Chapter 6

2265 Words
Hazel’s Pov LUMABAS AKO ng kwarto dahil tinawag na ako ni mama at kakain na kami ng dinner. Kahit wala akong gana ay lumabas parin ako at hindi nag pahalata na malungkot ako. Bumaba ako ng hagdan at agad nakita ang papa ko na nakaupo sa sala at kausap ang asawa ni ate. Ngumiti lang sa ‘kin si kuya Smith kaya ngumiti din ako pabalik. Dumeritso ako sa kusina at naabutan si mama at ate na naghahanda ng hapunan. Nakita ako ni ate kaya ngumiti siya sa ‘kin. “Nakatulog ka ba ng maayos?” Tanong ng ate ko sa ‘kin. “Opo, ate. Anong niluluto niyo?” Tanong ko saka sumilip sa niluluto nila. Nang makita ko ang ulam na niluluto ni mama ay napangiti ako. Si ate din ay ginagawa ang baked tahong na favorite ko. “Hindi pa kami tapos, Hazel eh. Upo ka nalang muna.” Sabi ni ate kaya tumango ako. Akmang uupo na sana ako sa upuan ng bigla kong naramdaman nag vibrate ang phone ko sa likod ng bulsa ng short ko. Kinuha ko yun at nakita ang pangalan ng kaibigan kong si Rica. Naglakad nalang muna ako palabas ng kusina at naisipan na sa labas na ako ng bahay makipag usap sa kaibigan ko. May tambayan kasi sa gilid ng bahay namin na upuan at mesa. Para siguro yun sa mga bisita at do’n tumambay nalang para presko ang hangin. Lumabas ako ng bahay at dumeritso sa upuan na nasa gilid ng bahay namin. Umupo ako saka ko sinagot ang tawag ng kaibigan ko. Siguro ay na miss na ako nito. “Miss me?” Bungad ko ng masagot ko ang tawag. “Huhuhu.. oo besh.” Madrama niyang sagot kaya natawa ako. “Ayan.. na miss mo ko. Matagal- tagal pa ang balik ko dyan.” Natatawa kong sabi. “Ayos lang basta pasalubungan mo ko ng lalaki. Hiwalay ba kami ng jowa ko eh,” sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Nakadekwatro pa talaga ako habang nakaupo. Pakiramdam ko ay parang may nakamasid sa ‘kin kaya ipinalibot ko ang tingin sa paligid ng bahay namin ngunit wala naman akong nakita. Nakikinig lang ako sa kaibigan ko na sinabi ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng jowa niya. Ayaw kasi makinig sa ‘kin dati eh, sinabi ng wag sagutin ang lalaki dahil halatang babaero. Mukha palang niya basang basa ko na. Panay ang tawa ko ng sabihin ni Rica na sinuntok daw niya ang ex niya. Proud naman ako sa ginawa ng kaibigan ko. Dapat lang talaga yun sa mga lalaking manloloko. Nakayuko ako habang nakikinig ako sa kausap ko ng bigla kong marinig na may nagbukas ng maliit na gate namin. Nag angat ako ng tingin at halos magkabuhol buhol ang paghinga ko ng makita ko ang matangkad na lalaki na may seryosong mukha. Nakatitig siya sa gawi ko habang ako naman ay nakatitig sa babaeng kasama niya na nakita ko kanina. Nakatingin din sa ‘kin ang babae at halatang hindi pa siya umuuwi dahil naka school uniform parin ang babae. Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig ko kay Rica at iniwas ang tingin ko sakanilang dalawa. Natawa ako sa sinabi ni Rica kaya napahalagpak ako ng tawa. “Naku, baby.. tama ka na!” Sabi ko na tinawag ko pa talagang baby si Rica. Kapag nag aasaran kasi kami ay baby o sweetie ang tawagan namin dalawa. Kakahiwalay lang ng jowa niya ay gusto na naman kasi mag jowa dahil hindi dawa niya kayang walang naglalaro sa p********e niya. Napaka siraulo talaga ng babaeng yun. “Hazel..” napatigil ako sa pakikipag usap sa kaibigan ko ng marinig kong tinawag ako ni ate. Lumingon ako at nakita si ate na kalalabas lang ng bahay. “Po?” Sagot ko naman saka inilayo ang cellphone sa tenga ko. “Kakain na tayo,” sabi niya saka humarap sa gawi nila Kane. “Nandito ka na din pala, Kane. Halika na kumain na tayo para sabay-sabay na. Isama mo na yan si Naomi.” Sabi ni ate kay Kane at sa babae niyang kasama na may pangalang Naomi. Nagpaalam narin ako sa kaibigan ko saka ko pinatay ang tawag. Nakita kong dumaan sila Kane at pumasok ng bahay kaya hindi na muna ako tumayo. Galit nga talaga siya dahil hindi ako pinansin ng pamangkin ko. Hindi man lang niya ako binati o kinamusta. Napabuga ako ng hangin saka ako sumunod sakanila at pumasok na din ng bahay. Dumeritso ako sa kusina ng marinig ko ang boses ng pamilya ko. Tinungo ko yun at naabutan ko sila na tinutukso si Kane at ang babaeng kasama niya. Napatigil lang sila ng makita nila akong pumasok sa kusina. “Halika na Hazel. Dito ka na umupo.” Tawag sa ‘kin ni ate na tinuro ang upuan na katabi niya. Katapat no’n ay si Kane, katabi naman niya ang babaeng kasama niya. Umupo na din si papa sa pwesto niya at maging si mama ay umupo na din. Umupo nalang din ako sa itinuro ni ate saka ngumiti kay ate. Nagdasal na muna si mama kaya yumuko ako habang nakikinig sa mama ko. Naramdaman kong may nakatitig sa ‘kin ngunit hindi ako nag angat ng mukha. Nang matapos si mama ay nagsimula na kaming kumain. Tumingin ako kay Kane at nakita siyang nakatitig sa ‘kin. Hindi siya nag iwas ng tingin ng magtagpo ang mga tingin namin dalawa. Hindi ko kaya ang mga titig niya kaya ako na ang nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang asul niyang mga mata na parang hinihigop ang kaluluwa ko. Kumain nalang ako at hindi na nag angat ng tingin pa. Nakikinig lang ako sakanila na tinatanong si Naomi kung may relasyon ba sila ni Kane. Panay naman ang tawa ng bata na akala mo’y nakakatuwa. Naiirita lang ako. Nag angat ako ng mukha para abutin sana ang pitchel na may lamang tubig ng maunahan ako ni Kane. Inatras ko ang kamay ko saka ako sumubo ulit ng pagkain. “O, Kane.. siguro naman masaya ka na at nandito na ang tita Hazel mo.” Sabi ng ate ko kaya natigilan ako sa pag subo. “Bakit naman ako magiging masaya?” Saad ni Kane sa malamig na boses kaya napayuko ako lalo. “Kane.. hindi ganyan ha! Tita mo parin yan. Naka ilang paliwanag na kami sa’yo kung bakit hindi siya nakauwi. Ikaw lang talaga ang hindi makaintindi.” Sagot ng ate ko kaya tumingin ako kay ate at hinawakan ang kamay niya. “Ayos lang po, ate. Hayaan mo na.” Pagpapatigil ko sa ate ko dahil magsasalita pa sana. Nasa hapagkainan kami kaya dapat lang na wag mag away. “Nasa harap tayo ng pagkain,” sabi ni mama na sumabat na sa usapan. Kumain nalang ulit ako para matapos na agad. Kailangan ko ng bumalik sa kwarto ko dahil baka magalit lang sa ‘kin si Kane kapag nakita niya ako. “Ikaw Hazel.. may boyfriend ka ba sa Manila?” Tanong ni papa kaya napa angat ako ng mukha. Napansin ko din na natigilan sa pag subo ng pagkain ni Kane ngunit hindi ko na pinansin. “May nanliligaw,” sagot ko sa ama ko kaya tumawa si ate. “Ayy dapat lang. Sigurado akong maraming lalaking magkakagusto sa’yo. Akala ko nga may ipapakilala ka samin na jowa mo eh,” sabi pa ni ate sa ‘kin. Hindi naman ako sumagot at aksidente akong lumingon kay Kane at nagkasalubong ang titig namin dalawa. “Nga pala, Hazel.. yung classmate mo n’ong college na si Felix ay hinahanap ka. Hiningi pa nga ang phone number mo kaya binigay ko.” Saad ni ate. “Bakit mo naman binigay mama?” Biglang sabat ni Kane. Napatingin tuloy ako sakanya at nakita ang seryoso niyang mukha habang ang makakapal niyang kilay ay magkasalubong. “Eh bakit naman hindi? Wala namang masama. Malay mo maging tito mo si Felix kapag naging sila ng tita mo,” sagot naman ng kapatid ko kaya napangiwi ako. Pinangunahan na naman ako ng ate ko. Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si Kane sa kinauupuan niya at halatang galit siya. Sa lakas ng pag atras niya ay natumba pa talaga ang upuan saka siya nag walk out. “Kane! Come back here!” Tawag ni kuya Smith kay Kane ngunit hindi talaga siya lumingon at deri- deritso lang siyang naglakad. “Bakit kaya nagalit yun?” Tanong ni ate habang nakakunot ang noo. “Hindi ko pa alam, tita. Alam niyo naman po yang anak niyo.. topakin.” Sabat ni Naomi. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko saka kumain ulit. Kahit ako hindi alam kung bakit siya nagalit. Ganito na ba talaga ang ugali ng pamangkin ko. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Natapos akong kumain at hindi na ako pinatulong pa ni mama at ate magligpit ng kinainan namin. Pumunta ako sa kwarto ko at agad nag lock ng pinto. Naglakad ako papunta sa couch at umupo do’n habang nag ce-cellphone. Iniisip ko parin ang ginawa ng pamangkin ko at palaisipan parin kung bakit siya nagalit kanina. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil pumunta ako sa bayan para bumili ng mga sabon ko. Hindi talaga ako komportable sa sabon na ginagamit ko kaya talagang inagahan ko talaga. Nakisabay lang ako kay papa at mama na papunta din ng pwesto nila sa palengke. Nasa grocery store na ako at pinagkukuha ko lang ang mga kailangan ko. Kumuha na din ako ng favorite kong cookies at kumuha na din ako para kay papa na paborito niyang biscuit. Nakuha ko na ang mga kailangan ko kaya pumunta na ako sa counter para magbayad. Natapos ako at agad na lumabas ng grocery store. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkasalubong kami ni Felix sa harap ng store. Nanlaki pa talaga ang mata ng lalaki ng makita niya ako. “Hazel.. ikaw ba yan?” Tanong pa sa ‘kin ng classmate ko. “Oo naman, mukha ba akong hindi si Hazel.” Pangbabara ko sakanya. “Ang laki kasi ng pinagbago mo. Mas lalo kang gumanda.” Sabi pa niya kaya napangiti ako. “Ikaw talaga! Baka sabihin.. pangit ako dati tapos pumunta ng Manila ay gumanda.” Pabiro kong sabi kaya natawa siya. “Hindi ahh.. ano pauwi ka na ba? Maaga pa. Kape muna tayo or kain tayo sa labas. Libre ko.” Sabi pa nya. Akala siguro nito wala akong pera at gusto libre. Kaya ko kayang kumain mag isa sa restaurant. Hindi ko kailangan ng libre. “Wag na! Busog pa ako eh,” sabi ko nalamang kaysa sagutin ko siya ng ganun katulad sa naisip ko. “Bakit naman? Busog ka ba? Kape nalang tayo. Matagal- tagal din kasi n’ong huli tayong nagkita.” Saad pa niya habang may ngiti sa labi. “Naku wag na.. baka hindi na ako makatulog mamaya sakaka kape ko.” Nakangiwi kong sabi. “Next time nalang tayo mag coffee.” Dagdag kong sabi saka ngumiti sakanya. “Sayang naman. Nandito ka narin naman sa bayan. Saglit lang naman tayo magkakape.” Hirit pa ng gago. Makulit din ang isang ‘to kaya nalukot ang mukha ko. “Fine. Pero saglit lang dahil may gagawin pa ako,” pagpayag ko. Kinuha pa talaga niya sa ‘kin ang pinamili ko na ikinagulat ko. Ngunit hindi din nag tagal sa kamay yun ni Felix ng may humablot sa supot ng mga pinamili ko. Nagulat ako ng sumulpot si Kane at siya na ang may hawak ng supot na mga pinamili ko. “Kane..” sambit ko sa pangalan ng pamangkin ko. Hindi niya ako nilingon dahil masama siyang nakatitig kay Felix. “Si Kane na ba ‘to, Hazel? Yung pamangkin mo? Mas matangkad na sa ‘kin ha!” Manghang sabi ni Felix. Totoo naman kasi.. ang tangkad ni Kane, hanggang dibdib nga lang yata niya ako eh. Nag mukha tuloy niya akong bunsong kapatid. “Anong ginagawa mo dito, Kane? Wala ka bang pasok?” Tanong ko sa pamangkin ko at hindi pinansin ang tanong ni Felix sa ‘kin. Lumingon lang sa ‘kin si Kane sa walang emosyong mukha. Napabuga ako ng hangin dahil aya na naman kasi ang mukha niya na napaka sungit. “Let’s go, tita.” Saad niya sa malamig na boses saka tumalikod sa gawi ko habang bitbit parin ang mga pinamili ko at nag simulang maglakad. Lumingon naman ako kay Felix. “Pasensya na. Next time nalang tayo mag coffee.” Pagpapaalam ko kay Felix saka ako nagmamadaling sumunod sa pamangkin ko. “Wait, Kane.” Tawag ko sakanya dahil hindi ko siya mahabol. Huminto naman siya saka lumingon sa ‘kin. Seryoso parin ang mukha niya at halatang hindi siya marunong ngumiti katulad ng dati. “Galit ka pa ba sa ‘kin?” Tanong ko sa mahinang boses. “Yes. Galit parin ako kaya wag ka na magtanong tita.” Deritso niyang sagot saka tumalikod sa ‘kin at nagsimula ng maglakad ulit. Ako naman ay nakatingin lang sa likod niya. Ang sungit ng pamangkin ko. Parang hindi siya sa Kane ko na malambing at palangiti. Bagay na bagay sakanya ang suot niyang uniform. White ang pang itaas niyang uniform at black slacks naman ang pang ibaba. Matangkad siya at matipuno ang balikat niya ang lakas ng s*x appeal niya. Sigurado ako madami talagang nagkakagusto sa pamangkin ko sa school. Sumunod nalang ako sa pamangkin kong masungit sa ‘kin dahil dala niya ang mga pinamili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD