THERE are flexible PhilTech swivel chairs that you can choose from. Kung gusto mong maglagay ng swivel chair sa iyong study room or gusto mo 'yong hindi gumagalaw para makapag-concentrate ka ng maayos?" Tanong ni Celine kay Sed.
"I'll take a look," sagot ng binata.
Magkasama sina Celine at Sed na nagtungo sa isang furniture shop malapit sa condo unit ng dalaga. Pagkatapos makapamili ni Sed ng swivel chair ay tutungo sila sa flooring company upang makapili ito ng personal ng gusto nitong disenyo ng sahig. As a designer, kailangan niyang samahan ang kanyang kliyente sa pamimili upang magabayan ito sa pagpili ng furnitures at mga accessories ng bahay. Dapat akma lahat para maganda at interesting ang outcome ng bahay.
"Even a man of three hundred pounds can sit here. The cushion is comfortable and the back is adjustable. These chairs are budget friendly and each can give you homey feeling when working at your office," wika ng isang saleslady habang nakahawak ang mga braso sa sandalan ng itim na swivel chair.
Anim na magkakaibang design ng swivel chairs ang naka-display sa shop. Pinasadahan ng tingin ni Sed ng ang mga disenyo ng upuan. He stared a little longer at the red swivel chair with wood arms painted in walnut.
"Maganda 'yan. That is Tyrone. 'Yan ang bestseller. Why don't you try seating para malaman mo kung komportable ka. Don't worry. May iba pang kulay 'yan na babagay sa kulay ng bahay ng gusto mo, Sed. May neutral color na ganyan," paliwanag ng dalaga. Tinawag niya saleslady. "Miss, may kulay black ba kayo na ganito?" Tukoy niya sa red na swivel chair.
Maagap na lumapit sa kanila ang babaeng nakauniporme ng asul na polo shirt at nakapalda na hindi umabot sa tuhod ang haba. "Meron, ma'am. Kaso wala pong stock eh. Brochure lang. Wait po at kukunin ko," wika ng saleslady na sa tingin ng dalaga ay kaedad lang niya.
"I guess I want a swivel chair in my study room at isa pang upuan sa room ko. Para kapag tinamad akong pumunta sa study, sa kuwarto na lang ako magwo-work."
"That's great to know," wika niya.
Pagkatapos makapamili ni Sed ng mga upuan na ilalagay sa study room at bedroom nito ay itinuloy nila ang pagpunta sa isang flooring company. Ipininakita ni Celine ang iba't-ibang disenyo at style ng sahig na babagay sa nuetral minimalist theme ng pad ng lalaki. After that, bumalik sila sa condo unit ng dalaga. Doon na sila magla-lunch dahil ipapakita pa ni Celine kay Sed ang na-install na laminated with wood veneer flooring ng kalapit na condominium unit. Tatawag na lamang siya sa restaurant para magpa-deliver ng pagkain.
"Ano? Nagustuhan mo ba 'yong floor design?" Celine asked Sed while they are entering her condo.
"Yes. Maganda," sagot ng binata. Pagbukas ni Celine ng pintuan ay hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang paghagod ni Sed ng tingin sa kabuuan ng condo niya. Hindi naman iyon kalakihan. Parang na-conscious siya nang mapansing pinagmamasdan ng binata ang bahay niya. Iginiya niya ito patungo sa couch. "Maupo ka muna diyan. Pasensya ka na sa bahay ko. Hindi pa ako nakapaglinis," she said in her friendly but concious voice.
"No problem. Maayos naman ang bahay mo. Mas magulo pa nga yung pad ko."
Aw. Eh di parang sinabi mo din na magulo ang unit ko. "Gusto mo ba ng juice? Kape? Tea? Cookies? Biscuits?" Alok niya.
"Anything can do," he answered. Sumulyap ito sa kanyang wall clock. "Bakit hindi ka na lang magluto ng lunch? Maglalabas ka pa ng meryenda. No need. Makakapaghintay naman ako," wika ni Sed.
Uh oh. Napasubo ka na Celine! Paano siya magluluto kung hindi naman siya marunong magluto? Anong ipaghahanda niyang tanghalian nila? Noodles at pritong hotdog? Tamad siyang magluto kaya kapag wala ng oras ay nagpapa-deliver na lamang siya ng pagkain. "Ah. Eh. Hindi ako marunong magluto eh," nahihiyang amin niya.
"Paano ka makakapag-asawa kung hindi ka marunong magluto?" He asked with a smile.
"Eh hindi pa naman ako mag-aasawa," pagdadahilan niya. "Tatawag na lang ako para magpa-deliver. Hindi naman iyon tatagal ng isang oras. Okay lang ba sa 'yo?" She asked.
"Okay lang," sagot ng binata habang nakaupo sa sofa at nakadekuwatro. "I-on mo naman ang TV, Celine. Nagtitipid ka ba ng kuryente?"
"Ay, oo nga. Akala ko kasi hindi ka mahilig manood," wika niya bago ini-on ang telebisyon. Natungo siya sa isang sulok ng living room at inabot ang telepono. Um-order siya ng pananghalian. Tinabihan niya ang binata sa pagkakaupo sa couch. Inilipat-lipat niya ang channel. "Anong gusto mong panoorin?" Liningon niya ito at napansin niyang may kakaiba sa mga titig nito. Bakit ganyan ka makatingin? Ano'ng iniisip mo?
"Kailan mo balak ikasal?" All of a sudden ay tanong ni Sed.
"Huh? Bakit mo naman naitanong?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Noong nakaraan tinanong mo ako kung may boyfriend ako. Ngayon naman itatanong mo ako kung kailan ako ikakasal. Ano ba talaga?
Nagkibit-balikat si Sed. "Wala lang. Naisip ko lang. Ilang taon ka na ba?"
"I'm just twenty three. Magpapakasal ako kapag dumating na 'yong araw," seryosong sagot niya. Kapag dumating na si Prince Charming. Kukunin niya ako dahil sa palasyo kami maninirahan at mamumuhay kami ng masaya at mapayapa habang buhay.
"Kailan?" Tanong uli ng binata.
"Ewan ko. Pa'no ko malalaman?" Sumulyap siya sa binata. "Siguro kapag dumating na."
Tumikhim ito. "Dumating na nga." He smiled.
"Nasaan?" Pinigil niyang mapangiti. Umakto siyang lumingon sa kanyang kanan at kaliwa upang magkunwaring hanapin ang tinutukoy ng binata.
"Nasa harapan mo," malaki ang ngiting sagot ni Sed.
"Hindi siya 'yon," aniya.
"Paano mo nasabi?" May 'di pag sang-ayon sa tanong nito. Nakatingin si Sed sa kanya ng seryoso. "I like you, Celine. Hindi ko alam kung paano. Pero noong makita kitang muli sa bahay na kausap mo si mommy, may iba kong naramdaman. Parang biglang naging magaan ang pakiramdam ko no'ng makita kita. I was happy then kasi muli kitang nakita," anito.
Hindi niya matagalan ang titig nito kaya nag-iwas siya ng tingin. Tumikhim siya para basagin ang awkward silence na namamagitan sa kanila. Ang sarap sana sa tenga ang pagbigkas ni Sed sa pangalan niya. Pero hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o nanggu-good time lang. "Huwag ka ngang magsabi ng ganyan. Baka sinasabi mo lang 'yan dahil nami-miss mo si Eliza. Ayokong maging rebound."
Nangunot ang noo nito. "You know Eliza? Paanong nagyaring kilala mo siya? Nabanggit ko ba siya sa 'yo?"
Aw. Patay. Totoo nga ang kasabihang sa bibig nabibingwit ang isda. Nagkunwari siyang hindi nabigla sa sinabi nito. "Nabanggit mo kaya siya sa akin minsan. Sinabi mo pa ngang ikakasal na siya, 'di ba?" Paalala niya. Pero wala itong binanggit na pangalan ng ex-girlfriend nito. Iyon siguro ang gusto nitong malaman-kung paano niya nalaman ang pangalan ng ex nito. Pero hinding-hindi niya sasabihing nalaman niya sa nanay nito ang pangalan ng babae. "Ikaw? Kailan mo balak ikasal?" Balik tanong niya.
"Ako? Hindi ko rin alam. Wala pa namang dumarating. Kung ikaw na lang kaya ang pakakasalan ko? What do you think?" Malaki ang ngiting tanong ng binata na sinamahan pa ng kindat. Matagal na nakatitig ito sa kanya kaya iniiwas niya ang paningin.
Oh my. Kung aalukin mo na ako ngayon ng kasal with the shining shimmering diamond engagement ring, masayang yes ang isasagot ko.Tumigil ka nga! Pakikitaan ka lang ng singsing, makukuha ka na niya agad? Saway ng kabilang bahagi ng isip niya. "Ang bata ko pa kaya. Wala pa 'yan sa isip ko," paiwas na sagot niya with a little smile.
Nakita niyang ngumiti ito sa sinabi niya. "Pwede na. Your above eighteen kaya hindi na kailangan ng parent's consent. Pero kailangan mo munang matutong magluto," ani Sed.
"So totoo ang sinasabi nila na to win a man's heart is through his stomach?" Tanong niya.
"Bakit gusto mo bang mapanalunan ang puso ko?" He grinned then muling nagseryoso. "Hindi rin. To win a man's heart is through his pants. 'Yon ang totoo. Pumapangalawa na lang 'yong pagkain." Ngumisi ito.
Kumunot ang noo niya at nanlaki ang mga mata matapos ma-realize ang ibig nitong sabihin. "Napaka..." Iniisip niya ang angkop na pang-uri na gagamitin ngunit hindi niya mabigkas kung ano 'yon. "Alam mo, ikaw, kung anu-ano ang tinuturo mo sa akin." Pinandilatan niya ito.
Malakas na humalakhak ito. "Pero seryoso. Napakarami mo pang hindi alam sa buhay."
Narinig nila ang pagtunog ng doorbell kaya tumayo si Celine. "Gutom ka lang siguro kaya kung anu-ano na nag naiisip mo," aniya. Binuksan niya ang pintuan at nakita niya ang nakangiting delivery man. Kinuha niya ang mga orders at binayaran ang pina-deliver.
MATUNOG na kinagat ni Celine ang fried chicken. Takam na takam siya sa manok na malinamnam at malutong dahil marinated. Magkaharap sila ni Sed habang kumakain.
"Tinatawagan pa rin ako ni Eliza. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, sasama ka ba?"
Napatigil si Celine sa pagkagat ng crispy fried chicken. "Tinatawag saan?" Paninigurado niya. "Saan kayo pupunta? She asked again. Well, hindi naman siguro naging obvious na masyado siyang atat malaman ang tungkol sa ex nito.
Tumitig sa kanya si Sed ng ilang sandali. Parang inaarok kung kailangan nitong sabihin sa kanya. "Sa hotel."
"Sa hotel?" Nanlalaki ang matang ulit niya. Ilang sandali nag-loading sa isip niya ang sinasabi nito. Napatitig lamang siya kay Sed at hindi makapagsalita.
Mahinang tumawa si Sed. "Oh babe, maliit. Maliit daw kaya tinatawag niya ako," paliwanag ni Sed.
"Anong maliit?" Naguguluhang tanong niya. Muling tumawa si Sed kaya naintindihan na niya ang ibig nitong sabihin. Grabe naman ang babaeng 'yon. Hindi makuntento sa isa. Malandi. Haliparot. Kerengkeng. Paano mo siya nagustuhan? "Do... Do you still love her?" Tanong niya. Nakatitig siya sa binata habang hinihintay ang sagot nito.
"Yes. I love her," walang emosyong sabi nito.
Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng sagot ng binata. Kung mahal ba talaga ni Sed ang girlfriend nito o akala lang ni Sed mahal nito si Eliza dahil nagsisiping sila. Dahil naibibigay ng babae ang satisfaction na kilangan ni Sed. "Paano kayo nagkita?" Patuloy niyang tanong.
"My buddies in college introduced me to her," tipid nitong sagot. Matunog na kumagat ito sa hawak na binti ng manok.
Mula sa pagkakatingin sa pagkain ay sinulyapan siya nito. Ito naman ang nagtanong. "Hindi ka ba malungkot na wala kang karelasyon?"
"Masaya naman ako. Bakit?"
"Wala lang kasi baka malungkot ka kaya maghahanap ka ng boyfriend. Alam mo naman available ako," nakangiting sabi ng binata.
Malandi kang lalaki ka. Kung hindi lang matino ang isip ko ay papatulan kita. "Tse! Tigilan mo 'ko. Gutom lang 'yan. Bakit kakaunti ang kinakain mo?" Pansin niya.
"Tapos na ako," wika ni Sed at tumayo mula sa pagkakaupo. Nagtungo ito sa living room.
"Ang bilis mo namang kumain. Kaya ang payat mo," aniya. Pagkatapos ligpitin ng dalaga ang mga pinagkainan nila ay sinamahan niya si Sed sa panonood ng TV. Marami pa siyang mga tanong.
Matapos makapagbilang sa isip ng hanggang sampu ay huminga siya ng malalim at nilakasan ang loob. It's now or never. Matagal naman na silang magkakilala't magkababata kaya hindi naman siguro mamasamain ni Sed ang mga itatanong niya.
Inalis ni Sed ang tingin sa telebisyon at hinarap siya. "Kanina ka pa nakatitig sa akin. Akala mo ba, hindi ko hindi napapansin? May sasabihin ka?"
Nagkamot ng ulo si Celine at alanganing ngumiti. "Can I ask something private?"
"Sure. Spill it out."
"I am asking this not because I am curious about your personal life."
Ngumisi si Sed. "You're so defensive. Just say it. What is it?"
"Ano kasi... Bakit gusto mo pa rin siya samantalang alam mo na may asawa siya?" Sa wakas ay naisatinig niya.
Nagkibit-balikat si Sed. "I don't know. I also ask that question to myself, lots of time. I need her. No one else understands me like she did."
"Oh! 'Yan Ang dahilan mo?"
Marahang tumango si Sed. Nagpatuloy siya. "Kung may darating bang bago, are you willing to open your heart to someone else?"
Sed stared at her with a playful smile on his face. "Oo. Alam ko sa sarili ko na ayaw kong maging ganito habang buhay. Like others, I also want to have a family of my own."
Matiim niyang pinagmasdan si Sed."Ilan na naging girlfriend mo?" Tanong niya.
"Isa lang."
Ikinabigla niya ang sagot ni Sed. Imposible naman na isa lang? Sa mukha nitong bagay na bagay maging hero sa kahit anong romance novel, isa lang naging girlfriend ng kababata niya in his twenty six years in this world? Nakaramdam siya ng pagkainggit at panghihinayang. Pagkainggit kay Eliza dahil naranasan nito ang mahalin ng ganito kagwapong nilalang ng limang taon. Panghihinayang dahil hindi sila nagkatuluyan. Sayang ang love story nila. "Nagtagal kayo?"
"Yes. Five years din ang relasyon namin. Five years na nauwi sa wala. Ang hirap," malungkot na sabi ng binata.
Nakaramdam ng pagkahabag si Celine para sa binata. Kahit naman single siya ngayon at walang boyfriend ay naranasan na niya ang break up. Masakit at malungkot. Mahirap ang maging broken hearted. "Nami-miss mo siya?"
"Minsan kapag naalala ko. Hindi naman madaling itapon ang limang taon." Bumalik ang sigla sa tinig ni Sed. "Pero kapag kasama kita, hindi ko siya naalala," nakangiting pag-amin nito. Nangungusap ang mga mata.
Naks! Bumabanat. Pinigil niya ang kiligin. Kagagaling lang nito sa break-up. Humihilom pa lang ang sugat nito sa puso. Huwag padalos dalos. "Talaga lang ha?" Seryoso niyang sabi.
Tumango ang binata. Hindi na nawala ang ngiti nito. "Nagsasabi ako ng totoo."
Oh mi gosh! Kilig to the bones si Celine!