Kabanata 2

2397 Words
I R E N E Busy ang lahat, sa nalalapit kong engagement party. Yes, I obeyed my parents, I obeyed the written will, I obeyed everyone. Although, they tricked me, in the end I had no choice. Halos pumutok si Ate Christine sa galit sa parents namin. Ayaw niya, dahil una... hindi ko kilala ang lalaking iyon. Ikawala, nag-aaral pa ako. I am her sister at guilty na guilty siya, napasa sa akin ang kamalasan niya. "I was selfish, Irene." sabi nito sa akin. "Past is past, Ate. It's okay. Nandito na eh, I have to obey." malumanay akong ngumiti. "Sure ka ba? I know you want to escape... I'll help you, let's runaway." desperado niyang sabi. Paano sina Mommy at Daddy? Maiiwan silang at magiging liable sa lahat ng damages. Naka-oo na ako sa kanila, nagsimula na silang maghanda para kasal. Though, I have asked for more time. Engagement lang muna. Hayaan naman nilang, kilalanin ko ang mapapangasawa ko. They agreed, the same thing with his family. Humiling din ito dahil nakakagulat ang pangyayari. Ikakasal kami na hindi namin kilala ang isa't isa. Umiling ako kay Ate Christine. I still have my masteral. Tuloy parin ang thesis ko na dito ko lang ginagawa sa aming city. I wont runaway. I will stay here and face the situation, I will marry the boy. "Alright! Ano pa ba ang magagawa ko? Basta, nandito lang ako lagi Irene. Remember that!" niyakap niya ako. I hugged her back, "Merci beaucoup, ma seour!" sabi ko. The whole day akong nagtago sa kwarto ko, I rejected any meal of the day. May mga pinapapak naman akong chichirya at mga pagkain na inimbak ko kaninang umaga. Buong araw kong ginawa ang chapter two ng thesis ko. Sinimulan ko narin ang chapter three ko pero hindi rin nagtagal ay drain na drain na pala ang utak ko. I need to stop, maganda naman ang kinalabasan dahil tapos ko na ang chapter two. I still have time to do the other chapters. Maliligo na sana ako nang marinig kong may tumatawag sa phone ko. Ngayon lang ako mang-ientertain ng messages and calls. "Marie Louise Caylo, what is it?" bungad ko. "Pwedeng Bam nalang? What's with the complete name, Irene Grace Zamora?" iritado nitong sagot. I laughed, nangangamoy party. Hindi naman ito tumatawag kapag hindi nag-aayang lumabas pr something. "Saan ang party Bam?" diretsahan kong utas. "Somewhere QC? Nandito na sila..." sabi nito and yes, naririnig ko ang pangungulit nila kay Bam. Binaba ko ang tawag. I need fun, I am getting married. Pumunta ako sa closet ko para maghanap ng maganda isusuot. Binabasa ko rin ang mga text messages at tinitignan ang mga missed calls ng mga kaibigan ko. Kanina pa nila ako inaayang lumabas pero hindi napapansin. I'm too busy. Sorry naman po! I gotcha! Sabay kuha sa susuotin ko, hindi naman ako party girl pero noong college madalas kami sa bar. Pagkatapos ng exam, before exam or special occasions. Umiinom din ako at naka-try manigarilyo pero hanggang doon lang sa bar, paglabas good girl na ako... to what they call the perfect girl. Mabilis akong naligo at nag-ayos sa sarili ko. Tinatawagan narin ako ng mga kaibigan ko na paimportante na raw ako dahil isang oras na silang naghihintay sa akin. "Irene? Where are you going?" sabi ni Mom nang makasalubong ko ito sa hagdan. "Going out with friends... I'll be late Mom." hinalikan ko siya sa pisnginat bumaba na. "You should call, Warren too." pahabol niyang sabi. Pero kunyare hindi ko narinig. Not tonight. Makikilala ko rin siya but not tonight. Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng taxi. Mas magandang mag commute kasama ang mga kaibigan, hindi ka mamomoblema sa parking, sa tickets at sa magiging gasgas ng sasakyan mo. Me to Bam: I'm c*****g. Hehe :) Agad naman itong nagreply. Bam Caylo: Ewww! I'm virgin. Hahahaha. Nasa Eastwood kami, just soul searching, baby. Me to Bam: Baliw! Right location please. She replied with the right place. Sinabi ko sa driver na sa Eastwood ako. Nagsisimula na raw silang kumain kahit wala pa ako, gutom na raw sila. Nag text naman si Seska kung ano ang io-order ko, she texted me the menu dahil nasa kalagitnaan pa ako ng traffic. Libre daw ni Dane dahil hire na ito sa isang government office. Hindi paman sa embassy na pangarap niya, atleast... magagamit niya na ang pinag-aralan namin. Me to Seska: You know what I want girl. Malapit na ako sa Eastwood ng magreply si Seska sa akin. Seska Vic Sabanal: Whatever, pinahirapan mo pa akong mag-type leche ka! Nagbayad ako sa driver at bumaba. Gabi na at tag rami ng mga tao dito, hanggang madaling araw pa ito kaya dadami pa mamaya. Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang mga kaibigan ko. "Saan nga ulit ang star dito ni Toni Gonzaga?" tanong ko habang naaaliw sa pagbabasa ng mga stars ng mga artista. Busy ako sa paghahanap kay Toni kaysa sa mga kaibigan ko. Nang naalala ko na ay sinundan ko ang daan patungo doon ng may nabangga ako. "Ghaaad, sorry." sabi ko agad. Hindi siya natumba ni hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Hindi siya nasaktan habang ako naman ay parang nauntog sa pader. Matigas. Umangat ako ng tingin sa nabangga ko, naririnig ko rin ang pag-uusisa ng katabi niya. "A woman..." panunuya ng kasama niya. "S-Sorry." nauutal kong sabi habang tinitigan siya. "Kay." sabi niya at nilagpasan ako. Is that, Warren? And what? Nilagpasan niya lang ako? Hindi man lang nagtanong kong okay lang ba ako o nasaktan or something? Diba Fiancee niya ako? Hindi ba niya ako nakita? My goodness! Inis na inis ako. Okay kasalanan ko iyon, pero seriously? Ni hindi niya ako binalingan. Nakakapang-init ng ulo! Kinalimutan ko na si Toni Gonzaga at hinanap ang mga kaibigan ko. Not long, nakarating na ako sa resto. Malayo palang, ingay na nila ang naririnig ko. I decided to forget that isnabero man, ito pala ang getting to know phase? Isnaban phase? Bahala siya! Umiling nalang ako at pinuntahan na sila, nasa labas sila ng restaurant at marami sila. Bam, Queenly, Seska, Dane, Rudy, Crissa, Ynna, Pauline, and Ian. Si Dane ang unang nakakita sa akin kaya siya ang unang tumayo para salubungin ako. "Hey, Mr. Hired Man!" bineso ko siya. Natigil din sa pagkain ang lahat at nagsitayuan na para makipagbeso sa akin. "You're late..." nakangising sabi Dane. "Hi, Miss Paimportante!" sabi ni Seska. "Thesis... too busy," I said. Dinala na nila ako sa chair ko kung saan nandito na ang order ko. We're complete. Nandito ang busy na si Crissa, Ynna at mag-asawang Pauline at Ian. Mas umingay kami, maraming kwento at maraming asaran. Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti. I missed all of them. May pagbabago narin sa mga buhay nila after a month. They strived so hard. "Ayan! Tagal mo kasing dumating... tapos ikakasal ka na pala." panunuya ni Seska dahil tapos na silang kumaim at ready to party habang ako ay struggle sa pagkain. Inirapan ko siya, naaalala ko. Goodness! Kung paano ako nilagpasan ni Warren kanina. "Sorry naman po!" Ako ikakasal, sa katulad niya? Nag-iinit ang ulo ko. Holy chalice! I am doubting now, I want to abort mission. Sabihin ko kaya kay Ate? Papayag iyong umalis na kasama siya! Pagsisisihan kong ipapakasal ako sa isang katulad niyang snob-ero. Mamatay ako mg maaga! Hindi pa ako nagaganyan ng kahit sino. Not anyone... because they say my life is freaking perfect! "Take your time, Irene." humalakhak si Dane. "Tsaka... sorry talaga sa inasta namin, damn we were wasted! Hindi namin iyon sinasadya." sumeryoso ito bigla. "Huh?" uminom pa ako ng tubig bago magpatuloy, "yun ba? Nakalimutan ko na talaga 'yon, nukaba!" sa wakas tapos narin akong kumain. Halos magbunyi si Queenly at Seska. Atat na atat magparty! Tumayo na kami at umalis, dumadami na nga talaga ang mga tao dito, halos maghawakan na kaming lahat ng kamay para hindin maghiwa-hiwalay. We will commute, hindi nagdala si Bam, Rudy, Crissa, Dane at ako ng sasakyan. Pare-pareho kami ng iniisip, having fun commuting. Sa isang sikat na bar sa QC naming napiling pumasok. Kilala ni Dane ang may-ari at kararating lang daw galing US. Who cares, I want to party. Mausok. Halu-halo na ang amoy ng buong bar. Kasisimula lang ng sayawan pero ganito na ka-intense ang environment dito. Ginaganahan na ako at siguradong hindi ako makakauwing inosente sa bahay namin. I will party, harder than my goal. Tignan natin kung sino perfect. You all change your mind "Dito tayo, guys!" sabi ni Dane. Nasa taas kami ng The Pulse. Isa-isa na kaming umupo. Katabi ko si Bam na palinga-linga sa paligid. Siya ang kj sa amin nung college, hindi pinapagayan ng magulang, strikto. Minsan nadadaan nalang sa perfect influence ko kasi daw mabait ako at di bad influence kaya ako ang tinutulak para manghingi ng permiso sa magulang niya. This her 5th times. Nabibilang ko dahil apat na beses akong humingi ng permiso sa magulang niya noong college at ngayon ay mukhang independent na siya. Hindi na kami kakabahan na may tatawag na nanay niya tatalon daw sa building ng school namin kapag hindi ito uuwi ng maaga. Nakakatawa pero may ganoong magulang. Iyong hindi maatim na mawala ang anak sa isang buong araw. Monitored. "Gosh! Daming hottie panigurado." tili ni Seska. Nag-apir ang dalawa, "Absolutely!" tili ni Queenly. Kami ni Bam, Crissa, Ynna at Pauline ay umiling sa kanila. Maingay na at hindi na masyadong nagkakarinigan. Gusto ko sanang sa VIP room kami pero mas masaya naman dito lalo na't lumalandi na si Queenly at Seska, hindi na mapipigilan. "Ladies, stay here. Order lang kami sa baba." paalam ni Rudy. Umalis ang tatlo naming boys. Kami naman ay napapagiling kahit nasa upuan lang kami. We don't party while sober, we want drunk. Mas may lakas ng loob kapag ganoon, walang ng hiya hiya pagdating gitna. Ganiyan ako! Nakakahilo ang usok at malikot na ilaw. Still we want groufies so it never stopped us. "Inom muna bago landi," sabi ni Crissa. "Kailan pala ang kasal, Irene?" ngumisi siya sa akin. "f**k! Engagement muna... taking time. f**k!" tumatawa ako. Please lang! Tigilan niyo muna ako sa ganiyang topic, hindi pa ako handa. At kapag naaalala ko siya ay kumukulo talaga ang dugo ko. "Pauline!" tawag ni Ynna sa tahimik na Pauline. "Stop shittin' and talk please!  Nawala lang saglit asawa mo." "Ang baliw mo po. Oh! Anong topic?" tumatawa ang halatang hindi nakikinig na Pauline. Lumaki ang mga ngisi ng mga kaibigan ko. Lalong lalo na si Ynna, "We want to ask... how's married life? Kailangan ng advice ni Irene!" tumatawa si Ynna. Napatingin kami sa kaniya. Yeah, I might need it. Sarcastic. Of course. Nanunuya ang mga girls sa akin. Pero kapag ini-imagine ko kung paano ako nilagpasan ni Warren kanina. Para akong sasabog na! Ganoong klase bang lalaki ang pakakasalan ko? Parang gusto ko ng atrasan! Joke lang pala ang lahat, Mom and Dad. Kung pwede lang ganoon. Hindi. Hindi pwede. Nagkwento si Pauline. Dapat daw intimate lagi. Wag kakaligtaan ang mga detalye tungkol sa mga gusto at ayaw ng mag-asawa. Commit when you are married. Be understanding. Open-minded. Hindi ko na sinundan ang iba dahil sa bawat advice niya may mga negative comments ako sa utak ko. Hindi ko makukumpara sa akin si Pauline dahil hindi pa ako nagkakaboyfriend. Wala akong alam. Wala akong experience. Aral-kaibigan-pamilya-bahay lang ang inatupag ko buong buhay ko. Si Pauline at Ian, high school sweetheart na. May sinimulan. Kami wala. Out of the blue akong ipapakasal... sa isnob-ero pa! "We are back!" sabi ni Dane dala ang mga buckets. Nilapag nila ang mga chichirya at ibang pulutan. Over-all, mayroong apat na bucket ng beer. "Inuman na!!!!" sigaw ni Queenly at Seska. Daming kalokohan at usapang college life ang binalikan namin. Kantyaw at mga nakakalokang tagpo ang inabot ng lahat dahil may mga isa-isa kaming mga pambato sa isa't isa. Hindi ako perpekto! May kapintasan din ako pero hindi ko talaga alam kung bakit hindi iyon makita ng iba. Mentality. Kapag mayaman ka, perpekto na! "Let's go!!!!" sigaw naming lahat ng nagkalakas loob ng bumaba para sumayaw sa crowd. Magka-hawak kamay kami ni Dane nang bumaba. Kumakapit naman ang nahihiyang Bam at kasunod ko ang maiingay at may tama na ang mga kaibigan ko. We have three boys to protect us. Lalong lalo na sa warak na warak ng sumayaw ang tatlong girls, Queenly, Crissa at Seska. "I got them..." sabi ni Rudy at dinaluhan narin sila. Tumatawa kaming lima habang sumasayaw na sa gitna. Warak narin ang lasing na Bam at sweet na sweet naman si Pauline at Ian. Si Ynna naman ay biglang nawala pero alam naming okay lang 'yon. Babalik iyon na virgin parin at kumpleto. Kami ni Dane ngayon ang nagdi-dirty dance. I got this... sa kaniya ko ito natutunan at hindi awkward dahil may tama na kami. "Congratulations Dane!" sigaw ko sa tenga niya habang guma-grind. I am enjoying the music. Lumapit din naman sa akin si Dane, "Salamat! Are you enjoying?" hawak niya ang beywang ako at mas nilalapit sa kaniya. "Super! Nakakawala ng stress!" humahakhak ako habang sinasabayan ang paggiling niya. Lunod na lunod ako sa pagsasayaw namin ni Dane. Bantay sarado ko si Bam at hindi ko na makita ang iba. Damn life! This is life! Napapakapit ako habang gumagala ang mga kamay ni Dane at ako naman ay tawang-tawa sa kiliti na bumabalot sa akin. "You... are flirting!" bulong ni Dane sa akin. Yes, I am. Lalo na pag lasing na ako. Siya lagi ang fini-flirt ko. I don't have worries dahil hanggang dito lang naman ito. Sports. No kiss and tell. Tinatawanan nalang namin. Ang ganda ng remix ng kanta. Mapapagiling ka ng sobra. Hindi ko namamalayang nasa gitna na talaga kami at nawawala na sa paningin ko si Bam. Marami ng tumatapak sa paa ko at magulong-magulo na ang paligid. Bubulong na sana ako kay Dane na lumayo kami dito nang may humila sa braso ko. "T-Teka--" "Dude! Warren!" gulat ding sigaw ni Dane. Dumilim ang mukha ni Warren ng maaninag si Dane, "Sorry, Dane. I don't let my fiancee flirt with other man." sabay hila sa akin ng tuluyan papunta sa kaniya. Yeah right. Fiancee! Nambabakod na ang mapapangasawa ko. Right! Kung paano mo ako nilagpasan tapos ngayon... Warren Santillan, you goddamn do something about our situation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD