Chapter 7

3488 Words
PAUWI na sana si Celine subalit pinigilan ni Sed ang dalaga. Natapos na ang pagdidisenyo ng dalaga ng living room at dining room niya ngunit gusto pa niya itong makasama. Idinahilan niya ang pakakaroon niya ng sakit. Walang magbabantay sa kanya. Nauwi sa pananakit ng katawan ang iniinda niyang pananakit ng ulo sa opisina. Kumunot ang noo ni Celine. Hindi niya nagugustuhan ang takbo ng usapan nila ng kababata. "Pwede ba? Huwag mo ngang sinasabi sa akin na ginagawa mo 'yon," paiwas na wika niya. She doesn't want to talk about anything related to s*x. Self-pleasure is included. Lalo na't lalaki si Sed. Nakakaasiwang pag-usapan ang s*x with the opposite s*x. Tumawa si Sed. Natutuwa siyang nakikita ang mga facial expressions ni Celine. Nakakasanayan na yata niya. "Halika," tawag niya sa dalaga. "Manood tayo ng movie." "Anong movie?" Taas kilay at diskumpyado nitong tanong. Muli siyang natawa. "I know what your thinking. Hindi katulad ng iniisip mo," sabi niya habang kinukuha ang remote control sa lapag ng side table. Ini-on niya ang TV. "Hindi ako nanonood ng ganyan," saad ni Celine ng makita sa screen ng telebisyon ang pamagat ng pelikula-Fifty Shades of Grey. "Maganda 'to. Panoorin mo. Marami kang matututunan. Graduate ka na ng college. Hindi ka na bata," parang matandang pangaral niya. Hindi nakaimik si Celine. Batid siguro nitong may punto siya. "Maiwan na kita. Baka mahihiya kang manood kapag nasa tabi mo ako," nakangisi niyang sabi bago tumalikod at umakyat ng silid. Nag-aatubili ang dalaga na kunin ang remote control upang ilipat ang channel ngunit ng pipindutin na niya ay nag-alangan siya ng maalala ang sinabi ni Sed. "Alright. Sige pagbibigyan kita. Panonoorin ko," aniya sa sarili. "HUWAG mong takpan ang mga mata mo kapag nanonood ka ng ganyan. Pa'no malalaman ang buong pangyayari?" Nagulat si Celine ng marinig ang tinig ni Sed. Akala ko ba pumanaog na ito sa kuwarto nito? Hindi niya ito nilingon dahil makikita lang niya ang nang-aasar nitong ngiti. "Alam ko na ang mangyayari diyan," aniya. "At hindi ko tinatakpan ang mga mata ko," aniya habang nakatuon pa rin ang paningin niya sa panonood. Humakbang ito patungo sa kinauupuan niya. May dala itong laptop. "Kunwari ka pa. Sige nga ikuwento mo nga ang nangyari kung totoong pinanood mo," nakangiting hamon nito. Inilapag nito ang laptop sa isa pang side table. "Bakit ko naman ikukuwento? Di ba napanood mo na?" Umisod siya ng kaunti ng tumabi ito sa kanya. Inilagay nito ang laptop sa mesa. Sinulyapan siya nito bago inilipat ang paningin sa telebisyon. "Sayang. Di ko naabutan yung bed scene. Bakit hindi mo ako tinawag?" Sumulyap uli si Sed sa kanya. "Huh?" Gulat na turan niya. "Bakit naman kita tatawagin?" "Ikwento mo na lang. Pakikingan ko." Lumapit muli ito sa kanya. This time, hindi na siya umisod pa dahil nasa gilid na siya ng galanera. Nakita niya ang pilyong ngiti na sumilay sa mga labi nito. "Bakit ka lumalapit?" Natatarantang tanong niya. "Eh... Eh di ba napanood mo na. Tsaka bumalik ka na nga sa kwarto mo. Hindi ka makakapag-concentrate dito. Isa pa, hindi ko na naiintindihan yung ipinapapanood mo sa akin," pagdadahilan niya. "Ako ang hindi makakapag-concentrate o baka ikaw ang hindi makapanood ng maayos dahil nandito ako?" Nakangisi nitong tanong. Tumaas ang kilay niya. Kinuha niya ang nadaganan niyang throw pillow at ibinato iyon kay Sed. "Tumigil ka nga. Hindi ka nakakatuwa." Kinuha niya ang remote control at pinatay ang telebisyon. "Uuwi na ako. Sinapian ka na naman ng masamang ispirito. Paki-unplug na lang yung TV." Tumayo na siya. "Babe naman. Nagbibiro lang ako." Kinuha niya muli ang throw pillow na nasa kabilang upuan. "Babe babe ka jan. Hindi mo ako babe." Mahinang ibinato niya muli ang unan sa lalaki. Ibinalandra naman nito ang dalawang kamay. Narinig pa niya ang mahina nitong halakhak. Pigil ang ngiting tumalikod siya at mabilis na naglakad paalis ng condo nito. "Hatid na kita," pahabol na alok nito. "Huwag na," malakas niyang sabi. Pagkasakay niya ng kotse ay narinig niyang tumunog ang cell phone niya. May nag-text kaya binasa niya iyon dahil baka galing iyon sa opisina. Nagtataka ang dalaga ng makitang galing kay Sed ang mensahe. Binasa niya iyon. Ingat ka babe. Lumingon siya sa pintuan ng bahay ng binata at nakita niya itong nakangiting kumakaway sa kanya. Hawak nito sa kabilang kamay ang cell phone nito. Nginitian rin niya ito pagkatapos ay yumuko't nagreply. Baliw. Haha. Nakita niyang yumuko ito at binasa ang reply niya. Nang makita niya itong nakangiti ay itinuloy na niya ang pag-alis. Ibinaba niya ang glass window ng kotse at binusinahan ang binata bago pinatakbo paalis ng kotse. NAG-AALALA si Celine dahil hindi sinasagot ni Sed ang mga tawag at text niya. Hindi ito online sa messenger na pinagtatakhan niya. Halos everytime na mag-o-open siya ng kanyang f*******: account ay online ito. Ngayon lang na hindi ito active. May usapan silang pupunta siya ngayon sa bahay ng lalaki upang ipagpatuloy ang pag-aayos ng bahay nito. Ayaw niyang magtungo sa Cavite ng walang go signal mula sa binata. Baka wala ito sa pad nito ay magsasayang lang siya ng lakas at panahon sa pagbiyahe. Makalipas ang ilang sandali ay nagbago ang isip niya. Kailanman ay hindi pa naman tumalikod sa usapan ang binata. Her instinct is telling her to go. So she did. Noong nasa daan na siya ay nag-text ang binata ng huwag na siyang tumuloy. Marami daw itong ginagawa at ipagpapaliban muna nila ang pag-aayos ng bahay nito. Ngunit nasa daan na siya. Isa pa, gusto rin niya itong makita. May pakiramdam siyang may nangyayaring hindi maganda. "Are you still sick?" Sinalat ni Celine ang noo ni Sed. Mainit ang temperatura nito. "Kasi naman puyat ka ng puyat. Kapag inaantok ka na, itulog mo na. The next day mo na lang tapusin yung trabaho mo. Kita mo na? Nagkakasakit ka." Madalas niyang maka-chat si Sed kapag dinadalaw siya ng insomia. Sinasabi nito ang mga ginagawa. Irregular ang pagtulog nito. Matutulog kung makakatapos ng trabaho. Nakasandal ito sa headbaord ng kama nito. Kinuha niya ang gamot at ibinigay kay Sed. Napamaang siya pagkarinig sa sinabi nito. "Hindi ako iinom ng gamot hanggat hindi mo ako hinahalikan." "Kayong mga lalaki talaga," pabulong niyang sabi. She's about to get off the bed when Sed pleaded. Hinawakan nito ang braso niya. "Babe, can you give me good night kiss, please?" Hiling nito. Mabilis na nag-isip si Celine ng idadahilan. Oh my momay! Kiss? Friends do not kiss, paalala niya sa sarili. "May ubo ako at sipon. Magkakasakit ka lalo," pagdadahilan niya. Umakto pa siyang nauubo. "No problem, babe. I accept your cough and cold," mabilis nitong sagot. Di na napigilan ni Celine ang mapangiti ng marinig ang isinagot ni Sed. "S-sigurado ka?" Tumango ito. "But friends do not kiss," aniya. "They do. It's called frienship kiss," anito na may pinipigilang ngiti sa labi. Napatawa siya at nag-isip sandali. "Sige. Bibigyan kita. Flying kiss?" "Flying kiss? Magkatabi na nga tayo flying kiss pa rin?" Reklamo nito. "No. On my lips." Tinuro ni Sed ang mga labi nito. Napadako ang paningin ni Celine sa mga labi ng binata bago niya inilipat sa mga mata nito. I wish I could kiss you. "Flying kiss better," pilit niya. "On my lippy better. Please, babe?" Pakiusap ni Sed. "May sakit na nga ako hindi mo pa ako pagbigyan," parang batang nagmamaktol na wika nito. "Namba-blackmail ka eh," pansin niya. "Kukuha lang ako ng mainit na sopas para mainitan ang sikmura mo. Gutom lang 'yan." "Bilisan mo ang pagsandok ng sopas, babe at halika na dito. I am waiting your kiss." Rinig niyang sabi ni Sed habang paalis siya ng kuwarto ng binta. Hindi na siya sumagot pa sa huling sinabi ni Sed. Narinig niyang may sinabi uli ito. "Hurry, baby." "Nandiyan na," aniya. Pumasok siya ng silid ng binata na hawak sa tray ang isang mangkok ng sopas. Iniwan niya iyon sa bedside table sa gilid ng kama. Tumitig lang ito sa sopas at sa kanya. "Wag mong sabihing susubuan pa kita?" She asked. He smiled. "Can you do that, babe? I want to eat from your hand," naglalambing na sabi nito. Natawa siya. "Bakit? Are you a little boy?" "Yes." "Gano'n? Nagiging bata ka kapag nagkakasakit?" Habang sinusubuan niya ito ay bigla itong nagtanong. "Can you sleep with me?" Nag-isip siya ng sasabihin. "Pakasalan mo 'ko then I'll sleep with you," nagbibiro niyang sabi. Sinabi niya iyon para hindi magmukhang tahasan niyang tinatanggihan ang alok nito. Ang gusto rin niyang malaman ang reaksyon nito sa sinabi niya. Ngumiti si Sed. "Sa ngayon ayoko pang magpakasal. Marami pa akong pangarap. Sige, yayain kita magpakasal sa akin pero hindi pa ngayon. Three to five years from now, I will ask you to marry me." Tumawa siya sa naring na dahilan nito. A man with dreams. "Okay," malaki ang ngiting sabi niya. Naks! Hindi siya tumanggi. "So papayag ka?" Seryosong tanong nito. Gaya niya ay nakangiti rin ito. Sinubuan niya uli ito na agad naman nitong tinanggap. "Is that okay with you?" Tanong ni Sed. Siya man ay ayaw pa niyang magpakasal. Ayaw pa niyang maitali. Masarap maging dalaga. Walang iniisip. Walang responsibilidad. At hindi pa dumarating si The One niya. "Yes, darling," malanding sabi niya. "Who is the darling?" Nagtataka nitong tanong. Marahil ay hindi nito inaasahan ang pagsabi niya ng endearment. "Someone out there," she said. Inutusan niya si Sed na ibuka ang bibig para masubuan niya ito. Nakaisip siya ng kalokohan. "Sige, akitin mo 'ko. Pagnaakit mo 'ko, papayag ako." Nakatitig ito sa kanya. "Ano hindi ka ba naniniwala? Sige na. Mag-isip ka na. Lima lang naman eh. Bago pa magbago ang isip ko. Give me five reasons why I should do it with you." Ngumiti si Sed. "Because I am your future hubby?" Muli niya itong sinubuan. "Uh huh. Hindi sana yan considered pero sige iko-consider ko na. Four more." Ngumuya ang binata bago muling nagsalita. "Because I am so sweet and romantic so you cannot resist me," puno ng self-esteem na sabi ni Sed. Pilyong nakangiti ito. Natawa siya. "Bilib din naman ako sa taas ng self-confidence mo," aniya. Malakas na humalakhak ito. Nagkamot ito sa ulo. "Ang dami naman ng lima. Wala na akong maisip. "Ah, alam ko na! Dahil masyado akong magaling kaya magpapatianod ka na lang." He winked. Masungit na tinitigan niya si Sed dahil sa narinig. Binatukan niya ito. "Huwag ngang ganyan ang sinasabi mo." Nakalimutan niyang may sakit ang kausap. Muli itong tumawa. "Anong ganyan? Nagbibigay lang ako ng dahilan. Dalawa na lang," he said. Saglit itong nag-isip. "Dahil ako ang itinakdang prince charming mo. Tayo ang inilaan ng Diyos para sa isat isa." Napangiti si Celine sa narinig. She made a face. "Maiba ako. Hindi naman talaga totoo ang kuwento ng fairytales eh. Masyado lang nahumaling ang maraming kababaihan at mga hopeless romantic sa mundo tungkol sa idea ng prince charming and castles. Ilusyon lang iyon ng mga babae," wika ng binata. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Sed pero alam niyang may punto naman ang sinabi ng binata. Pero bawal bang mangarap? Ito na nga lang ang libre sa mundo. Pero hindi siya naniniwalang babae lang ang nag-iilusyon kaya kinontara niya ang sinabi ni Sed. "Anong ilusyon lang iyon ng mga babae? Mga lalaki kaya ang may akda ng pinakasikat na fairytale stories sa mundo." Nakita niyang nagtaka si Sed sa sinabi niya ngunit hindi ito nagsalita. Parang hindi ito naniniwala sa kanya. "Ang mga fairytales gaya ng Cinderella, Snow White, Sleeping Beauty ay akda ng magkapatid na lalaking ang aiplyedo ay Grimm. Ang tawag nga ay Grimm's fairytales." "Okay. Marami ka ng nalalaman," anitong parang hindi interesado. Then he smiled. Nagkatitigan sila. Matagal at wari nagpapakiramdaman sa isa't isa. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga. Stop seducing me please. I am vulnerable! Lalo na kung isang Adonis ang kaharap ko. Baka bigla ko na lang sunggaban. Siya na ang unang umiwas bago pa may mangyaring hindi kanais-nais. Yumuko siya at kinuha ang mangkok at tray. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Pinigilan niyang tumawa. "Uy teka, 'yong kiss ko hindi mo pa binibigay, darling!" Narinig niyang pahabol na wika ng binata. Hindi na bumalik sa Celine sa kuwarto ng binata. Napakain na niya ito. Hindi magandang tingnan kung babalik pa siya roon. Baka may ibang mangyari. She's doubtful. Baka matalo siya ng nanunuksong binata at isuko ang bataan ng wala sa oras. Hindi iyon maaring mangyari. Masisira ang mga pangarap niya. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at nag-browse sa f*******:. Napakislot siya ng may tumabi sa kanya. Linapitan siya ni Sed. "Bakit ka nandito? Bumalik ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka," nag-aalala niyang sabi. "Nakapag-toothbrush na ako." "Mabuti 'yan para fresh breath ka," ani Celine na nakatuon ang ang atensyon sa pagba-browse sa neswfeed. "May utang ka pa sa akin," anito. Napaangat ng tingin si Celine kay Sed na katabi niya. "Utang? Ano naman ang utang ko sa 'yo?" "Ito," sagot ni Sed na hinawakan ang sariling mga labi. Mataman siya nitong tinitigan "Magagalit ka ba?" May pag-aalala sa tanong nito. Kinakabahan si Celine. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi naman siya makatanggi dahil matagal rin niyang inaasam ang mga sandaling gaya nito. Na sana tuluyan na nitong malimutan si Eliza para sa kanya na titibok ang puso ni Sed. "Hindi," namalayan niyang namutawi sa mga labi niya. Tinawid ni Sed ang distansya nila. For the first time, they shared a very passionate kiss. Kiss that can vanish all the what if's na iniisip niya. Kiss that she's been dreaming all this time. Kiss that feels so breathtaking and magical. Pakiramdam niya isa siyang prinsesa at si Sed ang kanyang prinsepe at nakatayo sila sa kalagitnaan ng malawak na bulwagan ng palasyo. Sumasayaw at pinapanood ng mga kababaihan at kalalakihan ng Enchancia. Is this a true love's kiss? NAPATULALA si Celine pagkakita kay Sed na halos lumantad na sa kanya ang buong katawan nito. Wala itong suot pang-itaas at isang maikling short lang ang suot. "Bakit ganyan ang suot mo? Huwag ka ngang magsuot ng ganyan. Magpalit ka nga," sita niya. Magpalit ka nga. Baka hindi ako makapagpigil. "Para kang bakla. Bakit ka nagsusuot ng ganyan?" "Eh sabi mo kasi akitin kita. Kay nga ako nag-e-effort. Di mo man lang ma-appreciate," himutok nito. "Anong bakla? Ang sexy ko kaya. Pasok ka," yaya nito. Nasa harap ito ng pintuan. Pumasok sila sa loob. Iginalaw pa ng binata ang katawan na parang macho dancer at sumayaw kasabay ng pagsindi nito ng radio. Umakma naman ang tugtugin dahil Kiling Me Softly ang kasalukuyang pinatugtog sa radio. "Ano ba yan," inilipat niya ang channel ng radio. Ganoon na lang ang pagngigisi nito ng marinig nito ang lyriko na on playing sa Luv radio. "Hit me, baby, one more time." Linapitan siya ni Sed. Ganoon na lang ang tuwa nito ng marinig ang boses ni Britney Spears. He is smiling playfully. "Oh di ba sumasang-ayon sa akin ang mga DJ ng radio." He chuckled. Iningusan niya ito. "Kung gayon ay uuwi na ako. Nakakatakot naman dito." "Oh come on, my dear Celine. Kadarating mo nga lang. Uuwi ka na naman? Hindi ba't aayusin natin ang kitchen ngayon?" That's so unprofessional atittude, Celine. Trabaho lang dapat ang isipin mo. Don't make it too personal. Maapektuhan ang trabaho mo, she reminded herself. "Kasi naman eh. Niloloko mo ako," aniya. Lumapit si Sed sa dalaga hanggang sa halos wala nang pagitan ang mga mukha nila. Napasandal ang dalaga sa dingding. He's about to kiss her ngunit inilihis niya ang mukha. With the music and everything ay hindi niya alam kung saan hahantong iyon kaya inilihis niya ang mukha. "I'm not ready for this." Huwag kang nanghahalik na lang gaya ng unang ginawa mo. Baka iba ang isipin ko sa iniisip mo. Ayokong maging hopia. Naramdaman niyang natanggal ang mga braso nito sa dingding. Bumuntong hininga ito. "Baby, it's already 2018. Hindi na 1950. Hindi na panahon ng hapon. Get a life," anito sa tonong nadidismaya. Nakaramdam siya ng habag sa binata. Bigla siyang na-guilty. "Sorry if I'm acting like this. Pero kasi ganito ako pinalaki ng mga magulang ko. I'm sorry," wika niya sa mababang tinig. Hindi ito umimik kaya nagpatuloy siya. "It's my choice to view the world in the 1950s. This is me. I don't need to change my life, my principles, just because of you," pinagdiinan pa niya ang tatlong huling salita na binigkas niya. I'm sorry." He changed expression. Batid niyang nasaktan ito sa sinabi niya. Nakita niya ang galit sa mga mata nito. "Kung iniisip mong inaakit kita at gusto kong makipag-s*x sayo, nagkakamali ka," paglilinaw nito. Iyon naman talaga ang iniisip niya pero ayaw niyang patulan ang galit nito. Ano ang mangyayari kung parehas silang galit? "Hindi ko iniisip na makikipag-s*x ka sa akin," pagtatama niya sa sinabi ni Sed. "Pero ang sinasabi ko ay kayong mga lalaki in general. Gusto niyo lang makipag-s*x kahit hindi niyo mahal. Ang masakit hindi niyo nililinaw. Kaya si tanga umaasa. You guys just want to feel that instant happiness and pleasure. Di ba?" "Oh ngayon? Bakit ka ba nahihiya, Celine my baby? 2018 na." Naman. Huwag ka ngang magsabi ng endearment. Baka bumigay ako. Iwinaksi niya ang naisip. Napapalatak siya. Ang dami niyang sinabi pero hindi nito pinansin. Parang hindi man lang nito pinakinggan ng maayos ang mga sinabi niya. Ni hindi nito kinontra. "Huwag mo ng ipilit. You view things like that and I will view things the way I like to view it. I view things the way I live so please respect it." "You are thinking wrong. Ayokong may sinabi ako sa 'yo at na-misinterpret mong makikipag-s*x ako sa 'yo," he defended. "Wala kang sinabing makikipag-s*x ka sa akin. Hindi ko iniisip yon," wika niya. Sinungaling! Sigaw ng kabilang bahagi ng utak niya. "Okay," anito na parang sinasabi sa kanya na ayaw na nitong makipagtalo pa. "Kita mo? We have contrasting belief." Hindi na ito umimik ngunit kapagdaka'y nagsalita uli. "Mali ka. Kasi sa tingin mo makikipag-s*x ako sa'yo. 'Yon ang iniisip mo kaya nagpapanggap kang nahihiya," patuloy nitong sabi. "Hindi ako nagpapanggap," she said. Hindi niya alam kung makakapag-usap pa sila ng maayos ng binata patungkol sa plano ng bahay nito matapos ang nangyari. Naiilang siya. Sa ibang araw na nila aayusin ang kitchen nito. Kapag parehas nang malamig ang ulo nila. "I should leave." Hindi ito nagsalita kaya itinuloy niya ang pag-alis. "KUMUSTA, anak? Kailan tayo magkikita? Marami tayong pag-uusapan." Umuwi si Sed sa bahay ng mga magulang sa Quezon City. May ka-meeting siyang kliyente sa Araneta kaya mas convenient kung sa mga magulang siya magpapalipas ng gabi. Pasado alas syete na rin ng umalis siya kahapon noong umalis siya ng opisina. Ayaw niyang ma-stress sa hindi umuusad na traffic. Sayang ang potential client na kakatagpuin niya mamayang alas dyes ng umaga kung magpapahuli siya. Hindi niya ugali ang nahuhuli sa pinag-usapan. Tinitiyak niyan)ional should act. Para hindi ma-disappoint si client. Kababangon niya sa kama nang marinig ang tinig ng ina. Sinundan niya ang pinanggalingan ng tinig nito. Katabi ng kuwarto niya ang verandah kaya rinig niya na may kausap ito sa telepono. Sino ang tinatawag nitong anak maliban sa kanya at ng mga kapatid niya? "Sige. Magkita tayo mamaya." Bumalik siya ng silid pagkarinig sa pamilyar na ringtone ng cell phone niya. Tumatawag si Eliza. Sinagot niya iyon. Hindi pa man siya nakakapag-hello ay nagsalita na ito. "Hi, Sed. How are you?" "I am fine. Why are you calling me? Do you have anything to say?" Tanong niya. "Nothing so important," sabi ni Eliza sa kabilang linya. Hindi na niya napakinggan maayos ang iba pang sinasabi ni Eliza dahil natuon ang atensyon niya sa muling sinabi ng ina. Hindi pa pala ito tapos sa pakikipag-usap. "Patulan mo na ang pang-aakit niya, anak. Ako ang bahala." Sinong nang-aakit? At sino ang kausap ni mommy? Lumapit siya sa ina ngunit tiniyak niyang hindi siya pansin nito. Nailayo niya ang cellphone sa tainga nang muling marinig may kalakasang tinig ni Eliza. "Hello? Sedrano are you still there?" "Yes. I'll talk to you later, Liza. I'm kinda busy," putol niya sa tawag. "Okay. Don't forget to call me. Let's meet." "Yes," sagot niya. He ended the call. Nilapitan niya ang ina. "Sinong kausap mo, mommy?" Nakita niyang nagulantang ito sa biglang pagsulpot niya. "Anak, gising ka na pala. Kumain ka na ba?" Tanong ni Sonia. "Hindi ako nagugutom, mom. Sino ang kausap mo?" He is persistent to know about the person on the other line. "Nakalimutan mo na ata Sedrano na bawal ang mag-eavesdrop," sagot ng ina. "Sinuman ang kausap ko ay hindi mo na dapat alalahanin iyon. Matanda na 'ko. Alam 'ko ang ginagawa ko." Kununot ang noo niya. Nagtatanong ang mga mata niya. Why does he feels her mom suddenly sound so defensive? "Ipaghahanda kita ng almusal. Bumaba ka na kapag gising na ang diwa mo," sabi ng ina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD