Lumalim na ang gabi medyo marami na rin ang nainum nila pero keri pa rin naman .Panay ang tawanan nilang apat dahil puro kalokohan lamang ang kanilang topic.
" Cath, look who's here...Kuya Josh mo!" sambit ni Hope na ininguso ang paparating na nakakatandang kapatid niya.Ibang babae na naman ang kasama nito. Napailing na lamang siya , hindi na bago para sa kanya ang ganitong eksena.Kuya Josh pa niya?Eh milagrong walang babae.Magkakasakit 'ata ito kapag walang bago.
" Ignore him, baka pagagalitan na naman ako kapag nakita tayo!" saway niya kay Hope.
" Ibang girl na naman oh! Palibhasa, sino ba naman ang hindi aakit sa kuya mo noh!Kahit sino naman ay isusuko talaga ang bataan kay Josh." dagdag pa ni Cath.
" Tssk, hay hindi na bago ang balitang 'yan! Bahala siya sa buhay niya, sana kapag nahanap na niya ang babaeng para sa kanya eh magiging one woman man na lang siya ." aniya.Totoo naman ang sinasabi niya, kapag isa sa mga kaibigan niya o kakilala niya ang nalilink sa Kuya niya ay agad na niyang pagbabantaan ang mga ito.Tiyak na masasaktan lamang ang mga babaeng paiibigin ng Kuya niya.Baligtad ang nangyayari sa kanya, kahit anong gawin niya ay wala pa rin siyang ka-epek epek sa paningin ni Levi. Panay ang sabi nito na parang little sister lamang siya nito. Napakasaklap nga naman talaga, bakit pa ba ito naging best friend ng kanyang Kuya Josh Klein?
" Hello Ladies, can we join?" tanong ng isang lalakeng may kasamang mga bodyguards sa likuran.Halatang big time ito.May itsura naman pero shucks, napakapresko.Sumobra 'ata ang level of confidence sa sarili.
" Marami po'ng bakanteng mesa, uncle.Hindi po kayo kakasya rito." supladang sambit ni Hope.
"Hmmm napaka-suplada mo naman ,Miss.I'm Governor Charls Tumol."
" Kahit si Governor Tumol, Tukmol o Tumor pa po kayo eh pasensya na, ladies night namin 'to.Maghanap na lang po kayo ng ibang mauupuan." sagot ni Hope sa Governor.Ito ang pinakasuplada sa kanilang apat .Cool lamang naman sila nina Samara habang nakikinig sa usapan ng kasama at ng Governor.
" Aba't...Mukhang hindi n'yo talaga ako kilala ha? " Sumenyas ito sa isa sa mga bodyguards .
Nang makita ang senyas ng amo ay may apat na lalakeng lumapit sa kanila at tinutukan sila ng baril sa gilid ng kanilang tagiliran.Hindi naman bisto sa ibang tao ang eksenang iyon.Kinindatan lamang niya si Samara at nakuha na nito ang ibig niyang sabihin.
"Role play ba ito?"seryosong tanong ni Tanya sa lalaking nasa likuran nito.
" Miss,sumama na lang kayo kung ayaw niyong masaktan!" sagot ng lalake.
" This is fun!" napapangiti niyang sambit.
" Governor, pang-ilan na ba kaming biktima ninyo sa ganitong klase ng panghaharass?" Tanong ni Samara sa Governor.
" Marami na kaya't tumahimik na kayo!"
Lumabas sila sa bar na iyon at sinunod ang utos ng Governor. Dinala sila ng mga ito sa isang sikretong lugar na nasa liblib na bahagi ng syudad. May isang malaking konkretong mansyon ang nakatayo sa gitnang bahagi ng kagubatan. Hideout siguro ito ng Governor at dito nito ginagawa ang lahat ng kabalastugan sa buhay nito.
" Ang gaganda ninyo,tiyak na maraming mga mayayamang matatanda ang magkakandarapa sa ganda ninyo."seryosong saad ng Governor .
Maraming tauhan ang lumapit sa kanila nang makita silang bumaba sa van.Nakaposas ang kanilang mga kamay habang ang mga baril ng mga lalake ay nakatutok sa ulo nila.
" Lintik, ibang klase pala ang negosyo mo Governor Tukmol!" Natatawang sambit ni Samara.
Itinaas ni Governor ang isang kamay nito ngunit tila bigla itong natauhan at hinaplos na lamang ang makinis na pisngi ni Samara.
" Hmmm, hindi kita sasaktan dahil napakakinis ng kutis mo.Ayokong bababa ang value mo.Greg, is everything settled? Walang palya sa internet connections ha, siguraduhin mo lang!"utos nito sa tauhan .
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at muling naalala ang naging usapan nila nina Samara bago pa man sila nakarating sa Bar.
Ora-oradang sinabi ng kaibigan na may malaking isda itong target na mahirap hulihin dahil may pumoprotekha rito.Si Governor Charls Tumol ay isa sa mga matagal nang sinusubaybayan ng mga NBI agents sa Pilipinas. His hidden business is s*x exploitation, they are kidnapping women and sell them . Ang mga parukyano ay mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa Pilipinas at taga ibang bansa na dadayo talaga sa Pilipinas kapag schedule na ng online bidding nito.Their business is a secret online syndicate .They rape ,abused innocent women and after that they eliminate them.Her heart almost drop when she saw the list of missing women on Samara's files na possibleng narito ngayon at hawak pa ni Governor Tumol.
Dinala sila ng mga kalalakihan sa isang kwarto and presto! maraming mga babae ang nandoon at kagaya nila ay nakaposas. May mga nag-aayos at nagmemeyk-up sa mga ito.
May mga umiiyak at mayroon ring pilit na pumipiglas.
" This should end here!" bulong niya sa katabing si Samara.
" Yeah, I just have to secure his right hand's netbook ,I know nandoon ang mga hayup na mga customers nila.Isa-isahin ko sila after this, I promise." bulong ni Samara.
Lihim na nilang kinalag ang posas sa kanilang kamay.Ayaw lamang nila na mabisto ng mga tauhan ng governor .
Nang makarating na sila sa venue ng bidding ay namangha sila dahil napaka-hitech ng mga technologies na naroroon.
" Ikaw, Miss na mestisa...Umakyat ka sa stage.Face the cameras!"Utos ni Governor Tumol na nakatayo sa harapan ng mga tauhan nito at nakatingin sa kanya.May napakalaking screen sa gitna ng stage at may iba't ibang mukha ng mga tao ang nakikita niya sa screen.May puti, maitim at mukhang goons talaga."
Humarap siya sa camera.May nakikita siyang mga dollar signs,hmmp the bidding starts.
" Governor, napakakuripot naman nila.Hoy mga tanga, virgin pa'ko noh! " aniya sa mga ito.
Kinuha niya ang isang maliit na baril na nakatago sa bra niya at tinutukan ang Governor at binaril ito sa braso. Hindi niya muna totodasin ang lalake dahil ang sabi ni samara ay kailangan nila ng buhay ang Governor.Ito ang makakaturo kung sino ang mga accomplice nito at kung sino ang protektor ng mga syndikado. Hinala nila ay may mas malaki pang isda ang nasa likuran ng sindikatong 'to.
Nagsimula na ring kumilos ang mga kasamahan niya.Sinabihan niya ang mga babaeng naroon na tumakbo palabas . Ang mga kasama niya ay patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng putok sa mga tauhan ni Governor.
Pumwesto siya sa may mataas na pwesto sa loob ng kwartong iyon. Kahit na maliit ang kanyang baril ay kaya niyang bigyan ng headshot ang mga kalaban.
" One..." natumba ang isang lalake na kabarilan ni Cathlea. Everything is just game for her.Mas matindi pa ang training nila kaysa sa actual na pangyayaring ito.Para sa kanya ay isang laro na lamang ang ganitong sitwasyon.
" Two....Three...Four..." sambit niya habang isa-isang natutumba ang kanilang mga kalaban.
Nahagip niya ang tumatakbong si Governor kasama ang tatlong umaalalay rito.
" Five...Six....Seven.." sambit niya at isa-isang natumba ang mga alalay ng Governor.
Binaril niya ang malaking chandelier sa taas ng kisame. Nahulog ito sa harapan mismo ng Governor at humarang sa pinto na dadaanan sana nito.
Nakita niyang lumapit si Samara rito at pinosasan ito.
Nagkumpulan silang apat.
" Please let me go!I'll pay you triple.Just name your price!" he tries to bribe them.
" Hindi namin kailangan ang pera mo, Governor.Hustisya ang kailangan namin para sa mga babaeng naging biktima ninyo."
Hinayaan na niya sina Samara at Hope na mag-asikaso sa kaso ni Governor.Dumating ang mga pulis at kinuha ang mga biktimang babae nina Governor.
Dinukot niya ang isang usb sa kanyang bulsa na nakita niya kanina sa gilid ng screen .Parang may namumukhaan siya doon pero hindi siya sigurado. Hindi na muna niya ibibigay kay Samara ang USB, ibibigay niya kapag nakasiguro na siya sa hinala niya.
Mag-uumaga na nang nakarating siya sa kanilang mansion.Her parents use keycards kahit sa gate, sa main door and sa elevator nila.Pero siya, dahil siya ang nagplano at nagdisenyo ng security features ng mansion ay voice and face recognition lamang ay mabubukas na niya ang mga ito.She invest billions in their mansion.Sa trabaho niya,kailangan na naka high-end security system ang mansion nila.
Nang dumaan siya sa kwarto ng kapatid ay may naririnig siyang ungol mula sa kwarto nito. Nag-uwi na naman ito ng babae.
Tssssk, tapos na labanan nila ng mga kaibigan niya samantalang ang kuya niya ay nagsisimula pa lamang ang bakbakan nito sa kama. Sana all , dinidiligan.Napapangiti na lamang siya sa kanyang sarili.
" Good mornight self. I love you!" sambit niya sa sarili. Love yourself ikanga.