Hazel’s Pov TWO DAYS simula ng ihatid ako ni Kane sa bahay n’ong nag grocery ako. Akala ko nga ay kakausapin na niya ako pero hindi parin pala. Nagulat pa ako dahil may sarili pala siyang kotse. Regalo daw ng daddy niya n’ong nag 18 years old siya. Yun lang yata ang tanong ko na sinagot niya at pagkatapos no’n ay tahimik na naman siya. Para akong tanga na nagsasalita sa loob ng sasakyan at pinapaliwanag ko sakanya kung bakit hindi ako nakauwi. Ngunit matigas ang pamangkin ko at hindi talaga niya ako pinansin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagkulong dito dahil hindi na naman ako pinapansin ng magaling kong pamangkin. Pumunta kasi ako sa bahay nila kanina at saktong nando’n pala si Naomi. Gusto ko sanang tanungin ang batang yun kung wala ba siyang sariling bahay at lagi nalang siyan