FELICITY BINALAAN ko muna ang pinsan kong huwag muna pumasok gamit ang mata ko. Nanlaki ang mata ng pinsan ko nang makita si Hermes. Agad niyang hinila ang anak nito palabas ng pintuan. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ang mag-ina. “Is there something wrong?” Tanong ni Hermes nang mapansin ang pagkabalisa ko. Napalingon ito sa tinitingnan ko. Kunot noo na binalik ang tingin niya sa akin. Napangiti ako ng pilit. Muntik na ako! Umiling ako sa tanong niya. “Baka gising na ang anak mo at hinahanap ka na nila,” sabi ko. Sana naman umalis na ang lalaking ito. Napahawak ako ng mahigpit sa kanto ng lamesa. “Yeah, I think I need to go. Maybe we can go along next time with our children,” sabi nito. Napangingiti pa siya habang sinasabi iyon. Tumayo na siya. Bago siya umalis ay humalik p