Hindi alam ni Celine kung sadyang umaayon ba sa kanya ang pagkakataon dahil tinawagan siya ni Sed. Pupunta siya ngayon sa bahay ng binata sa Cavite upang tingnan ang bagong bili nitong bahay na nangangailangan ng designer. Tuwang- tuwa si Sonia ng ibalita niya rito na magkikita sila ng anak nito.
Nakaupo si Celine sa living room ng bahay ni Sed. Iilan lamang ang mga gamit sa bahay nito. May maliit itong flat screened television na nakalagay sa isang antigong TV stand. Sa ibaba ng telebisyon ay may mga nakaayos na libro. Walang kurtina ang mga bintana ng bahay kaya napakaliwanag ng silid. Direktang sumisilip ang sinag ng araw. Matamlay ang bahay ng binata. Maliban sa TV stand, dalawang side table sa magkabilang gilid at ang galanerang kinauupuan niya ay wala ng iba pang furnitures ang living room. Marahil ang galanerang kinauupuan niya ay ang binanggit ng ginang na pinagawa nito sa furniture shop. Dahil wala ng paglalagyan sa bahay ng mga Aguirre kaya kinuha na ng binata at inuwi sa sariling bahay.
Napasulyap siya sa iisang framed photo nito na nakasabit sa dingding. A picture of Sed during his younger years. Sa tingin niya ay larawan nito iyon noong grumadweyt ng college. Malaki ang ngiti nito sa larawan kasama ang isang lalaki. Nakahawak ito ng certificate at may nakasabit na medal sa leeg. Binasa niya ang nakasulat sa certificate. Android developer of the year. Napa-wow siya ng mabasa ang nakasulat. Ngayon niya napatunayan na talagang matalino ito.
"Gusto mo bang magkape muna o uminom ng juice?" Tanong ni Sed kay Celine pagpasok nito ng living room. Tingin niya'y nagmula ito sa kitchen dahil nakasuot ito ng apron. Tumigil ito malapit sa kinatatayuan niya.
"Hindi na," tanggi niya. Naglakad siya pabalik sa upuan. Pagkaupo ay pinagmasdan niya ito na nakasuot ng apron. Hmm, bagay nito ang suot na apron na kulay asul.
"So paano? Magpapalit lang ako. Do you mind?" Maganda ang ngiting tanong ni Sed sa kanya.
Umiling siya at tipid na ngumiti. "Ah, hindi. Hindi naman ako nagmamadali. Go ahead," she answered. "Nagluluto ka?"
"Hindi. Gumagawa lang ako ng mamemeryenda. Meryenda lang. Gusto mo bang manood ng TV?" Tanong muli ng binata. Iniisip siguro nito na mababagot siya na nakaupo lang.
"Sige."
Nakakabit sa leeg ni Sed ang tuwalya na pumasok sa banyo. Walang banyo sa silid ng binata dahil nakita niya itong lumabas ng silid at tinungo ang shower room sa kabilang silid. Pagkalipas ng mahigit kumulang kinse minutos ay naupo na ang binata sa tabi niya. Napakabango nito. Hindi nakakasawang langhapin ang ginamit nitong sabon. Ano kayang sabon nito?
"DAPAT mag-invest ka sa mga house decors at furnitures na matibay at hindi madaling masira. Things that will reflect your personality and syempre dapat comfortable kang gamitin," panimula ni Celine. "Nagdala ako ng mga brochures para makipili ka ng ilalagay sa bahay mo. Kung may suggestions ka like feeling mo mas bagay or mas appropriate para sa 'yo 'yong ibang appliances or furnitures, sabihin mo lang."
Inilabas niya ang mga catalogues mula sa bag. Maagap na inayos ng binata ang dalawang side tables upang doon niya ilapag niya ang mga catalogues. "There are different interior designs. From traditional to modern. Meron ding tinatawag na rustic, eclectic and conservatory."
Kinuha ng binata ang isang catalogue.
"Modern interior design ang concept na nasa catalogue na 'yan."
Binasa iyon ni Sed at binuklat. Napatigil ito sa pag-flip ng pages ng makita nito ang combination of colors. Binalingan ni Celine ang tinitingnan nito.
"Yan ang mga palette na pwedeng gamitin para sa walls, furnitures at iba pang decor ng bahay."
Patuloy nitong tiningnan ang nilalaman ng catalogue. "I'll give you time para mapag-isipan mong mabuti ang palette ng gusto mo para sa bahay mo. The color that you like and sabi ko nga, will reflect your personality."
"Iiwan ko na lang mga catalogues dito para ma-review mo at makapag-decide ka ng maayos kung paano natin madidisenyuhan ang bahay mo according to you."
"Sige. Thank you. Kailan ang balik mo?" Sandaling inalis nito at tingin sa catalogue at sinulyapan siya.
"Sabado ngayon so, mga bukas ng hapon. Syembre magsisimba muna kasi Sunday bukas." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa galanera. Napadako ang paningin niya sa sahig. "Anong gusto mong disenyo ng flooring mo? Tiled or granite or something else?" Tanong niya habang ine-eksamin ang flooring na bahay ng binata.
"Napaka-common ang tiled floor kaya ayoko. I want something different. Isa pa malamig sa paa ang mga tiles di ba?"
She agreed.
"I prefer sana 'yong babagay sa neutral colors. Maybe a shade of brown or orange. Something like orange brown," he said with a little smile. "I'm sorry I'm not really into colors. I cannot describe it well."
Ngumiti siya. "It's okay." Pinakita niya kay Sed ang ilang brochure which show different flooring designs. Binuklat niya ang isa bago ipinakita ang pahina. "Gaya nito?"
"Wow. It compliments the furnitures and appliances," tukoy nito sa larawan sa catalogue.
"This is from C&H Flooring," tukoy niya sa larawan. "It offers a laminated wood veneer flooring."
His face suddenly changes expression. Kumunot noo ito. "What do you mean laminated?"
"Laminated flooring consists of wood veneer. The wood veneer will definitely add beauty and makes your feet comfortable dahil hindi siya malamig sa paa. Masisigurong mong matibay ang mga ito at hindi matatanggal na normally nangyayari sa mga wood tiles kahit pa sabihing narra ang kahoy."
Nagpatango-tango si Sed. He heard Celine giggled a little. Naintindihan naman ng dalaga ang facial expression niya. "Mahirap talagang mangumbinsi na maganda ang isang bagay unless makita mo ng personal at hindi puro pictures lang at walang concrete objects. My neighbor has floor design like this. Gusto mo bang makita one time para makapagdecide ka?" Is that your indirect way to ask him out para makasama mo naman siya? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. Siya ang sumagot sa sariling tanong.
"Hindi 'no. This is my job. Gusto ko lang siyang tulungang makapili."
"Huh? Are you saying something?" Tanong ni Sed sa kanya.
Hindi namalayan ni Celine na naisatinig pala niya ang nasa isip. "Ah, may naisip lang ako." Tumayo siya upang silipin ang paligid ng bahay ni Sed sa glass windows. After some time ay napalingon siya kay Sed ng maramdaman niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. Nagtatakang tinanong niya ito. "Why are you staring at me like that?"
Namamanghang ngumiti ito. "Anlaki na ng pinagbago mo, 'no? Kailan ba huling napunta si mom sa bahay niyo na kasama ako? Natuto ka ng mag-make up."
She smiled. "Aba'y syempe. Hindi naman ako manang," aniya. Pinagmasdan niya ang sinag ng araw mula sa binata. "Hindi ko nadala 'yong mga catalogue ng kurtina at blinds na babagay sa bahay mo. Idadala ko na lang next time."
"May boyfriend ka na ba?" Biglang tanong ni Sed sa dalaga.
Sandaling kumunot ang noo niya sa narinig na tanong ng binata. Nasa bintana pa rin ang paningin niya. A sudden thought pops into her mind. She smiled mischievously. Tiningnan niya ito. "Bakit? Mag-apply ka?" She teased and smiled at him.
"Sana. Pwede ba, baby?" He gave her one of his irresistible smile.
Baby? You are obviously flirting to me. Naku kung ikaw ang tatawag sa akin ng baby ay okay na okay. Two thumbs up. Agree ako diyan. Kaya lang alam ko naman na may girlfriend ka. Huwag mo akong akitin ng kaguwapuhan mo. At pwede ba huwag kang ngumiti. You are seducing me unintentionally.
She smiled while staring at him. "Huwag ka ngang makipaglandian sa akin. Alam ko naman na may girlfriend ka," she said frankly. Kaya nga may misyon ako, eh. Ang makalimutan mo siya. Tsaka huwag mo akong tawaging baby. Baka bumigay ako't mainlab sayo. Mahirap na. Bakit? Susuklian mo ba ang pagmamahal ko? I bet not.
"Paano mo nalaman? Are you stalking me?" Nakangising tanong ng binata.
Natigil ang pag-iisip niya at napasulyap sa binata. Mabilis siyang nag-isip ng idadahilan. "Hindi no," kaila niya. "Bakit naman kita ii-stalk? Wala ka namang mga posts tungkol sa girlfriend mo sa Facebook."
"So. I am right. You've been stalking me," may pinalidad na sabi nito. He is still smiling.
"Stalking you?" Hinarap niya ito with matching salubong na mga kilay. Even though it's true that she did some f*******: snooping, she will never admit it. Especially infront of his handsome face. Sa halip ay nagkunwari siyang hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Yes. You've been stalking me. Paano mo malalaman na wala akong posts ng girlfriend ko sa sss? Eh di malamang tinignan mo at ini-stalk ang wall ko." A confident smile curved his lips.
Oo nga no. Bakit hindi niya naisip 'yon? "No. Hindi kita ini-stalk. Nasabi sa akin ni tita." Partly true naman 'yon na sinabi talaga sa kanya ng nanay nito ang tungkol sa girlfriend nito. 'Di ba nga may misyon siya?
"So ako ang pinag-uusapan niyo ni mom noong napunta ka sa bahay namin?" He asked once again and his confident smile still on his handsome face.
"Yes. Alam mo naman ang mga nanay. Pala kwento tungkol sa kanilang mga anak," aniya. Hindi siya nagpa-apekto sa mga ngiti nito.
"Okay. So ano pwedeng mag-apply?" Ulit na tanong ni Sed.
Sakit sa ulo lang ang mga lalaki. Pero syempre hindi niya sinabi iyon dahil masasaktan ito. "Hindi 'yan ang prayoridad ko. Basta darating na lang."
Tumango-tango ito.
"Pinakilala mo na ba siya sa parents mo?" Naisipan niyang tanungin ang binata.
"Sino?" He asked. Ibinalik nito ang hawak na catalogue sa side tables. Matamang nakatingin si Sed sa kanya.
"Siya. 'Yong girlfriend mo," sagot niya.
"Hindi."
Hindi? So paano nalaman ni tita? Ah, mother's instinct. "Bakit hindi? Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya ipakilala sa kanila?" Nadismaya siya ng wala siyang marinig na sagot mula rito. Sa halip ay nagtanong ito.
"Gusto niya magka-baby raw kami. Okay lang ba iyon?" He is asking for her opinion.
She felt good na nag-o-open up si Sed sa kanya kahit matagal din silang hindi nagkakausap kahit pa sabihing bestfriends ang mga mommies nila. And what he's telling are personal matters.
"I dunno. I never been in that situation. Ask your parents' advice," seryosong pahayag niya.
Tumayo ang lalaki. "Ayoko silang tanungin. Anyway, bago ka umalis, magmeryenda muna tayo. Ihahanda ko lang yung ginawa kong tuna sandwich. Sana magustuhan mo."
"Okay. Hindi naman ako namimili ng pagkain."
Iniwan na siya nito sa sala at nagtungo sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong tray of sandwiches. Muli itong bumalik sa kusina at kinuha ang juice.
"Mabuti nga at nakapunta ka. Madalang akong magkaroon ng bisita rito," anito habang nagmememeryenda sila.
Kumuha siya ng sandwich. "Bakit hindi ka na lang bumalik sa inyo? Hindi pa naman tapos ang bahay mo," puna niya.
"Nah, ayoko. Lalo akong hindi makakapagtrabaho kung nasa bahay ako. Guguluhin lang ako ng mga bubuwit sa bahay. Alam mo naman ang trabaho ko, it needs so much focus."
"Pansin ko nga. Kung masaya ka naman sa trabaho mo, walang problema." Kumuha siyang muli ng sandwich. "Okay naman itong gawa mong sandwich."
Tumawa ito. "Parang napipilitan ka lang sa sinabi mo eh. But I will take that as positive since kumuha ka uli. Kumusta naman ang trabaho mo?"
Siya naman ang tumawa. "Nagugutom lang ako. Galing kasi ako sa kliyente kanina. Okay naman. I love designing interiors." Matapos ubusin ang ikalawang sandwich ay kumuha siya ng juice at inubos iyon.
"I have to go. Thank you sa meryenda." Tumayo na siya at lumabas na bahay ng binata. Tinungo niya ang kinapaparadahan ng sasakyan. Inihatid siya ni Sed ng tingin hanggang sa makasakay siya sa kanyang kotse.
"KUMUSTA ang pagkikita niyo ni Sed, anak?" Tanong ng kanyang tita Sonia. Kumakain sila ngayon ng late lunch sa isang restaurant sa Makati.
"Okay naman po." She smiled.
"May nalaman ka bang impormasyong tungkol kay Eliza?" She asked impatiently.
"Well, mayron naman, tita. Kaso konti lang eh." Tiningnan niya ang ginang. She noticed na naghihintay pa ito ng sasabihin niya. "Gusto ni Eliza, tita, na magka-baby raw sila."
Sumimangot ang ginang."Napakalanding babae talaga 'yon. At gusto pa niyang magka-anak sa anak ko? Ni hindi na niya naisip ang asawa niya. Hindi pa ba siya makuntento sa asawa niya," galit na sabi ng ginang.
"I asked him, tita, if he already introduced her to you and to tito pero hindi niya sinagot. Instead, tinanong niya ako. 'Yon nga, tinanong niya ang opinion ko tungkol sa gusto ni Eliza na magka-baby daw sila."
"Mabuti naman na hindi niya ipakilala sa amin ang babaeng 'yon. She doesn't deserve my son. Then, what did you tell him?" She hurriedly asked.
"Sabi ko, tita, na ikaw na lang ang tanungin niya. Since alam kong mas maganda ang maipapayo niyo," sagot niya.
"Hindi naman kaya naging obvious noong sinabi mong ako na lang ang tanungin niya?" Sonia asked again. Her face is a bit worried.
"Actually, tita, hindi naman eh. Kasi ang pagkakasabi ko ay ask your parents kako naman."
Napansin niyang naging kalmado si Sonia. "Thank you, anak."
Naku tita huwag niyo akong tawaging anak dahil baka masanay ako. Masarap pa namang pakinggan. Lihim siyang napangiti. Lalo na nang maalala niya ang biruan nila ni Sed kanina.
Sonia looked at her for a longer time and then she asked. "Hindi ba tinanong ng anak ko kung may boyfriend ka na? Or something about your personal life?"
A sincere smile curved her lips. Hindi na niya pinigilan pa ang pagngiti. Parang nahulaan naman agad ng ginang ang facial expression niya.
"Kita mo? Sabi ko sa 'yo eh. Madali mo lang painlabin sa 'yo ang anak ko," puno ng kumpiyansa na sabi ng ginang sa kanya. Maganda rin ang ngiti nito. Lumapit ito sa kanya. "Huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa kasal niyo."
Napatawa ang dalaga. "Tita naman. Very advanced po kayo. Baka mapurnada."
"Hindi 'yon mapurpurnada. I am so sure," the old woman assured. "Kita mo na anak, hindi pa man tayo kumikilos ay kapalaran na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kayo."
They both smiled bago sila um-order ng pagkain.