Hazel’s Pov
LUMIPAS pa ang ilang taon ay tuluyang natapos ang bahay na pinapagawa ko. Masaya ako habang pinagmamasdan ang sinend ng ate ko na picture sa messenger. Tapos na ang bahay namin kaya hindi ko mapigilang matuwa.
Sunod na pinag iipunan ko ay tricycle. Malapit ko ng mabuo yun at nag tanong-tanong na ang papa ko kung magkano ang presyo. Lahat ng pagod ko ay nawawala dahil sa unti-unti ko ng nakakamit ang goals ko sa buhay.
Kaya mas lagi kong ginagalingan sa trabaho upang mas marami pa akong magawa para sa pamilya ko.
Inaayos ko ang gamit ko dahil tapos na ang duty namin. Balak kong dumaan ng grocery store dahil ubos na ang stock ko sa apartment. Nagpaalam ako kay Rica na mauuna ako sakanya na lumabas dahil may dadaanan pa daw siya sa ibang department. May jowa na naman kasi pero nasa ibang floor.
Ako lang yata ang hindi pa nagkaka jowa. Ewan ko ba, ayaw ko talaga magkaroon ng boyfriend. Hindi ko alam kung hindi ba ako ready o ano. May nanliligaw na naman kasi sa ‘kin pero tulad parin kay Draven ay hindi ko sinagot. Basted ko na agad at sinabihan kong wala pa sa isip ko ang pag jo-jowa. Para tuloy akong bata na na nag aaral pa ng high school. Sa edad kong 24 years old wala parin talaga as in zero ako pagdating sa love life.
Pakiramdam ko ay magiging rich tita nalang siguro ako nito habang buhay. Ayos narin yun, walang jowa pero may money.
Nakalabas na ako ng building at agad nag abang ng masasakyang jeep. Medyo malayo pa kasi ang grocery store mula dito kaya kailangan sumakay ng jeep.
Nakita kong may paparating na jeep kaya agad kong pinara yun. Huminto yun at kaya sumakay ako. Hindi naman masyadong puno ang loob ng jeep kaya nakaupo ako ng maayos.
Inabot ko lang kay manong driver ang pamasahe ko dahil nasa likod lang ako ng driver umupo. Panay ang tingin ko sa dinaraanan namin at baka lumagpas ako.
Ilang sandali lang ay nakarating ang sinasakyan kong jeep sa grocery store kaya bumaba na ako. Dito kasi talaga ako nag gro-grocery. Maliit lang ‘to na grocery pero mga mura ang paninda nila kaysa sa mall. Si Rica nagturo sa ‘kin nito kaya dito na ako dumederitso kapag nauubusan ako.
Naglakad ako papasok sa store at kumuha ng push cart. Itinulak ko ang dala kong cart ngunit napahinto ako ng may makita ako. Nalukot agad ang mukha ko dahil na nakita ko ang manliligaw ko dati na si Eric. Binasted ko agad at medyo sumama ang loob niya sa ginawa ko. Wala naman sanang dapat igalit dahil sinasabi ko lang naman ang totoo. Ewan ko ba dito sa mga manliligaw ko, kulang nalang sabitan ko ang leeg ko ng karatula na NO LIGAW. Tapos kapag binasted nagagalit.
Itinulak ko nalang ulit ang push cart ko at tinungo ang ibang way palayo sa mukhang kuhol na si Eric. Pero piste talaga ang lalaking ‘to dahil parang nanadyang magpapansin sa ‘kin.
Binangga lang naman niya ang push cart na dala ko kaya napahinto ako. Masama ko siyang tinignan at nakitang may kasama siyang babae. Tinaasan pa talaga ako ng kilay ng babae, akala naman niya kinaganda niya.
“Ikaw pala, Hazel. Kamusta?” Tanong ni Eric sa ‘kin habang nakangisi.
“Ayos lang. Pwede bang pakitanggal ng cart niyo! Nakaharang eh,” nakangiwi kong sabi.
“Ito naman. Gusto ko lang naman ipakilala sa’yo ang jowa ko,” sabi ni Eric sabay akbay sa babaeng kasama niya at hinalikan sa pisngi.
Matamis ko naman silang nginitian. “Congrats. Bagay kayo.” Saad ko.
“Talaga? Sabi na eh, bagay talaga kami ng bebe ko.” Proud na sabi ni Eric.
“Oo naman. Ikaw mukhang si dugong habang yung girlfriend mo mukhang hipon. Oh diba.. bagay na bagay. Ano pang hinihintay niyo.. punta na kayo sa dagat. Enjoy!” Nakangisi kong sabi saka ko tinulak ang hawak kong push cart at binangga ang cart nila Eric.
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ni Eric na halatang galit na galit sa ‘kin. Akala siguro niya ay maghihinayang ako na hindi ko siya sinagot. Neknek niya!
Kinuha ko ang mga kailangan ko sa apartment habang panay pa din ang tulak ko sa dala kong cart. Ilang sandali lang ay napuno na ang dala kong cart kaya napag pasyahan ko ng pumunta ng counter. Mabuti nalang at wala na sila Eric at girlfriend niya, pumunta na yata ng dagat.
Pumila lang ako hanggang sa ako na ang nasa harapan ng counter.
Natapos din ako magbayad kaya lumabas ako ng store. Dumeritso na akong uwi sa apartment ko. Nag tricycle na din ako dahil may mga dala ako.
Nakarating ako sa apartment at pabagsak akong umupo sa nag iisa kong upuan. Inilapag ko lang muna sa sahig ang mga pinamili ko saka ko kinuha ang cellphone ko sa ginagamit kong bag pang trabaho. Naramdaman ko kasing nag vibrate ‘to kaya dali-dali kong kinuha.
Si mama pala ang tumatawag kaya agad kong sinagot ang tawag. “Hello po, ma.” Bungad ko sa mama ko.
Ngunit kumunot ang noo ko dahil walang nag salita sa kabilang linya. “Ma? Hello!” Saad ko pa saka ko inilayo ang cellphone na nakalapat sa tenga ko para makita kong namatay ba ang tawag pero naka connect pari naman kaya ibinalik ko sa tenga ko.
“Hello!” Saad ko ulit ngunit wala talagang sumasagot. Tahimik din sa kabilang linya, wala akong marinig na kahit anong ingay.
Ibinaba ko nalang ang tawag at baka napindot lang ni mama at hindi niya napansin. Minsan kasi ganun si mama, tumatawag pero walang nagsasalita sa kabilang linya, tahimik lang.
Tumayo nalang ako ulit para ayusin ang mga pinamili ko sa grocery. Gusto ko na din maligo dahil nanlalagkit na ako sa katawan ko.
Hindi ko na talaga nakausap ang pamangkin kong si Kane. Wala na akong balita sakanya na maayos dahil puro bad na ang ginagawa niya. Hindi na din ako nag te-text sa phone niya dahil ang sabi ni mama ay nag palit na daw ng phone number si Kane. Sa social media naman ay hindi ko alam ang name niya kahit sinearch ko ang name niya.
Nakausap ko din ang ate ko at hiningi ko ang number ni Kane ngunit gustuhin man niya ibigay aya ayaw daw pumayag ni Kane. Maging ang ate ko kasi ay hindi alam ang phone number ni Kane. Ewan ko ba kung bakit ginagawa yun ni Kane. Galit parin talaga siya sa ‘kin kaya nalulungkot ako.
Lumipas ulit ang mga taon at ngayong araw ay 26 years old na ako. Nandito kami sa bar kasama ko si Rica at ibang ka officemate ko para icelebrate ang birthday ko. Hindi ito ang unang beses na uminom ako ng alak kaya medyo sanay na ako.
Hindi sana kami sa bar pupunta at kakain lang sana sa restaurant. Ngunit naisip ko na deserve ko naman mag happy- happy lalo na’t tatlo sa goals ko ay natupad ko na. Maayos na ang bahay namin at napaganda ko na talaga ang bahay namin. Nabili ko na din ang tricycle na para kay papa at ang isa ko pang goal sa buhay ay magkaroon ng sariling pwesto si mama sa palengke. Natupad ko na din at hindi mapuknit ang ngiti ko sa labi kanina ng mag send siya ng picture na punong- puno ang pwesto niya ng paninda.
Next goal ko naman ay para sa sarili ko at yun ay makapag travel ako ibang bansa. Oras naman na sarili ko naman ang pasahayin ko. Wala na talaga yata akong pag- asang magka boyfriend. Nag 26 years old nalang talaga ako pero wala talaga. Panay ang reklamo ko na wala akong jowa pero kapag may nanligaw naman sa ‘kin ay minumura ko. Muntanga lang talaga ako.
Sa work naman ay na promote ako bilang team leader kaya tumaas din ang sahod ko. Sobrang bilis ng panahon at hindi ako makapaniwala na nandito na ako sa sitwasyon na hindi ko na pinoproblema ang bibilhin ko sa grocery. Hindi na ako tumitingin sa presyo dahil sa nagtitipid ako.
Yung isang goal ko pa na para sa sarili ko ay natupad ko din kanina kaya double celebration talaga ngayon. Nabili ko kasi ang condo unit na matagal ko na din pinag ipunan. Kaya tuwang tuwa talaga ako sa nangyayari sa buhay ko.
Todo tawa kami ng mga kaibigan ko habang gumigiling dahil sa musika na pinapatugtog ng dj. May tama na din kami ng alak kaya wala na kaming hiya-hiya sa katawan.
Umuwi kami na lasing na lasing. Mabuti na nga lang at nakauwi pa ako sa apartment ko.
Nang makapasok ako sa apartment ko ay agad akong nahiga sa kama. Hindi naman ako natatakot kung tanghiliin man ako gumising bukas dahil linggo naman at wala akong pasok. Ngunit maglilipat ako sa bago kong condo unit.
Excited na akong lumipat sa pinagpaguran kong pinag ipunan. Ipinikit ko ang mga ko dahil nahihilo na ako at umiikot na ang paningin ko.
Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Agad kong inayos ang mga gamit ko dahil tumawag sa ‘kin ang driver na inarkila kong sasakyan para do’n isakay ang mga gamit ko.
Naghakot na ang dalawang lalaki habang ako naman ay panay ang utos kung ano pang hahakutin. Nang matapos kami ay agad kong kinausap ang may ari ng apartment at nagpasalamat sakanya.
Sumakay narin ako matapos ang pag uusap namin ng may ari at nag pahatid na ako papunta sa bago kong bili na condo unit.
Nakarating naman kami agad dahil hindi naman masyadong traffic.
Naghakot ulit ang dalawang lalaki habang ako ay nauna na sa condo ko. Nakangiti ako habang pinapalibot ang tingin ko sa kabuuan ng unit ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may condo unit na talaga ako, dati pangarap ko lang ‘to eh, pero ngayon ito na talaga.
Natapos ang dalawang lalaki maghakot kaya ibinigay ko na ang bayad sakanila at nagpasalamat narin. Nagsimula na akong mag ayos ng gamit kahit pa nga masakit ang ulo ko.
Nagustuhan ko ang unit ko dahil malaki din ‘to at kita ang buong city sa may bintana ng kwarto ko. Sigurado ako na maganda pagmasdan kapag gabi dahil tanaw na tanaw ko talaga.
May sariling banyo ang kwarto ko at may isa pang cr na malapit sa kusina para kung may bisita man ako ay hindi na kailangan pumasok sa kwarto ko.
Hindi ko na tinapos ang pag aayos muna dahil may hang over pa ako. Gusto ko nalang muna matulog ngunit hindi naman ako makatulog.
Kinuha ko nalang muna ang cellphone ko at para mag scroll- scroll sa social media account ko. Pumunta pa talaga ako sa messenger dahil naalala ko na may sinend ang ate ko picture kagabi. Hindi ko pa kasi binubuksan dahil busy ako uminom kagabi.
Binuksan ko ang message sa ‘kin ng ate ko at nakita ang sinend niya na picture. Isang lalaki yun na nakatayo habang naka suot ng jersey. Sa picture pa lang ay alam ko matangkad ang lalaki. Naka side view ang lalaki sa picture kaya kitang- kita ko ang muscle niya sa braso. Brown ang buhok ng lalaki at medyo messy hair yun.
Nag reply ako kay ate at tinanong ko kung sino yung sinend niya. Nag reply naman siya agad at nanlaki ang mga mata ko dahil si Kane daw ang nasa picture. Binalikan ko ang picture at zinoom ko pa talaga para makasigurado ako. Naka side view kasi kaya kalahati lang ng mukha ang nakikita ko. Medyo malayo din yata nag picture ang ate ko mula sa kinatatayuan ni Kane.
Grabe, ang laki ng pinagbago ng pamangkin ko. Ang dati kong kinakarga ay mas matangkad na yata sa ‘kin. Binatang binata na talaga siya. Panigurado ay madaming babaeng naghahabol sakanya. Ang ganda din ng katawan nya na lahat yata ng babae ay maglalaway kapag nakita siya.
Kahit galit siya sa ‘kin at hindi na kami nagkakausap ay proud parin ako sa pamangkin ko. Syempre, ako yata ang nag bantay at nag alaga sakanya n’ong bata siya.
Kinabukasan, balik trabaho na ulit ako at seryoso na naman ang mukha ko. Ganito talaga ako lalo na’t team leader na ako.
Nagkausap kami ng manager ko at tinatanong niya ako kung wala ba daw akong planong mag leave. Ang tagal ko na din kasi daw nag tra-trabaho at kahit kailan ay hindi pa ako nag le-leave. Napaisip din ako dahil totoo naman kasi, simula ng magtrabaho ako sa Manila ay hindi sumagi sa isipan ko na umuwi samin. Dahil nga sa gusto kong magawa ang goal ko sa buhay.
Siguro ay panahon na din para magbakasyon samin para makita ko din ang bago naming bahay.