Chapter 6

1997 Words
NAGMAMADALING lumabas ng elevator si Sed. Binilisan niya ang mga hakbang dahil pasado alas syete na. Dalawang oras na ang kanyang overtime sa opisina. Paniguradong maiipit na siya sa traffic sa EDSA. Sa mga magulang na siya uuwi. Lalong magtatagal ang biyahe niya kung uuwi pa siya ng Cavite ng ganitong oras. He is about to push the revolving door of the buidling when suddenly a familiar face caught his attention. Nakaupo ang babae sa isang one seater cleopatra sa lobby ng groud floor. Paglingon niya ay nagtagpo ang kanilang paningin. Tipid na ngumiti ito. Nilapitan niya ito. "Hi, Liza. Anong ginagawa mo rito?" Tumayo si Eliza. "I am looking for you. Hinihintay kita." Lininga niya ang paligid. Ayaw niyang nakikita ng mga tao na nagkikita pa rin sila ng dati niyang kasintahan. Hinila niya ito palabas ng gusali. "Bakit ka nagpunta rito? Hindi ba't sinabi kong sa hotel tayo magkikita?" May himig iritasyong sabi niya. Kumunyapit ito sa braso niya. Hon, ang tagal mo. Hindi na ako makapaghintay," nag-aakit na sabi nito. Oh. I just can't say no to Eliza. Damn this feeling! Hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag magkasama kami. Sa mga oras na ito ay gusto ko siyang hatakin patungo sa pinakamalapit na hotel sa Quezon City. Pero hindi pwede. Marami pa akong gagawin at gutom na ako. Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang marami kong nakatambak na gagawin sa desktop. Magaan niyang tinaggal ang pangungunyapit ni Eliza sa braso niya. "No, Liza. I have to go. Maybe we can do this some other time." "What? I am missing you ang your," ngumiti si Eliza. "You know that already, hon." Tumawa siya. "Why don't we dine in?" He suggested. Nagugutom na kasi ako. Sasamahan na kitang kumain saka tayo umalis. Kumain ka na ba?" He asked. Sumimangot si Eliza. "Ayokong kumain. Kumain na ako." Naramdaman ni Sed ang paggalaw ng kamay ni Eliza patungo sa harapan niya. "Liza, we are in public place. Tigilan mo 'yan," saway niya. "Then come with me! Come with me, hon, please?" Nagsusumamong wika ni Eliza. "Mine is missing yours, Sed." Napahalakhak siya. His ego boosted of what he heard from Eliza's lips. "Okay. Lets'go." Eliza smiled triumphantly. "ROOM for two, sir?" Tanong ng receptionist kay Sed. "Yes," sagot niya. Nakayakap ang mga kamay ni Eliza sa baywang ni Sed nang binuksan ng binata ang kuwarto sa hotel. "ALAS dyes pasado na. Bakit ngayon ka lang dumating? Malamig na ang ulam na ipinaluto mo," ani Sonia pagkakita sa anak. Nakaupo siya sofa ng living room at nagbabasa ng magazine. "Sorry, mom. Nag-overtime kasi ako," ani Sed. "Nag-overtime o nakipagkita ka na naman sa malanding Eliza na 'yon?" The old woman asked. Her eyebrows furrowed. "Stop judging Eliza, mom. You don't very well know her," pagtatangol ni Sed kay Eliza. "Ano pa bang hindi ko alam? Na may asawa na siya ngunit nakikipagkita pa rin siya sa 'yo? 'Yan ba ang hindi ko alam?" Galit na tanong ng ina niya. "Mom how did you---" Pinutol ni Sonia ang sasabihin ng binata. "Nanay mo ako kaya alam ko ang mga ginagawa mo. Dinala kita ng siyam na buwan sa tiyan ko kaya wala kang maililihim sa akin." "Kakain po ako ng pinaluto ko. Ilalagay ko lang po ang mga gamit ko sa kuwarto," paiwas niyang sabi bago tinahak ang hagdan. Kung pangangaralan siya ng ina niya ay mas gusto pa niyang mag-isa na lang sa kuwarto. PASADO alas tres na ng madaling araw ngunit nakaharap pa rin sa computer si Sed. Kahit pagod ang katawan ay patuloy niyang tinatapos ang mobile application na ginagawa niya. Tinatapos niya ang isang beauty hooked app na pinapagawa sa kanya ng kliyente niyang nagmamay-ari ng salon. Lagi siyang online kahit dis oras ng gabi. Naka-open ang f*******: account niya. Kasagsagan ang pagta-type niya ng codes nang mapansin niyang may nag-message sa kanya sa f*******:. Gising ka pa? Napangiti siya ng mabasa ang mensahe galing kay Celine. Nireplayan niya ito. yes baby After less than a minute ay muli itong nag-reply. What are u doing? He replied. i m missing you baby She replied. Why r u still awake? He replied. becoz i m working babe Napangiti siya. Naisipan niyang tanungin ito. bakit? namimiss mo ko no? A grin curved his lips when he read her reply. Hahaha. Hindi. Mabilis siyang nag-reply. no tell me ur missing me ryt? She replied. Sasabihin ko bang oo? HHINDI makatulog si Celine. Nagpabaling-baling siya sa higaan hanggang sa naisip niyang bumangon na. Nahagip ng paningin niya ang cell phone sa bedside table kaya napagpasyahan niyang kunin iyon. Hindi rin lang naman siya makatulog kaya magla-log in na lang sa f*******: hanggang sa muli siyang dalawin ng antok. She stared at her phone's screen. 3:20 AM. Sino pa kayang gising na puwede niyang i-chat? Nakita niyang naka-online si Sed. Ime-message ko ba siya o hindi? After some time of thinking ay nag-type siya sa messenger. She chatted. Gising ka pa yes baby Ay! Kinikilig na binasa niya uli ang replay ng binata. Nag-isip siya ng ire-reply. What are u doing? i m missing u baby Malandi talaga ang lalaking ito. Tinatawag talaga akong baby? Ang tanda ko na kaya. Celine replied with smile on her face. Why r u still awake? becoz i m working babe Nagtatrabaho pa rin siya kahit alas tres na ng umaga? Hindi pa kaya siya natutulog? Masyado naman itong masipag. Masakit na nga ang mga mata ko kahit ilang oras lang akong nakaharap sa computer. Buong gabi pa kaya? paniguradong hindi ko kakayanin. Natigil ang pag-iisip niya ng muli itong magreplay. Eksayted na binasa niya ang mensahe nito. bakit? namimiss mo ko no? Napangiti siya ng mabasa ang replay nito. Ano nga kaya ang ire-replay niya sa sagot nito? Syempre magpapakipot siya sandali at hindi aaminin na nami-miss niya ito. Hahaha. Hindi. Mas mabilis ang pagre-replay ni Sed this time. Itinigil na siguro nito ang paggawa ng mga apps. no tell me ur missing me ryt? Sasabihin ko bang oo? Anong oras ka matutulog? mamaya kapag natapos ko na itong trabaho ko Ang sipag naman ni Sed. Napaka-workaholic. Nakatulog siyang nasa isipan pa rin ang binata. "DO you want to have builtin speakers / stereo equipment that will be connected to your desktop?" Tanong ni Celine kay Sed. Ngayon ay ang kuwarto ng binata ang aayusin at didisenyuhan niya. Nakatayo siya malapit sa pintuan. "Oo," wika ni Sed na nakaupo sa gilid na kama. "Okay. Anong gusto mong size ng kama mo?" Muli niyang tanong habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto nito. May kalakihan ang silid ni Sed. Kulay asul ang bed sheet at mga unan nito. May nakatayong lamp shade sa magkabilang gilid ng kama. Sa tabi ng kama ay naroon sa isang furniture na may desktop at may kasamang CPU. Walang mga nakasabit na pictures sa dingding. Ngumiti ito. Pati mga mga mata ay nakangiti. "If you will spend the night with me then we will need a king size bed." "What?" Gulat na bulalas niya. "Sabi ko if you'll gonna sleep with me then we needed a king size bed," paliwanag nito. Aliw na aliw ito sa nakikitang ekspresyon ng mukha niya. Nangunot ang noo niya at humalukipkip. "In the first place, I will not spend the night in your pad. So how can we sleep together?" Uh oh. It's too late para bawiin pa niya ang sinabi niya. Bakit 'yon ang biglang lumabas sa bibig niya? Baka isipin nitong gusto niyang makipagtalik dito. Natigilan si Sed, marahil hindi inaasahan ang sinabi niya. Makalipas ang ilang pagmasid sa kanya ay nagsalita ito. "Ouch," anito na umaktong nasasaktan. "That hurts," anito na nakangiti. "Tigilan mo nga kasi 'yang sinasabi mo. So king size na ang ilalagay ko rito," aniya. She tried to act as a professional at hindi bilang isang matagal ng kakilala na napapalagayan na nito ng loob. Nagtungo siya sa Master's bathroom. Sumunod ito. "Do you like the shower to be installed here?" Patuloy na tanong niya. Sumulyap ito sa kanya at nagtanong. "Which do you prefer?" "Bakit ako ang tinatanong mo?" "I need to know your opinion. What if your going to spend the night with me? Syempre dapat magustuhan mo 'yong bathroom ko," patuloy na pagbibiro nito. Nilapitan niya ang binata at binatukan. "Ay naku, Sed. Huwag ka ngang ganyan." Mataginting na tumawa ito. Matiim siyang tinitigan. Hindi niya matagalan ang nagtatanong nitong mga mata. "Ano may tanong ka? Sabihin mo na," aniya. "Naisip ko lang naman baka gabihin ka dito sa bahay ko di makakasama kita ng buong gabi. Patutulugin kita sa guestroom," paliwanag nito. "Hindi mangyayari 'yon." Hindi ako matutulog sa bahay ng lalaki. Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang kung saan-saan ako nagpapalipas ng magdamag? No way. "There are possibilities, baby. Paano kung masyadong malakas ang ulan at hindi ka na makauwi? Dito ka na matutulog. You will always be welcome Baby? Baby talaga? Hindi pa puwedeng Celine na lang ang itawag mo sa akin? Pero okay naman ang baby. Masarap pakinggan. Nagbago ang ekspreyon ng mukha ni Sed. Patuloy na nagtatanong ang mga mata nito. "Iniisip mo bang may gagawin akong masama sa 'yo? You can trust me kahit dito ka pa matulog." "Hindi ko iniisip na may gagawin kang masama sa akin. I'm just being careful of my actions. Baka ma-misinterpret ng mga tao sa paligid." Tumalikod siya. "Bababa na ako. Ako na ang maghahanda ng meryenda natin." Naghalungkat sa fridge si Celine ng maihahandang snack nila. Wala siyang magustuhan sa mga naka-imbak sa fridge kaya binuksan niya ang mga cabinet. Kumuha siya ng mga biskwit at nagtimpla ng pineapple juice. "MINSAN ang Google ay namba-ban hindi lang ng apps kundi pati accounts ng developers," paliwanag ni Sed. Naroon sila sa dining room ng pad niya at kumakain ng meryenda. "Bakit banned?" Tanong ni Celine. "Kasi according to Google, they removed seven hundred apps from playstore. Google said that they violate policies." Maganda na maikwento niya sa iba ang mga hinaing niya sa trabaho. Masyado na siyang stress na tanging si Eliza ang nakakapagpalinaw ng isip niya. Gusto na niyang iwasan si Eliza upang maayos niya ang buhay niya. "Policies like?" "Because they emulate apps which are already released and legal on PlayStore. Kumabaga parang nanggaya sila ng apps. Trading and cloning," sagot niya. "Bakit hindi ba nila alam na may ganun na? Parang mga books. Intellectual property kumabaga," ani Celine. "I think it's a good practice to check PlayStore before developing app to see kung may mga naunang developers na gumawa na ng mga ganung applications." Sang-ayon siya sa sinabi ng magandang dalagang kausap niya. "Kaya nga walang freedom sa paggawa ng mobile applications." "Saan mo nakita? Ang tungkol sa banned apps?" Tanong ng dalaga. "Sa official Google blog. Googleblog.com." Tumango si Celine. "May blog site pala ang Google. I read some internet posts na sinasabi hindi raw maganda gumawa ng blog using blogspot.com. Kasi anytime raw pwedeng tanggalin ng Google ang blog posts mo." "Tama 'yan. Kaya mas-prefer ng bloggers na gamitin ang WordPress o kaya gumawa na lang sila mismo ng blog using their personal site." "Mahal ba ang web hosting?" "Iba ang bayad ng domain at monthly p*****t. Depende rin kung saang kompanya nabili ang domain." Lumungkot ang mukha niya. "Minsan nga nakakapag-isip ako na mag-shift na lang sa web development. Kasi kapag gumawa ka ng website, no one can take it down. Not even Google. Well, except hackers. Pero nasa sa 'yo naman na as developer kung paano mo ibi-build ang security ng websites na gagawin mo for clients." "Bakit hindi mo subukan?" Udyok ni Celine. He smiled skeptically. "But when I'm thinking about it, napapaisip din uli ako. Kasi passion ko na ang intindihin ang mga codes araw-araw." "Hindi ka ba napapagod?" "Nakakapagod. Nakaka-drain ng utak kasi palagi kang nakaharap sa computer mo. I always need to be updated with modern programming codes and languages. Kasi nagbabago everytime. Pero nasanay na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD