Chapter 5 " The Bodyguard"

1217 Words
" Hello, goodmorning babe!" bati niya kinaumagahan habang pumapasok sa loob ng pribadong kwarto ng ospital kung saan naka-confine si Levi. Bago siya bumisita kay Levi ay dumaan na muna siya sa ICU , kay Mayor Zandro Stanford. Napag-alaman niyang ligtas na ito ngunit kailangan pa ng masusing pangangalaga ang Mayor. Bahagyang nakangiti si Levi nang makita siya ngunit ang isang kilay nito ay umarko nang marinig ang sinabi niya. " Hayaan mo na'kong tawagin ka'ng babe, wala naman ang bruha mo'ng fiancee." sambit niya rito."Kumusta na? " " I'm feeling good already. Sa katunayan nga eh aalis na ako mamaya."anito. " Well,good para mababantayan na kita." sambit niya. " What?" " You heard it right, babe. Tinamaan ka lang ng bala, hindi ka naging isang bingi.I am your bodyguard, no correction, your sexy drop dead gorgeous bodyguard effective today." malandi niyang sambit na nilalakbay pa ang kanyang daliri sa isang braso ng binata. " Pero..may security na kami ni dad.Isa pa, may-ari ka lang ng security agency ninyo, baka ikaw pa ang babantayan ko kung nagkataon?" Mahina siyang humalakhak dahil sa sinabi nito. Hindi talaga siya nito kilala. " Huwag ka na ngang makulit ,Levi babe.Kausapin mo na lang si daddy, I mean ang daddy mo kapag nagising na siya. Huwag ka'ng mag-alala itataya ko ang buhay ko sa'yo kagaya ng pagsuko ko ng aking sarili sa'yo!" aniya. " Puro ka biro, hindi ka na nakakatuwa Cath!" nagtatampo nitong sambit. " Sige na, magpahinga ka na lang diyan.Ito talaga ang pinaka-love ko'ng work sa lahat!" kinikilig pa niyang sambit. Pumwesto siya sa dulo ng mahabang sofa at nagpanggap na may tinitingnan video sa cp niya ngunit ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa lalaking nakahiga sa hospital bed. Hindi nagtagal ay may kumatok at pumasok ang isang morena at simpleng babae. Mahaba ang buhok nito .Hindi ito sosyal manamit ngunit ang kasimplehan nito ang mas nagpaganda at nagpaakit sa babae. Lutang ang ganda nito kahit hindi masyadong marunong manamit.She looks so innocent and fragile. Tumayo siya nang makita itong palapit kay Levi.Pero batid niyang hindi ito kalaban dahil pinapasok naman ito ng mga pulis na nasa labas. " Daphne!!!" Levi mentioned. Nang makalapit ang babae kay Levi ay biglang itong humagulgol at niyakap ang binata. Tang*na! Ang dami ko'ng kaagaw sa'yo hudas ka! sigaw niya sa isip niya.Di bale, mamaya ay hahabulin niya ito kapag nakalabas na ito at tatakutin niya ang babae para hindi na ito makikipagkita pa kay Levi. " K-kuya! " humihikbi nitong sambit. " Sssssh, 'wag ka nang umiyak, I'm safe now!" sambit ni Levi sa babae. " Ehemmmm!" pagtutol niya sa seryosong usapan ng dalawa. " By the way, Cath...si Daphne pala ay half sister ko.Anak siya ni Papa." baling ni Levi sa kanya.Ngumiti siya rito ng bongga, ayun naman pala!Hindi pala niya ito kaagaw kaya umiba kaagad ang ihip ng hangin niya. " K-Kuya, ang ganda pala ng girlfriend mo.Hello po, Ate Cath!" nakangiting sambit ng babae sa kanya. Mas gumanda ito nang sumilay ang pantay-pantay na mapuputing ngipin. " Ay,magkakasundo tayo n'yan Daphne! "masaya niyang sambit. " Daphne, she is not my girlfriend!" tanggi ni Levi. " Oo nga, hindi ako girlfriend.I'm his personal bodyguard.Iba ang type niyang babae, 'yung tipong model ng sabong panlaba."natatawa niyang sambit. " How dare you insult my fiancee!" naiinis nitong sambit. " I'm just telling the truth ha!" dagdag pa niya. Sabay silang lumingon sa pintuan nang pumasok si Trixie na naka-all black attire!Naka-shades na itim rin ito. " Wow, sa'n ang burol ?" hindi niya napigilan ang sarili sa nasambit niya. " Ano ang ginagawa ng babaeng 'yan rito Levi?" tanong ni Trixie sabay tanggal sa shades at mabilis na nakalapit kay Levi at hinalikan sa labi ang nobyo. Umupo siya at tinitigan lamang ang lovebirds sa kanyang harapan. Si Daphne ay umupo sa tabi niya. " Mabuti naman at nakilala mo sina Levi!" sambit niya kay Daphne. " O-opo, isang buwan pa lang ang nakaraan."masaya nitong tugon. " So, you live with them now?" tanong niya. " Hindi pa po, ayaw ko pong iwan sina mama at ang step father ko po sa squatter area. Nag-offer po sila ng bahay sa amin pero tumanggi po ako, dahil nasanay na ako roon .Nalulungkot ako kapag iisipin ko pa lang na lilisanin ko na ang lugar na'yon!"mahina nitong sambit. " May point ka doon, kagaya ko ayaw ko pang bitawan ang first crush at first love ko kaya ayaw ko pa ng bago." tiningnan niya sina Levi at Trixie na napaka-sweet . " Nag-aaral ka pa ba o may asawa na?" " Hindi ko na po tinuloy ang pag-aaral ko.M-may bf na po ako." nagkislapan ang mga nito nang binanggit ang tungkol sa nobyo. " Mabuti ka pa, may experience na!" natatawa niyang sambit. " Bakit po, w-wala po kayong nobyo? Sa ganda mong yan, ate?" tila hindi makapaniwalang sambit ni Daphne sa kanya. " Ano, ulit 'yon Daphne? Hindi ko narinig eh, may pagkabingi ako!" " Ang sabi ko, sa ganda mo'ng 'yan ba't wala ka pang nobyo?" napalakas ang boses nito at napabaling ang atensyon nina Levi at Trixie sa kanilang dalawa. Humalakhak siya dahil namilog ang mga mata ni Trixie na sinadya nitong inikot-ikot hanggang sa puro puti na lamang ang nakikita niya sa mga mata nito. " Hmmm ganito kasi 'yun! ANg boyfriend ko ay mukhang aasawahin na ng iba!" aniya. " Awww, ang sakit naman!" " 'Di bale , may lahi akong aswang kaya aaswangin ko ang future asawa niya!" itinaas pa niya ang isang kilay niya habang nakatingin kay Levi na parang nagtatalo pati ang fiancee nito. ---------------------- " Hoy, babae asan ka na ba? Ba't hindi ka nagpaparamdam sa amin?" tanong ni Samara sa kanya. Nakatatlong missed calls na ito, sa sobrang busy niya sa pag-aayos ng mga gamit niya ay nakalimutan na niyang tingnan ang cp niya.Lumabas na si Levi sa hospital at dahil responsibilidad na niya ang lalake ay nakabantay na siya rito. May limang bodyguard rin ito na puro brusko ,siya lamang ang nagtatanging babae sa grupo. " Sorry, gurl may work ako. Im'ma personal bodyguard ni Levi kaya sorry na muna, mas importante ang lovelife ko ngayon kaysa sa inyo,okay? " maarte niyang sambit. " Kailan ka ba magigising gurl ha? You see, palayain mo na si Levi dahil walang interest 'yun sa beauty mo! Kay Tiger ka na lang kaya?" " Gaga, coke in can 'yun! " " Listen, Cath.Oras na para palayain mo siya.Tanga ka talaga sa pag-ibig Cathalea! Isa ka sa pinakamagaling at pinakamatalinong assassins pero pagdating sa pag-ibig bagsak ka! The world's best sniper pero pagdating kay Levi , bulag ka!" " Bahala ka rin sa buhay mo gurl! hangga't hindi pa sila kasal, may pag-asa pa 'ko. At kahit kasal na sila ay maghahabol pa rin ako. Di ba't mas madaling hulihin ang manok kapag nakatali ito?" humahalakhak niyang sambit. Pati si Samara Bright ay natawa na rin sa sinabi niya. " Bahala ka na nga sa buhay mo, Cath! Sarado na talaga 'yang utak mo! Humiga siya sa kama nang ibaba na ni Samara ang tawag. Maraming nagkakagusto sa kanya ngunit wala talaga siyang katiting na kiliting nararamdaman kapag nagpapalipad hangin ang mga ito. Si Levi lamang ang lalaking gusto niya at magiging future husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD