Hazel’s Pov
ONE WEEK simula ng magtrabaho ako bilang encoder sa kompanya namin ay hindi naman ako nagkaroon ng problema.
Mababait naman ang mga ka workmate ko kaya masaya ako na naka pasok ako sa ganitong kompanya. Plus point pa dahil malaki ang sahod ko kahit baguhan lang ako. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na pagbubutihan ko ang trabaho ko kahit anong mangyari.
Nandito ako sa office table ko habang nag tra-trabaho ako. Madami kasi akong gagawin ngayon kaya wala muna kaming pansinan ni Rica. Tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng pagtipa ng computer.
Lumipas ang dalawang oras ay lunch time na namin. Sabay kaming kumain ni Rica sa cafeteria habang kung ano-ano ang pinag uusapan.
Sinasabi kasi niya sa ‘kin kung gaano siya ka swerte sa ka live in partner niya. Ako naman ay hanggang inggit lang ang magagawa ko lalo na’t wala naman akong jowa. Hindi ko din nasubukan mag boyfriend, ewan ko ba dati. May nanliligaw naman sa ‘kin pero wala nga lang akong sinasagot. Study first kasi talaga ako at focus ako na makapagtapos ako sa pag- aaral.
Nang matapos kaming mag lunch ay bumalik ulit kami ni Rica sa office namin.
Agad kami nag simula mag trabaho para makadami kaming magawa.
Nasanay na ako na malayo ako sa pamilya ko. Sanay na din akong kumain mag isa, hindi katulad dati na may kasabay ako kumain sa dinner. Sa karinderya na nga lang din ako kumakain dahil wala naman akong paglulutuan ng pagkain sa apartment ko. Hindi pa naman ako nakabili ng rice cooker at kung ano-ano pa.
Dumating ang uwian namin kaya inayos ko na ang shoulder bag ko. Saktong 5PM kaso out na kami. Sabi ng team leader namin sa encoder ay wag daw mag pabibo sa trabaho at baka biglang overtime ang mangyayari. Hindi naman daw kami tagapagmana ng kompanya kaya dapat chill lang at umuwi sa saktong oras ng uwian.
Sabay kaming lumabas ni Rica sa building at nag hiwalay lang kami ng landas dahil magkaiba ang way namin. Hindi na ako gumala sa kung saan at agad na sumakay nalang ng jeep. Gusto ko na din kasi umuwi para makahiga na ako. Ang sakit kasi ng likod ko.
Nasanay na ako sumakay ng jeep at alam ko na kung anong sasakyan ko. Kinabisado ko talaga para hindi halata na hindi ako taga Manila.
Nakarating ako sa kanto na papasok sa apartment namin kaya bumaba ako ng jeep. Agad akong naglakad habang panay ang tingin ko sa nadadaanan kong mga karinderya. Ang dami kasing nakalihirang karinderya dito kaya naguguluhan ako saan ako bibili.
Hindi na ako bumili sa binilhan ko kahapon dahil ang kunti lang ng sukat ng ulam nila. Tapos ang presyo ay 60 pesos. Grabe na talaga, sobrang mahal na ng bilihin ngayon. Muntik na akong hindi kumain kagabi dahil sa inis ko ng makita ko ang binili kong ulam.
Naisipan ko nalang na bumili ng fried chicken dalawa at isang kanin saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang sandali pa ay nakarating ako sa apartment ko. Deri-deritso lang akong umakyat ng hagdan papunta sa second floor saka ko binuksan ang pinto ng apartment ko saka ko ‘to itinulak. Pumasok ako sa loob ng tinutuluyan ko saka ko isinara ang pinto.
Gusto ko na talagang humiga kaya tinanggal ko ang suot kong black shoes at blazer. Humiga ako sa kama at nakahinga ng maluwag. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakahiga na sa kama galing sa trabaho. Mabuti nga at wala kaming trabaho kapag linggo kaya talagang matagal ako gigising no’n.
Habang nakapikit ako ay biglang tumunog ang cellphone ko na nasa shoulder bag. Nasa paanan ko ang bag ko kaya gamit ang paa ko ay hinila ko yun paitaas. Binuksan ako ang zipper at kinuha ang cellphone kong nag iingay.
Nakita ko ang pangalan ng caller kaya dali-dali ko ‘tong sinagot. Itinapat ko yun sa kaliwa kong tenga at hinihintay na magsalita si mama.
“Nak.. kamusta ka dyan?” Tanong ni mama sa kabilang linya.
“Ayos lang po, ma. Kayo po ni papa.. kamusta?” Balik tanong ko habang nakangiti. Tumagilid ako ng higa paharap sa pinto habang hinihintay ang sagot ni mama.
“Ayos lang din naman kami dito, nak. Si ate mo ayon problemado.” Pagkwe-kwento ni mama.
Kumunot naman ang noo ko. “Bakit naman po? Nag away ba sila ng asawa niya?” Tanong ko kay mama.
“Hindi sila nag away ng asawa niya. Alam mo naman mabait ang kuya mo at takot sa ate mo.” Sagot ni ate kaya napatango ako.
“Eh.. anong problema ni ate?” Tanong ko naman.
“Si Kane. Napatawag lang naman ang ate mo sa principal office dahil nakipag away si Kane.” Sabi ni mama kaya napaupo ako sa kama.
“Bakit naman napa away mama? Hindi naman ganun si Kane po ahh..” depensa ko sa pamangkin ko dahil alam ko ang ugali niya.
“Yun na nga eh.. simula ng umalis ka ay nagbago ang ugali ng batang yun. Siguro ay dinamdam niya ang pag alis mo. Lagi na nga siyang napapaway sa school. Kaya ang ate mo ay hindi alam ang gagawin kung anong disiplina ang gagawin niya kay Kane. Hindi na nakikinig maging sa ‘kin ay sa papa mo.” Sabi ni mama sa malungkot na boses.
Bigla naman akong nalungkot dahil alam kong dahil sa ‘kin kaya nag iba ang ugali ng pamangkin ko. Sana lang talaga ay hindi gumrabe ang ugali niya at bumalik sa dati.
Nag usap pa kami ni mama saglit. Tinanong niya ako patungkol sa trabaho ko kaya nag kwento ako kay mama. Masaya siya dahil sa nalaman niya na napunta ako sa matinong trabaho. Akala kasi dito ni mama ay scam ang inapplayan kong trabaho dahil naglipa daw ang mga scammer sa Manila. Kaya dapat daw akong mag ingat.
Kinausap din ako ni mama na kapag lumampas daw ng two months at kay sahod na ako ay kung pwede daw umuwi ako samin para lang mabisita si Kane. Baka daw kasi sakaling magtino ang batang yun.
Nagpaalam na ako kay mama at pinatay ko ang tawag. Nagtipa ako ng message para kay Kane at isenend ko yun sakanya. Sinabi ko do’n sa text ko na uuwi ako sa susunod na buwan para bisitahin siya. Hindi naman siya nag reply kaya hindi ko alam kung nabasa ni Kane. Sa edad kasi ni Kane ngayon ay sigurado akong nagtatampo siya sa ‘kin. Kaya kailangan ko talagang lambingin ang batang yun.
Tumayo nalang ako sa kama para kumain na at makatulog na din ako. Wala naman kasi akong gagawin kundi matulog. Cellphone lang naman ang meron ako at nakakasawa naman kung palagi lang akong nakatutok sa social media.
Lumipas ang mga buwan ay hindi ako nakauwi samin. Hindi kasi kaya talaga dahil pagod narin sa trabaho. Linggo lang din kasi ang pahinga ko.
Nag sabi ako kay mama para siya nalang ang magpaliwanag kay Kane. Ngunit hindi daw umiimik si Kane kapag kinakausap nila mama. Mas lalo pa daw lumala ang ugali ng pamangkin ko na parang hindi na daw siya.
Nag text ako muli kay Kane at natuwa ako ng replayan niya ako. Ngunit nawala din ang ngiti kong yun ng mabasa ko ang text niya at sinabihan niya akong sinungaling. Alam kong ang tinutukoy niya ay yung pinangako kong uuwi ako every month. Ang laki talaga ng kasalanan ko sa pamangkin ko pero hindi naman ako pwedeng umuwi ng basta- basta lang. Kailangan ko din naman kasi magpahinga at sobrang hassle talaga kapag umuwi ako. Ayaw ko din naman mag leave lalo na’t bago lang naman ako. Nakakahiya naman kung yun ang gagawin ko agad. Naiintindihan ni mama at ate pero yung pamangkin ko lang yung hindi.
Lumipas ang dalawang taon at hindi na talaga ako nakauwi samin. Kapag birthday ni Kane ay binabati ko siya sa pamamagitan ng text. Ngunit kahit isa ay wala akong natanggap na reply mula sakanya.
Nasanay na din ako na mag isa. Lumipat na din ako ng apartment dahil alam kong kaya ko ng magbayad ng upa. Lumipat ako kung saan medyo malapit sa pinagtra-trabahuan ko. Hindi ko na kailangan pang sumakay ng jeep dahil kaya namang lakarin.
Medyo malaki na din ang apartment na kinuhaan ko at may isang kwarto. May sarili ding banyo at lababo. Nakabili na din ako ng mga gamit ko sa apartment kaya masayang masaya ako.
Hindi ko magawang mag leave lalo na’t pinapasimulan ko na ipaayos ang bahay namin sa probinsya. Sobrang nagtitipid talaga ako para makuha ko na ang goal kong yun na maipaayos ang bahay namin. May mga butas kasi ang bubong kaya kailangan na talagang palitan yun. Balak ko kasing palagyan ako ng kwarto sa bahay, dati kasi ay isa lang talaga ang kwarto namin kina mama at papa ang kwarto kami naman ni ate ang nasa sala. Kaya ngayon na ipapagawa ko ang bahay namin ay balak kong palagyan ng second floor para do’n ilagay ang kwarto ko.
Mahaba-haba pa ang gagawin sa bahay namin at malaking pera ang kailangan ko kaya hindi talaga ako umaabsent sa trabaho ko. Kahit nga masama ang pakiramdam ko ay talagang pinipilit kong magtrabaho.
Kapag natapos ang bahay namin ay isusunod ko naman pag iipunan ay ang tricycle na ibibigay ko kay papa. Para hindi na kami mahirapan sa pag biyahe.
Kapag iniisip ko ang mga goal ko sa buhay ay sinisipag talaga ako mag trabaho. Yung pagod ko kapag nag uusap kami ni mama sa cellphone ay nawawala kapag sinasabi niya ang tungkol sa pinapagawang bahay namin. Marinig ko lang ang masiglang boses ni mama ay masaya na ako.
Nasa kompanya ako ngayon at nililigpit ang mga gamit ko na nagkalat sa office table ko. May hinahanap kasi ako sa bag ko kaya pinaglalabas ko lahat ng laman ng bag ko.
“Ano na nahanap mo na?” Tanong ni Rica sa ‘kin.
“Oo ito na. Kainis! Akala ko talaga naiwan ko sa doorknob ang susi ng apartment ko.” Nakanguso kong sabi.
Tumawa naman ng mahina si Rica. “Tuwang tuwa ang magnanakaw kapag nagkataon, besh. Ang swerte niya.. hindi mo pinahirapan.” Saad ng kaibigan ko habang nakatuon ang mga mata niya sa screen ng computer. Ang bilis din ng mga daliri niya na nagtipa sa keyboard ng computer.
“Anong balita sa jowa mo?” Tanong ko sa kaibigan ko. Nakwento kasi niya sa ‘kin n’ong isang araw na nag away daw sila ng boyfriend niya.
“Ayon.. naghiwalay na kami. Bwesit siya! Hindi siya kawalan!” Sagot ni Rica sa inis na boses. “Pinalayas ko na sa apartment ko. Pabigat ang potek eh,” dagdag pa niyang sabi kaya natawa ako.
“Siraulo ka talaga! Dati panay ka kwento sa ‘kin kung gaano ka kaswerte sakanya. Ngayon naman ay sinasabihan mo ng pabigat.” Naiiling kong sabi.
“Pabigat naman talaga siya. Pwede ba siyang ilagay do’n sa bubong para hindi liparin ng bagyo.” Sabi pa niya kaya natawa ako saka ako nagsimulang mag encode.
“Ayy nga pala.. change topic tayo. Balita ko may gusto sa’yo si Draven sa’yo.” Nakangiting sabi ni Rica sa ‘kin at talagang tumigil pa sa pagtipa ng keyboard niya at humarap sa gawi ko.
Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Nanliligaw kasi sa ‘kin si Draven kahit pa nga panay ang basted ko sakanya. Ayaw niya talaga niya akong tantanan. Marami naman sanang mas maganda sa ‘kin dito sa building at ako pa talaga ang nagustuhan niya. Nanahimik lang naman sana ako.
Gwapo naman si Draven, matangkad, may magandang pangangatawan dahil panay ang gym ng binata. Nakwento na kasi niya yun samin no’ng close pa kami. Pero simula ng umamin siya sa ‘kin ay dumistansya ako sakanya. Nakakailang naman kasi ang mga titig niya. At isa pa.. hindi ko siya gusto kaya agad ko siyang binasted. Siya lang naman ‘tong ayaw tanggapin ang sagot ko kaya panay ang ligaw.
Naiinis pa ako sa mga ka workmate ko dahil panay ang tawag sa ‘kin na Draven. Parang mga bata lang. Nakakainis.
Kaya tuloy lumalakas ang loob ni Draven na lapitan ako dahil sa panunukso ng mga ka workmate namin. Gusto ko na nga murahin ang binata ngunit nag paipigil lang ako at baka sabihing masama ang ugali ko.
“Wala ka talaga balak sagutin si Draven?” Tanong sa ‘kin ng kaibigan ko.
“Wala. Wala siyang pag asa kaya dapat tumigil na siya,” sagot ko sa walang buhay na boses.
“Gwapo naman siya ahh.. kaya anong ayaw mo sakanya?” Pangungulit ng kaibigan ko.
“Isa lang ang dahilan, besh. Hindi ko siya gusto. Hindi ko siya type kaya hindi ko siya sasagutin. Hindi naman ako katulad sa ibang babae na kahit hindi nila gusto ay pinapaasa nila. Dapat kapag hindi gusto.. basted na agad.” Deritso kong sabi habang nag titipa sa keyboard ng computer ko.
“Tama nga din naman. Pero makulit si Draven. Tignan mo.. naka ilang beses ka ng basted sakanya pero walang epek sa lalaking yun. Matigas ang mukha eh,” natatawang sabi ng kaibigan ko kaya napa iling nalang ako.
Yun talaga nagpapainit ng ulo ko t’wing umaga kapag papasok ako sa work dahil mukha agad ni Draven nakikita ko. May dala pa talaga yan siya na bouquet. Kaya lahat ng makakakita samin ay kinakanchawan kami. Hindi ko na nga tinatanggap ang flowers niyang bigay dahil naiirita talaga ako sakanya. Hindi na nakakatuwa ang katigasan ng ulo niya at gusto ko nalang palambutin para maintindihan niya na hindi ko siya gusto.