nito na sina Andy at Bricks . Hindi na niya pinansin pa ang iba na hindi na man importante sa kanya.Ang hinahanap niya ngayong gabi ay si Levi.Baka this time, ito na ang maghahabol sa kanya kapag makikita nito ang beauty niya na pang Miss Universe. Nag-effort talaga siyang mag-ala Catriona Gray sa gabing ito kaya kailangan, pag-uwi niya ay hindi na siya virgin. Lumapit siya sa daddy niya, este sa daddy ni Levi pala.She gave him a smack on his left cheek and greeted him . " Thank,iha!" nakangiting tungo nito. Marami pa'ng mga pulitiko at kapamilya nina Levi ang lumapit rito kaya naghanap siya ng mauupuan. She saw her parents at the right side of the stage kaya nilapitan niya ang mga ito at isa-isang niyakap at dinampian ng halik sa pisngi.Kailangan niyang maging good girl sa oras na ito, istrikto ang daddy niya lalo na pagdating sa kanya kaya behave na behave ang peg niya ngayon. Iniisip pa lamang ang bagay na'yon ay bored na siya. Hindi nagtagal ay nagsalita na ang emcee sa harapan.Nagkaroon ng maiksing programa.may mga nagbigay ng birthday wishes sa Mayor.May mga kumanta, sumayaw at may celebrity pang dumating to entertain. " Let me take this oppurtunity to announce that my son........"saad ni Mayor Zandro. " Nooooo!"sigaw niya sa isip niya. Parang alam na niya ang sasabihin nito. " My son Levi and his girlfriend, Trixie is finally engage!" anunsyo nito. Mula sa umpukan ng mga tao ay umakyat si Levi at ang nobya umano nito na umiyak kamakailan nang dahil sa kanya. Nagsipalakpakan ang mga tao.Siya lamang ang parang nakarinig ng masamang balita ang nanatiling nakaawang ang bibig dahil sa narinig.She tried to stay calm, lalo na't nasa tabi niya ang daddy niya . My goodness! Ba't parang tinamaan ng balang ligaw ang puso niya? Bakit parang mas masakit pa sa tama ng bala ang nakikita niya sa harapan niya? Gigil na gigil siyang lapitan si Levi at ang babae nito.Oo nga naman pala, sino ba naman siya 'di ba? " Ahm, Love Levi..Thank you so much kasi hinintay mo'ko .I know mahihintay mo'ko ulit sa pagbalik ko.Just one year contract abroad then babalik na ako sa'yo!" malambing na saad ng babae. " Gagi sa mic pa talaga ha?Ibulong mo na lang kaya?" mahina niyang sambit sa sarili. A year contract? Haha, sisiguraduhin niyang wala na itong babalikan pa.Sisiguraduhin niya na sa pagbalik nito ay wala na itong karapatan pa kay Levi. Aagawin niya ang boyfriend niya!What she wants,she gets and this time sa santong paspasan. " Okay ka lang ,anak?" tanong ng Mama niya sa kanya. Napakahigpit pala ang paghawak niya sa glass ng champaigne. " Ahh yeah mommy, I'm really really fine!" nakangiti niyang sambit. Napag-alaman niya na si Trixie pala ay anak rin ng isang pulitiko sa bansa. Masasarap ang pagkain na nakahanda sa long table pero tatlong baso ng tubig lamang ang nainom niya.Tila nawala ang gutom niya lalo na't nakikita niyang napakalambing sa isa't isa nina Levi at ng babaeng ayaw niyang marinig ang pangalan.Panay ang halik ng babae sa pisngi ng fiancee nito,aray naman. Nakita niyang tumayo ang babae at umalis sa kinauupuan nito. " Hello babe, nice to see you!" hinalikan niya ito direkta sa labi at umupo sa tabi nito , sa mismong upuan ng babae nito. " Cath, if you will just make a scene please naman----" " Hindi ako tanga para mang -eskandalo Levi.I just came here to congratulate you, babe. Hangad ko ang kaligayahan ninyo ng babae mo.I am happy for you!' aniya rito. Syempre, hindi totoo ang sinasabi niya.Si Levi ang first love niya, ito lamang ang lalakeng kilala ng puso niya.Tumitibok ang puso niya at ang pangalan lamang ni Levi ang sinisigaw nito.She is just acting, na pang famas award kahit na sa pinakasagarang bahagi ng puso niya ay wasak na wasak na. " Really,Cath? T-Thank you.I'm so glad to hear it my little sister!" he embraced her tight. Niyakap rin niya ito nang mahigpit." Manhid ka talaga ,Levi!" sigaw niya sa isip niya. " Sige na babe, bye na..." kinindatan pa niya ang lalake bago tumayo at umalis sa mesa nito. Tumayo siya at pumunta sa ladies room. Nang pumasok siya ay nakita niya si Trixie na pumasok sa loob ng cubicle ng CR.Ginamit niya ang lakas niya upang itulak ang malaking plastic container ng tubig upang hindi makalabas ang babae mula sa cubicle. Narinig niyang sumisigaw at sinusuntok nito ang pinto pero deadma siya. Natatawa siya , ano kaya ang istura nito ngayon?Takot na takot ang gaga sa loob. " Buksan n'yo ang pinto!" sigaw nito Humahalakhak lamang siya habang palabas ng ladies room. Lumapit ulit siya kay Mayor Zandro at nagpaalam na rito. Mula sa malayo at tanaw niya ang gwapong mahal na mahal niya. Gagawin niya ang lahat upang makuha ang lalake.Tawagin na siyang baliw o desperada, she can't afford losing her first crush and first love. Paalis na siya ngunit may narinig siyang putok ng bala sa loob. Nagsisitakbuhan ang lahat ng mga guest at ang iba ay umiiyak na sa tindi ng takot at kaba. Bigla siyang kinabahan.Her parents, brother at sina Levi! Nakita niyang nakahandusay si Mayor Zandro.May tama ito ng bala sa didib.Nasa tabi rin nito si Levi na nadaplisan ng bala sa kanang braso. " Sniper!"mahina niyang sambit niya. Batid niyang maraming kalaban sa pulitika ang ama ni Levi. Alam niyang si Mayor ang target at nadamay lamang ang anak nito but whoever is the enemy,talagang totodasin talaga nito si Mayor Zandro. Tuamyo siya at minatyag ang paligid.Hindi pa siguro nalalayo ang sniper .Piuntahan niya ang tatlong malalaking puno sa gilid ng hotel but hindi iyon tamang lugar ,kung siya ang sniper she would not choose that location. Binaling niya ang tingin ang katapat na building .Its a hotel too.Kahit na naka-heels ay lakad takbo pa rin ang ginawa niya.May nakita siyang anino mula sa third floor ng katapat na building . Sinundan niya ito at naabutan niya sa likod ng building , nakaitim ito at nakaitim na bonnet rin. She found herself at the sniper's back, tinunok niya ang kanyang baril sa ngunit na-out of balance siya at natumba. Lumipad ang baril niya sa matataas na damuhan .Bumaling sa kanya ang sniper at tinutukan siya ng baril but then, hindi siya nito pinutukan. Pinaandar nito ang motor, at parang bulang naglaho. " s**t!" sambit niya . Nagtataka siya kung bakit hindi siya nito tinuluyan.Nakilala ba siya nito? Ang hulma ng katawan ng sniper ay hulma ng isang babae. So, it's possible na babae ang nangtangka kay Mayor Zandro? Nadamay pa talaga si Levi. Nang makabalik sa hotel ay nasa strecher na si Levi at Mayor Zandro. Ang sabi ng kilala niyang taga-rescue team ay hindi naman kritikal ang Mayor.Si Trixie ay iyak nang iyak .Lumapit siya sa babae at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. " Kung gusto mo'ng maging miyembro ng pamilya nina Levi, you should be brave.Huwag kang umarte at umiyak lang diyan,Walang maitutulong ang mga luha mo." Umalis na ang dalawang ambulance.Nagsiuwian na rin ang mga tao. Siya , ang babae ni Levi at sina Josh at ang mga kaibigan nito ang naiwan. " Sino ka ba ha? Wala kang karapatan na pagsabihan ako !" " Makikilala mo rin ako,balang araw..." Natatawa niyang sambit rito. How did Levi fell in love with this chick? She is really weak.Ganito ba ang gusto ni Levi, a cry baby and hysterical? Napapailing na lamang siya at natatawa. " Cath, that's enough.Let's go home." sambit ng Kuya Josh niya.Kilala siya nito.Hindi niya titigilan ang babae hangga't hindi ito maiinis sa kan'ya. She is a great bully. Nang tingnan niya si Trixie ay napangiwi siya. Lusaw na naman ang make-up nito.Ang mga luha sa pisngi ay kulay black na, ang foundation sa kabilang mukha ay hindi na pantay . " No make up reveal ?" Naisambulat niya rito. Inirapan lamang siya ng babae. " Tang*na ang tigas ng ulo mo Cathalea Valkyre!" seryosong sambit ng Kuya Josh niya na bigla siyang hinila upang makaalis na sila sa lugar na iyon. She should investigate secretly kung sino ang may pakana ng pagbaril kay Mayor Zandro.Damay si Levi kaya hindi niya hahayaang mangyari ulit ang incidenteng iyon sa lalaking pinakamamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD