DIANA POINT OF VIEW "Mommy, bakit malungkot ka?" "Hindi ako malungkot. Kumain ka na lang diyan." Nginitian ko siya. Dalawang araw na simula nang umalis si Phillip. Nakakatawa lang kasi isang araw lang ang tinagal niya dito at sumuko na kaagad siya. "Diana, ang daming naghahanap sa'yo," bungad kaagad ni Ivan pagkabukas ko ng pinto. "Bakit nandito kayo?" Gulat kong baling kina Sean at Xander. Tumingin pa ko sa paligid pero wala naman si Phillip. "Mga daddy!" sigaw ni Philie at umakyat kay Sean. Hindi sila ngumingiti kaya kinabahan ako. "Diana, sorry. Kahapon ka pa namin hinahanap pero ngayon ka lang namin nakita," seryosong sabi ni Xander. "Bakit ganyan ang mukha niyo? Kinakabahan ako sa itsura niyong dalawa." "Ahm, sumama muna kayo sa amin." "Kung pinapasundo kami ni Phillip. Pa