HERMES KINALAS ko ang kamay ni Anica na nakayakap sa akin. Masama ang loob ko sa kanya dahil mas inuna niya pang makasama ang mga kaibigan kaysa ang kambal. Okay lang na hindi ako ang priority niya basta ang mga anak namin ang mas importante. “Sana hindi ka na nagpunta rito.” Ani ko at tinalikuran siya. Pumasok ako sa loob ng villa namin. Mabuti na lang nakatulog ang dalawa kaya hindi nila makikita ang pagtatalo namin ng kanilang ina. Naiinis lang ako dahil mas importante ang ibang tao kaysa sa mga anak namin. “I am so sorry, Hermes. Ano pa ba ang kinagagalit mo? Nandito na ako,” sabi nito na parang hindi naman sincere sa paghingi nito ng tawad. “Hindi ka na lang sana humingi ng tawad na parang kasalanan ko pa na nagpunta ka rito. Sabi ko naman sa iyon na ayos lang na wala ka rito.