Chapter 2

2075 Words
Hazel’s Pov UMIIYAK ako sa loob ng bus habang inaalala ko ang pamangkin ko. Nagpaalam na kasi ako sakanya na aalis na ako at pupunta na ako ng Manila. Hindi ko maiwasang hindi umiyak habang naririnig ang mga iyak niya. Nagsusumamo siya sa ‘kin na wag nalang akong umalis at dumito na lang sa probinsya. Hindi naman pwe-pwede yun at hindi ko din matutupad ang pangarap ko para sa pamilya ko. Kaya kahit masakit marinig ang iyak ng pamangkin ko ay wala akong magawa kundi umiyak nalang din. Nangako ako sakanya na kapag nakapag trabaho ako sa Manila ay once a month ay uuwi ako. Ngunit ayaw pumayag ng pamangkin ko at gusto niya ay wag nalang ako umalis. Nakayakap pa talaga siya sa ‘kin kanina habang nagmamakaawa na wag kong iwanan. Naawa ako sa pamangkin ko pero dahil sa ikabubuti naman ng buhay ang gagawin ko ay tinuloy ko parin. Sisiguraduhin ko nalang na matutupad ko ang pangako ko sakanya na uuwi ako ng isang beses every month. Habang umaandar ang bus ay nakatulala lang ako habang nakatitig sa labas ng bintana. Sumakto pa talaga ang pag e-emot ko dahil umuulan. Mabigat talaga ang loob ko dahil sa iyak ng pamangkin ko. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para makatulog ako sa biyahe. Babae naman ang katabi ko sa upuan kaya hindi ako natatakot na baka may gawin na masama sa ‘kin. Habang nakapikit ang mga mata ko ay nakikita ko ang mukha ng pamangkin ko na umiiyak. Itinulog ko nalang ang lungkot ko para mawala na. Nagising nalang ako sa boses ng konduktor na sumisigaw na nasa Manila na kami. Nakatulog pala ako sa buong biyahe. Kinuha ko na ang mga gamit ko saka ako bumaba ng bus. Nang makababa ako ay hindi ako nagpalahalata na hindi ako taga Manila baka kasi mabudol ako kapag nalaman nila na hindi ako taga Manila. May nahanap naman na ako na apartment n’ong isang araw dahil sumali na ako sa mga group page. Sigurado naman daw na makakapasok ako kaya nag hanap na din ako ng matitirahan ko kapag dumating ako ng Manila. Uunahin ko na muna ang nakausap kong may ari sa paupahan saka ako tutungo sa mag i-interview sa ‘kin. Alam naman ni ma’am na pupunta ako ng apartment dahil nga taga Bicol ako. Binigyan din ako ng instruction ng may-ari ng apartment kaya nagdadalawang isip ako kung mag je-jeep ba ako o mag ta-taxi. Hindi ko kasi talaga alam ang address na ‘to kaya baka mawala ako sa kakahanap. May pera naman na binigay ang ate ko kaya yun nalang muna ang gagamitin ako. Nag hanap ako ng taxi na agad naman akong nakakita. Pinara ko yun at hindi nag pahalata na hindi ako sanay na sumakay ng taxi. Baka dagdagan pamasahe ko kapag nalaman na hindi ako taga dito. Binuksan ko muna ang pintuan ng passenger seat para itanong si manong kung alam niya ang address na itatanong ko. Mabuti na nga lang at alam ni manong driver at mukhang mabait naman na driver kaya sumakay na din ako. Sa passenger seat nalang din ako sumakay habang ang dalawang bag ko ay nasa backseat. Nag kwe-kwentuhan pa kami ni manong at nalaman ko na taga probinsya din pala siya na matagal na nakatira din dito sa Manila. Ilang sandali lang ay narating namin ang apartment na nasa address na hawak ko. Nag text din ako sa may ari na nasa labas na din ako ng apartment. Lumabas naman agad si ate kaya bumaba na ako ng taxi at inabot ang pamasahe kay manong driver ng maibaba niya ang dalawang bag na dala ko. Pinapasok ako ni ate at ipinakita sa ‘kin ang apartment ba napag usapan namin. Medyo maliit pero kasya lang yun para sa ‘kin. Sakto din dahil kunti lang ang dala kong gamit. Pag tya-tyagaan ko nalang muna ‘to habang magsisimula pa ako. Kapag nakapag trabaho na talaga ako ay maghahanap ako ng matutuluyan ko. Nabayaran ko na ang rent ng apartment ko kaya ipinasok ko na ang dala kong bag. Kinuha ko din ang cellphone ko para itext ang interviewer na nasa Manila na ako. Pagbukas ko sa cellphone ko ay nabasa ko ang text ng ate ko. Bigla tuloy akong nag alala dahil nagkulong daw si Kane sa loob ng kwarto niya. Umiiyak daw hanggang ngayon at pinipilit nilang buksan ang kwarto ngunit hinarangan daw ni Kane sa loob ng kwarto kaya hindi sila makapasok. Tinawagan ko ang cellphone number ni Kane ngunit hindi ko siya makontak. Hindi ko magawang hindi mag alala para sa pamangkin ko. Alam kong dinamdam talaga niya ang pag alis ko. Hinihintay ko lang ang reply ng kapatid ko kung lumabas na ba ang pamangkin ko. Binitawan ko muna ang cellphone ko para mag ayos ng gamit ko. Sinabihan ako ng interviewer na mamayang 2PM daw ay kailangan nando’n na ako sa kompanya. Nagmamadali akong kumilos at agad naligo kahit pa nga wala pa akong masyadong tulog. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis at naghanda na. Nagsuot ako ng maayos na damit para naman mag mukha akong tao. Naka fitted skirt ako na kulay black at blue na longsleeve. Itinali ko na din ang buhok ko para hindi ako mukhang aswang mamaya dahil sa magulo ang buhok. Naglagay na din ako ng light makeup para naman hindi ako maputla. Nang matapos yun ay agad akong lumabas ng apartment at sinigurong naka lock ang pinto. Naglakad ako patungo sa hagdan at nakita ang landlady ki na nagwawalis sa may hagdan. “Aalis ka?” Tanong sa ‘kin ni ate. “Opo. Ngayon po kasi ang final interview ko, ate.” Magalang kong sagot. “Hindi ka man lang nakapag pahinga kung ganun. Hala sige, mag iingat ka! Alam mo na ba ang sasakyan mo ba patungo sa inaaplayan mo?” Tanong pa sa ‘kin ni ate. “Oo nga po pala. Pero alam ko po malapit lang po siya kunti dito, ate.” Sagot ko. Naalala ko nga pala na hindi ko pa nasusubukan bumiyahe. Nakakakaba talaga kapag first time tapos wala pa akong kasabay. Akala ko talaga tinawagan din yung classmate ko n’ong college pero hanggang ngayon ay hindi pa pala. Medyo nahiya ako sa classmate ko dahil siya ang nagsabi sa ‘kin sa kompanya na yun tapos siya pa yung hindi tinawagan. Hindi ko naman siguro kasalanan yun, pero pinagdarasal ko na sana tawagan na din siya para may kasama na ako mag trabaho kong sakali. “Mag tricycle ka nalang muna papunta do’n. Baka kapag nag jeep ka at hindi mo pa kabisado ang daan ay mawala ka. Baka malate ka pa sa final interview mo.” Saad ni ate kaya tumango ako. May point naman din kasi siya. Tinuro lang sa ‘kin ni ate ang sakayan ng triycle kaya tinungo ko agad yun. Nakita ko agad ang pilahan ng trycle at agad na sumakay. Sinabi ko lang kay manong ko saan ako magpapahatid kaya agad niyang pinausad ang tricycle. Mabilis lang ako nakarating at saktong 1:30PM ay nakarating na ako sa kompanya. Pumasok ako agad at naghintay lang muna sa waiting area hanggang sa tawagin ako. Dalawa kaming iinterviehin at naging kaibigan ko ang babae. Sana nga ay kaming dalawa ang makapasok para may kakilala agad ako. Ilang sandali lang ay tinawag na kami ng babae. Pinapasok kaming dalawa ni Rica para sa final interview. Hindi na pala talaga interview ang ginawa samin dahil kinausap na kami patungkol sa mga duties namin. Sinabi din kung magkano ang sahod namin. Hindi ako makapaniwala na tanggap na talaga ako sa trabaho. Hindi lang ako do’n masaya kundi may kakilala na agad ako bukas kapag nagsimula na ako. Pinakita din ng babae kung saan ang office table ko at mabuti nalang ay magkatabi kami ni Rica. Matapos ang interview ay nag pasalamat lang lami saka kami nag paalam ni Rica na uuwi na. Sabay kaming dalawa para mag bonding saglit. Nalaman ko din na nag a-apartment lang din pala siya pero kasama niya ang boyfriend niya. Ang sabi pa nga niya sa ‘kin ay sasabihan niya ako kapag may bakantenna paupahan do’n sakanila para makalipat ako. Nakwento ko kasi na masyadong maliit ang apartment ko. Pagkatapos namin mag kwentuhan ni Rica ay nagpahatid ako sa triycle sa isang mall. Naalala ko kasi nawala nga pala akong higaan. Kailangan ko talagang bumili no’n pati narin unan. May binigay naman sa ‘kin si mama pero saktuhan lang. Kaya pagkakasyahin ko nalang muna at uunahin ang mga kailangan ko talaga. Nang makapasok ako sa mall ay tinungo ko agad ang bilihan ng single bed. Wala naman akong ibang bibilhin kundi yun lang kaya hindi na ako nga window shopping pa. Wala din naman akong pambili kaya mas mabuti ng hindi magtingin-tingin at baka mainggit lang ako. Nakabili ako ng kama at agad na binayaran. Bumili na din ako ng isang unan. May punda naman akong dala at pwede ko namang gawing bedsheet muna ang isang kumot na dala ko. Naalala ko nga pala na wala akong electricfan pero hindi na muna ako bumili dahil baka kulangin ang pera ko. Titiisin ko nalang muna ang init. Kaya ko naman siguro yun hanggang sa unang sahod ko. Agad akong lumabas ng mall habang bitbit ang binili ko. Sumakay na ako ng triycle at baka mahirapan pa ako kung jeep ang sasakyan ko. Baka lumagpas lang ako pag nagkataon. Ilang saglit lang ay nakarating agad ako sa apartment ko. Binuhat ko ang kama papunta sa second floor saka ko binuksan ang pinto ng apartment ko gamit ang susi na dala ko. Pumasok ako sa loob ng apartment at agad na isinara ang pinto. Wala akong sinayang na oras at agad inayos ang kama na binili ko. Nawalisan ko naman ‘to kanina kaya pwede ko ng ilagay ang higaan. Napahiga agad ako sa kama habang nakatingin ang mga mata ko sa kisame. Ang dami ko pa palang bibilhin na mga gamit ko tulad ng plato, kutsara at baso. Ganito pala ang pakiramdam kapag nag so-solo sa buhay. Magsisimula talaga sa wala hanggang sa unti- unting magkakaroon. Wala din akong rice cooker pero baka sa susunod na ako bibili dahil wala akong balak magtagal sa apartment na ‘to dahil masyadong maliit tapos 5k pa ang upa. Masyadong mahal, hindi pa kasali ang tubig at kuryente do’n. Buti sana kung malaki ang space eh hindi naman. Tumawag din ako sa ate ko at kinamusta si Kane. Hindi parin daw lumalabas ang bata kaya nag aalala na naman ako. Sinubukan na nga daw nila mama at papa na kausapin siya ay wala daw talaga. Mukhang ako lang yata ang magpapalabas kay Kane sa kwarto niya. Ngunit paano ko gagawin yun kung nasa malayo na ako, at isa pa.. ayaw din niyang sagutin ang mga tawag ko. Nakapatay ang phone niya kaya alam kong galit talaga siya sa ‘kin. Nag send ako ng message kay Kane at humingi ako ng sorry sa pag alis ko. Hindi ko alam kung mababasa niya ang text ko pero ginawa ko parin. Kinanukasan, maaga akong magising dahil ayaw kong malate sa first day of work ko. Sinadya ko din agahan ang pag alis sa apartment dahil jeep ang sasakyan ko. Balak ko na kasing alamin kung anong jeep ang sasakyan ko. Mabuti na nga lang at isang sakayan lang ng jeep ang kailangan kong sakyan. Nagtanong- tanong lang ako sa jeepney driver na nasakyan ko at ibinaba naman niya ako kung saan ako mag tra-trabaho. Tinandaan ko ang sinakyan ko kung anong way yun para bukas ay yun na naman ang gagawin ko. Ang mahal kasi kung lagi akong mag tri-triycle. Pang ulam ko narin yun ang 30 pesos. Grabe yung pamasahe kapag special, nakakabutas ng bulsa. Mamaya pag uwian ay magtatanong na naman ako kung anong sasakyan ko. Nakalimutan ko kasing itanong sa may ari ng paupahan kanina dahil narin sa nagmamadali ako Pumasok na ako sa kompanya at nakita si Rica. Napangiti agad ako saka kumaway sa bago kong kaibigan. Sabay na kami pumasok ng elevator at pareho kaming dalawa na kabado sa unang trabaho namin. Pareho din kami ni Rica na bagong graduate lang din kaya same vibes kaming dalawa. Tanging dasal nalang namin ni Rica ay wala kaming ka workmate na kung umasta ay tagapag mana ng kompanya kundi tapos ang maliligayang araw namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD