I R E N E
Having a perfect life means having a happy family. When grandma left the world, she told my parents na dapat sinasamahan ako sa hapagkainan. Dapat nasusunod ang gusto ko. Dapat ako ang binibigyan ng atensyon. Ginawa nga nila 'yon. I am their priorities. Laging huli si Ate Christine but she understands, gusto niyang maging independent. Ayaw niyang may nag-co-command sa kaniya.
All my life, hindi ko tinolerate ang sarili ko. I'm not a brat. I'm rich... sa akin iniwan ni grandma ang kalahati ng ari-arian niya the rest ay pinaghahatian ng mga anak niya including my parents. I was righteous above everyone. But I let my parents rule. Hindi ako--ayoko. I want to live simple. I want to be independent like Ate Christine. Ayaw ko kapag sinasabihan ang parents ko na alipin ng anak. It was never right.
Nakasulat na sa will ko na sa parents ko iiwan ang lahat ng wealth ko. Ang iba ay ginagamit ko na at para sa huli ay hindi ako aasa sa pera ng grandma ko. I want to earn myself. I want to live in my own money. Actually, I don't want to involve business. I really want foreign service. Gusto kong maging diplomat. After my undergraduate course, I am taking now my Master's. I also took the Civil Service exam. Next step ko after this... is law, since pre-law naman ang na-graduate ko and I'll start taking my foreign service. I don't care if it takes a lifetime for this. I will pursue my dreams.
Katatapos lang namin kumain sa tahimik na hapag-kainan when my dad speaks. "How's your Master's?"
"Okay naman po. I think I got the right thesis." I answered.
Alam kong ayaw nila sa kinuha kong path. Alam ko rin na may sasabihin silang iba at naghihintay lang ng tamang tyempo. I trust my woman instinct. Uminom ako ng tubig at tinanong sa kanila kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin.
"Are you free this evening? It's about time," He said.
It's about time for what? Napapatanong ang utak ko. Gusto ko man magtanong kung ano ang sinasabi ni Dad pero hindi na ako pwede pang magtagal. May pupuntahan pa ako at nagmamadali ako. Kahit hindi ko naintindihan ay tumango parin ako.
I obey my parents no matter what. Hindi ko madamot at hindi ako naging rebelde sa kanila. Tumayo na ako at umalis na sa bahay. I am meeting my colleagues today.
Nag-aya din si Ate na magliwaliw sa Bonifacio City. Seriously, hindi pa siya nagsasawa sa kakaikot doon.
Doon niya raw kasi mahahanap ang mapapangasawa niya. Those big buildings. One of it will be her home for money. Feeling niya mahirap siya kahit na may share naman siya sa mana ni grandma at may trustfund naman siya. Ayaw niyang ibalik ang nakaraan niya pero ni-minsan hindi niya pinagsisisihan iyon.
"Irene! Here oh!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Dane.
Since dito lang kami magkikita sa Taguig, dito nalang din naming napiling mag-bonding. Sa isang Filipino-Cuisine Restaurant namin napiling kumain. This is for lunch, konti lang talaga ang kinain ko kanina para maka-catch up dito. I woke up late. Sa bahay namin lunch time na iyon.
"Our Summa Cumlaude! Bonjour Madame!" bati nila sa akin.
"Bonjour mes amies! Kanina pa kayo? Let's order na." sabi ko at umupo.
In this cruel world, hindi lahat sa amin may trabaho na. Hindi rin lahat sa amin ay nag-ta-trabaho sa tamang pag-ta-trabahuan. Some of them, end up call center agents. Pa-side line side line lang, o kaya naging tutor ng isang four years old kid.
Para naman sa akin. Okay lang! It's just a start. When someone dies, opportunity opens ganiyan ngayon sa mundong kinagagalawan natin. Nothing is easy now. Dati bago kai grumaduate, I offered opportunities for my friends. First, si Bambam and Rudy ay in-offer'an ko ng positon sa company namin. But they declined. Next one is Dane and Seska, I also tried to bribe Crissa--they declined. Ayaw nilang nang-gagamit ng friendship para umunlad. Hindi nila ako kinaibigan for referrals. They want real jobs. Sana ay hindi nila pinagsisisihan ito ngayon. Everything is a competition. Life is always unfair.
"Kamusta ang thesis? Sabi ni Crissa, yakang-yaka lang. We want to hear from you." sabi ni Rudy.
Where is that girl nga ba? Crissa--secretary of Ms. Lorraine Jimenez. I heard kakabalik lang nila galing Russia. Just got married. That lucky man. Paul Durano--a young CEO/President and his wife Lorraine Jimenez--a heiress, a young CEO/President. I know nothing more about them. Iyon lang naririnig ko lang sila kina Mom and Dad but I have no personal connections with them.
"I think, I've got the right thesis. Gustong-gusto ko siya at sobrang napapanahon. Well, I'm not hoping for prizes. I hope I'll pass," I laughed.
"Ikaw pa! You got it all girl. The luck--the perfect life. I'm so insecure." sabi ni Queenly.
Doon nagsimula ang ingay namin. Maraming mapag-uusapan since ngayon lang kami ulit nagkita. I missed these people.
"Since anim lang tayo--ang ibang wala ang manglilibre next time," sabi ni Bambam.
We all agreed. From the college life hanggang sa working life ang naging takbo ng usapan. Nagkakatuwaan din kami sa mga hindi dumating naming mga kaibigan. In taking my masters, wala akong kaibigan. Focus ako sa thesis ko at sapat na ang mga kaibigan ko ngayon.
We decided to order. Marami din kaming napag-usapan before, actual and after the meal. It was like we wont ran out of topics. Marami din silang suggestions about my thesis and they helped a lot. Hindi rin kami na-kontento sa usap-usap lang. Pumunta narin kami sa isang KTV Bar para mag-ingay. Everything is perfect for a day.
"Damn you people! I had fun!" sigaw ni Dane habang naglalakad sa busy na daan.
It's already 4 PM, nag-aya na akong umuwi dahil lasing na sila sa ganitong oras pa. Maraming nainom. Kagigising lang din daw ni Ate Christine kaya puntahan ko daw siya sa condo niya. If I know, magpapalinis lang 'yon ng kwarto niya. Minabuti kong maghintay nalang sa Starbucks para maka-inom ng coffee. Alam kong alam niya na pinatawag ako--pati narin siya. I know something pero ayaw kong isipin 'yon buong araw.
"You suck world! Give us job--assholes!" nag-dirty finger pa ang lasing na Rudy.
Sinasabayan din siya ni Bambam at Queenly. Sa aming anim ako lang ang hindi uminom. I rather not--I have date to attend. My older sister. Christine Grace. That crazy girl.
"WHY ARE YOU SO LUCKY IRENE?" sigaw ni Queenly.
"ALL OF THE PEOPLE! WHY US? WHY NOT YOU? WHY ARE YOU SO FILTHY RICH?" dugtong ni Seska.
They are bursting their anger. Naiintindihan ko sila. Kung ako lang din naman ang nasa kalagayan nila ay ganiyan din ang gagawin ko. I'll burst to death...
"Sana ma-rape ka! Ma-kidnap! Ma-bankrupt! Sana mawala sa 'yo ang lahat para pantay pantay. Para fair--hindi ka lamang sa amin." sabi ni Queenly na naduduwal na.
Masakit marinig iyon pero kunyare hindi ko narinig. Kunyare joke lang iyon. Isa-isa ko silang pinasakay ng taxi at binayaran ito. Sinabi ko na sa driver kong saan sila dadalhin. Naiwan akong naglalakad papunta sa starbucks. Malapit lang naman sa kinaroroonan ko. Binalewala ko narin ang mga sinabi nila kanina. They are true friends dahil sinasabi nila ito sa akin harap-harapan. Sana lang ay hindi magkatotoo ang mga curse nila kanina. I'm scared.
"Ate, nasa Starbucks ako. Pakibilisan." sabi ko ng makarating.
"Alright... pababa na ako ng condo," mukhang nagmamadali pa ito dahil humihingal.
"Okay. See ya then." binaba ko ang tawag after at umorder.
Throughout the night ay naglibot kami ni Ate. Nag-shopping kami at libre niya ang lahat. Ni-hindi ako naglabas ng card o kaya cold cash. Everything is on her. Hanggang sa nagsawa narin kami sa kakalibot. Kanina lang din tumutunog ang phones namin at ngayon lang namin naisipang bunutin sa bag.
It's our parents. It's already 8 in the evening and we missed the dinner with them. Tumawa lang kami ni Ate Christine. Kahit na kinakabahan ako, hindi ako nagpatinag ngayon lang ako sumuway sa magulang ko.
"Let's go... Mom will boom!" tawa ni Ate at sumakay sa sasakyan. She'll drive for me.
Diretso kami sa bahay after the calls and sms. Pagkadating namin ay para kaming teenager na nagparty all night at late na late umuwi. My mom is fuming in anger when she opened the door.
"Why are you so late Irene?" tanong ni Mom.
"Sinundo ako ni Irene, Mom. What's with the rush?" pagmamaldita ng Ate Christine.
Not that rebellious. Naiinis lang si Ate kay Mommy at Daddy. Never siyang naging jealous sa akin because in the first sa kaniya dapat itong lahat. Siya ang first daughter kaya siya ang unang paborito pero nakakasakal daw maging sunud-sunuran. She quit being the favorite... then I came. Iyon ang gusto niyang mangyari. Ang makawala sa hawla.
Umupo kami ni Ate sa sofa at hinarap ang mga bisita. Hawak-hawak ko ang kamay ni Ate then she made me feel that everything is going to be alright. Tumikhim si Dad hudyat nang pagsisimula ng sinasabi nilang it's about time.
"Good evening Mr. and Mrs. Santillan. These are my daughters Christine Grace and Irene Grace." Dad introduced.
Lumaki ang ngisi ng mga bisita sa amin ni Ate Christine. Tumayo kami at nakipag-beso sa kanila. "Please to meet you both. Ang lalaki niyo na especially you Christine... ito ring si Irene." sabi ni Mrs. Santillan. "By the way this is our son, Warren Santillan." pakilala nito sa katabi niya.
Humigpit ang hawak ko kay Ate nang nakaupo kami ulit. Hindi rin naman nag react ang lalaki. MIba ang nararamdaman ko at alam na alam ko na ang ipinunta ng pamilyang ito dito. I saw this coming pero hindi ko pinansin. I don't watch cliche movies or read those kind of books. But when you venture business--damn this is true. Naramdaman ni Ate Christine ang panginginig ko kaya tinaasan niya ng tingin ang mga bisita.
"Please get to the point... mukhang hindi naman kami kailangan dito." sabi ni Ate Christine.
Agad siyang tinignan ng masama ni Mommy. Inirapan lang siya ni Ate Christine at mukhang wala ng magagawa. Yumuko ako--I don't want to be engaged or something. I'm still on my masteral. Sana pinili kong mag-abroad para maka-iwas sa ganito. I heard Santillan is a business partner. A very close friend of my clan. Grandma's best friend is a Santillan.
Tumikhim si Dad, "We all know na magkaibigan si Mama at Tita Gloria. Nasa Amerika si Warren noong bata pa kaya hindi niya pa alam but my daughter Irene knows it. These two friends before their death made a deal and it was written on their wills."
"Irene is twenty two and Warren is twenty four. It was written here, both names mentioned should get married before Warren Santillan turns twenty five." Dad read the paper.
Malalim na ang paghinga ko. Mas malalim pa sa bangin. Thank God wala akong hika because anytime I'll die. I didn't know na may kasunod pa sa will ni Grandma. All I know is everything she left is mine. Pinagkaisahan ako ni Mom and Dad. They didn't told me that there is something like this. Yung panginginig ng kamay ko ay umabot sa tuhod at labi ko. I think I'm pale.
"You tricked Irene! Pinagamit ninyo kay Irene ang mga pera at ari-arian ni Grandma without letting her know na may agreement palang ganiyan." sumabat na si Ate Christine.
"Christine, you stop it! She's your Grandma'a favorite. Alam ni Mama na hindi siya bibiguin ng apo niya." sagot ni mama.
Tumayo si Christine na sobrang galit. Tinayo din niya ako at umalis na kasama ako. She'll protect me no matter what. She'll help me with this. Hindi niya hahayaang mapakasal ako sa lalaking kakakilala ko lang. Hours ago he was just a stranger to me and then boom! I am engaged or I am arranged to marry him? What the hell!? Dumiretso kami sa kwarto ko and then she locked it.
"Those two old parents!" she hissed.
Tumabi siya sa akin sa kama at sobrang hysterical. Ayaw niyang ginaganito ako. Ayaw niyang naaargabyado ako. She loves me too much. "Alam mo Ate, when I look at the guy. Wala siyang reaksyon. As if he already knew it. The expression was--"
"Unbelievable! This is all my fault, Irene. Kung hindi lang ako nagrebelde kay Grandma hindi ka sana nadadamay sa gulo ng pamilya natin." galit na galit si Ate Christine.
I know. Kahit anong takbo ko sa bagay na ito ay hindi na maaari pa. Dead end. Hindi parin ako makapaniwalang mangyayari talaga ito. Naging mabait ako sa parents ko, hindi ko alam na pagsasamantalahan nila ito. Gagamitin nila ang kahinaan ko para makuha ang gusto nila. Magtago man ako kahit saan, I am engaged. Balik-baliktarin ko man lahat. I am engaged with that man. Nahulog nalang ang dalawa kong balikat sa takot at galit. I thought, grandma loves me. Even before her death... she used me.