bc

THE CANNIBALISM-THE LOST TOWN

book_age18+
136
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
sex
family
counterattack
police
bxg
small town
disappearance
brutal
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa paghahanap ni Jeffrey sa amang hindi na nakauwi nakarating siya sa lugar na malayo sa kabihasnan. Sa isang liblib na lugar na walang naninirahan. Nanatili siya at ang mga kaibigan sa lugar na iyon dahil ayon sa nasagap niyang impormasyon iyon ang huling pinuntahan ng ama niya bago ito biglang naglaho. Nangako siya sa Mama niya na hindi siya uuwi na wala ang ama pero ang hindi niya alam ang lugar na ang pinuntahan nila ay pinamamahayan ng mga taong gubat at ngayon ay nanganganib ang buhay nila.

Maililigtas niya pa kaya ang ama mula sa mga ito?

O huli na ang lahat para mailigtas niya ang ama lalo pa at nanganganib na rin ang buhay nila?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Dahil sa pagkawala ng ama ni Jeffrey Borromeo mahigit dalawang taon nang nakalipas naging masakitin ang kanyang Mama. Labas pasok ito ng hospital. Palagi kasi nitong iniisip ang Papa niya kung bakit hindi ito nakauwi gayong ang paalam nito ay dadalaw lang sa kamag-anak nito sa malayong probinsiya. Nang puntahan niya ang kamag-anak ng Papa niya hindi raw nakarating doon ang ama niya kaya maging siya ay nagtataka.   Mabait na tao ang ama niyang si Nicanor at lalong mahal na mahal nito ang Mama niya kaya hindi siya naniniwala na iniwan sila nito. Kilala niya ang Papa niya. Hindi ito basta aalis nang hindi nagpapaalam at malayo rin sa sinasabi ng iba na baka nakahanap na ito ng ibang babae at nagtago na sa kanila.    “Aalis ako Ma at pinapangako kong kasama ko si Papa sa pagbabalik ko. Hahanapin ko siya at muli tayong nagkakasama.” Paalam niya sa ina. Nanonood ito ng tv pero tila wala sa pinapanood ang isip.   Sinulyapan siya nito bago hinawakan ang mga palad niya. Hilam ang mga luha nito sa mga mata. Tila nabuhayan ito ng pag-asa sa sinabi niya.   “Nararamdaman kong kailangan ka ng Papa mo. Ibalik mo siya sa atin anak.” Pakiusap pa ng Mama niya sa kanya. Muli na naman niyang nakita ang paghihirap ng loob ng ina.  Hindi niya kayang nakikita itong nasasaktan dahil sa patuloy na walang balita sa ama niya. Dapat noon niya pa hinanap ang ama pero nangangamba siya dahil walang kasama ang ina sa bahay lalo pa at may sakit ito. Ngayong napakiusapan niya ang pinsan niyang bantayan ang ina. Pwede na siyang umalis at hanapin ang nawawalang ama.   Hinalikan niya ito sa ulo at mahigpit na niyakap. Pangako niya sa sarili na iuuwi niyang buhay ang ama at hindi niya bibiguin ang ina.    “Goodluck kuya sa paghahanap kay Tito Dan. Wag kang mag-alala ako na ang bahalang magbantay kay Tita.” Turan sa kanya ng pinsang si Maggie.     “Salamat at pasensiya kana sa abala.” Nakangiti niyang wika sa pinsan. Kampante siyang iiwan dito ang ina dahil halos ang mga magulang niya na ang nagpalaki at nag-paaral dito.   Tatlong malalaking bag ang dala ni Jeffrey. Handa siya kahit abutin pa siya nang ilang buwan sa paghahanap sa ama. Matagal niya nang pinaghahandaan ang paghahanap sa ama. Sakay ang lumang kotseng pick-up ay sinundo niya ang ibang kaibigang pulis na gustong sumama sa lakad niya. Inuna niya munang sunduin ang nobya niyang nangulit na sumama sa kanya. Hindi sana siya papayag pero nang malaman niyang sasama din ng mga kaibigan niya ang mga girlfriends ng mga ito ay pumayag na rin siya. Thirty years old na ang kanyang nobya samantalang thirty-five naman siya. Plano niya nang magpropose dito kapag nahanap niya na ang kanyang ama   Si Jean Dela Rosa ang kanyang nobya.   Maganda si Jean Simple lamang ang ganda nito. Sa loob ng limang taon na pagiging magnobyo nila ay wala siyang masasabi sa nobya. Ramdam niya rin ang pagmamahal dito kahit pa minsan ay nagkukulang siya sa oras lalo pa at may sakit ang kanyang ina. Madalas ay hindi niya ito napupuntahan kapag may usapan sila.   Malayo pa ay palang tanaw na ni Jeffrey ang nobya sa labas ng bahay ng mga ito. Kumakaway ito sa kanya. Agad siyang bumaba at kinuha ang mga dalang bag nito bago ito kinantilan ng halik sa labi.   “Handa na ba lahat ng kailangan mo?” malambing niyang tanong sa nobya. Napakswerte niya kay Jean dahil naiintindihan nito ang sitwasyon niya. Nang sabihin niya dito ang plano niyang paghahanap sa ama ay agad itong nagpakita ng suporta. Isa din itong pulis tulad niya. Kababata niya ito at ng maglaon naging mag sweetheart sila. Tanging ito lang kinapitan niya noong panahon na nawala ang ama niya at nagkasakit naman ang ina niya. Hindi niya alam kung paano siya nakabangon sa dami ng problema niya kung wala ito sa tabi niya.   “Hindi mo na kailangan tanungin yan. Para saan pa at naging pulis ako kung hindi naman ako handa.” biro nito sa kanya. Inakay niya ito sa loob ng sasakyan bago niya muling binuhay ang makina ng sasakyan. Sinundo nila si June at Johnny kasama ang mga nobya ng mga ito na sina Lora at Ruth. Excited ang mga ito nang sunduin nila ni Jean. Nag-uunahan pa ang mga ito sa loob ng sasakyan na akala mo ay bakasyon ang pupuntahan.    Lingid sa mga ito ang panganib na naghihintay sa kanila.   Punong-puno ng tawanan ang kanilang biyahe. Natutuwa si Jeffrey dahil karamay niya ang grupo sa kakaharapin niyang paghahanap.   Limang oras ang naging biyahe nila at agad silang nakarating sa bahay ng isang kamag-anak nila na dapat sana sasadyain ng ama pero hindi ito nakarating. Mangilan-ngilan lang ang bahay na nadaanan nila sa paligid. Bilang din sa daliri niya ang mga nakakasalubong na tao.    “The lost town!!” turan ni Ruth na nobya ni June bago nito pinagmasdan ang buong paligid. Tama naman si Ruth. Lost town ang naturang lugar. Parang napabayaan na ang lugar. Nasa dulo iyon ng Visayas. Ngayon nga lang siya nakakita ng ganitong lugar sa tanang buhay niya. Kahit na kinakabahan ay nilakasan niya ang loob. Hindi siya nagpahalat sa mga kasama. Inakbayan niya ang nobya.    “Tama ka diyan. Parang napabayaan ang lugar na ito. Malayo sa kabihasnan. Mukhang hindi nga ito inaabot ng kuryente.” Napabuntong-hiningang sabat ni Lora na nobya ni Johnny. Nakayakap ito kay Johnny sa buong oras ng biyahe nila. Saksi si Jeffrey at Jean sa pagmamahal ng mga ito. Kasal na nga lang ang kulang sa dalawa para matawag na mag-asawa dahil sa iisang bubong na nakatira ang mga ito.   Sinalubong sila ng kanyang Tito Hener. Kapatid ito ng kanyang ama.  “Pasok muna kayo Jeffrey sa loob ng bahay.” Yaya sa kanila ni Tito Hener. Magkakasunod silang pumasok sa loob ng bahay habang hawak-hawak ang kamay ni Jean. Nagsiksikan ang tatlong babae sa isang upuan samantalang nakatayo silang mga lalaki. Hindi kalakihan ang bahay ng kanyang Tito Hener. Malaki lang ang bahay nito sa kubo.   “Hindi ko alam na anim pala kayong pupunta. Maliit lang itong bahay ko kaya pag pasensiyahan niyo na.” hingi nito ng paumanhin. Inabutan sila nito ng tubig. Sumalok ito sa banga bago inabot sa kanila ang kanya-kanyang tasa.    May edad na ang Tito niya. Malago ang balbas nito sa mukha at tila napabayaan na ang sarili. Kulubot na rin ang noo at gula-gulanit ang suot na damit.   “Sigurado kana ba sa desisyon mong hanapin ang ama mo?” tanong pa ni Hener kay Jeffrey. Tinitigan silang magkakaibigan.    “Alam kong matagal na Tito para hanapin ko pa si Papa pero lahat gagawin ko makita ko lang siya. Gusto kong malaman kong anong nangyari sa kanya at kung bakit bigla nalang siyang naglaho na parang bula. Kailangan namin ng kasagutan ni Mama. Hindi kami matatahimik hangga’t hindi namin malaman ang tunay na nangyari sa kanya.” Seryosong sagot ni Jeffrey sa tiyuhin.   Agad na kinontak ni Jeffrey ang tiyuhin sa pamamagitan ng telegrama para ipaalam na darating siya. Ang totoo ay ito ang unang beses na makita ni Jeffrey ang kapatid ng kanyang ama. Sa kwento lang kilala ni Jeffrey si Tito Hener.    “Wala ho bang nakakita kay Tito Dan na taga dito sa inyo bago siya nawala?” sabat ni June sa usapan. Umiral na ang pagiging pulis nito sa pagtatanong. Kilala si June na isang magaling na pulis. Tiningnan ito ni Hener. Matalim ang titig nito kay June na ipinagtataka nilang lahat at maging si Jeffrey ay nagtaka. Parang hindi nito nagustuhan ang paraan na pagtatanong ni June.        Inalis ni Hener ang tingin kay June at tumingin sa malayo. Tumikhim ito bago nagsalita.   “Nang mawala si Dan nagtanong ako sa karatig bayan at may isa akong natanungan na nakita niya daw ang Papa mong kumain sa restaurant bago muling umalis.” Sagot ni Hener.   “Kung ganun tama ang kutob ko. Nandito lang si Papa sa lugar niyo.” Sagot ni Jeffrey sa tiyuhing.     “Kung dito siya nawala natitiyak kung patay na siya!” madiing sagot ni Hener kay Jeffrey kaya lahat sila ay napatitig dito. Matalim ang mga mata na napatitig si Jeffrey sa tiyuhin. Bakit kay dali nitong sabihin ang mga katagang iyon samantalang kapatid nito ang tinutukoy.    “Paano niyo nasabi niyan?” hindi mapigilang tanong ni Jean. Hinawakan ni Jean ang kanyang kamay at pinisil iyon. Alam ng nobya na hindi niya nagustuhan ang narinig. Hindi kaila kay Jean na umaasa pa rin siya na makita ang ama at muling maibalik sa kanila.  “Siguro naman hindi kayo bulag para hindi makita kung anong klaseng lugar itong pinuntahan niyo? Liblib na lugar at malayo sa kabihasnan? Anong iniisip niyong meron sa lugar na ito?” tanong pa ni Hener sa kanila.   “Ano nga ba ang meron sa lugar na ito?” tanong niya sa isip.         “Tito Hener hindi ko maintindihan.” Sagot ni Jeffrey na may himig na pagkairita. Naiinis si Jeffrey sa sinasabi nito. Kung magsalita ito parang hindi nito kapatid ang nawala. Parang wala itong pakialam na nasasaktan siya dahil ama niya ang pinag-uusapan.   Natahimik si Hener sa tanong ni Jeffrey. Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita.    “Maraming mamamatay tao sa lugar na ito.” Amin nito sa kanila na ikinabigla ng grupo.    “Kung ganun bakit nandito pa rin kayo sa lugar na ito?” sabat ni Johnny sa pag-uusap.     “Dahil tulad ni Jeffrey nandito ako para hanapin ang mag-iina ko.” Nakayuko nitong sagot sa kanila na tila maiiyak. “Lumuwas lang ako ng bayan para mamili ng pangangailangan namin at sa pagbalik ko ay wala na ang mag-iina ko. Walang senyales na naglayas sila dahil lahat ng gamit nila ay kompleto. Yang mga nakikita niyong tao sa daan kanina ilan lang sila sa mga naghahangad ng hustisya para sa pamilya nilang biglang nawala.” Kwento ni Hener sa grupo.   “Sino ang kumukuha sa kanila? May serial killer ba sa lugar na ito?” tanong ni Lora na nagtataka sa pag-uusap.    “Hindi ko alam.” Umiling si Tito Hener. Ang alam ko mapanganib silang nilalang.” Sagot nito sa kanila bago nagpaalam na umalis. Naiwan silang magkakaibigang na puno ng katanungan.   Blangko ang isip nila sa narinig na impormasyon. Hindi malinaw ang lahat sa kanila.    “Ang misteryo naman ng lugar na ito. Bigla nalang nawawala ang mga tao? Anong meron?”  naguguluhang tanong ni Ruth na napapailing. “Totoo kaya yun? O baka naman Jeffrey nasisiraan na ang tiyuhin mo ng ulo dahil sa pagkawala ng mag-iina niya.” Dagdag pa ni Ruth.   “Paano kung totoo?” tanong ni Lora kay Ruth. “Kailangan, bukas tayo sa maaaring nangyayari sa lugar na ito. We don’t know what’s happening here at kaya nga tayo nandito ay para alamin.” Dagdag pa ni Lora.    “Kailangan malaman natin kung sino at ano ang kumukuha sa mga tao dahil tiyak ko na hawak nila si Papa. Kailangan matuklasan natin ang lihim sa lugar na ito.” Paliwanag ni Jeffrey sa mga kaibigan. Sana nga nasisiraan lang ng ulo ang tiyuhin niya tulad ng sinabi ni Ruth kanina. Ayaw isipin ni Jeffrey na totoo ngang may mga nawawala sa lugar na ito.    “Paano?” tanong ni June.    “Pagpahinga lang tayo at bukas mag-ikot-ikot tayo sa lugar. Tiyak kong makikita din natin ang hinahanap natin.” Turan ni Jeffrey.    “Maaasahan mo kami pare.” sagot ni Johnny bago sila naghanda ng makakain. Bukod sa in can may baon din silang lutong ulam at kanin kaya nang matapos silang kumain ay agad silang nakapagpahinga lalo pa at mabilis dumilim sa lugar kahit pa alas- siyete palang ng gabi. Pagkatapos nilang kumain ay hindi pa rin umuwi si Tito Hener. Marami pa sanang gustong linawin si Jeffrey mula dito. Minabuti na lamang nilang pagpahinga.   Magkakatabi lang sila sa pagtulog. Tulad ng sinabi ng Tito Hener ay maliit lang talaga ang bahay nito. Kung tutuusin may baon naman silang tent na pwede nilang itayo pero mas kailangan nila yun sa susunod na mga araw.   Balot na nang dilim ang buong paligid pero hindi alam ni Jeffrey kung nakauwi na ang tiyuhin. Nag-aalala siya dito. Kung biglang ngang naglalaho ang mga tao sa lugar na ito ibig sabihin delikado rin ang buhay ng tuyihin niya. Delikadong umaalis itong mag-isa.    “Malalim na ang gabi hindi ka pa rin natutulog?” tanong ni Jean kay Jeffrey. Katabi niya ito sa kawayang higaan at tanging sirang banig lamang ang sapin nito. Tulog na ang mga kasamahan nila at tanging sila nalang ang gising. Alam ni Jean na nag-aalala siya sa tiyuhing. Sunod-sunod ang pinakawalan niyang malalim na hininga.     “Nag-aalala ako. Wala pa kasi si Tito Hener.” Wika ni Jeffrey.     “Baka naman may pinuntahan lang.” sagot ni Jean. Humilig si Jean sa balikat niya at ginawang unang ang  braso niya.   “Hindi kasi ako mapakali. Narinig mo naman siguro ang kwento niya kanina diba? Delikado para sa kanya ang mag-isa lalo na at walang kuryente sa lugar na ito.”    “Sssssh! narinig mo yun?” bulong sa kanya ng nobya. May narinig silang ingay sa labas.     “Baka si Tito.” Sagot ni Jeffrey. Tatayo sana siya nang pigilan siya ni Jean.   “Paano kung hindi? Delikado. Hintayin na muna nating bumukas ang pinto.” Pigil pa ni Jean. Nagpaawat naman si Jeffrey sa nobya. Dahan-dahan silang bumangon at hinanap ang baril sa bag. Umayos sila ng upo. Dinikit nila ang tenga sa dahon ng pintuan at muling pinakinggan ang mga yabag na nagmumula sa labas ng bahay. Dasal nilang dalawa na sana si Tito Hener na ang dumarating. Kung tutuusin isang tadyak lang sa pinto at magbubukas na iyon dahil gawa lang iyon sa manipis ng plywood.    “Kung ang Tito mo yan bakit wala pa rin?” nag-aalala ng tanong ni Jean sa kanya. Bilang pulis ay kailangan nilang isipin ang mga bagay na pwedeng gawin ng kaaway. Tulad ni Jean ay iba rin ang kutob niya.           “Hindi ko alam.” Mahina ang boses na sagot ni Jeffrey. Kinabahan siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO'S Naughty Daughter

read
64.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

His Obsession

read
88.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook