FELICITY “TOTOO ba ang sinabi mo, Hermes?” Naninigurong tanong ko. Hindi ko alam kung niloloko lang ako ng lalaking ito o pinaglalaruan. Madalas namang sumakit ang balakang ko kapag nagigising ako dahil minsan kapag tulog ako hindi na ako gumagalaw. Kung saan ako nakapwesto roon pa rin ang pwesto ko paggising. “I am not . . .” Naputol ang sasabihin nang tumunog ang cellphone nito. “Please excuse.” Paalam nito at lumayo siya sa akin. Habang may kausap sa cellphone sa akin nakatingin. Binaling ko sa iba ang tingin ko para maiwasan ang tingin ni Hermes na nakakatunaw. Lumapit sa akin si Hermes na mukhang natapos nang kausapin ang tawag sa cellphone nito. “I have to go. I have a meeting with my friend.” Anito. Hindi ko naihanda ang sarili nang bigla niya akong halikan sa labi. Kinindatan