Episode 1
"Ayoko ng umasa," bulong ko sa aking isipan habang matamang nakatingin sa kalendaryo sa aking cellphone.
Nais kong buksan ang drawer kung saan naroroon ang mga iba't-ibang uri ng brand ng pregnancy test.
Pero ayoko na. Masakit na naman ang mabigo.
Hindi naman talaga regular ang buwanang dalaw ko kaya hindi na bago sa akin ang hindi niya pagdating ngayong buwan.
Ilang beses na ba akong nabigo?
Hindi ko na mabilang kahit pagsamahin pa ang mga daliri ko sa paa at kamay.
Nanghihina akong naupo sa gilid ng kama at inabot ang maliit na picture frame na nakapatong sa side table.
Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng aking asawa.
Si Lyndon.
Limang taon na kaming kasal pero magpahanggang ngayon wala pa rin kaming supling.
Ayon sa Doctor na tumingin sa aming dalawa, ako ang may problema.
Mayroon raw akong PCOS o Polycystic ovarian syndrome.
Nakakalungkot isipin na hindi ko mabigyan-bigyan ng anak si Lyndon at mabigyan ng unang apo ang aking mga biyenan at pamangkin ang hipag ko.
Pero nakasuporta ang asawa ko sa mga ginagawa kong paraan para magamot ang abnormalidad ng katawan ko para makapag dalang tao.
Mula sa mga vitamins na iniinom, pagkain at pa unti-unting ehersisyo.
Pero bigo pa rin kami. Madalas kong maisip na wala akong silbi bilang babae.
Pero laging nakasoklolo ang asawa ko sa tuwing lalamunin ako ng lungkot sa pag-iisip.
Kaya paano ko kung wala siya sa tabi ko?
Halos buong buhay ko kasama ko na siya.
Magkakabata kami ni Lyndon dahil magkaibigan ang aming mga magulang.
Pero matanda siya sa akin ng tatlong taon.
Pareho kami ng school mula elementarya at high school.
Mula bata ay chubby na ang katawan ko. Aminado naman akong mahilig talaga akong kumain especially sweets.
Maagang lumabo ang mga mata ko kaya nakasuot ako ng salamin sa mata na mataas ang grado kaya naman madalas akong tampulan ng tukso ng mga kaklase ko.
Mataba na nga ako ay ang kapal-kapal pa raw ng salamin ko.
Kaya laking gulat ko at ng karamihang high school batch namin ng ligawan ako ni Lyndon.
Bukod kasi sa gwapo at matipuno na ang katawan ni Lyndon kahit nasa third high school pa lamang siya ay napaka talino isa rin siya sa matalinong estudyante
Kaya naman sikat siya sa school at marami talaga ang may lihim na pagtingin sa kanya.
Sweet naman talaga si Lyndon sa akin kahit noong magkalaro pa lamang kami. Lagi siyang nariyan para aliwin ako. Lagi pa nga niya akong binibigyan ng kung anu-anong pagkain na paborito ko.
Pero hindi ko akalain na darating ang panahon na sasabihin niyang may ng nararamdaman siya sa akin at gusto niya akong maging girlfriend.
Noong una, ayokong patulan dahil baka pinagpupustahan lamang nila ko ng mga kaibigan niya.
Pero kilala ko naman siya. Hindi siya ang ganung tipo ng lalaki.
Hindi niya ako inaaway kahit noong mga bata pa lang kami. Kilala ko rin ang mga kaibigan niya na puro matitino at walang bully dahil kagaya niya na matatalino.
Tinapat ko siya na tigilan ako dahil unang-una bata pa kami at ayokong malaman nina Mama at Papa na nagpapaligaw na ako sa edad kung twelve years old dahil baka ma-grounded ako o kaya ay patigilin ako sa pag-aaral.
Hindi ko na lamang siya pinapansin kahit panay ang palipad hangin niya sa akin sa school. Natakot pa nga ako ng malaman nina a
Ate April at Ate Alexis ang tungkol sa ginagawa na panunuyo sa akin.
Sabi ng mga ate ko, mabait naman si Lyndon kaya aprubado sa kanilang dalawa. Pero masyado pa raw kaming mga bata para magkaroon ng relasyon.
Lalo siyang nagpursige sa panliligaw sa akin at ganun na lang din ang pagkamangha ko ng isang araw ay abutan ko sa bahay ang mga magulang ni Lyndon na kausap si Mama at Papa.
Narinig ko kung paanong sabihin ni Papa na aprubado sa kanila ni Mama kung sakaling si Lyndon ang magiging asawa ko in the near future.
Si Lyndon daw ay ang pinangarap nilang perpektong anak na lalaki na hindi sila nabibiyayaan dahil puro kami babae nila ate April at ate Alexis. Hanggang tatlo lang pwedeng manganak si Mama dahil cesarean siya.
Hindi ako tinantanan ni Lyndon kahit pa ilang beses ko na siyang binasted. Hanggang sa mag tapos na siya ng high school at makalipat na ng University.
Minsan naiinis na talaga ako dahil ayaw niya akong tigilan. Tinutukso na ako ng mga kaklase ko dahil sa kanya.
Anong magagawa ko? Sa ayoko pang magkaroon ng karelasyon.
Takot ako lalo pa at nabuntis si Ate April sa edad na eighteen years old pa lang.
Nakatapos naman ang ako ng high school pero tulad ng mga Ate ko. Hindi na ako pinag-aral sa college nina Mama at Papa.
Mag-aasawa rin naman daw ako at mabuburo na lamang sa bahay kaya ano pa ang halaga na pag-aksayahan pa nila ng pera ang pagpapaaral sa amin nila Ate.
Gusto naming mag-aral pero wala kaming kakayahang paaralin ang aming mga sarili.
Gusto ko sana rin na maging career woman gaya ni Mama. Iyong tipo na makapag suot ng corporate suit. Mag-isip ng mga magagandang agenda.
Iyong malibot ko ang mundo at makarating sa mga lugar na sa libro at social media ko lamang nakikita.
Magaling na negosyante si Mama at gusto kong maging katulad niya.
Hinahangaan sa kabila ng pagiging babae niya at namamayagpag sa industriya ng pagnenegosyo.
Ganun din naman si Papa.
Kaya naman madalas din naming marinig sa mga bisitang dumarating sa mansyon na ang swerte naming tatlong magkakapatid.
Mga bilyonaryo na raw kami
dahil mga anak kami ng mga bilyonaryo mga negosyante.
Pero sa totoo lang, hindi kami lumaki sa luhong magkakapatid.
Hindi kami tulad ng ibang anak mayaman na panay ang shopping o kaya naman ay panay ang pasyal sa ibang bansa.
Sanay akong magtiis at pagkasyahin ang aming allowance.
Malupit sina Mama at Papa.
Bawat salita nila ay batas at walang karapatan sa aming magkakapatid ang sumuway.
Kaya batid kong ayaw pa ni Ate April ang makisama sa nakabuntis sa kanya pero napilitan na siyang sumama dahil hindi naman siya tatanggapin dito sa bahay.
Naiwan kami ni Ate Alexis sa mansiyon.
Kami ni Ate ang nagsilbing katulong at taong bahay.
Kapag walang pasok, madalas akong nasa loob ng library at nagbabasa ng mga libro lalo na ang tungkol ay sa pagluluto.
Inaral ko kung paanong magluto at magbaked ng mga cakes, pastries at cookies. May mga libro rin sa pagluluto ng mga iba't-ibang klase ng putahe ng ulam.
Iyon at iyon lang naging libangan ko.
Hindi na naman ako masyadong lumalabas ng bahay kaya wala na rin akong naging social life. Ayoko rin namang makipag lapit sa ibang tao dahil puro negatibong komento lang naman ang natatanggap ko.
Mataba ako, mukha akong nerd. Sa aming tatlong babaeng magkakapatid, ako ang pinaka pangit.
Sa paglipas ng taon, hindi na rin kami nagkita ni Lyndon at doon ko napagtanto na may pagtingin rin ako sa kanya.
Parati ko siyang naaalala. Palagi ko siyang naiisip.
At nasasaktan ako ng palihim kapag iniisip na mayroon na siyang mga naging nobya.
But, until one day.
Tinawag ako ni Ate Alexis at may bisita raw akong naghihintay sa aming sala.
Puno man ng pagtataka ay walang buhay naman akong nagpunta ng sala.
Napatda ako ng mapag sino ang bisita ko.
Isang lalaking na sa totoo lang ay miss na miss ko na.
Si Lyndon at seryosong kausap si Mama at Papa.
Napansin kong mas tumangkad siya at mas naging malapad ang katawan na gaya ng mga nakikita kong lalaki na nagpupunta sa gym.
Bantulot man akong lumapit ay binalewala ko na lamang dahil baka mapagalitan ako nina Mama at Papa.
Lumapad ang ngiti ni Lyndon ng matanawan ako.
Napuno ng galak at paghanga ang puso ko ng mapag-alaman na kaya pala siya narito sa bahay ay para pormal na magpaalam kina Mama at Papa para ako ay ligawan.
At isang taon din mula noon ay pormal ko na siyang sinagot sa edad kong labing pito.
Sino ba naman ang hindi mahuhulog?
Napaka maalalahanin ni Lyndon at walang araw na hindi niya ako napapakilig kahit sa simpleng text lang. Idagdag pa ang sandamakmak na mga bulaklak na natatanggap ko sa kanya tuwing weeksary at monthsary namin.
At ng tumuntong ako ng edad beinte at magkaroon na siya ng trabaho sa isang kompanya.
He proposed to me at ilang buwan lang din simula noon ay ginanap ang aming church wedding.
At ngayon nga ay limang taon na kaming nag sasama bilang mag-asawa.
Wala akong masabi talaga.
Napakabait niya sa akin.
Wala kaming bagay na pinagtatalunan.
Wala nga akong maalala na nag-away kami.
Wala rin akong masabi sa mga in-laws ko dahil mahal na mahal din nila ako ng tulad ng sa isang anak na sa totoo lang ay hindi ko nadama sa sarili kong mga magulang.
Mahal na mahal namin ni Lyndon ang isa't-isa at tanging kulang na nga lamang ay ang isang anak.
Perpekto na sana ang buhay namin kung may batang lalaki o babae na kami na kasama na matatawag na anak.
Nagbalik ako ang isip ko sa kasalukuyan ng marinig ko ang pagkatok sa pinto at pagbukas nito.
Ang asawa ko.
"Maaga ka yata ngayon?" agad kong tanong at nilapitan siya para tulungan na alisin ang kanyang kurbata.
Wala akong nakuhang sagot bagkus naramdaman kong mataman lamang siyang nakatingin sa aking mukha.
"May dumi ba ako sa mukha?" malambing kong tanong muli.
Pero hindi pa rin siya kumikibo.
Kaya naman napatitig na rin ako sa guwapo niyang mukha.
Napansin kong parang nanlalalim ang kanyang mga mga mata na para bang puyat?
Medyo mahaba na rin ang tubo ng kanyang balbas at bigote na nakapagtatakang hindi niya inahit gayong hindi niya hinahayaang humaba.
Nitong mga nakaraang araw nga ay madalas ko siyang napapansin na parang wala sa sarili.
Nakatingin sa malayo pero hinayaan ko na lamang dahil baka tungkol sa trabaho. Hindi ko naman kasi ugaling magtanong pa dahil alam ko namang pagod na siya para magkwento pa.
"I'm sorry, Abby, I'm sorry," saad niya at saka ako niyakap ng mahigpit.
Naamoy ko ang matapang na amoy ng alak ng magsalita siya.
Pero? Para saan ang sorry?
"Para saan?" naguguluhan kong tanong pero gumanti ako ng yakap sa kanya.
Umiling siya ngunit hindi bumibitaw sa pagkakayakap sa akin gayong nais ko sanang pagmasdan pa ang kanyang gwapong mukha.
Ang kanyang perpekto at matangos na ilong at labi niyang manipis at higit sa lahat ang kulay tsokolate niyang mga mata na lagi ko ngang sinasabi sa kanya na sana kong magkakaanak kami ay mamana ng anak namin ang kulay ng kanyang mga mata.
"Sorry, dahil sa hindi ako perpektong asawa."
Napangiti ako sa narinig.
Ano ba ang depinisyon ng perpektong asawa?
"Hindi ka naman siguro lasing kahit amoy alak ka pero kung anu-ano ang mga sinasabi mo? Para sa akin, ikaw ang perpektong asawa. Napakabait mo, maalalahanin at lagi mo nga akong pinapasaya. Ako itong hindi perpekto kasi hindi kita mabigyan ng anak," sambit ko sa kanya.
"I'm sorry, Abby. I'm very, very sorry."
Patuloy niyang banggit habang magkayakap pa rin kami.
Marahil ay naparami ang inom kaya paulit-ulit ang kanyang salita.
"Tumigil ka na nga Lyndon. Sorry ka ng sorry. Anuman ang hinihingi mo ng sorry ay napatawad na kita. Napatawad na kita dahil mahal kita. Kaya tumigil ka na. Naiingayan na ko sayo." Kunwari ay galit kong tugon sa kanya.
Lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin na tila ba ayaw niya akong pakawalan.
Nitong mga nakaraang buwan kasi ay panay ang lipad niya sa Japan para sa isang business proposal sa isang business investor na doon nakatira.
Kaya naman aaminin kong namiss ko rin siya dahil halos wala na rin siyang oras sa bahay at laging trabaho ng trabaho.
Kaya naisip ko rin na, sana nga ay ganito na lamang kaming dalawa.