Kagabi pa hinahanap nina Jeffrey si June pero kahit anino nito ay hindi nila makita. Panay na rin ang iyak ni Ruth dahil sa labis na pag-aalala sa nobyo. Ayon kasi dito umihi lang daw si June at hindi na bumalik pa.
“Ssssh! Ruth, makikita din natin si June. Wag kang mag-alala. Pulis si June. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Maghintay lang muna tayo.” Turan ni Jean kay Ruth. Panay kasi ang hikbi nito.
“Oo nga. Darating si June kaya tahan na. Tingnan mo oh ang panget mo na.” dagdag pa ni Lora baka sakaling gumaan ang pakiramdam ng kaibigan. Kagabi pa kasi ito umiiyak at maging sila ay kinakabahan na rin.
“Kape?” alok ni Johnny kay Jeffrey. Nakamasid lang sila kay Ruth na panay ang iyak. Maging sila ay wlaang tulog dahil sa paghahanap kay June.
“Salamat pare. Hindi ko kayang makita si Ruth. Nakokonsensiya ako sa kanya. Kung hindi dahil sa akin sana kasama niya pa rin June.” Sagot ni Jeffrey.
A
“Walang may kasalan Jeff. Makikita pa rin natin si June at maging ang tatay mo.” Turan pa ni Johnny kaya kahit papano ay lumalakas ang loob ni Jeffrey. Sana nga okay lang si June dahil kung hindi ay baka hindi niya mapatawad ang sarili.
“Umuwi na tayo.” Hirap ang kaloobang sambit ni Jeffrey. “Hindi ko kakayanin kapag pati kayo ay napahamak nang dahil sa akin.” Wika niya.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jeff? Nandito na tayo at nawala si June! Ngayon ka pa ba susuko?” sagot ni Johnny.
“Hindi ako sumusuko! Ang akin lang ayokong may masaktan pa at muling mawala. Hindi ko na kayo dapat sinama dito!” malakas ang boses na turan ni Jeffrey. Hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil sa kawalan ng pag-asa na makita pa si June. Walang naglakas loob na sumagot sa kanya.
“Hindi tayo aalis!” sigaw ni Ruth. “Hindi tayo aalis hangga’t hindi natin makita si June!” umiiyak pa rin ito.
“Paano kung hindi natin siya makita tulad ni Papa? Paano kung mapahamak din tayo?” ani Jeffrey.
“Hindi tayo aalis na wala si June. Kung gusto mong umalis. Umalis ka! Dito lang ako! Papatayin ko sila!” bakas sa boses ni Ruth ang galit.
Hindi nakakibo si Jeffrey sa sinabi ni Ruth. Handa pa rin naman siyang lumaban. Natatakot lang siya nab aka pati ang mga ito ay mapahamak. Kung sana ay nakinig nalang siya sa Tito Hener.
Kung sana ay..
Napaiyak nalang si Jeffrey.
Tahimik na nag-iisip si Jeffrey habang gumagawa ng apoy nang nilapitan siya ni Jean. Kanina pa siya hindi kumikibo. Hindi rin siya makatingin kay Ruth.
“Kaya natin ito.” Turan ni Jean kay Jeffrey sabay upo sa tabi niya. Ginagap nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. “Alam ko na nahihirapan ka pero sana wag kang panghinaan ng loob dahil sama-sama nating tatapusin ang lahat ng ito.” Dagdag pa na sambit ni Jean.
“Tama ka, tatapusin natin ang laban na ito. Bibigyan natin ng hustisya ang pagkawala ni June at ni Tatay. Hindi tayo aalis sa lugar na ito hanggat hindi natin sila kasama.” Matatag ang loob na sagot ni Jeffrey sa nobya kahit pa ang totoo ay pinanghihinaan na siya ng loob. Hindi niya alam ang naghihintay na bukas sa kanilang lahat.
“Mahal na mahal kita Jeff. Sama-sama nating lalabanan kung sinuman sila.” Wika pa ni Jean sa kanya. Ginagap niya ang kamay ng nobya. Hindi niya makakaya kung pati ito ay mapapahamak nang dahil sa kanya. Hindi niya kakayanin kung pati nito ay mawala sa buhay niya.
Dalawang araw na silang naghahanap kay June. Paikot-ikot na sila sa kagubatan pero walang bakas na makikita pa nila ito. Pinanghihinaan na sila ng loob pero kailangan nilang magpakatatag. Kailangang mag-isip sila ng positibo para hindi sila panghinaan ng loob. Pagod na rin ang isip at katawan nila sa mahabang paghahanap kay June.
“Kumusta si Ruth?” tanong ni Jeffrey kay Jean ng lumapit ito sa kanya. Saglit lang silang nagpahinga.
“Hindi mabuti pero alam kung kakayanin niya ito para kay June at alam ko na hindi siya susuko.” Sagot ni Jean sa nobyo habang nakatingin kay Ruth. Naglilinis ito ng baril ng mga oras na iyon habang patuloy ang pag-agos ng luha. Tulad nilang lahat ay galit ang nasa mga puso nila.
“Lumabas kayo! Harapin niya kami!” sigaw ni Ruth at tuloy-tuloy ang pagpapaputok ng baril na ikinagulat nilang lahat. Nataranta silang pigilan si Ruth.
“Ruth ano ba? Inuubos mo ang bala mo.” Saway ni Lora dito. Hinarap ni Ruth si Lora.
“Ikaw? Kung si Johnny kaya ang mawala hindi mo ba ito gagawin?” galit ng tanong ni Ruth kay Lora kaya hindi nakakibo si Lora.
“Naiintindihan kita kaya nga tayo nandito dahil hinahanap natin si June at kung magpapatuloy ka sa pagiging ganyan mo walang mangyayari sa atin.” Sagot ni Lora. Niyakap nito si Ruth para makalmahin at kinuha naman ni Johnny ang baril sa kamay ni Ruth. Naiintindihan nila ang nararamdaman ni Ruth at maging sila man ay nagpipigil lang ng galit at ayaw nilang gupuin ng galit ang buong pagkatao nila dahil sa huli sila lang ang talo. Hindi nila alam ang kalaban nila.
NAGPATULOY sila sa paglalakbay. Sinadya nilang iwan ang sasakyan dahil hindi na iyon makakapasok sa loob ng kagubatan.
Bitbit ang mabibigat na bag ay binabaybay nila ang kagubatan ng may marinig silang kaluskus at mga ungol na tila galing sa mga mababangis na hayop.
“Maghanda kayo!” utos ni Jeffrey sa mga kasama. Hinanda nila ang mga baril at kinasa ang mga iyon samantalang camera naman ang hinanda ni Lora upang kunan ang maaring makalaban nila.
Nagtago sila sa mga talahib upang hindi sila makita. Kulang nalang masuka sila ng makita nila kung ano ang pinagmumulan ng ungol. Tatlong lalaking naliligo sa dugo at nag-aagawan sa pagkain ng baboy-ramo. Mga tao ang mga ito. Tiyak nila iyon. May mahahabang buhok at balbas. Lahat sila ay masuka-suka dahil sa nasaksihan pero kailangan nilang pigilang wag masuka at baka maramdaman ng mga ito na may ibang tao.
“Tao ba ang mga yan?” hindi mapigilang tanong ni Lora sa mahinang boses. Nakatutok ang camcorder nito sa mga nilalang na nakita nila.
“Tao ang mga yan at sa tingin ko nabubuhay sila sa pagkain ng mga hayop o di kaya ay tao.” Mahinang paliwanag ni Ruth.
“Wag kayong lilikha ng ingay dahil hindi natin alam kung ilan sila. Baka mamaya nasa paligid lang pala ang iba sa kanila.” Turan ni Johnny kaya patuloy lang sila sa pagmamasid. Pati yata ang paghinga nila ay pigil na pigil.
Kapwa pa sila nagulat nang biglang nagpatutok si Ruth. Sapol nito ang isang lalaking kumakain ng hayop. Agad na naging alisto ang ibang mga kasamahan nito. Nagpalinga-linga sa buong paligid at hinahanap kung saan nagmumula ang putok ng baril. Lahat sila ay nagulat sa ginawa ni Ruth. Hindi pa nakontento si Ruth at binaril ulit ang isa sa mga kasamahan ng mga ito.
Agad iyong bumulagta.
Nilapitan ni Jeffrey si Ruth lalo na ng barilin nito sa pangatlong beses ang isang natira pero hindi iyon tinamaan.
“Ano ka ba naman Ruth? Gusto mo ba talagang magpakamatay?” galit na bulong ni Jeffrey sa babae. Inagaw ni Jeffrey ang baril ka Ruth pero tumanggi ang babae.
“Alam ko ang ginagawa ko.” Nakangisi nitong sagot dahil may tinamaan ito. Kanya-kanya silang dapa sa damuhan para hindi sila makita. Naging mabalasik ang mukha ng isang natira. Sinuyod nito ang paligid at bawat kaluskos na marinig ay pinupuntahan ng nito.
“Walang gagawa ng ingay!” maawtoridad na turan ni Johnny dahil kung hindi tiyak na mamamatay silang lahat. Nakakubli sila sa talahiban at walang sinuman ang gustong lumikha ng ingay kabilang na si Ruth pero nakahanda ang baril nito upang barilin ang huling target. Natakot din ito sa kapangahasang ginawa.
Galit na umungol ang natira. Kahit nakakubli sila kitang-kita nila ang nakakatakot na mukha ng lalakI dahil puno iyon ng dugo. Nakaapak ito at tumutulo ang dugo sa buong katawan. Ang isang dalawang binaril ni Ruth ay nakahandusay na. Nagulat pa sila ng biglang dumating ang mga kasamahan ng mga ito at tulad ng mga hitsura ng tatlong una nilang nakita ay kahindik-hindik din ang itsura. Hindi nila mabilang kung ilan ang biglang nagsulputan na lalong nagpakaba sa kanila. Daig pa nito ang mga zombies na nagkalat. Lahat sila ay nakaramdam ng takot. Anong laban nila sa mahigit bente na nilalang na ito? Hindi nga nila alam kung tao ba ito o aswang?
“Anong gagawin natin?” kinakabahan na tanong ni Jean sa mga kasamahan.
“Tiyak na hindi nila tayo titigilan kapag nakita nila tayo.” Sagot ni Jeffrey
Lalong bumilis ang kaba sa dibdib nila ng maghiwa-hiwalay ang mga ito at tila inaamoy ang bawat sulok. Napansin nilang bahagyang nakalapit na ang isa sa mga ito sa lugar na pinagtataguan nila. Pigil nila ang paghinga dahil panay ang singhot nito na parang naaamoy sila.
Napakalakas ng sense of smell ng mga ito. Nabigla pa sila ng nakaumang ang pana nito sa kanila at ng akmang makikita na sila ay agad itong pinaputukan ni Jeffrey kung kayat naagaw ang atensiyon ng ibang kasama nito.
“Takbo!” sigaw ni Jeffrey sa mga kasama. Kanya-kanya silang takbo habang pinagbabaril nila ang mga nilalang na hindi nila maipaliwanag kung tao ba o hayop. Kahit nalalagasan ang mga ito ng mga kasamahan hindi ibig sabihin nUn na nagtagumpay sila dahil parami ng parami ang humahabol sa kanila.
“Aray!” sigaw ni Jean ng bigla itong matapilok sa bato. Napaluhod ito sa lupa. Agad itong dinaluhan ni Jeffrey.
“Nandiyan na sila!” sigaw ni Jeffrey habang panay pa rin ang pagpaputok ng baril sa mga humahabol. Tatlo ang bilis ng mga nilalang na humahabol sa kanila. Pakiramdam nga nila parang lumilipad lang ang mga ito sa hangin.
“Hindi ko kayang tumakbo Jeff, umalis na kayo!” sagot ni Jean na dumadaing sa sakit kaya agad itong binuhat ni Jeffrey at walang reklamong nilagay sa balikat niya. Lakad takbo ang ginawa nila habang panay pa rin ang pakikipaglaban nila. Hindi niya magagawang iwan ang nobya para sa sariling kaligtasan.
“Bitiwan mo na ako Jeff, baka mapahamak pa kayo.” Turan ni Jean dahil nakikita nitong nahihirapan ang nobyo sa pagtakbo.
“Hindi pwede. Hindi ko kayang may mangyaring masama sayo.” Sigaw ni Jeffrey kahit na hirap na hirap sa pagbubuhat kay Jean.
“Dito tayo!” sigaw ni Johnny habang hawak ang kamay ni Lora. Isang maliit na yungib iyon pero dahil matalahib tiyak na hindi sila makikita kapag doon sila magtago. Agad silang nagsiksikan sa maliit na yungib. Hindi nga sila nasundan.
Malapit ng dumilim ang paligid at hindi nila alam kung anong oras na. Hingal kabayo ang ginawa nila ng makalayo sa kanila ang mga humahabol. Akala nilang lahat ay katapusan na nila pero mabait pa rin ang Diyos dahil niligtas pa rin sila.
“Sorry guys. Naging makasarili ako.” Panimula ni Ruth habang dumadaing naman sa sakit si Jean.
“Naiintindihan ka namin Ruth at sana hindi na mauulit ang ginawa mo kanina. Isipin mo kung naabutan tayo ng mga yun tiyak na tayo ang hapunan nila.” Sagot ni Lora.
“Salamat.” Pilit ang ngiting pinakawalan ni Ruth. “Ginawa ko lamang iyon dahil alam kong sila ang may hawak kay June o baka nga ginawa nilang hapunan si J-une..” Malungkot nitong sagot kaya walang isa man sa kanila ang sumagot dahil kahit sila ay yun din ang inisip.
“Paano natin sila lalabanan? Sa tingin ko ang lalakas nila. Baka hindi na tayo makalabas pa sa kagubatan na ito dahil tiyak ko na nasa paligid lang sila.” Dagdag pa ni Ruth sa kanila.
“Basta wag lang tayong lumikha ng ingay at kahit ang magbukas ng mga flashlight niyo ay iwasan niyo muna. Mahirap makipaglaban kapag madilim lalo pa at sanay sila sa lugar na ito.” Sagot ni Jeffrey.
Hindi sila kumain ng gabing yun at nanatiling nakaupo sa yungib. Hindi sila makahiga dahil ang sikip para sa kanilang lima ang naturang yungib. Tulog na ang iba at tanging si Johnny nalang at Lora ang gising.
“May bukas pa kayang naghihintay sa atin?” malungkot ang boses na tanong ni Lora sa nobyo. Ginagap ni Johnny ang kamay nito.
“Makakaligtas tayo dito dahil tutuparin pa natin ang mga pangarap natin.” Sagot ni Johnny pero sa kabilang bahagi ng kanyang puso ay may takot din na namamahay dahil kahit siya hindi niya sigurado ang kinakaharap nila. Ang buhay kasama ang mga nilalang na sa tanang buhay nila ay ngayon lang nila nakaharap.
“Si June. Sigurado akong wala na siya. Hindi siya bubuhayin ng mga nilalang na iyon kung sakali na hawak siya ng mga ito.” Wika pa ni Lora na hilam ang mga luha.
“Yan din ang iniisip ko.” Wika ni Johnny.
“Paano na tayo?” hindi mapigilang hindi mabahala ni Lora.
“Mabait ang Diyos. Hindi niya tayo pababayaan.” Wika pa ni Johnny sa nobya. Sabay silang nagdasal ni Lora ng gabing iyon para sa kanilang kaligtasan. Buo ang tiwala nilang dalawa na makakaligtas sila. Uuwi silang ligtas.
Matiwasay na nakatulog ang grupo ni Jeffrey. Palinga-linga pa sila sa paligid nang magising para masiguro kung ligtas pa ba sila sa pinagtataguan. Nang makumpirmang ligtas sila ay nakahinga sila ng maluwag.
“Nagtagumpay tayo kagabi.” Nakahingang turan ni Jeffrey sa grupo.
“Kumain na muna tayo bago tayo maghanap na ligtas na lugar.” Sabat naman ni Lora kaya kanya-kanya nilang nilabas ang de latang baon. Wala mang kanin ay sabay nilang kinain ang sausage at hotdog na kagabi pa nila niluto.
“Kapag makita na natin ang daan pauwi. Umuwi na tayo.” Sabat ni Ruth na ikinagulat nila. Napatingin ang grupo dito. Tahimik itong kumakain. “Napag-isip-isip ko lang na masyado akong naging makasarili. Hindi ko na inisip ang kaligtasan nating lahat. Sa nangyari sa atin kagabi hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung isa man sa atin ang muling mapahamak.” Dagdag pa ni Ruth na pilit na pinapalakas ang loob.
“Paano si June?” tanong ni Jean. Lahat sila ay madudumi na ang damit dahil maputik ang tinakbuhan nila para lang makapagtago sa mga humahabol.
Tumulo ang luha ni Ruth sa naging tanong ni Jean. “Tingin mo buhay pa kaya si June? Bubuhayin kaya siya ng mga taong gubat na yun?” tanong ni Ruth kay Jean. Inakbayan ito ni Lora dahil si Lora ang katabi nito.
“Wag kang mawalan ng pag-asa Ruth. Kapag nakalabas tayo sa gubat na ito ipinapangako ko na lalabas sa media ang mga nakunan ko sa lugar na ito. Tiyak na marami ang pupunta sa lugar na ito para hanapin ang mga nawawala at kabilang na si June dun.” Sagot ni Lora. Nakasukbit pa rin ang videocam sa leeg nito. Nakatago na ang tape na ginamit nito kagabi kaya panibago na naman ang nakalagay sa camcorder nito.
“Tama si Lora. Gagawin ko ang lahat para mahanap natin ang mga mahal natin sa buhay.” Sabat ni Jeffrey sa malungkot na tinig. “Sa ngayon ay gumawa tayo ng mga armas na hindi maglilikha ng ingay. Iwasan din muna natin ang gumamit ng baril. Marami sila. Hindi natin kaya kung lahat sila ay kalabanin natin. Kailangan nating balikan ang sasakyan para makauwi ng Maynila. Hihingi tayo ng back-up.” Paliwanag pa ni June.
“Pana ang gawin natin.” Wika pa ni Johnny kaya tumango ang grupo.