Hazel’s Pov TAHIMIK lang kami ng pamangkin ko at walang nag iimikan samin dalawa. Pinapakiramdaman ko lang siya habang nakapikit ang mga mata ko. Napadilat ang mga mata ko ng maramdaman ko na parang nasusuka ako. Sapo-sapo ko ang bibig ko para pigilan ang sarili ko na masuka at baka mapagalitan pa ako ng masungit kong pamangkin. Umayos ako ng upo habang sapo parin ang bibig ko. Napansin yata ni Kane ang ginagawa ko kaya panay ang lingon niya sa ‘kin saka niya ibabalik ang tingin sa daan. “Are you okay, tita?” Tanong sa ‘kin ni Kane. Umiling ako habang sapo parin ang bibig ko. “Nasusuka ako, Kane. Itigil mo muna ang sasakyan sa gilid at susuka ako,” utos ko sakanya. Mabuti nalang at nakinig siya agad kaya iginilid niya ang sasakyan at inihinto. Dali-dali kong binuksan ang pintuan