Kung gusto mo ang ginagawa mo, nakakalimutan mo talaga ang lahat. Iyong wala kang pakialam basta masaya ka at masaya rin ang inaalayan mo ng ginagawa mo. Ganoon ang naramdaman ni Nita. Masaya siya sa bawat araw na hinahandaan niya ng pagkain ang kaniyang amo. Masaya at nakakataba sa puso ng bawat papuri at saya na nararamdaman ni Rica. Ang ngiti ni Rica ay parang treasure na dapat ingatan para kay Nita. Mahigit isang linggo na ang lumipas at walang palya ang paghatid ni Nita ng pagkain sa magkapatid. Lahat ng hinihiling nilang dalawa ay kaniyang niluluto. Nag-iiwan lang si Rica ng pera kapag wala ng sangkap at si Nita na ang bahala sa lahat. Tapos sa bahay, bago siya umalis at sa kaniyang pag-uwi, ay may pagkain ng nakahain. Lahat ito ay masarap kaya napaparami ang kain ni Rica. Sa g