ILANG araw na rin ang nakalipas mula ng alukin si Celine ng nanay ni Sed para tulungan ito na mapaghiwalay ang binatang anak sa college sweetheart nitong kasal na sa ibang lalaki. Wala siyang ibang pinagsabihan sapagkat ayaw niyang may makaalam pang iba tungkol sa misyong gagawin niya kung tatanggapin man niya ang alok ng ginang. Ang sabi ng ginang ay ito ang mamasyal sa bahay nila. Mas safe sila kung sa bahay nila dahil walang makakarinig sa kanila. Hindi gaya sa bahay ng ginang na anumang oras ay maaring sumulpot ang anak nito.
Tinititigan ni Celine ang mga larawan ni Sed sa f*******:. Naisipan niyang i-stalk ito upang malaman niya ang mga ginagawa at pinagkakaabalahan nito sa buhay. Para na rin makumbinsi niya ang sarili. Napansin niyang hindi ito madalas mag-post sa f*******:. Kakaunti lang ang mga larawan nito. Pati mga status.
She stopped browsing when she saw one of his profile pictures. Napaisip si Celine. She stared a little longer at his photo.
Well, gwapo? Check! Kahit pa-side view ay ang gwapo pa rin talaga niya. Napakaganda ng matangos niyang ilong. May brain? Check na check! Tatawagin ba siyang software engineer kung walang utak? Sa pagkakaalam ni Celine, software engineers and IT experts are the highest paid in the world. So, kung magiging asawa niya ito ay hindi sila maghihirap. Napangiti siya sa naisip. At ang talino niya talaga. Nakapag-uploads na pala siya ng mga android apps sa playstore. Nalaman ni Celine dahil nabasa niya sa mga comments sa farewell post nito. In-upload kasi ni Sed ang isang recommendation letter mula sa kompanyang dati nitong pinagtatrabahuan. Syempre pati mga comments ay babasahin niya. So nabasa niya sa comment section din ang mga links ng mga ginawa na nitong app. Syempre, kilinik niya iyon. Isang Manila Clinic app ang ginawa nito. According to Googleplay, Manila Clinic Mobile application is used by doctors and patients in Manila Clinic to give convenience in making appointments ahead of time. It is created for patients to conveniently see their appointment status, with other friendly reminders and notifications.
Siya na ang dakilang stalker. Anyway, hindi naman nito malalaman dahil ma-ingat siya. Hindi niya nila-like ang mga posts ng binata.
Binalikan niya ang mga profile pictures nito. Ang hilig naman ni Sed ng sideview shots. Palibhasa maganda ang ilong. Well, maganda rin naman ang ilong niya. Pero aminado siyang mas maganda talaga ang ilong nito. Parang isosceles triangle. Ang guwapo. Sa isang profile pic nito ay nakasout ito ng pulang shirt. Kita ang adams apple nito sa larawan nitong pa-side view na nakaupo sa couch. His adams apple is so prominent na nakadagdag sa dating nito bilang lalaki. May maliliit na tumutubong balbas ito hanggang malapit sa tenga. Makapal ang kilay nito at ang pilik mata ay mapagdududahan mong pilik mata ng isang babae. Thick and long. Hindi naman nakabawas sa kakisigan nito dahil kaunti at di naman makapal ang mga balbas nitong tumubo. His lips seem so kissable. Nakangiti ito sa larawan. Hindi naman bungisngis kundi katamtaman lang. A man indeed. She stared at the likes and comments. 158 likes. 20 comments. He gained many likes even though kakaunti lang ang friends nito. He only have 483 friends. Ni hindi pa umabot ng 500. Kinuha niya ang cellphone at pinindot ang calculator. 158 divided by 483. Ang resulta ay 0.32. So meaning, 32 percent sa mga friends nito ang nag-like sa profile pic nito. Samantalang siya ay mahigit one thousand ang friends sa f*******: ngunit hindi umaabot sa one hundred ang likes niya. Well, she remembered there is once. In her filtered profile picture. She smiled bitterly. Siguro like ito ng like sa mga posts ng mga friends nito so they just return the favor. Ngunit bigla rin siyang napaisip. Pero pwede ring hindi at nagustuhan talaga ng mga friends nito ang larawan nito. Gwapo naman kasi. Anyway, eh hindi naman siya mahilig mag-like at mag-browse sa newsfeed. Siya rin lang naman ang nakikita niya. Kung hindi status tungkol sa magjowa na stay strong daw sila ay mga nagtitinda ng kung anu-anong pabango at pampaputi gaya ng Frontrow. Hindi naman niya kailangang magpaputi. Maputi na kaya siya.
She continued browsing his other profile pictures. All of a sudden, she found herself saving the profile pictures of Sed in her mobile phone. Zi-noom niya ang isang larawan nito na naka-sideview din na nakaharap sa mesa. May mga kubyertos at mga pinggang naroon. Siguro ay um-attend ito sa isang party kasama ang mga kaibigan nito. Dahil sa background nito ay kita ang mga kaibigan nitong lalaki. Pero bakit hindi ito nag-shave ng beard? Mas-pogi pa sana ito at mas batang tingnan kung clean shaved. Inilipat niya ang tingin sa iba pang bahagi ng larawan. Tinitigan niya ang mga kuko nito sa kamay. Well, malinis. Parang katatapos lang nitong gamitin ang nail cutter. Maayos tingnan.
Tigilan mo na ang pagtitig sa mga larawan niya at pagko-comment mo sa isip. Mamaya niyan ma-inlove ka ng wala sa oras. Celine thought to herself.
Sinuklay niya ang buhok at kinuha ang blower. Tutungo siya ngayon sa isang kliyenteng mag-asawa na nagpapatulong sa pagdidisenyo ng bahay ay kakausapin niya ang ginang. Nakapagdisisyon na siya. Tutulungan niya ito.
"MARE, magandang umaga." Narinig ni Celine na bati ni Sonia sa nanay niya. Matapos niyang tuyuin ang buhok ay lumabas na siya ng kanyang silid.
"Magandang umaga rin mare. Naparito ka?" Tanong ng nanay niya.
Ilang sandali itong hindi umimik bago sumagot. The old lady smiled hesitantly. "Eh nakakabagot sa bahay. Kaya naalala kong pasyalan ka."
Nababagot daw. For Celine knows, narito ang ginang para kumbinsihin siya.
Nasa garden ang nanay niya na nagdidilig ng mga tanim nitong bulaklak. May parte roon na magandang pagpahingaan habang hinihintay ng pagsikat ng araw tuwing umaga. Magandang lugar iyon habang nagbabasa ng umagang balita sa dyaryo at humihigop ng kape. Hindi rin maingay roon at hindi rin masyadong mainit kahit tanghaling tapat.
"Mabuti naman ako. Ikaw mare? Gusto mo bang magkape?" Tanong ng nanay niya. Sandaling lumingon ito kay Sonia bago itinuloy ang pagdidilig.
"Naku huwag ka ng mag-abala," maagap na tugon ni Sonia. "Nagkape na 'ko sa bahay."
"Ang ganda naman ng mga halaman mo, mare." Nagyayabang ang mga tanim ng nanay niya. Kulay pink at kulay dalandan ang mga Bougainvillea na tanim nito. Mayroon din itong tanim na ground orchids at vine orchids.
Nilapitan ni Celine si Sonia na nakaupo sa silya malapit sa hardin. Nasa kamay niya ang tinimplang kape. Bago siya nagtungo roon ay sumaglit siya sa kusina upang magtimpla ng kape. She couldn't start the day without a cup of coffee. Nginitian niya ang ginang na nakangiting tinanguan siya. Naupo siya sa silyang katabi nito.
"Sabi ko nga kay nanay, tita, na iporma niyang entrance gate yang Bougainvillea sa harap. Parang 'yong mga entrance door ng reception sa kasal."
Sa pagkakabanggit ng kasal ay napunta sa kanya ang atensyon ng ina. "Kailan mo ba balak ikasal, anak? Aba'y bente tres mo na. Hindi ka pa rin nagkaka-boyfriend uli," ani Laila.
Ang ina niya ang laging nagre-remind sa kanya na hindi na raw siya bumabata. Bente tres pa lang naman niya. Saka na siya mag-aasawa. Kapag dumating na ang kanyang prince charming. Kung hindi si prince charming, 'yong knight in shining armor na lang niya. Mayron pa bang gano'n ngayon? Meron pa. "Darating din 'yon mama," kalmanteng sabi niya. Makahulugang sinulyapan niya si Sonia. "I think I can help you, tita," she said with an encouraging smile.
Naiwan sina Sonia at Celine sa may hardin. Nagtungo na ang ina ni Celine sa loob ng bahay para magluto ng pang-umagahan kaya malaya silang nakakapag-usap ng ginang.
"Anong kailangan mo, anak? Money? Career? Promotion? Name it. I can give you anything just help me please. Nakakahiya ang mga ginagawa na anak ko. Hindi naman masama na kayo ang magkatuluyan in the end, 'di ba? You've known each other for years," saad ni Sonia.
Infuencial na tao ang mga magulang ni Sed. Kaya mahalaga sa mga ito ang reputasyon sa publiko. May-ari ng isang pharmaceutical company ang pamilya ni Sed sa father side. Kilalang doktor ang ama nito. Ang nanay ni Sed na si Sonia ay anak ng gobernador. Nasa angkan ng ginang ang politics. Ang mga auntie at uncle ng binata sa mother side ay mga tagapanguna ng mga bayan sa Ilocos Sur. Kaya madali lang para sa ginang na i-recommend ang promotion niya sa kompanyang pinagtatrabahuan niya ngayon. Power can do everything.
"Ayokong malaman ng mga tao na nakikipagkita pa rin si Sed sa babaeng may asawa. It's time for him to move on. Please, let him see that he deserves someone like you. Someone better. Someone who is unattached. Wait, do you have a boyfriend?" Sonia asked.
Umiling siya.
Parang pinakinggan ng langit ang mahinang usal ng panalangin ni Sonia. "Thank God."
"Kahit wala naman kapalit, tita, tutulungan ko pa rin kayo."
"Thank you, Celine. Hulog ka ng langit. So ano papayag ka na?"
She nodded.