NO MESSAGES. No calls. Nothing. It's hopeless. She's hopeless. Mula ng umalis siya ng pad ni Sed dahil may hindi nila pinagkaunawaan ay hindi pa muling nagkikita sina Sed at Celine. Hindi na muling nagtungo ang dalaga sa bahay ng lalaki. Mahigit isang linggo na ang nakalipas.
It's Friday night when Celine thought of something to do. Nahagip ng paningin niya ang lumang kuwaderno na binili pa niya noong kolehiyo siya. Kulay pink iyon na may nakasulat sa cover na Tell me your feelings! Kaya naisipan niyang isulat ang nararamdaman niya. Malungkot siya na wala naman siyang mapagsabihan ng mga kabiguan niya. Hindi sila gaanong close ng mama niya to the point na sinasabi niya rito ang mga hinaing niya sa pag-ibig.
February 23, Friday
Dear Diary,
Wala kaming pormal na usapan na kami na. Kaya mahirap umasa. Mahirap maging hopia. Kaya dapat may reservations ako para sa sarili ko. Kasi alam ko naman na hindi pa rin siya nakaka-move-on kay Eliza. Kaya kung iiwanan man ako, hindi gaanong masakit. Keri lang. Sa huli, hindi ako maiiwang sawi. Hindi ako magiging bitter at maniniwala pa rin ako sa forever.
Pero ang totoo ay malungkot ako. Iniiwasan ko ngunit patuloy ko siyang naalala at mga pinagsamahan namin. Nami-miss ko 'yong pagiging makulit niya. Nami-miss ko ang pang-aakit niya. I shook my head. Sinasabi ko na nga bang hindi maganda ang nasa isang relasyon. Masakit na sa ulo, masakit pa sa puso. Wala akong ganang magtrabaho. Wala akong mood sa lahat ng ginagawa ko. Kailangan kong labanan ito. Ayaw kong maging malungkot. Pero inaamin ko rin na iba ang saya ko kapag magkasama kami. At 'yon ang hinahanap-hanap ko. 'Yon ang nami-miss ko. Miss na miss ko na siya.
I hate to admit but deep inside I am broken. Oh, I hate this feeling!
February 24, Saturday
Today, I decided to make a survey and make a simple comparison about lust and love.
My Survey
Can Lust be Love?
A comparison between LOVE and LUST
LUST
LOVE
1. A strong urge to fulfill one's s****l need
1. It desires the best for the beloved
2. Impatient
2. It respects
3. Unkind
3. Kind
4. Self-pleasure
4. Self-giving
5. It CAN'T wait
5. It CAN wait.
Dear Diary,
"Ang lust ba pwedeng maging love?"
'Yan ang palaging tumatakbo sa isipan ko nitong mga nakaraang araw. Ginagawa ko ang buong makakaya ko para maintindihan ang pakiramdam ng maging lalaki. I hardly understand Sed's point of view so I made a survey. My personal survey about s*x and romantic relationships. I asked the married women, old maids, and the singles about lust and love. Ang lust ba pwedeng maging love? And these are what they say.
Conversation with an old maid
Ako: Hi, ate! Ang lust ba pwedeng maging love?
Idealistic Matandang Dalaga: Hindi. Kasi ang lust, kuha ka lang ng kuha. Ang love bigay ka lang ng bigay.
Ako: Sabagay. Totoo naman 'yan.
Idealistic Matandang Dalaga: If it's love at mahal ka talaga ng lalaki, magpipigil siya. Pipigilin niya anumang init ang nararamdaman niya sa katawan because he respects you. He's willing to wait. If he can't then it is not love.
So he doesn't love me? He just want me for his lust? For my own opinion, iisa lang ang pinaniniwalaan ni ate IMD. Hindi ko na siya pangagalanan. Siguro dahil hindi nito naranasan ang mga karanasan ng iba kaya nasasabi nito ang mga iyon. Masayadong idealistic na minsan ay hindi na makatotohanan. Pero naiintindihan ko naman siya. Tama naman ito eh. At kailan ba pinanganak si ate IMD? Sa hula ko ay nasa lampas singkuwenta na ang edad ni ate. Syempre iba ang henerasyong kinagisnan niya. Makakahanap pa ba ako ng maginoo at maghihintay ng tamang panahon para sa lahat ng bagay? I don't think so. Sa romance novel na lang yata 'yon. I realized na iba-iba ang opinion ng tao sa kadahilanang magkakaiba tayo ng taon ng kapanganakan, iba-ibang tao ang nakakasalamuha natin sa araw-araw. Magkakaibang kapaligiran tayo lumaki.
Conversation with Nina, my friend
Ako: Ang lust ba puwedeng maging love?
Nina: Oo naman. Pero depende sa sitwasyon.
Ako: Paanong depende sa sitwasyon?
Nina: Kasi kung love ang pakiramdam ng isa at 'yong isa ay hindi, magiging magulo. Magkakaroon ng misunderstanding. Kaya dapat sa una pa lang alam mo na ang score. Alam mo na kung saan hahantong ang relationship niyo. Matuto kang ilagay ang sarili mo.
Ako: Agree. Pero sa henerasyon natin ngayon, marami na ang involved sa ganyan. 'Yon bang pre-marital s*x. Hindi man lang nila iniisip ang kinabukasan nila. It's more stressful kapag buntis na 'yong babae. Masahol pa kung yung byanan ng babae ay maramot at ayaw sa kanya.
Nina: Aray ko bes. Pero tama ka naman. Kaya ikaw huwag mo akong gagayahin. Enjoy mo lang maging dalaga.
Sa dalawang taong pinagtanungan ko na, na-realize kong tunay na magkakaiba nga ang pananaw ng mga tao. Gaya ko, si Nina ay ipinanganak noong dekada nubenta. College friend ko siya. May boyfriend siya noong nag-aaral pa lang kami. Sa kasamaang palad, nagalit ang mga kuya niya nang malamang may boyfriend siya kaya pinatigil siya sa pag-aaral. Sayang nga. Third year college na kami noon. Nawalan ako ng kaibigan. Isang taon na lang sana ay sabay na kaming ga-gradweyt. Sumama siya kay Ron, ang asawa na niya ngayon. Syempre matic na na kapag magkasama ang magkasintahan ay may mangyayari talaga. Hello? Pwede ba namang wala? Especially ngayon na in their prime pa sila. Marami pa silang baon na libido sa katawan. Nahiya na si Nina na umuwi sa kanilang bahay. Kaya ako, I will try me best not to be in any complicated situation. Baka maigapos ako roon at hindi na makawala.
MAGULO ang isipan ni Celine. Break time sa trabaho kaya muli niyang kinausap si Nina. Niyaya niya ito sa canteen ng opisina nila. Nakaupo sila at magkaharap sa pangdalawahang mesa.
"Masakit ba ang una?" Curious na tanong ni Celine sa kaibigan. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. May asawa na ito at dalawang taon na ang anak nitong babae.
"Mamamatay ka sa sakit, bhe," seryosong sagot ni Nina.
"Ow, talaga?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Kung masakit, bakit nila inuulit-ulit? Bakit maraming involved sa early pregnancy? Hininaan niya ang boses. "Posible ba ang gabi-gabing s*x?" She asked again.
Tumawa si Nina. "Oo naman, bhe. Every night 'yan."
"Kakayanin mo ba kapag three hours?" Nakangiti niyang tanong. Sabik na sabik siyang malaman ang mga isasagot nito. Alam kasi niyang kapag sumagot ito ay totoo at seryoso.
"Naku, mahirap. Mawawalan ka ng lakas, bhe. Kung two rounds, pwede pa. Pero kapag three, no no no. Too impossible," sagot ni Nina na sinamahan pa ng ilang pag-iling. Kumagat ito sa nilibre niyang cheese burger.
Muli siyang tumawa. "Bakit ka nagtatanong ng ganyan. Mag-aasawa ka na ba?"
Ngumiti lang siya bilang sagot. "Kanino?"
"Basta. Sikret. Hindi pa ako mag-aasawa," nakangising sagot niya.
Nina smiled mischievously. "Gwapo ba? Naku kung gwapo naman, why not? Grab the opportunity." Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito.
Tinapik niya ang balikat ng kaibigan. "Uy, ano ka ba? Wag mo nag akong sinusuhulan. Mamaya niyan, ginawa ko nga," aniya sabay hagikgik.
"Why not? Explore the world sabi nga nila."
Sabay silang nagtawanan.
February 25, Sunday
Conversation with Mark, my high school friend
Ako: For your own point of view, parehas ba ang s*x and love?
Mark: Hindi. You can have s*x kahit sa taong hindi mo mahal.
Ako: Agree ako diyan. Paano kung hindi na siya virgin?
Mark: Okay lang sa akin. Basta mahal niya ako at mahal ko din siya. Wala akong pake sa nakaraan. Ang mahalaga ang ngayon at bukas.
Ako: (nakangiti at kinilig) Sweet naman. Paano kung may anak na siya sa iba, tatanggapin mo pa rin?
Mark: Okay lang basta walang gulo na galing sa tatay ng bata mananahimik ako. Pero kapag may gulo dun na lang ako magpapakita ng sungay.
Ako: Wow. Maganda ang sagot mo. Pero kapag siya, I mean 'yong lalaki, may anak na sa iba, huwag na lang. Hanap na lang ako ng iba. Kasi 'di ba? Magkakaroon pa rin sila ng connection with his past ng dahil sa bata.
Mark: (lumingon sa akin ng mataman) Totoo naman iyon pero kung may tiwala ka bakit mo iisipin 'yon?
Ako: Sabagay. Pero 'di ba marami namang iba diyan. Naniniwala ka ba sa kasal?
Mark: Oo naman.
Ako: Bakit?
Mark: Sa kasal kasi parang kasiguraduhan na siya na talaga ang taong mahal mo. In legally way. Hindi lang sa batas. Pati sa bible, 'di ba?
Ako: Truth. Agree ako diyan. Naniniwala ka ba sa divorce?
Mark: Hindi. Kaya ka nga nagpakasal kasi pang-forever na, di ba?
Ako: Tama. Thank you. Pero ano bang gusto mo sa isang babae? Mas gusto mo ba ang madaldal o ang tibuin?
Mark: Parehas. Kasi kung madaldal masarap kasama. Maingay. Kapag tibuin naman, hindi maselan.
Mark: Hindi lang sa s*x nasusukat ang love. Tandaan mo 'yan. Bakit mo nga pala naitanong?
Ako: Basta. Secret.
Sana ay totoo lahat ng naging sagot ni Mark sa mga tanong ko. Napagtanto ko na love accepts all flaws. Lahat naman nagkakamali. Kung mahal mo siya, kahit ano pa ang naging past niya, dapat matuto mong tanggapin. 'Yon ang totoong nagmamahal. Ganoon na siya bago mo pa siya nakilala, kaya bakit mo kukwestunin 'pag kayo na? Pero sa sinabi ni Mark na gusto nito ng maingay, marami rin sa mga lalaki ang ayaw sa maingay. May mga kaklase nga ako noon na lalaki na naasar sa kaibigan ko dahil napaka-ingay niya kapag wala kaming klase at vacant namin. At may mga kakilala akong ayaw nila sa babae kung hindi na virgin. Swertehan na lang kung tatanggapin niya lahat kapag inilihim mo iyon hanggang kasal. Biglang pumasok sa isip ko si Sed. Tatanggapin kaya nito kahit hindi na virgin? Parehas kaya silang virgin ni Eliza when they did it? Wiw! Ano ba itong mga iniisip ko? Napakahalay. Nahawaan na yata ako ni Sed.
Conversation with my friend Katrina who has a son and a daughter
Ako: Can lust be love, ate Kat?
Katrina: Lust can be love. Depende kung sino ang mga taong involved. Sabi nila, lust is a selfish emotion pero sa aking pananaw base na rin sa observations at kwento ng iba't-bang tao ay case to case basis. Many are involved in lustful relationship.
Ako: Paano 'yon?
Katrina: You will never understand unless ikaw ang malagay sa sitwasyon nila. So don't judge them. Don't judge people. We should stop being judgemental. We will never know baka one time tayo ang mapunta sa sitwasyon nila.
Naikuwento ko kay ate Kat ang sitwasyon ni Sed. In detailed ang pagkuwento ko. Pati ang larawang ninakaw ko sa f*******: account niya ay ipinakita ko.
Ako: Eh alam na nga niyang kasal na 'yong babae, bakit pumapatol pa rin siya? Bakit nakikipagkita pa rin siya?
Katrina: Sabi nga sa bible, ang muta mo ang alisin mo. Hindi ang muta ng iba.
Katrina: 'Yong isang kuwento nga na narinig ko. Ligate na daw 'yong asawa. Pag-ligate na daw nagiging dry ang v****a. Masakit pag ginamit. Ayaw ng wife. Kaya ang solusyon nung lalaki naghahanap ng iba. Kesa naman mang-rape.
Ako: Ganoon? Sayang. Good genes na sana.
Katrina: Akala mo mabait dahil matalino at gwapo, 'yon pala may dark secrets. Hindi lahat ng magaganda at gwapo may magagandang offsprings. (Tumawa) Ang sama ko.
Ako: Paano mo naman nasabi?
Katrina: Kita mo yung mga artista. 'Yong iba mga anak abnormal.
From now on, I will stop judging people. I will stop prying on other people's lives. Dahil sa usapan namin ni ate Kat, napagtanto ko na masaya at the same time magulo ang buhay may asawa. Maraming challenges. Maraming temptations. Maraming adjustments ang mangyayari sa dalawang partido lalo na kung bagong kasal. At kung hindi hindi ka magpipigil, maaring masaktan mo 'yong taong pinangakuan mo ng panghabang buhay na pagmamahalan. Naintindihan ko na may mga nagpapakamartir dahil alam naman nilang may mga pangangailangan ang asawa nila na hindi nila maibigay. Sana kapag ako kinasal, sana walang big problems. Sana walang third parties involved. Galing ako sa masaya at kumpletong pamilya kaya pangarap ko ang magkaroon ng happy married life. Gusto kong magkaroon ng happily ever after. Gusto kong magkaroon ng masayang pamilya.
February 26, Monday
Conversation with Anthony, my colleague and friend
Ako: Hi, Anthony! Pwede ka bang makausap?
Anthony: Tungkol saan?
Ako: Ahmm, something intimate?
Anthony: Intimate? Gaya ng?
Ako: Naniniwala ka bang ang lust pwedeng maging love? I am asking your point of view, ha. Please be honest.
Anthony: Hindi.
Ako: Bakit?
Anthony: Ang reality, lust talaga 'yon. Para sa hopeless romantic at novelty na mga tao, love ang ginagamit na term.
Ako: (Offended) Hindi naman lahat. Bakit ako ay. Well, not to sound defensive but I consider myself as hopeless romantic. Pero naniniwala pa rin ako na magkaiba ang love at lust. Ang love ay love. Ang lust ay lust.
Anthony: Hindi rin. Ang sinasabi mong love ay magiging lust din! Paano? Magrerespetuhan kayo habang buhay sa kama?(malakas na tumawa) Iba 'yong may thrill, 'yong nag-e-explore talaga. Di kasi boring.
Ako: Well thanks.
Anthony has a typical point of view of a man indeed.
Dear Diary,
Masayang makipag-flirt pero mahirap kung naging totoo na. Mahirap pigilin ang damdamin. Mahirap makipaglaro sa sarili mo. Lalo na kung umaasa ka lang naman at hindi sigurado kung ano nga bang meron kayo.
Alam mo Sed, ang daya mo eh. Nililinlang mo ako ng kagwapuhan mo. Nung mahal na kita saka ka aalis. Sako mo 'ko iiwan. Kaya nga ayaw kong makipagrelasyon. Kasi sakit lang ng ulo ang mapapala mo. So, I am right all along. Dapat umiwas na lang ako. Sana makalimutan na kita. I am sure I can move forward. I believe time heals all wound.
INABUTAN ni Celine sa desk ang isang bungkos ng bulaklak na rosas. Nilingon niya ang mga kaopisina. Lahat ay abala sa kanya-kanyang gawain. Kinuha niya iyon at sinamyo. Ang bango. Hinanap niya kung may kasama iyong card at hindi siya nagkamali. Ayaw niyang umasa ngunit hiniling niyang sana ay galing iyon kay Sed. Naglulundag sa tuwa ang puso niya ng mabasa ang nakasulat card.
Celine,
Hi, baby. Let's talk please. I'll be there around lunch. I miss you.
Sedrano
Napakasaya niya ng mabasa ang sulat. It's Sed's handwritten. Sweet din pala ang kumag. Dati ay feeling niya nababaduyan siya kapag nakakarinig siya ng nagtatawag na baby among couples. Pero kapag siya pala ang nasa sitwasyon, iba pala talaga ang feeling. Feeling niya nasa cloud nine siya at inaawitan ng mga anghel. Kapag her love of her life ang tumawag sa kanya ng baby, feeling niya ang haba ng hair niya. Kasinghaba ng buhok ni Rapunzel. Napakasaya at napakasarap ng feeling. Nakaka-flatter kapag kinukumusta siya, 'yong babatiin siya at maso-sorry kung alam ng binata na galit pa rin siya. Ewan ba niya, kahit na galit na galit siya rito, pagkalipas ng ilang paghingi nito ng sorry nito ay okay na naman. Ganoon ba talaga pag nagmamahal? Always forgiving?
Nakupo si Celine sa couch sa isang bahagi sa ground floor. Nakita niya si Sed na naglalakad patungo sa dako niya. He has the most expressive eyes she had ever seen. She couldn't take off her eyes while he is arriving at the door with that wide bright smile on his face. His smile that makes her heart tumble and her mind run wild. His smile that makes everything alright. His smile that makes her day complete. His smile that shines like the sun. Wait. Wild? Am I affected with his seducing activities? I wonder why I just noticed it now. I've been with him all this time.
Paglapit nito sa kanya ay ngumiti ito ng alanganin. "Natanggap mo ba ang mga rosas na bigay ko?" Malumanay na tanong ni Sed.
Nagkunwari siyang nagulat. "Anong rosas? Hindi," pagsisinungaling niya.
"Di nga?" Nanunuri ang nagtatanong nitong mga mata. Bakas ang disbelief sa mukha nito.
"Maupo ka." Imiwestra niya ang katabing upuan. Naupo naman ito.
"Hindi ko tinanggap. Ang pangit ng kulay. Bakit kulay red?" Tanong niya. Mas maganda sana ang kulay asul. Nabasa niya minsan na blue ang sign na true love.
"Kunwari ka pa. Natanggap mo pala," nakangiting saad ng binata. "Tara, mag-date tayo?"
"Bakit naman tayo made-date?" Tanong niya. First time na mag-aayang mag-date ang loko.
"Para naman makasama kita. Hinhintay kita sa bahay hindi ka naman na pumupunta. Hindi pa natapos ang kitchen," anito. Yumuko ito. "Pasensya ka na sa akin."
"Hindi ka naman nag-text. Alangan naman pupunta na lang ako. Okay lang. Limot ko na. Wala ka bang pasok sa opisina?" Magaan niyang tanong.
"Nag-leave ako," sagot ni Sed.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"So that I have time for my babe," malaki ang ngiting saad nito.
Napangiti siya. Alam na alam nito kung ano ang sasabihin. "Paano 'yan lunch lang ang break time namin." Tumingin siya sa orasan sa dingding. Eleven thirty.
"Di kumain na lang tayo sa restaurant. My treat," anito.
"Sige."
Masaya silang nagtungo sa pinakamalapit na restaurant. Humingi ng pasensya sa kanya ang binata at muli siyang inaya sa bahay nito para matapos na ang pagdidisenyo ng bahay ng binata. Hindi siya makatanggi. Mag-iinarte pa ba siya kung batid niyang nag-e-exert naman ito ng effort? Pagkatapos raw ang loob ng bahay ay isusunod na nitong ipapayos ang exterior. Nagbabalak na itong mag-hire ng landscape artist. Tinanong siya ng binata kung may maire-recommend siya. Ang sabi niya'y susubukan niyang kausapin ang boss niyang si Ali. Marami itong kakilala na landscape artist. Kumain sila bago siya inihatid ni Sed pabalik ng gusali. May ngiti sa labi na tinahak niya ang elevator.
"MAGANDANG hapon, tita," bati ni Celine kay Sonia nang makarating siya sa bahay ng mga Aguirre. Sa bahay ng kababata siya nagtungo matapos umalis ng opisina. Doon sila nagkita dahil nag-text si Sed sa ina na mag-o-overtime ito kaya mamayang gabi ang dating. Meaning, safe silang mag-usap sa mansyon.
Matamis na ngumiti ang ginang. "Magandang hapon din, hija. Maupo ka. Kumusta ka?"
"Maayos, tita," aniya. Naupo siya. "Kayo po?"
"Maayos naman. Magkasama ba kayo ng anak ko noong isang araw? Late kasi siyang umuwi dito," wika ni Sonia.
Marahan siyang umiling. "Umaga po?" Tanong niya.
"Hindi. Gabi. Alas dyes na no'ng makarating siya dito sa bahay. Kadalasan ang uwi niya ay seven to eight," worried na sagot ni Sonia.
Napamulagat siya. Does tita Sonia think I spend the night with his son? Oh my. I will never do such. "Hindi ako nagpapagabi sa pad ni Sed, tita."
"Bantayan mo nga, anak. Kapag magkasama kayo, i-text mo sa akin ang mga ginagawa niya. Tama nga ang kutob ko. Nagkita na naman sila ni Eliza."
Aw. Nilalandi siya ni Sed tapos nakikipagkita pa rin pala ito sa ex? Itu-two niya kaming dalawa? Pero kutob lang naman. Pero kailan ba nagkamali ang kutob ng isang ina? Itinago niya ang lungkot na nararamdaman. Tumango siya. "Sige, tita."
"Kumusta kayo ng anak ko?"
"Okay naman po. Napapadalas po ang pagkikita namin. As I can feel, tita, hindi naman na niya iniisip si Eliza," aniya. Ako na ang iniisip niya.
"Salamat, Celine. Nandito lang ako kung magkaproblema."
MAAYOS na naka-bun ang buhok ni Celine na ginamitan niya ng ponytail s***h ribbon na kulay pula. Off shoulder na kulay rosas ang blusa niya na tinernuhan niya ng paldang maong na dark blue ang kulay. Hindi umabot sa tuhod ang haba. Pinaalalahanan ng dalaga ang sarili na wala siyang dapat ipagselos dahil hindi niya nobyo si Sed. Walang usapan. No strings attached. Therefore, she shoudn't assume as if there is something romantic going on between them. They are just friends. He is still in love with his ex. Dapat iyon ang iniisip niya palagi. At dapat hindi na niya ito iisipin pa dahil baka tuluyang mahulog ang loob niya sa binata. Sasabihin niya kay Sonia na hindi na niya ito matutulungan. Pupunta siya sa mall para makapagliwaliw, malibang ang sarili at makalimutan ang nararamdaman sa binata. Dadaanan niya ang kaibigang si Lanie para may kasama siya at hindi siya mukhang loner. Pero paano niya gagawin ang plano niya kung kaharap niya ito ngayon pagbukas niya ng pinto ng condo niya?
"Oh. Akala mo may artistang dumating," he said smilingly.
Umaliwalas ang mukha nito dahil nawala ang mga balbas. He perfectly shaved. Bumata itong tingnan. Nag-shave ba ito para sa kanya?
"Akala ko nga artista eh," nakangiting sang-ayon niya. "Ikaw ba si Ian Veneracion?"
"Kapag side view," anito. He chuckled. Kinuha nito ang kanang kamay niya.
Napatingin siya sa kamay niyang kinuha nito. May magkahawak kamay ba na friends lang? Meron. Kami. Stop assuming Celine! Don't jump into conclusions! " B-bakit ka nandito?"
"Mag-date tayo. Tara."
Date? What do you mean date? Friendly date? O date like a couple? Ayaw niyang isatinig ang tanong sa isip. Baka ang una ang sabihin nito. Hopia na ang peg niya kapag nakataon. Just enjoy the moment with him.
Kumunot ang noo ni Sed nang makita ang mga binti niya. "Nagsuot ka ba ng stocking?"
"Huh?" Nagtaka ang dalaga ng dinama ni Sed ang mga binti niya. Itatanong sana niya kung bakit ng bigla itong magsalita.
"Akala ko run ng stocking. Tigang na balat pala."
"Ano?" Offended na tinignan niya ang mga binti saka niya napagtanto na namumuti pala ang mga binti niya. Hindi pala siya nakapag-lotion."
"Siguro dahil malamig ang panahon kay namumuti ang balat mo," pansin ni Sed.
"Oo nga," sang-ayon niya kahit napahiya. Bumalik siya sa loob ng bahay. Nagpahid ng lotion bago muling bumaba ng hagdan. Hinihintay niya ang sasabihin ni Sed. Tumayo siya sa harapan nito. Napadako ang paningin nito sa mga binti niya.
He licked his lips. Kung hindi siya nagkakamali ay parang may gusto itong gawin.
"Sed?" Tawag niya sa kaharap.
Kumurap ito. "Huh? Ah, okay. Hindi na namumuti."
Magkahawak-kamay na nilisan nila ang bahay ng dalaga. Masaya si Celine kapag kasama niya ang lalaki. Kaya bakit niya pipigilan ang puso niyang maging masaya? Dahil alam niyang taken na ito. Kahit sabihing kasal na ang babeng mahal nito ay ito pa rin ang mahal ni Sed. Hindi siya. Nagtatalo ang puso at isip niya. Pero hindi na sila pwede dahil kasal na si Eliza. Kaya balang araw magpapasalamat sa akin si Sed dahil magiging daan ako para makita niyang may ibang taong karapdapat ng pagmamahal niya. He deserves to love and to be loved. Kay bilis magbago ng ihip ng hangin. Makita lang niya ang ngiti ng binata ay nawala na naman siya sa naunang plano. Hindi siya nito bibigyan ng bulaklak at pupuntahan sa opisina kung hindi siya mahalaga sa binata.
Kahit alam kong nagiging rebound ako ng kababata ay hindi ko na iyon binigyang pansin. After all, I don't feel like that kapag kasama ko siya. Kahit panandalian lang. Basta masaya ako, 'yon ang mahalaga. Saka ko na iisipin ang heart break.
TAWANAN ang namagitan kina Sed at Celine sa loob ng sinehan. Hindi sila nagkamali sa pagbili ng ticket para sa pelikulang Guerrero. Naririnig kasi ng dalaga sa mga kaopisina na napaka-entertaining ng pelikulang iyon. Newbie raw ang direktor ng nasabing pelikula ngunit successful ang una nitong pelikula. Binansagan ang direktor ng Guerrero sa ibang bansa bilang Internationally Acclaimed Director. Habang nanonood ay nakakapag-isip-isip si Celine. Ano kaya ang mangyayari sa kanila ni Sed pagkatapos ng limang taon? Sila kaya ang magkakatuluyan sa huli? Napakaraming mangyayari sa limang taon. Sa lilipas na limang taon, lilipas na rin ang dalawang o tatlong taon na ipininangako ni Sed sa kanya. Kasal na kaya sila sa panahong iyon? Nilingon niya si Sed. Hindi niya makita ang mukha nito dahil madilim sa loob ng sinehan. Matapos nilang manood ay nagtungo sila sa food court upang magmeryenda. Habang kumakain sila ay tinanong ni Sed ang dalaga.
"May gusto ka bang bilhin?"
"Gusto ko sanang bumili ng damit. Matagal na akong walang mga bagong bestida na gagamitin ko sa pagdalo sa misa," matapat na wika niya.
"No problem. Sasamahan kitang mamili."
Doon sila sa isang kilalang department store nagtungo. Magkasama silang namimili ng damit.
Napangiwi si Celine pagkakita sa bestidang asul na pinili ni Sed para sa kanya.
"Ayoko niyan," wika niya na nakasimangot.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Anong problema? Parang kapatid lang ito ng damit mo."
Very daring ang pinili nitong bestida. Maikli rin iyon. Sa hula niya ay hindi aabot iyon sa mga tuhod niya. Walang manggas. Maliit lang ang strap nito kaya kung isusuot niya iyon ay makikita ang mga braso niya at leeg.
"Oo nga. Kaso itong damit ko ngayon ay hindi ko naman ginagamit sa simbahan. Ang bibilhin ko ay gagamitin ko sa pagdalo sa misa," paalala niya.
Kumuha uli ito ng damit. Siya man ay namimili rin. "What about this?"
Iniabot nito sa kanya ang isang nakahanger na pulang bestida. Itinapat niya iyon sa katawan niya upang makita kung hindi iyon maiksi. Hindi maiksi. May manggas ang pangalawang kinuha nito. "Sige. Susukatin ko."
Lumabas siya ng fitting room. Nakita niya ang paghanga sa mga mata ni Sed pagkakita sa kanya. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Inutusan siyang umikot kaya umikot siya. Nagtagal ang mga mata nito sa leopard skin printed niyang high heels. "Hindi bagay 'yang sapatos mo. Maupo ka muna dito. Hahanapan kita ng bagay na sapatos para sa bestida mo."
Matapos maisuot ang sapatos na binili ng binata para sa kanya ay nagtungo sila sa counter. Si Sed ang nagprisintang magbayad sa mga pinamili niya. Tinanggihan niya ngunit mapilit ito.
"Oo nga pala. 'Yong talent fee mo hindi ko pa naibibigay," wika ni Sed habang naglalakad sila paalis ng mall.
"Oo nga. Hindi mo pa tinanong kung magkano ang rate ko. Baka malula ka," pagbibiro niya.
Ngumiti ito. "Sana naman hindi. Ihahatid na ba kita sa bahay niyo o sa condo mo?" Tanong ng binata habang lulan sila ng sasakyan nito.
Nilingon niya ito. "Hindi na ba natin aayusin ang pad mo?"
"Ikaw kung gusto mong magtungo sa bahay."
"Bukas na lang. Gusto ko ng magpahinga," aniya. "Sa bahay na lang namin."
NAKAHIGA sa sariling kama si Celine sa loob ng kuwarto at nagbabasa ng libro. Binabasa niya ang The Other Side of Someday na isinulat ni TK Liegh.
Sana hindi na lang nakipag-divorce ang heroine ni TK. Sana instead of saying failed marriage with Will, ang sinulat na lang sana ng author ay with my failed relationship with Will. Marriage is sacred. Even if divorce will be soon legal in the Philippines dahil may nagpapasa na ng proposal sa senado, she will never do divorce. Marriage is gift from Above. Kaya dapat hindi padalus-dalos. Dapat pinag-iisipang mabuti. Marriages should always be made in heaven.
Matapos ang ilang minutong pagbabasa ay iniwan niya ang binabasa at kinuha ang cell phone. She remembered what her tita Sonia has said yesterday so she decided to visit Sed's timeline.
Nothing has been updated. Kung paano ang itsura ng timeline ni Sed noong nakaraan niyang pagbisita ay ganoon pa rin. Walang pinagbago. Hindi ito nag-post ng kahit ano. She browse his pictures. She stared at the picture of him having his little niece in his arms. They look so cute together. Ano nga kaya kapag sila ang nagkatuluyan? Magiging supportive kaya itong tatay? Maglalaba kaya si Sed ng lampin ni baby? Ipinilig niya ang ulo. Stop foreseeing Celine!
Tiningnan niya ang iba pang mga larawan. He looked so formal in his picture with a caption of 'My Brother's Wedding'. He smiled a little wearing americana with a chekered necktie. Nakatulugan niya ang pag-i-stalk sa f*******:.
6:16 AM, Monday. Celine got awakened by the tone of her messenger app. Someone sent her a text message. She's online dahil nakatulugan niyang i-off ang data niya kagabi. She could not help but smile when she saw the sender. Walang iba kundi Sed.
good morning baby
Good morning too.
u going to office baby?
Yes.
oky baby
take care
miss you
Nakatatlong kiss emoticon! Kinikilig na nag-reply siya. Oops teka lang, Celine. May Eliza pa siya remember? Ano naman kung may Eliza siya? Kasal na sila. Hindi sila meant to be because we are meant to be! Malakas na hiyaw niya sa isip.
Hmm. Take care.
Are you going to office?
no baby
today i m taking some sleep
Gustong-gusto niyang tanungin ang binata kung nakikipagkita pa ito kay Eliza. She needs confirmation. But suddenly, she realized it's better kung tanungin ang binata in person in indirect way. She will ask first if how is he and Eliza. Saka na siya magpo-follow up questions in a way na hindi nito mamasamain ang mga itatanong niya.
Okay. Take care.
u too
take care babe
Kung ganito lagi ang mababasa niya sa umaga ay hindi siya magsasawang mag-reply.