FELICITY NAPASILIP ako sa bintana nang mapansin ang sasakyang nakaparada sa tapat ng gate namin. Pagkakaalam ko ay wala namang kotse ang kapitbahay namin at mukhang mamahalin ang sasakyan. O baka naman ay may bisita ang mag-asawa? Napailing na lang ako dahil nagiging paranoid ako. Magmula nang magkita kami ni Hermes at sabihin sa akin na pinanonood niya ako ay kinabahan na ako, may konting takot, pero binalewala ko lang iyon. At saka kung malaman man niya kung saan ako nakatira matapang ko siyang haharapin. Hindi na ako magiging mahina kapag nakita ko siyang muli. Nagpasya na akong matulog dahil tapos na ang trabaho ko. Alas nuebe na ng umaga, oras na para matulog. Nakaalis na ang pinsan ko papunta sa trabaho nito. Sabi ko nga sa kanya mag-work na lang online dahil hassle sa traffic. A