Hazel’s Pov
MASAYA AKONG nakikipaglaro sa pamangkin ko na si Kane na four years old. Adopted child siya ng ate ko dahil hindi sila magka anak ng kanyang asawa na foreigner.
Masaya ako dahil meron ng maingay sa bahay namin. Kung dati ay lagi akong naglalaro sa mga kaibigan ko ngayon ay hindi na. Mas gusto ko pang bantayan ang pamangkin ko at alagaan.
Tanghali na ngayon kaya pinapakain ko na si Kane. Wala kasi si ate at nasa sari-sari store siya na nasa bayan namin. Yun ang bago niyang negosyo sila ng asawa niya.
Kaya nag presenta ako na ako ang magbabantay sa anak nilang si Kane dahil sabado naman ngayon.
Mabuti nga ata hindi mahirap alagaan si Kane, hindi kasi siya iyakin at laging pala ngiti. Balak ko sanang pagkatapos niyang kumain ay bibihisan ko siya at patutulugin.
“Eat pa..” sabi ng pamangkin ko kaya napangiti ako. Sinubuan ko ulit siya ng hinanda ni ate kanina na para kay Kane.
N’ong una ay natatakot pa ako pakainin siya at baka mabilaukan. Pero nakasanayan ko ng alagaan ang pamangkin ko kaya nasanay na din ako.
Baby pa siya nong inampon nila ate. Ang sabi ay pina ampon daw ng kaibigan ni kuya Smith si Kane. Kaya may lahi si Kane, may asul din ‘tong mga mata kaya sobrang cute niya.
“Are you hungry pa, baby?” Tanong ko sa pamangkin ko.
Umiling naman siya saka ibinalik ang tingin sa pinapanood niyang nursery rhyme. Tumayo nalang muna ako para hugasan ang kinainan ni Kane.
Nang matapos ako ay bumalik ako sa tabi ni Kane at umupo. Nanonood nalang din ako habang panay naman ang tawa ni Kane sa tabi ko.
Tumingin ako sa wall clock at nakitang oras na para matulog ang pamangkin ko. “C’mon, Kane. Let’s sleep na. Baka mapagalitan ako ng mama mo kapag hindi kita pinatulog.” Saad ko saka ko binuhat ang pamangkin ko.
Pinatay ko ang pinapanood ni Kane gamit ang remote control saka ako naglakad papunta sa kwarto para samahan siyang matulog. Nakasanayan ko na kapag wala akong pasok ay inaalagaan ko si Kane. Nakakatuwa kasi lalo na’t mahilig ako sa bata. Lagi nga ako pumupunta sa kapitbahay namin na may anak ay do’n ay nakikipaglaro pero ngayon na may baby na kami sa pamilya ay hindi na ako palalabas pa.
Lumipas pa ang mga taon ay ganun parin kami ng pamangkin kong si Kane. Mas hinahanap pa niya ako kaysa sa mommy niya. Sa ‘kin lang din siya nakikinig habang sa mommy niya ay hindi.
Nag aaral na din ang pamangkin ko habang ako naman ay malapit ng matapos sa high school. Kunti nalang ay mag co-college na ako. Gusto kong makapagtapos ng pag aaral upang mabigyan ko ng magandang buhay sila mama at papa.
Dalawa lang kasi kaming magkapatid ni ate, malayo din ang agwat namin ng kapatid ko dahil miracle baby ako. Akala ni mama ay hindi na siya masusundan pa dahil may edad na din siya kaya milagrong na buntis pa at ako yun.
Nahihiya naman ako sa ate ko na humingi ng tulong sakanya at iasa pa sakanya ang gastusin namin sa bahay. Ayaw naman namin maramdaman ng asawa niya na pineperahan lang namin siya.
Ang kapatid ko din kasi ang magpapa aral sa ‘kin. Sapat na yun na tulong niya sa ‘kin at ako ng bahala sa iba.
Nag college ako at nag nag aral ng mabuti. Kailangan kong makapagtapos dahil may goal pa ako sa buhay na magkaroon ng sariling negosyo si mama at magkaroon ng tricycle si papa. Pangarap ko din makapag trabaho sa Manila kaya yun ang gagawin ko kapag naka graduate na ako.
Si Kane naman ay nag aaral din kaya kapag uwian ay lagi kaming sabay na umuuwi. Sabay din kami kumakain ng pananghalian.
Habang tumatagal ay mas lalong nagiging gwapo ang pamangkin kong si Kane. Kaya kahit bata pa ay maraming nagkakagusto sa pamangkin ko.
“Tita..” tawag sa ‘kin ni Kane kaya napatigil ako sa pagsusulat. Gumagawa kasi ako ng assignment ko ng pumasok ang pamangkin ko sa kwarto.
“Ano yun, baby?” Tanong ko sakanya ng mapansin kong may hawak siyang notebook.
“Papaturo po sana ako sa assignment ko, tita.” Nakanguso niyang sabi saka umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.
“Sige ba! Si tita bahala dyan! Patingin nga.” Saad ko kaya inabot niya sa ‘kin ang notebook na hawak niya.
Nakita ko agad na math pala ang assignment niya kaya napangiwi ako. Tagilid din ako sa math pero susubukan ko parin naman dahil napag aralan ko naman na ‘to.
Sinagutan ko ang assignment ng pamangkin ko habang siya ay nakaupo parin sa tabi ko at nakikinig sa ‘kin. Hindi ko mapigilang hindi mag alala sa sagot ko at baka mali at magkaroon pa ng zero ang pamangkin ko.
Natapos kaming gumawa ng assignment kaya naisipan namin lumabas ng kwarto para mag merienda. Nandito din kasi sa mama ngayon dahil masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi na muna siya pumunta ng bukid. Nagtatanim kasi sila mama ay papa sa garden na nabili nilang lupa. Kaya ko din gusto magkaroon kami ng pwesto sa palengke dahil narin sa may mga gulay kami na pwedeng ibenta do’n.
Pinag ipunan yun nila mama at papa ang lupang yun at dinagdagan ng ate ko para mabili nila mama.
“Tita..” tawag sa ‘kin ng pamangkin ko habang kumakain kami ng tinapay sa kusina.
“Ano yun? Wag mong sabihin may assignment ka na naman?” Tanong ko sakanya.
Umiling siya sa tanong ko. “Wala po, tita. Gusto ko lang po itanong sa’yo na kapag gumraduate ka po ba ng college ay dito ka parin satin maghahanap ng trabaho? Do’n po sa bayan, tita.” Saad ng pamangkin ko saka uminom ng juice sa basong babasagin.
“Hindi ko alam, pamangkin. Hindi ko pa sigurado kung saan ako mag a-apply. Bakit mo naman na tanong?” Tanong ko sakanya.
“Gusto ko po kasi, tita.. dito lang. Gusto ko po hindi ka umalis sa malayong lugar para lang magtrabaho. Ayaw po kitang malayo.” Sagot ng pamangkin ko habang nakanguso sa ‘kin.
Hindi ko mapigilang pisilin ng mahina ang isang pisngi niya saka ko ginulo ang kulay brown niyang buhok. Natural na kulay yun ng buhok niya kaya mas lalong gwapo ang pamangkin ko.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng meryenda hanggang sa maubos namin yun.
Lumipas pa ang mga taon ay nakapagtapos ako ng college. Masayang masaya ako sa graduation day namin dahil sa wakas, makakapag trabaho na din ako.
Wala akong sinayang na oras at agad nag apply ng trabaho muna sa bayan para magkaroon ng experience. Nakahanap nga ako ngunit hindi naman nakakatuwa ang sahod dahil hindi man lang umabot sa 300 ang sahod ko. Pagod lang ang kinikita ko pero pera wala.
Medyo nawawalan ako ng gana mag trabaho lalo na’t ganun lang ang kinikita ko. Hanggang sa isa kong classmate sa college ay nag sabing mag aaplay daw siya sa Manila.
Gusto kong sumama sa pag aaply niya dahil kawawa ako kung dito lang ako sa probinsya. Walang pupuntahan ang sinasahod ko. Sa pamasahe pa lang ay ubos na agad dahil wala naman kaming service. Hindi naman pwedeng humingi na naman ako kay ate ng pang bili ng motor ni papa. Yung kapatid ko na nga ang nag paaral sa ‘kin.
Buo na ang desisyon ko na sasama sa classmate ko n’ong college. Mag aaply kami sa Manila na agad naman ikina payag ni mama at papa. Maging ang kapatid ko ay suportado niya din at binigyan ako ng pera pamasahe ko.
Ang unang ginawa ko ay nag send muna ako ng resume sa mga kompanya. Kahit janitress nga at papatusin ko na basta’t malaki ang sahod, ayos lang sa ‘kin. Inayos ko din ang mga requirements ko habang nag hihintay ako ng tawag kung sakaling tawagan man ako para sa interview.
Wala muna akong pinagkwe-kwentuhan lalo na ang pamangkin ko at baka umiyak yun kapag nalaman na aalis ako. Baka pigilan pa niya ako, malambot ang puso ko kay Kane kaya natatakot ako baka hindi ako umalis para sakanya.
Lumipas pa ang mga araw ay tuluyang may tumawag sa ‘kin na inaaplayan ko at pinapapunta ako ng Manila. Sinabi ko din na nasa Bicol pa ako kaya kailangan ko pang bumyahe na agad naman ikinapayag ng interviewer.
Pumunta ako ng Manila ng hindi alam ni Kane. Babalik din naman ako agad at ang sinabi ko lang at may pupuntahan lang ako at babalik din ako kinabukasan. Wala na akong pakialam kung hassle man ang gagawin ko pero ang mahalaga ay ma-interview ako.
Nang makarating ako ng Manila ay interview agad ang ginawa ko. Kahit walang sapat na tulog ay ayos lang. Hindi ko kasama ang classmate ko n’ong college dahil hindi pa siya tinawagan. Sabay naman kami nag pasa ng resume ngunit ako pa ang tinawagan nila.
Nagsimula ang interview at talagang kabado ako. Pati requirements kong dala ay ibinigay ko para hindi na ako pabalik-balik. Hindi ko alam kung nasagot ko ba ng maayos ang mga tanong niya. Ang mahalaga ay ginawa ko naman ang best ko. Ang inaaplyan ko kasi ay encoder, sana nga lang ay makapasa ako.
Matapos ang interview ay tinungo ko na naman ang bus station para makauwi ako sa probinsya. Nakakapagod pero wala akong magagawa. Hindi na muna ako nag hanap ng apartment at baka maudlot pa ang inaaplayan ko. Baka sa sobrang excited ko ay hindi pala ako tanggap sa trabaho.
Sumakay ako ng bus na papunta sa probinsya namin. Napangiti pa ako dahil hinahanap na ako ng pamangkin ko at tinatanong kung nasaan na ako. Nireplayan ko nalang ang pamangkin ko saka ko naisipan umidlip dahil inaantok talaga ako.
Sana lang talaga ay matanggap ako sa trabaho. Kahit ano pang position ay papasukin ko ang mahalaga ay magkapera ako at mabigyan ko ng katuparan ang pangarap ko na mapaganda ang maliit namin na bahay at magkaroon ng pwesto sa palengke. Isa narin sa pangarap ko at magkaroon ng tricycle si papa kaya pipilitin ko talaga na makahanap ako ng trabaho para maka ahon sa hirap ng buhay.
Bahala na talaga ako kapag nag paalam ako kay Kane na aalis na ako. Titiisin ko nalang ang mga iyak niya kung sakali. Iisipin ko nalang na gagawin ko ‘to para sa pamilya. Gusto ko nga sana mag abroad pero baka sa susunod ko pa susubukan. Hanggang Manila na muna ako, sa susunod ko na papasukin ang pagiging ofw kapag may pera na akong maipon pang gastos no’n.
Ang haba ng biyahe ko kaya nakarating ako samin ay malapit na mag 12AM. Tulog na mga tao sa bahay namin.
Nasa kabilang bahay kasi ang bahay ng ate ko kay natatanaw ko din mula dito sa labas ng bahay namin nila nanay na patay na ang mga ilaw. Pumasok nalang ako sa bahay namin at ginamit ko ang susi na binigay sa ‘kin ni mama kahapon ng umalis ako. Alam naman nila na uuwi agad ako, si Kane lang ang hindi dahil hindi ko pa pinaalam sakanya na umalis ako papuntang Manila.
Ilang araw pa ang lumipas ay wala paring balita sa inaaplayan kong trabaho. Ang sabi kasi nila ay tatawagan lang nila ako. Ngunit one week na ang nakakalipas ay wala parin. Medyo nawawalan na ako ng pag asa kaya nagsimula na naman ako mag search ng mga hiring at nag send ng resume sa sss nila.
Habang naghihintay ng tawag ay ako ang taga turo sa pamangkin ko kapag hindi niya alam ang assignment niya.
Lumipas pa ang isang linggo at hindi na talaga ako umaasa na makakapag trabaho ako. Sigurado na ako na legwat talaga ako sa inaaplayan ko. Sana man lang ay tumawag sila at sabihin na hindi ako naka pasa para naman hindi na umasa ang tao.
Ngunit laking gulat ko ng pag gising ko ay nakatanggap ako ng message mula sa kompanyang inapplayan ko na may final interview na daw ako. Mabuti nalang at mabait naman ang babae at sinabi niya sa ‘kin na maghanda na daw ako ng gamit ko dahil sigurado na daw na matatanggap ako. Hindi mapuknit ang ngiti ko sa labi habang binabasa ang reply ng interviewer sa ‘kin.
Ang problema ko ngayon ay kung paano ko sasabihin kay Kane na aalis na ako.