Episode 3

1350 Words
Mabuti na lamang at walang nangyari sa baby ninyo ni Kuya, Ate Crissan." Sinaksak yata ako ng libo-libong punyal sa harap at likod ng aking dibdib sa deklarasyon na aking narinig. Malabo man ang aking mga mata pero nakasuot ako ng salamin kaya kitang-kita ko kung paanong halik-halikan ni Lyndon ang kamay ng babaeng nakahiga sa hospital bed. At hindi rin ako bingi para hindi malinaw na marinig ang sinambit ni Loisa. "Baby niyo ni kuya." Paulit-ulit kong naririnig. Isa ba itong prank joke ? May nagbibiro ba sa akin? Puwes! Hindi nakakatawa! May babaeng nabuntis ang asawa ko at alam ng kanyang pamilya? Nang kanyanv buong pamilya. Gusto kong pumasok sa loob at sugurin silang lahat. Gaya sa mga nakikita kong eksena sa mga drama at movies na napa panood ko. Iyong sa sabunutan ng bidang babae ang kabit na babae na kanyang asawa. Iyong pagsasabihan ng masasakit na salita at pagsasampapalin ng bidang babae ang asawa niyang taksil. Pero, nanghihina akong lumayo. Ayokong umiyak pero bakit hindi ko maampat ang mga luha kong nagsi-alpasan sa mga mata ko. Ako ang legal na asawa pero bakit parang ako pa ang naduduwag? Buntis? Buntis siya. Buntis ang babae niya. Kaya anong laban ko? Anong laban ko sa isang batang hindi pa naisisilang? Isang batang hinahangad ng sino man na mag-asawa na hindi ko maibigay-bigay kay Lyndon. Kaya ba siya naghanap ng iba? Kaya ba niloko niya ako? Kaya ba siya humihingi ng sorry sakin dahil sa malaking kasalanan niyang nagawa? Ang dami kong tanong sa aking sarili. Pakiramdam ko lalo akong nanliliit sa sarili ko. Iyong hindi ko maibigay sa asawa ko, maibibigay ng babaeng nabuntis niya. Dahil wala akong silbi! Ako ang asawa pero sa ibang babae siya magkakaanak. Dahil isa akong baog! "Isa akong Baog! Baog! Baog!" Pipi kong mga sigaw sa isip ko. Hindi ko alam kung paanong sa panghihina ng katawan at isipan ko ay nakabalik ako sa building kung saan nagtatrabaho ang asawa ko at kung tutuusin ay pagmamay-ari ko rin dahil wala namang ibang may-ari ng building kong hindi ang aking Papa. "Pa." Isang katok muna ang ginawa ko sa opisina ni Papa bago ako tumawag at pumasok sa kanyang pribadong silid. Gusto ko sanang magsumbong. Gusto ko sanang humagulgol ng iyak. Gusto ko sanang sabihin ang nakita kong eksena kanina . Pero, baka kung anong gawin ni Papa kay Lyndon. "Abby? Ikaw na nga itong niloko? Siya pa talaga ang iniisip mo?!"" asik ng sarili kong utak Tumingin sa akin si Papa na kunot ang noo. Alam kong ayaw niyang nagpapa-istorbo. Naroon ang magalit siya at sigawan ako. Pero wala na sigurong mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Kaya kahit pag buhatan pa ako ng kamay, baka wala na akong maramdaman na sakit. "Dinalhan ko po ng lunch si Lyndon kaya po ako narito. Dinalaw ko na rin po kayo total narito naman po ako sa building." Paliwanag ko sa aking ama. "I'm okay, kamusta na ang pamilya ng asawa mo sa pagkamatay ng biglaan ni Leo?" seryosong tanong ni Papa. Sabihin ko bang na, okay po sila dahil magkakaroon na sila ng unang apo, unang pamangkin at unang anak ng asawa ko? "Malungkot pa rin, Pa. Pero unti-unti ng nakakabangon." Sa halip ay naisatinig ko. Tumango lamang si Papa at nagpatuloy sa kung anong ginagawa. "Pa, may kakilala po ba kayong Fuentes ang last name? Kaibigan or kasosyo sa negosyo?" naitanong ko. Tila nag-isip naman si Papa. "May kakilala pero matagal ng patay. Si Christopher Fuentes ay may mamahaling furnitures business at alam ko wala na rin ang asawa niya at ang ang iisang anak lang na babae ang namamahala ng mga business niyang naiwan." Imporma ni Papa at mabuti na lamang at nasa mood magkwento. "Nag-iisang anak na babae. Maaari kayang si Crissan Fuentes 'yon?" agad kong tanong sa aking isipan. "Bakit mo naman pala naitanong?" Bahagya akong nataranta sa kung anong isasagot sa tanong ni Papa. "May nabasa lang po kasi ako na social media. Fuentes po ang last name at mamahaling furnitures nga po ang business nila at may nagustuhan po ako. Kaya natanong ko po kung legit or scam lang sila baka mamaya fake po ang mga gawa nila." Pagsisinungaling ko at mukha namang naniniwala si Papa. Matapos akong magpaalam kay Papa ay tumuloy ako sa opisina ni Lyndon. Alam ng sekretarya niya na darating ako kaya naman mula sa ospital kung saan ko siya sinundan ay nagkunwari akong walang alam at nagpakita sa opisina niya kung saan dinala ko ang pananghalian niya at ibinigay sa kanyang sekretarya na hindi raw alam kung saan siya nagpunta. Ayokong umiyak sa harapan ng sinuman Ayokong kaawaan. Dahil sawa na ako. Mula pagkabata panay na ang iyak ko dahil sa klase ng buhay na mayroon kami ng mga Ate ko. Ayokong kaawaan, dahil dati pa kaming kaawa-awang magkakapatid. Kaya kong ignorahin kung anumang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Kaya kong magpanggap na okay dahil matagal ko ng talent 'yon. "Hon, narito ka na pala?" malambing kong tanong kalangkap ang matamis na ngiti sa asawa ko ng abutan ko ng masiglang nagtatrabaho sa kanyang working table. Bahagya pa siyang napatda ng makita ang presensiya ko. Tipong bahagyang namutla at halatang may itinatago. "Salamat sa dala mong pagkain, Hon. Pero sana maaga mong sinabi na dadalahan mo pala ako. Nakapag-lunch na kasi ako sa labas kasama ng mga ka meeting ko." Malambing niya din naman na sagot. "Sinungaling!" sigaw ng utak ko. "Ganun ba, next time Hon, a-agahan ko ang pagpunta para hindi ka magpunta pa sa kung saan." Sagot ko na pahapyaw pa na nilangkapan ng laman ang ang aking pangungusap na binitawan. Naiiyak ako pero pilit kong nilalabanan. "Bakit Lyndon? Bakit sa kabila ng pagmamahal ko nagawa mo akong lokohin? Akala ko mahal mo ako?" lumuluha ang aking puso sa pinaghalo-halong nararamdaman. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na magkakaroon ka ng affair sa ibang babae dahil sa pinapakita mong pagmamahal sa akin bilang asawa mo? Sa pag papadama sa akin na mahalaga ako. Sapat na ba na rason ang dahilan na hindi kita mabigyan ng anak kaya bumuntis ka ng ibang babae? Ang daming kong tanong na gustong ibato habang pinagmamasdan na siyang seryoso sa pagtatrabaho. Maya-maya ay nagpaalam na ako at hindi makakauwi ng maaga sa bahay dahil may bibilhin ako sa mall. Umasa pa nga kong baka pigilan niya ako at saka sasabihin na hintayin ko siya at sasamahan niya ako. Para ayokong tangang umasa. Tunay ngang kapag may problema ka. Kahit pa nakakatawa ang pinapanood mo ay mapapaiyak ka. Pumasok ako sa sinehan at pumuwesto sa sulok. Nakikisabay ako sa mga nagtatawanan tao dahil sa mga eksenang nakakatawa sa comedy movie na aming pinapanood. Pero sumasabay lang ako sa pagtawa nila at hindi naiintindihan kong anuman ang nakakatawang eksena. Hindi ko na rin alam kung saan nga ba ako natatawa? Nakikisabay nga lang ba ko sa tawanan? O pinagtatawanan ko na ang kaawa awa kong sarili na walang habas ang pag-iyak. Hinayaan ko lang tumulo ang mga luhang pinigilan ko kanina habang patuloy pa rin sa pagtawa. "Iyak lang Abby, iiyak mo ng lahat para maubos na." Para akong baliw na inaalo ang sariling katawan at ang sakit sa dibdib na nararamdaman. Matapos akong manood ng sine ay lumabas na ako sa mall at naglalakad- lakad. Tila sa pamamagitan nito ay mabawasan man lamang ang kabiguan na nasa puso ko ngayon. Sa paglalakad ay nakarating ako sa isang simbahan na sadyang nakabukas para sa mga taong nais magdasal. Hindi ako madasaling tao pero humakbang ako papasok sa loob at saka naupo at lumuhod sa pasadya na luhurang kahoy. Tumingin muna ako sa imahe na nasa pinaka gitna ng simbahan. Kusang pumikit ang mga mata ko at taimtim na umusal ng dasal. Hanggang sa tumulo na naman ang mga luha ko. Humikbi. Humagulgol. Dahil heto lamang ang natatanging paraan para kumalma ako. Maubos na sana ang luha ko. Maubos na rin sana ako. Dahil hindi ko na rin kakayanin kung ipagtatapat na sa akin ni Lyndon na may mahal na siyang iba at iiwanan niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD