Makulimlim ang kalangitan kinaumagahan ng Linggo. Hindi kulay puti kundi kulay gray ang mga ulap. Nagbabadya ang malakas na ulan. Inayos ni Celine ang mga kurtina sa living room ngunit hindi niya binuksan ang mga bintana. Batid niyang malamig ang hangin sa labas. Isinaksak niya ang telebisyon at nanood ng pang-umagang balita.
"Pagkatapos mong magkape ay maligo ka na, Celine. Ayokong mahuli sa misa," paalala ng ama niya.
"Opo."
Buong pamilya sila na nagtungo na Quiapo church. Si Celine, ang mama at papa niya, kasama rin ang nakababatang kapatid niyang si Rob. Debotong katoliko ang kanyang mga magulang. Hindi lilipas ang isang linggo na hindi sila dumadalo ng misa. Bago pa man matapos ang misa ay panay na ang reklamo ng kapatid niyang lalaki at inip na inip na. Dalawa lang silang magkapatid. Katorse anyos pa lang si Rob. Siyam na taon ang agwat ng edad nila na marahil ay malaking factor kaya hindi sila gaanong magkasundo. Lagi silang nagbabangayan lalo na kung silang dalawa lang ang naiiwan sa bahay.
Pagkatapos ng misa ay dumeresto sila sa palengke. Namili ang mama niya ng mga gulay at prutas. Pinasok rin nila ang isang accesory boutique na nasa loob ng Quiapo market.
"Marami pa ba kayong bibilhin? Gusto ko ng umuwi," iritadong reklamo ni Rob nang mapansing magtutungo sila ng mama niya sa loob ng Wellmanson. Ipinasa ng mama niya ang mga nabili sa papa niya na ilalagay ng papa niya sa kotse. "Ang init init pa dito."
Celine rolled her eyes. How she wish she have a younger sister. Makakasundo sana niya itong pumasok sa Wellmanson. Knowing her brother, ayaw nito sa maraming mga abubot sa katawan. Kaya wala itong interest sa botique na naglalaman ng mga accesories na mostly ay pambabae.
"Kung gusto mo eh di sumunod ka na kay papa. Doon ka na sa sasakyan maghintay," wika niya. Sinang-ayunan naman ni Rob ang sinabi niya. "Ma, doon na 'ko sa kotse. Hintayin ko na lang kayo roon."
Tumango ang mama niya bago nila pinasok ang botique. May nakita siyang magandang pearl necklace kaya 'yon ang binili niya. Nakakita rin siya ng panlalaking keychain na gitara at sneaker kaya bumili na rin siya para kay Rob. Magugustuhan nito iyon dahil mahilig ang kapatid niya sa music particularly rock band. Kumain sila sa isang fast food chain bago sila umuwi.
MINUTES before two ay nakagayak na si Celine. Nakapagpalit na siya ng damit. Nakabestida siya kaninang dumalo sila ng misa. Ayaw naman niyang pumunta sa bahay ni Sed na ganoon ang damit. Baka asarin siya ng binata at sabihing "Oh, bakit ka nawawala. Hindi simbahan itong pinuntahan mo." Nai-imagine na niya ang pagngiti nito.
PININDOT ni Celine ang doorbell. She looked around. Kulang man ng design ang bahay ng binata ngunit maayos naman ang security dahil maayos na nakatayo ang gate. After some time ay pinagbuksan siya ni Sed ng gate.
"Hi, Celine. Good afternoon," magiliw na bati ng binata. "Pasok ka." Niluwagan ni Sed ang pagkakabukas ng gate.
She smiled. "Hello. Good afternoon."
Niyakag siya ni Sed patungong living room.
"Nakapili ka na ba ng gusto mong theme ng bahay mo?" Tanong ni Celine. Umupo siya sa galanera, feeling at home agad. "Yes. I really like the blend of neutral colors. Other people may say neutral colors look mundane but I know your a great designer." He smiled. She saw glitter in his eyes. Is that a compliment? Inilapag ng binata ang mga iniwan niyang catalogues kahapon na kinuha nito mula sa ibaba ng TV stand.
"Na-review mo ba lahat ng designs?" Celine asked.
Tumango ito. "Oo. I don't want complex things. My job is already complicated," he joked. "You know, dealing with computer languages everytime. I want my pad to be direct, clear and organized. I'll go for minimalist."
She smiled when she heard his answer. "Nice choice. Bet ko rin ang minimalist para maluwag, maraming space," pagsang-ayon ng dalaga. "Let's have a small talk first to get to know your lifestyle," aniya. Naglabas siya ng notebook at bolpen mula sa bag.
"Bakit hindi mo gawin sa condo mo?" He asked.
Sumimangot siya saka umiling. "Di pwede. May design na 'yong condo bago ko nabili. So, let's start?"
He smiled and nodded. Umupo ito sa tabi niya. "It's needed so that I can put focus on important elements of the room. Do you travel a lot?" Magaan ang loob niyang tanong.
"Sa klase ng tabaho ko, hindi," sagot ng binata.
"Do you often watch telly?"
"Not really. Lagi kong kaharap ang lappy. Siya ang umagahan, tanghalian, hapunan, maging midnight snack," sagot ni Sed.
"Okay," wika niya na isinulat sa notebook ang sagot nito. "'Do you always work at night?"
"Yes. Almost every night," ani Sed.
"What do you mean by almost every night?"
"Kung may mga project developments na inihahabol sa deadline, I work all night," he explained.
Tumango-tango si Celine."What's the first thing you do when you wake up in the morning?"
"I wash my face. I check my e-mail and my accounts on freelancer sites. I also check my f*******: account if there are any potential clients."
"Hmm. You're also a freelancer?" Amazement is evident on her face.
"Yes, it's my part time job."
"Wow. Ang dami mo namang work," aniya. Inilibot niya ang tingin sa loob ng pad ng lalaki. Napansin niya ang fridge sa may dining area na nasisilip mula sa living room kaya pabirong tinanong niya ito. "Do you eat a lot?"
Akala niya'y pagtatawanan ng binata ang tanong niya ngunit nananatiling seryoso ito. "No. I'm contented on tea with biscuits."
"Seriously, 'yon lang kinakain mo?" Di makapaniwalang tanong niya. "Tea at biskwit lang? Mabubuhay ka na non? Baka gugutumin ka na oras-oras." Pinagmasdan niya ang mukha ng binata. Mukhang hindi naman ito nagbibiro kaya nag-follow up question siya. "So, okay kung tea at biskwits lang. Do you often eat outside?"
"Minsan kapag tinamad akong magluto, sa bahay ako umuuwi para doon na kumain. Tine-text ko si mom para alam niyang doon ako uuwi," sagot ni Sed.
"Ah. Okay. What's your favorite color?"
"Blue. Can we include blue colored furnitures aside from neutral?" Tanong ni Sed.
"Pwede. Anong kulay ng wall ang gusto mo? Inilabas niya ang iba pang catalogues at ibinigay kay Sed. Nandiyan 'yong mga nuetral wall paints na pamimilian mo. Do you want something cool or warm?"
Lumapit ang binata sa kanya. "Warm at gusto ko 'yong maliwanag."
She flipped the catalogue's pages. "This catalogue is from JCL Interiors."
Aside from the condominium buildings, may may sarili ring interiors ang kompanyang pinagtatrabahuan niya ng part time. Lamang, sa mga furnitures ay may kapartner ang JCL Interiors na furniture company. Kaya kung may bibili man ng condo units sa JCL ay hindi na mahihirapang maghanap ng designers ang bibili ng bahay.
"And then haluan natin ng kaunting cool colors like blue para may contrast, 'di ba?
"Pwede naman. Dinala ko pala 'yong catalogue ng mga blinds na babagay dito glass windows mo. Mamili ka na diyan ng wall paint at curtains na gusto mo."
"Sa larangan ng kalidad ng produkto, nangunguna ang Dianne blinds. Dianne blinds is best known for its unique products and services not just in our country but also in East Asia. Dianne blinds offers artistically beautiful and creatively designed upholstery fabrics, curtains, drapes, shades, office and domestic accesories suitable for each personality. The blinds come with a seven-year warranty program and proudly Philippine made. Ang mga ito ay sunlight-blocking, antibacterial, flame retardant and water repellent para masigurong ligtas at malinis ang kapaligiran mo," paliwanag niya sa binata habang ipinapakita rito ang catalogue ng mga blinds and curtains.
"Wow. Impressive. Very much advanced na pala lahat ng home decors ngayon."
"Oo naman. Hindi lang naman programming languages at mobile applications ang upgraded."
Sa pangalawa niyang pagdalaw sa pad ng lalaki ay inalam na niya ang pasikot-sikot sa bahay nito. Kailangan niyang gawin iyon para madisenyuhan ng maayos ang bahay nito. Nasa upper part ang master's bedroom, dalawang guest room at study room. Sa lower part ay ang maluwag na living room at dining room. Nasa tabi ng dining room ang kitchen at sa likod ng bahay ay laundry area.
"Ang lawak pala ng bahay mo. Nagbabalak ka na bang lumagay sa tahimik?" Tanong niya sa binata habang naglalakad sila sa malawak na pasilyo ng ikalawang palapag. Sinilip nila ang dalawang guest rooms at ang study room.
"Nope. Wala naman akong girlfriend, kanino ako magpapakasal?"
"Marami naman diyan sa tabi-tabi," aniya. Tumingin ka sa paligid mo. Nandito lang kaya ako.
"Di naman pwedeng magpakasal sa kung sinu-sino. Dapat matagal mo ng kilala para wala nang urungan," anito. Tinatahak nila ang hagdan pababa sa living room.
Inabot sila hanggang alas sais sa pag-uusap kung paano mapapaganda at mabibigyang buhay ang pad ng binata. Balak ng umuwi ng dalaga ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinamahan pa ng manakanakang pagkislap ng langit. Napurnada ang pag-alis ni Celine. Nasa pad pa rin siya ng kababata. Sumilip naman ang araw kaninang nagtungo sila sa simbahan kaya hindi niya inaasahan ang mabilis na pagbabago ng panahon.
"MAGANDA kapag umuulan. Napaka-romantic."
Umangat ang kilay niya. Romantic? Mula sa pagmamasid sa paligid ng pad ay binalingan niya ang binata. Nasa patio sila at kumakain ng banana chips habang hinihintay ang pagtila ng ulan. Sa sahig sila nakaupo dahil walang upuan ang patio area ng bahay ng binata. Improvised ang mesa nila. Nasa mukha niya ang 'di pagsang-ayon sa sinabi ni Sed. Gets na niya ang ibig nitong sabihin. Romantic means s*x and everything related to it. All guys think the same. Bakit ba magkaiba ang pakahulugan ng ng lalaki at babae sa romance? Sumimangot siya. "Anong romantic? Nagkakasakit nga ang tao dahil sa tuloy-tuloy na ulan. Paano naging romantic iyon?" Tanong niya. Ang totoo ay mabigat ang pakiramdam niya kapag umuulan. Nakakapagbigay ng sipon, ubo at maputik sa daan kapag rainy season.
"Romantic kung may boyfriend ka. Kaya bakit hindi mo ko bigyan ng chance? Para naman maranasan mo ang sinasabi ko." He flashed a wide grin.
"Naku. Di bale na lang. Hindi ko 'yan kailangan," mariing tanggi niya bago sumubo ng banana chips.
"Sa gwapo kong 'to, tinatanggihan mo ako?" He said in a playful but not offended tone. "Hindi ka pa ba nagkaka-boyfriend?"
"Don't underestimate me. Mayron. Pero iniwan ko na. Abusado kasi. Wait a minute, alam ko naman na may girlfriend ka, bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" She asked frankly. Binalingan siya ni Sed. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang nakita niya ang lungkot sa mukha nito.
"Ikakasal na siya. Sa susunod na Linggo," mahinang wika ni Sed.
"Sa susunod na Linggo? Bakit ang bilis?" Inaamin niyang medyo may pagkatsismosa siya kaya naitanong niya iyon. Well, aside from the fact na curious talaga siya at kailangan niyang magtanong para may maibalita siya sa nanay nito.
Hinintay niya ang sagot nito ngunit nananatili itong walang imik. Siguro'y ayaw nitong ibahagi sa kanya ang mga personal nitong problema. Hindi niya alam kung saan nagmula pero parang nakaramdam siya ng pagkaestranghero. Ayaw nitong sabihin sa kanya. Therefore, he doesn't trust her. Sinulyapan niya ito. Nakatingin ito sa malayo na parang kay lalim ng iniisip. Marahil ay naalala nito ang kasintahan.
"Engage na siya sa iba." Hirap na hirap itong bigkasin ang mga salita.
She felt like saying something to console him. "Kung mahal mo siya ay pipigilan mo ang kasal. Ipakita mo ang pagmamahal mo sa kanya."
Matamlay na tinitigan nito ang malamig na sahig. "Hindi ko pwedeng pigilan ang kasal. Isa pa, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Marrying now is not my priority." Nalukot ang mukha ni Sed at tumingala.
Tiningnan niya ang binata. Pilit niyang iniintindi ang sitwasyon nito upang makapagsabi siya ng magandang payo.
Muli itong nagsalita. "Bata pa siya ay pinagkasundo na siya ron." Pinuno nito ng hangin ang dibdib. Wari niya ay pinipigil nito ang umiyak.
Uso pa rin pala ang arranged marriage? "Mahal ka pa ba niya?"
"Oo naman."
Tinitigan niya ang binata. Ikaw, mahal mo pa siya? nais sana niyang itanong ngunit naunahan siya ng hiya. "Eh bakit siya magpapakasal sa iba if she truly loves you?"
"Mahirap sumuway sa magulang. Maraming consequences na nakaatang sa balikat niya," sagot ni Sed. "Mas pipiliin niyang maging masunuring anak kaysa ipaglaban ako," mapait nitong sabi.
"Ipakita mo sa kanya na mahal mo siya. Kung mahal mo, ipaglaban mo," wika niya.
Ramdam ng dalaga na pilit nitong pinasigla ang tinig.
"Hayaan mo na 'yon." Tumingin ito sa kalangitan. "Tumila na ang ulan. Ihahatid na kita." Inilahad nito ang kamay.
Isi-nway niya ang kamay tanda na hindi niya tatanggapin ang kamay nitong nakalahad para sa pagtayo niya. "Kaya ko."
Tipid na ngumiti ito. Nakangiti itong pinagmasdan ang pagtayo niya.
Ayan. Mas maganda kung nakangiti ka. Mas pogi. Nakakainlab.
"Huwag mong sabihing tatangihan mo ang alok kong ihatid ka?" Nanghahamon ang tingin na tanong nito nang makatayo na siya.
She chuckled. "Hindi. Baka mapahiya ka lang kung tatangihan kita."
He smiled. They both left Sed's house with smile on their faces.
MAGAAN ang mga hakbang na tinungo ni Celine ang elevator at pinindot ang 15th floor. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. Her eyes grew wide of what she saw. Three minutes before eight? Napaisip siya. Late ba ang orasan niya sa kwarto? Kung bibilangin niya ang mga minutong nagamit niya sa daan mula kaninang umalis siya ng bahay ay dapat mahigit labin limang minuto pa ang nalalabi bago mag-alas otso. Time conscious siya kaya kwentang-kwenta niya ang oras ng lahat ng kanyang gagawin. She manages her time wisely. Kulang na lang ay matapilok siya sa mabilis niyang paglakad. Nakasuot pa man din siya ng stiletto na tatlo at kalahating pulgada ang taas na tumutunog sa bawat paghakbang niya. Napapalingon ang mga empleyadong nararaanan niya. She didn't care. Ang mahalaga makarating siya sa opisina na hindi pa huli.
"Huwag masyadong nagmamadali, ma'am Celine. Baka madapa kayo," nakangiting paalala ng janitor sa kanya na kasalukuyang nagma-mop ng flooring. Nginitian niya ito.
"Your just in time, honey. Huwag kang masyadong magmadali," nakangiting wika ng boss niyang si Ali na nakaabang sa kanya. Muntik na niyang ismiran at simangutan ang lalaki. Lamang ay boss niya ito at umagang-umaga pa. Ayaw niyang magkaroon ng bad day.
Sa katunayan ay gwapo naman ang boss niyang si Ali na isang inhinyero. Mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Nasa mid twenties ito. Hindi naman ito pandak sa height nitong five eight. Minsan pa ay naririnig niyang pinagtsitsismisan ito ng mga kaopisina niya. Lahat yata ng kaopisina niya ay may crush sa boss niya. Lamang ay kahit pilitin niya ang sarili ay hindi niya magustuhan ito sa paraang gusto nito. Hiling niya'y sana ibaling na lamang nito kay Karen ang pagtingin. Para naman hindi na siya sinisimangutan ng kaopisina niya tuwing nagkakasalubong sila. Alam niyang may gusto si Karen sa boss nila.
Tipid siyang ngumiti. "I'm fine, sir," aniya. Inilapag niya ang bag sa office table bago hinila ang upuan. Naupo siya at inayos ang ilang papel na nakalapag sa mesa niya.
"Want to have some coffee with me later? During break?" Nakangiting alok ng boss niya.
"I'm afraid I cannot come, sir. Marami pa po akong gagawin. Lalabas din ho ako mamaya kasi may meeting kami ng isang kliyente," wika niya. Binuksan niya ang kaharap na desktop upang maiapabot kay Ali ang mensaheng marami siyang ginagawa at ayaw niyang maabala. She heard a disappointed sigh from her boss.
"Kung gayon ay papadalhan na lang kita ng meryenda mo mamaya."
"Huwag na kayong mag-abala, sir."
"I insist," ani Ali bago ito bumalik sa sariling opisina.
"Balita ko may bago kang kliyente ngayon ah," pukaw sa kanya ni Anthony.
"Ay, oo. 'Yong kababata ko. May sarili na kasi siyang bahay sa Cavite. Nagkataon naman na nagkasama kami minsan eh nasabi kong isa akong interior designer. Eksakto naman na kapapatayo pala niya ng bahay. Kayo ako na lang ang kinontak niya."
"Mabuti 'yan. At least may iba ka pang pagkakakitaan maliban sa monthly salary mo dito sa kompanya. May sasabihin nga pala ako sa 'yo. Hindi ba sa JCL homes ang unit mo?" Tanong ni Anthony.
Mula sa pagbabasa ng daily routines sa desk calendar niya ay nilingon niya ito. "Oo. Bakit?"
"Balita ko, isa ka sa mga napili ng JCL Homes na maging interior designer ng mga condominium units nila."
"Ah. Oo."
"Ang swerte mo, Celine. Bibihira ang nabibigyan ng maraming oportunidad gaya mo. Kaya pag-igihan mo."
Napangiti siya sa narinig. "Nakatsamba lang naman, Anthony," she said humbly.