Dahan-dahang lumapit si Jean sa siwang ng bintana. Maingat ang naging kilos niya. Ingat na ingat ang bawat hakbang niya baka maapakan niya ang mga kaibigang natutulog. Sinenyasan siya ni Jean na lumapit. Sabay silang sumilip sa maliit na siwang ng bintana. May tao nga sa labas ng bahay at hindi lang iisa kundi apat na pigura ng katawan ang nakita nila. Nagkatinginan sina Jeffrey at Jean. Hindi nila malaman kung lalaki ba o babae ang bulto ng katawan dahil napakadilim ng paligid. Kapwa nila kinasa ang mga baril at ginising ang mga kaibigan.
“May mga tao sa labas at sa tingin ko delikado tayo ngayon.” Bulong ni Jeffrey kay June at Johnny. Lahat sila ay mga pulis maliban kay Lora dahil isa itong reporter.
“Maghanda kayo!” utos ni Jean sa mga kasama kaya naging alerto silang lahat. Inabot sila ng madaling araw sa paghihintay pero hindi naman pumasok ang mga tao sa labas ng bahay. Isa lang ang alam nila. Nagmamatyag lang ang mga ito at kung kailan ito sasalakay iyon ang hindi nila alam. Nakatulog na ang tatlong babae samantalang nanatiling gising ang mga lalaki para magbantay. Relyibo nalang siguro sila para magbantay at matulog. Hanggang sa sumikat nalang ang araw ay hindi naman pinasok ang bahay ng Tito Hener niya.
“Nahihiwagaan talaga ako sa mga tao kagabi.” Pagbasag ni Johnny sa katahimikan, kasalukuyan silang nagkakape sa maliit na mesa. Pinakialaman na nila ang mga gamit sa bahay ng kanyang Tito Hener.
“Nagmamasid lang ang mga yun at tinitiyak kong babalik sila mamayang gabi.” Sagot ni June.
“Anong plano natin? Hindi naman pwedeng magmasid nalang tayo palagi. Kung mabuti silang tao bakit nasa labas sila ng bahay at bakit hindi sila pumasok sa loob?” tanong ni Ruth.
“Wag tayong magpadalos-dalos dahil hindi natin alam ang kalaban natin basta lagi tayong handa sa lahat ng pagkakataon.” Ani Jeffrey.
Tanghalian na nang makauwi ang Tito Hener niya sa bahay nito. Kitang-kita nila ang takot sa mukha nito. Hindi man lang ito bumati sa kanila at tuloy-tuloy na pumasok sa loob kaya sinundan nila ito.
“Saan po kayo galing kagabi?” hindi mapigilang tanong ni Jeffrey sa tiyuhing.
“Hinanap ko ang mag-iina ko.” Maikli nitong sagot sa kanila.
“Kagabi po may nakita kaming mga tao na nagmamasid sa labas ng bahay.” Kwento ni June dito.
“Umalis na kayo sa lugar na ito kung ayaw niyong mapahamak! Ikaw Jeffrey wag mo ng gayahin ang sinapit ng ama mo! Umuwi kana dahil kailangan ka pa ng nanay mo!” sigaw ni Hener sa kanila na ikinagulat nilang lahat. Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala.
“Hindi ako aalis sa lugar na ito hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang nangyari sa ama ko!” madiing sagot ni Jeffrey. “At walang sinuman ang makakapigil sa akin kahit kayo pa!” matigas ang boses na sagot ni Jeffrey sa tiyuhin.
“Paano ang Mama mo kung mawala ka?” bulyaw nito sa mukha niya.
“Alam ni Mama na kaya ko ang laban na ito. Ililigtas ko si Papa!” sagot niya pang matigas ang boses. Walang makakapigil sa gusto niya.
“Hindi mo sila kaya! Makinig ka sa akin dahil kilala ko sila!” mahina na ang boses na sagot nito. Kung hindi pa umawat si Jean hindi sila titigil ng tiyuhin sa pagtatalo. “Mapapahamak kayo sa lugar na ito. Mamamatay kayong lahat!” dagdag pa sa kanila ni Hener.
“Nakahanda po kami.” Sabat ni Johnny na buo ang loob.
“Kung ganoon ngayon din ay umalis na kayo sa bahay ko!” ani Hener na ikinagimbal nilang lahat.
“Bakit po?” hindi mapigilang tanong ni Lora. “Wala po kaming matutuluyan.”
“Ayokong madamay kayo sa paghahanap ko sa mag-iina ko. Kung may mangyari man sa inyo mabuti na iyong wala kayo sa poder ko. Hindi ko na kakayanin pa kapag mawala kayo sa poder ko.” Malungkot ang boses na pahayag nito.
“Pero Tito-
“Umalis na kayo Jeffrey! Kung ipagpapatuloy mo ang paghahanap mo sa ama mo. Mag-iingat kayo. Maging alerto kayo sa mga hakbang na gagawin ninyo. Walang magagawa ang mga tapang niya sa mga taong kakaharapin ninyo. Marami nang sumubok. Marami na ring nawala.”
Paalala pa nito.
Walang nagawa si Jeffrey nang talikuran siya ng kanyang Tito Hener.
“Pasensiya na kayo sa inasal ni Tito Hener. Iniisip niya siguro na kapag umalis tayo sa bahay niya ay ititigil na natin ang paghahanap kay Papa at naiintindihan ko rin kung uurong na kayo.” turan ni Jeffrey sa mga kaibigan.
“Walang inawan diba? Magkakaibigan tayo kaya handa kaming tumulong.” Sagot ni Johnny bago tinapik ang balikat ni Jeffrey.
“Wag kang mag-alala makikita din natin ang Papa mo at sana hindi pa huli ang lahat.” Dagdag pa ni Ruth na lalong nagpagaan sa pakiramdam ni Jeffrey.
“Salamat talaga ng marami. Siguro kung wala kayo ngayon tiyak na pinanghinaan na ako ng loob.” turan niya pa.
“At kahit wala tayong bahay may tent naman tayo! Mga pulis kaya tayo! Sanay tayo sa hirap!” dagdag pa ni June kaya muli silang nagkatawanan.
“At kapag nahuli natin yang mga pumapatay tiyak na malaking break ito sa akin baka nga sumikat pa ako sa buong mundo.” Dagdag naman ni Lora habang inaayos ang dalang camera.
Isa-isa nilang nilagay ang mga gamit sa sasakyan. At muli ay nagsimula silang lumakbay. Hindi nila alam kung saan sila pupunta.
“Jeff, bakit hindi tayo magtanong? Ayun!” wika ni Lora. Itinuro nito ang bahay. Mas maliit iyon. “Wag kang magpapahalata na pulis ka. Ang sabihin mo lang ay hinahanap moa ng Papa mo at itong lugar na ito ang huling pinuntuhan.” Dagdag pa ni Lora.
“Oo nga, Jeff. Halika, baba tayo.” Sagot naman ni Johnny kaya bumaba ang grupo.
Kinuha ni Jeff ang dalang larawan ng ama. Nauna siyang naglakad patungo sa bahay na tinuro ni Lora. Kumatok siya pero walang sumasagot.
“Guys!” sigaw ni June. Nasa likod ang tao.” Wika nito. Itinuro ang lalaking nagpapakain ng mga alagang baboy. Sinundan nila si June. Napasigaw si Lora nang biglang bumunot na itak ang lalaking tinatawag nila.
“Magtatanong lang po kami.” Wika ni Jeffrey kaya ibinaba ng lalaking may edad na rin ang hawak na itak. Inabot ni Jeffrey ang larawan ng ama. Tinitigan iyon ng lalaking napagtanungan nila. Kunot-noo na binalik iyon ng lalaki sa kamay ni Jeffrey.
“Taga saan kayo?’ tanong kay Jeffrey.
“Taga-Manila po kami. May nakapagsabi kasi sa akin na dito pumunta si Papa. Dalawaang taon na po siyang nawawala.” Sagot ni Jeffrey.
“Alam niyo ba kung anong klase ang lugar na ito?’ tanong sa kanila. Isa-isa silang tiningnan.
Binuksan ni Lora ang video camera nito at palihim silang kinukunan.
“Bakit po? Anong klaseng lugar ito?” tanong pa ni Lora.
“Hindi naman siguro kayo bulag hindi ba?” sarkatikong sagot ng lalaki sa kanila. “Hindi ko nakita ang hinahanap ninyo. Sa totoo lang? Wag na kayong mag-aksaya ng panahon dahil baka pati kayo ay mawala rin.” Dagdag pa nito. Tinalikuran sila nito pero sumunod si Jeffrey.
“Kung nawawala ang mga tao dito. Sa tingin mo sino ang kumukuha sa kanila at saan namin matatagpuan?” tanong pa ni Jeffrey pero isang malakas ng halakhak ang narinig nila.
“Ang lalakas ng loob niyo ha?’ nakakalokong sagot sa kanya ng lalaki. “Nakita ninyo ang gubat na yan?” sabay turo ng lalaki sa kagubatan. “Lahat ng tanong ninyo ay diyan ninyo matatagpuan.” Dagdag pa nito.
Pagkatapos nilang magpasalamat ay iniwan na nila ang lalaki at bumalik sa kanilang sasakyan.
“Atleast may napala tayo. Pwede na tayo mag-umpisa sa paghahanap.” Natatawang sagot ni June. “Ang weird ng mga tao dito.” Napapailing pa na wika nito.
“Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang takot nila.” Sagot ni Jean.
“Sounds exciting.” Sabat naman ni Johnny.
“Paano nga kung totoo ang mga sinasabi nila?’ tanong ni Ruth kaya napatingin sila dito.
“Lalaban tayo.” Sagot ni Johnny sa nobya. “Sayang naman at naging pulis tayo kung matatakot tayo sa kanila.” Mayabang pa nitong dagdag.
“Oo nga naman Ruth, baka kay Johnny lang ay tumakbo na ang mga yun.” Sabat ni Lora kaya nagtawanan sila.
Mahaba-haba na rin ang kanilang tinatakbo. Mabuti nalang at may dala silang gasolina dahil kung nagkataon ay baka naubusan sila. Masusukal ang mga dinadaanan nila kaya ng makakita sila ng lugar na medyo ligtas ay huminto sila.
Naghanda sila ng makakain pagkatapos ay naghanap ng kahoy na ipanggagatong.
Muling binalot ng gabi ang kapaligiran at tanging maliit na apoy lang ang nagbibigay liwanag sa kanilang pagpapahinga. Hindi nila alam kung anong lugar ang kanilang tinigilan basta nalang sila nagtayo ng tent nang malapit ng magtakip-silim. Tiniyak lang nila na ligtas sa mababangis na hayop ang lugar.
Simula sa bahay ng lalaking napagtanungan nila ay wala na silang nadaanang bahay.
Ruth’s pov
“Hindi ako makatulog.” Bulong ni Ruth kay June. Panay ang hikab niya kanina pa pero tila hindi pa siya dinadalaw ng antok. Tila namamahay siya na hindi niya maipaliwanag. May nararamdaman siyang hindi niya maipaliwanag at bahagya ring kinakabahan. Palakas ng palakas din ang t***k ng kanyang puso.
“Wag ngayon, may mga katabi tayo.” Bulong ni June sa nobya kaya kinurot niya ito. Pigil ang tawa nilang dalawa. Sinakop ng nobyo ang labi niya. Malalim ang pinagkaloob nitong halik sa kanya pero hindi pa rin mawala ang kakaibang nararamdaman niya at hindi niya iyon masabi sa nobyo.
Pinutol niya ang halik na namagitan sa kanilang dalawa.
“Kantahan mo nalang ako.” Wika niyang yumakap sa nobyo. Nakilala niya si June nang minsang nilipat siya ng department. Hindi na siya nito pinakawalan at nilagawan agad. Mabait naman si June. Gwapo at handa siyang ipaglaban. Minsan niya na iyong napatunayan nang sabihin ng kuya niya na maghiwalay sila. Hindi pumayag si June bagkus ay pinakita nito sa kuya niya na matino itong tao at hindi tulad ng ibang pulis. Ang totoo ay nag-iipon na sila para magpakasal. Hindi na nga sila mapaghiwalay kaya sumama siya nang sabihin nito na tutulungan nito si Jeffrey.
“Naku mamaya niyang biglang bumagyo wala pa tayong matulugan.” Biro pa ni June sa kanya.
“Okay lang basta kasama kita.” Dagdag pa ni Ruth bago yumakap ng mahigpit sa nobyo.
“Okay sige kakanta na ako.”
“Wag na pala inaantok na ako.” Pigil ni Ruth nang akmang kakanta na ito.
“Teka naiihi ako.” Turan ni June sabay bangon.
“Nagpipigil ka lang eh.” Natatawang biro ni Ruth sa nobyo.
“Hindi no? Naiihi talaga ako.” Sagot pa nitong nakangiti.
“Sama ako!”
“Wag na. Mabilis lang ako saka diyan lang ako sa tabi-tabi.” Paalam pa ni June bago umalis ng tent.
************************
June’s POV
Akmang magsasara na ng zipper si June nang may marinig siyang kaluskos sa may di kalayuan. Gamit ang maliit na flashlight ay itinutok niya iyon sa lugar na pinagmulan ng kaluskos. Agad niya ring hinanda ang baril na dinala niya. Kahit saan siya magpunta ay hindi na maalis ang baril sa kanyang katawan.
Nilingon niya ang tent nila sa di kalayuan. Wala siyang nakikitang tao.
“Hindi kaya sinundan ako ni Ruth?” tanong niya sa sarili.
Nagpatuloy ang kaluskos kaya dahan-dahan lumapit si June at tiningnan ang lugar hanggang sa palayo ng palayo ang kaluskos. Kahit madilim sapat na ang tanglaw ng flashlight at buwan para makita ni June kung ano ang hinahanap. Nang bigla siyang mapakislot. Isang pana ang muntik ng tumama sa kanya mabuti nalang at gumalaw siya dahil kung hindi tiyak na sapol ang ulo niya. Bumaon ang matalas na pana sa puno. Tiningnan niya kung saan nagmula ang pana nang may biglang sumaksak sa mukha niya. Napasigaw siya sa sakit pero hindi niya magawang sumigaw dahil bigla nalang may mga taong bumahat sa kanya. Umagos sa mukha niya ang masaganang dugo. Para siyang papel na buhat buhat ng apat na lalaki.
Gusto niyang sumigaw para marinig siya ni Ruth. Tiyak niya kasing hinihintay nito ang pagbabalik niya. Ang ikinatatakot niya lang ay baka lumabas ito ng bahay kaya minabuti niya nalang na manlaban sa halip na sumigaw. Hindi lang iisang tao ang may hawak sa kanya. Pakiramdam niya namanhid ang buong mukha niya dahil sa sugat na natamo. Malayo-layo rin ang pinagdalhan sa kanya.
Wala siyang magawa nang ihiga siya sa isang malaking mesa at itali ang paa at kamay sa bawat gilid gamit ang makapal na kadenang mpuno ng kalawang. Hindi niya rin maimulat ang mga mata dahil sa sakit. Malapit kasi sa mata niya ang tinamong sugat. Madilim ang lugar na pinagdalhan sa kanya ng mga ito kaya hindi niya maaninag ang mukha ng mga kaharap.
“Ahhhh!” ungol ni June nang magising siya. Hindi niya maigalaw ang mga kamay at maging ang mga paa.
Liwanag ng araw ang sumalubong sa kanyang mukha.
“Ruth!!! Jeffrey!!!” Sigaw niya. Umalingawngal ang boses niya.
“Ahhhhh!” muli niyang sigaw ng maramdaman na may humihiwa sa mga paa niya gamit ang isang matalas na patalim pero ang mas ikinatakot niya nang makita ang mukha ng lalaki sa paanan niya. Duguan ang mukha nito. Kulubot ang balat ng mukha at puno ng tahi. Dinaig pa ang mukha ni Chucky sa isang palabas. Nandiri siya nang dilaan nito ang dugo sa paa niya. Para itong gutom na gutom at hayok sa umaagos niyang dugo. Tiyak niya rin na hinigop din ng mga ito ang dugo niya sa mukha dahil natuyo na ang mukha niya samantalang kagabi ay naglalawa sa dami ng dugo.
“Pakawalan niyo ako dito!” pagmamakaawa niya pero tila bingi ito sa pakiusap niya.
Inikot niya ang mga mata sa paligid. May isang bahay na luma siyang nakita sa paligid, katamtaman lang ang laki at sa mga gilid ay puno nang kung anu-anong tambak tulad nalang ng lumang kotse, bike at sirang mga gamit. Kinabahan siya nang makita ang ibang kasamahan nito. Galing ang mga ito sa lumang bahay. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso niya habang palapit ng palapit ang mga ito sa kanya. Paano siya makakalaban kung nakatali ang mga kamay niya? Tiyak na ang kamatayan niya sa mga taong ito. Maihahambing niya ang mga ito sa isang kanibal na umiinom ng dugo. Iyong mga taong napapanood niya sa wrong turn. Meron din palang mga tao na ganoon at hindi lang sa palabas napapanood. Nakahinga siya ng maluwang nang kalagan siya ng mga ito. Naging alerto siya lalo pa at nasa bewang niya lang ang baril niya.