Chapter 5

2113 Words
Hazel’s Pov NAGPAALAM ako sa manager ko na mag le-leave ako. Biniro ko siya na one month ang gagawin kong bakasyon at nagulat ako ng pumayag siya at siya na daw bahala sa vacation leave ko. Akala ko nga joke lang niya pero talagang totoo na one month ang leave ko. Ayos na din yun dahil matagal- tagal na din akong hindi nakakauwi sa probinsya namin. Susulitin ko nalang ang bakasyon ko dahil panigurado ay matatagalan na naman ang balik ko kung sakali. Next week na ako uuwi kaya inaayos ko na muna ang mga gagawin ko. Tinapos ko muna ang dapat kong tapusin para wala akong problemahin. Kinausap ko din ang papalit sa ‘kin bilang team leader at may ibinilin akong mga files. Hindi ko sinabihan si mama at papa na uuwi ako. Gusto ko surprise ang pag uwi ko. Hindi ko din alam kung masu- surprise ang pamangkin ko kapag umuwi ako. Galit pa naman yun sa ‘kin dahil ang tagal ko ng hindi umuwi. Yung pangako ko sakanya na uuwi ako every month ay hindi ko natupad. Natapos ang trabaho ko kaya agad akong lumabas ng building. Naisip ko kasi na bibilhan ko ng pasalubong ang pamilya ko kaya dumeritso na muna ako ng mall. Nang makarating ako sa mall aya agad akong dumeritso sa isang shop na may brand. Pumili ako ng mga damit at pati ang pamangkin kong si Kane ay binilhan ko din. Mas marami nga yata ang pinili ko na para sakanya eh. Gusto ko kasing makabawi sakanya dahil alam kong galit siya sa ‘kin. Alam kong hindi ko siya masusuhulan sa mga ganitong bagay pero susubukan ko parin. Susuyuin ko nalang ang pamangkin ko kapag nagkita na kami. Nakapili na ako lahat at pati ang ate ko at asawa niya ay binilhan ko. Binayaran ko nalang muna ito saka ako lumabas ng shop at naisip nalang na dito na din kumain. Kaya naghanap ako ng restaurant para makakain na ako. Dumating ang araw na uuwi na ako kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan. Nakasakay na ako ng bus at ilang sandali lang ay aalis na kami. Hindi ko talaga pinaalam kay mama na uuwi ako. Sinadya ko din na madaling araw bumiyahe para hindi ako gabihin mamaya. Umandar na ang bus na sinasakyan ko kaya nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Mabuti nalang ay nasa bintana ako. Lumipas ang 7 hours ay nakarating ako sa probinsya namin. Natagalan kasi kami sa may Laguna dahil na ipit kami sa traffic. Tanghali na ako nakarating pero ayos lang naman. Bumaba na ako ng bus at kinuha ang dalawang bag na dala ko. Agad akong naghanap ng tricycle at nag special nalang para makauwi agad ako. Ang laki ng pinagbago ng terminal namin dito, mas lumaki na at naging malinis. Hindi katulad dati na ang kalat, maging ang basura ay kung saan-saan lang tinatapon. Nakahanap ako ng triycle kay agad akong sumakay. Pinausad naman ni manong kaya excited na ako makarating. Kinuha ko din ang cellphone na nasa sling bag ko at tinext si mama. Tinanong ko kung nasaan siya at kung may tao ba sa bahay namin. Baka kasi walang tao eh ‘di ako yung na surprise. Nag reply naman si mama agad at nakahinga ako ng maluwag na kakauwi daw nilang dalawa ni papa sa bahay. Hindi na ako nag repy pa dahil medyo malapit na ako samin. Ang kailangan ko lang naman malaman ay kung may tao ba sa bahay namin at baka hindi ako makapasok sa bahay namin dahil naka lock, eh di sa labas ako maghihintay pag nagkataon. Ilang sandali lang ay tumigil ang sinasakyan kong trycle sa tapat ng bahay namin. Natuwa pa talaga ako dahil may gate na ang bahay namin, hindi katulad dati. Inabot ko lang kay kuya ang pamasahe ko saka ako bumaba ng trycle hababg bitbit ang bag ko. Natanaw ko din ang bahay ng kapatid ko ngunit sirado yun. Naglakad ako sa papunta sa gate namin at viola.. may pa doorbell ba kami. Pinindot ko yun habang nakatingin ako sa kabuuan ng bahay namin. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil ang ganda ng bahay namin. Pinahid ko ang luha na nasa gilid ng mga mata ko ng bumukas ang pintuan ng bahay namin at lumabas do’n ang ama ko. Kumaway ako sakanya kaya nanlaki ang mga mata ni papa. “Hazel? Ikaw ba yan, nak?!” Hindi makapaniwalang tanong ni papa habang mabilis na naglakad papunta sa gate at binuksan yun. Hindi parin talaga siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. Niyakap ako ni papa saka kinuha ang mga dala ko. Pinapasok ako ni papa at ako na mismo ang nagsara ng gate. “Ang ganda ng bahay natin, pa.” Sabi ko habang naglalakad kami papasok ng bahay. “Dahil yan sa’yo, nak. Kung hindi dahil sa’yo ay hindi mapapagawa ang bahay natin na kubo dati.” Sabi pa ni papa kaya napangiti ako. Nakapasok kami sa loob ng bahay at napangiti ako dahil sinunod talaga nila papa ang gusto ko sa bahay na may pagka aesthetic. Ganito kasi talaga ang pinapangarap kong bahay dati pa. Akala ko nga hanggang imahinasyon ko lang yun ngunit ito na, nakikita ko na talaga ang bahay namin. Natigilan ako ng makita ko si mama na halatang nagulat din ng makita ako. “Hazel, anakk.” Sambiti niya sa pangalan ko saka naglakad papunta sa ‘kin. Niyakap ako ni mama kaya niyakap ko din siya pabalik. “Mas lalo kang gumanda ngayon anak. Ang laki ng pinagbago mo,” sabi pa ni mama saka kumawala sa yakap ko. “Bakit umuwi ka ng walang pasabi? Hindi tuloy ako nakapagluto.” Tanong ni mama sa ‘kin. “Surprise nga po mama eh,” nakanguso kong sabi. “Si ate po?” Tanong ko. “Nandon sa tindahan niya. Si Kane naman ay nasa school yun at mamayang hapon pa uuwi.” Sagot ni mama. “Okay po, ma. Wag mo po munang ipagsabi kay ate na nandito po ako,” nakangiti kong sabi kay mama saka ako lumapit sa sala set namin at hinaplos ko pa talaga yun. Umupo ako sa sofa habang si mama naman ay inayos ang dala kong bag. “Ang ganda at ang linis ng bahay natin, mama.” Sabi ko pa kaya mahinang natawa si mama. “Wala kasi kaming kasamang bata dito, nak. Kaya malinis. Kailan mo ba ipapakilala ang boyfriend mo para magkaroon ulit ng bata dito. Si Kane kasi halos mas matangkad pa sa papa mo. Grabe ang batang yun kaya laging pangbato sa school. Masungit ng lang.” Sabi pa ni mama kaya napangiwi ako dahil baka hindi magkasya ang binili kong damit para kay Kane. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ako sa bag na dala ko. Binuksan ko yun at kinuha ang damit ba binili ko para kay Kane. Pinakit ko yun kay mama kaya napatitig si mama. “Kasya kaya ‘to kay Kane, mama?” Tanong ko pa sakanya. “Hindi kasya yan, anak. Yung katawan ni Kane kasi at matipuno. Pang payatot naman yan anak.” Sabi ni mama kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Ano ba yan! Babawi na nga lang ako nagkamali pa. Ipinakita ko nalang din kay mama ang mga damit ba binili ko para sakanila ni mama. Natuwa naman ang mga magulang ko kaya napangiti ako dahil alam kong masaya sila sa pasalubong ko. Pinaakyat na muna ako ni mama sa second floor ng bahay namin dahil nando’n daw ang kwarto ko. Agad akong pumunta at nakita ang sinasabi ng mama ko na kwarto. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa ‘kin ang simpleng kwarto tulad ng sabi ko kay mama. May kama, bedside table, aparador, at may isang couch na kulay white. May table din do’n na pwede akong mag trabaho kung sakali man na may ipapagawa sa ‘kin ang boss ko habang nasa vacation leave ako. Nagustuhan ko din ang kurtina ng bintana ko. Sa itaas ng bintana ay nakalagay ang aircon. Hindi mapuknit ang ngiti ko sa labi dahil may aircon na talaga ang kwarto ko. Inilagay ko ang bag ko sa upuan saka ako humiga sa kama. May isang pinto pa sa kwarto ko at alam ko na banyo yun. Mabuti naman at nilagyan nila ang kwarto ko para hindi na ako lalabas ng kwarto para lang maligo. Nagpahinga lang ako saglit saka ko naisipan pumasok ng banyo. Ayos naman ang banyo ko kaysa naman dati sa banyo namin. Hinubad ko lahat ng saplot ko at naligo nalang muna. Medyo hindi ko nagustuhan ang sabon na nandito kaya mamayang hapon ay bibili ako ng gamit ko sa katawan. Hindi kasi ako nagdala. Mabilis lang akong naligo dahil gusto ko ng humiga sa kama. Lumabas ako ng banyo at lumapit sa upuan dahil nandon ang bag ko. Binuksan ko yun at kumuha ako ng cotton short at isang blouse na medyo kita ang pusod. Hindi naman ako natatakot magsuot nito dahil wala naman akong bilbil. Flat ang tummy ko at slim ang katawan ko. Nagsuklay lang ako ng buhok saka ako lumabas ng kwarto para makipag kwentuhan kay mama. Nang makababa ako ng hagdan ay tinungo ko agad ang kusina at narinig si mama na parang may kausap. Akala ko ay si papa ngunit narinig ko ang boses ng babae kaya napangiti ako dahil boses yun ni ate. Nakita ko ang ate at mama ko na nakatalikod sa gawi ko kaya kinalabit ko si ate. Lumingon naman siya agad at nagulat ng makita ako. “Hazel.. ikaw ba yan? Grabe.. ang ganda-ganda mo.” Sabi ng ate ko sabay gulo sa basa kong buhok. “Naku.. na surpresa ako niyang kanina, pati tatay niyo.” Sabi ni mama habang nagluluto. “Kailan ka pa dumating?” Tanong sa ‘kin ng ate ko. “Kanina lang, ate.” Nakangiti kong sagot. Niyakap pa ako ni ate at halatang namiss ako. “Ang tagal mo din nawala ha! Namiss kita kapatid.” Sabi pa ng ate ko. “Ang laki ng pinagbago mo, Hazel. Dati sipunin ka pa, ngayon para kang artista. Mas lalo ka pang pumuti ngayon.” Sabi ng ate ko kaya napa iling nalang ako. “Si Kane nga pala, ate?” Pag iiba ko sa usapan. “Ayon nasa school pa. Mamaya pa yun uuwi. Hay naku yung batang yun.” Sabi ni ate saka napabitaw ng yakap sa ‘kin. “Bakit?” Tanong ko naman. “Masyado ng pasaway. Sumasakit ang ulo ko pero mabuti nalang at laging top 1 sa klase. Pero laging napapa away naman, araw-araw nalang.” Reklamo ni ate. Hindi naman ako nakasagot dahil hindi naman kasi talaga ganun ang ugali ni Kane. Mabait na bata yun at magalang pa pero bakit naman nag iba ang ugali niya. “Hindi ko nga alam kung girlfriend ba niya ang classmate niyang si Naomi. Lagi kasi silang magkasam.” Dagdag na sabi ni ate kaya natigilan ako. Tumikhim ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko. “Ayos na din yun, ate. Para na tumino si Kane kung sakali.” Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nawalan ng gana ng malaman ko yun. Nag uusap lang ulit kami ng kapatid ko kasama ang mama ko. Nagtatawanan kami pero ako parang pilit lang dahil nasa isip ko parin ang sinabi ng ate ko na may girlfriend na si Kane. Hindi talaga mawala sa isip ko yun at parang mabigat sa dibdib ko. Wala naman sanang problema, suportado ko kung magkaroon man siya ng girlfriend. Pero sana naman hanggang do’n lang dahil nag aaral pa lang siya. Masyado pa siyang bata pag nagkataon. Dumating ang hapon at nandito lang ako sa kwarto ko. Kagigising ko lang naman kasi at wala pa akong planong lumabas. Nag s-scroll lang ako sa social media account ko ng may marinig ako sa labas na malakas na tawa. Boses babae yun at parang nakakairita yung tawa niya. Kahit ayaw kong bumangon ay tumayo ako para sumilip sa bintana. Nakita ko ang isang babae na naka suot ng school uniform. May kasama siyang matangkad na lalaki na alam kong kilala ko. Seryoso ang mukha ng lalaki habang ang babae ay tumatawa. Nakatitig lang ako sa mukha ng pamangkin ko habang nalulungkot na hindi ko malaman kung bakit. Naiirita din ako aa babae na halatang maarte. Umatras nalang ako palayo sa bintana at baka makita pa ako ni Kane na naka silip sa bintana. Mamaya nalang ako magpapakita kapag kakain na ng dinner. Hindi naman siguro magiging masaya ang pamangkin ko kapag nalaman niyang nakauwi na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD