"PUMAYAG ka na sa offer ko, hija," nakiki-usap na sabi ng ginang. "Isipin mo na lang na ito ang paraan para matulungan mo si Sed. Hindi ba magkaibigan naman kayo? Kaya madali na lang para sa 'yo na maibaling sa 'yo ang atensyon niya," patuloy na pangungumbinsi ng kanyang tita Sonia.
"Eh tita, hindi naman po kasi ganun kadali 'yon," may pag-aalinlangang sabi niya.
Kausap ngayon ni Celine ang ina ni Sed na si ginang Sonia sa dining area ng bahay ng mga ito. Magkaibigang matalik ang nanay ni Sed at ang nanay niya. Tinawagan siya ng ginang dahil may importante raw silang pag-uusapan kaya naroon siya ngayon sa bahay ng mga Aguirre. Kailangan ang tulong niya.
"Please, Celine. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin. Alam mo namang laging busy si Sed. Kanino ko naman siya ipapakilala? I'm sure hindi niya 'yon papansinin. Sa sobrang busy ba naman niya. Nagwo-worry na talaga ako, hija. "
Pagak na natawa ang dalaga. "Ay, si tita Sonia talaga. Wala lang pala kayong choice," kunwa'y nalulungkot na saad ni Celine.
"Hindi naman sa gano'n, hija. Pero parang ganon na rin," pabirong sabi ng ginang. Nanulis ang nguso ng dalaga sa narinig.
"Seriously, ikaw ang nakikita kong suitable sa kanya. Look at you. Your educated, young, strong and beautiful."
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Celine. Infairness, magaling mambola si tita. "Bumabawi lang kayo, tita, dahil sa unang nasabi niyo," pangontra niya sa pagbibigay nito ng compliments. Maganda ang samahan nila ng tita Sonia niya. Kapag wala itong trabaho sa bahay ay madalas itong mamasyal sa bahay nila. Naalala pa nga niya na noong bata pa siya'y lagi itong may dalang Milkita lollipop para sa kanya. Hindi dentista ang mama niya ngunit maingat ito sa mga ngipin niya kaya pili lang ang mga ibinibigay na candies sa kanya noon. Minsan, dinadala nito si Sed para may kalaro siya habang nagchichikahan ang mga ito. Ngunit hindi naman sila gaanong nagkakapaglaro noon ni Sed dahil girly siya kaya mga pambabae tulad ng manyika ang kadalasang nilalaro niya. Mga laruang kotse naman ang lagi nitong bitbit kapag nagpupunta ang mga ito sa bahay nila. Gayunman, naging magkaibigan pa rin sila ngunit ng magkaroon na sila ng kanya-kanyang trabaho ay hindi na sila laging nagkikita.
"Pero tita Sonia, iba na kasi ngayon. May sarili na siyang buhay. May sarili na siyang trabaho. Hindi na kami bata," patuloy niyang paliwanag.
"Kailangan mo ba ng pera? Pwede kitang suhulan," desperadang sabi pa nito.
"Nakaka-hurt na kayo, tita ah. Kanina feeling ko no choice lang kayo. Ngayon naman sasabihan niyong baka kailangan ko ng pera. Hindi naman po ako gold digger."
"Hindi naman sa gano'n, anak. I know that you don't need money. Pero anong maibibigay ko para pumayag ka lang?"
"Hmmm. Pag-iisipan ko, tita."
Parang nakahinga ito ng maluwag. "For now, that's good to hear. Magmeryenda muna tayo," wika ng ginang sabay alok ng sandwich at juice sa kanya.
Narinig niyang may mga yabag na nagmumula sa hagdan palapit sa kinaroroonan nila. Nakita niya si Sed, ang anak ni Sonia sa may pintuan ng dining area. Nakasuot ito ng gray polo shirt at cargo pants. Pasado ala-una na ng mga sandaling iyon. Papasok siguro ito sa trabaho. Pero bakit ganoon ang suot nito?
Umaliwalas ang mukha ng kababata ng masilayan siya. "Uy, Celine, narito ka pala."
Ngumiti siya. "Oo. Kumusta na?"
"Ayos lang. Ikaw?" Balik tanong ni Sed.
"Maayos din."
Sandaling nag-isip ito at kumunot ang noo. "Bakit narito ka?"
"Napasyal lang," tipid niyang sagot.
"Napasyal lang," ulit nito sa sinabi niya saka muling ngumiti. Binalingan nito ang ina. "Mi, alis na 'ko."
Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng binata habang kausap nito ang ina. Gwapo ito at matipuno ang katawan. Bakat ang suot nitong gray polo shirt. Maganda ang tindig nito na sa tingin niya ay nasa limang talampakan at sampung pulgada.
"Sige, anak. Mag-iingat ka," wika ni Sonia.
Magkasamang sinundan ng tingin nina Celine at Sonia ang nakatalikod at palayong pigura ni Sed.
"Ngayon pa lang siya papasok, tita? Hindi ba 8 to 5 ang pasok niya?" Nagtatakang tanong ni Celine kay Sonia nang makitang wala na sa pintuan si Sed.
"Hindi. Maganda ang performance niya sa pribadong software company kung saan siya nagwo-work ngayon. Kaya binigyan siya ng pribilehiyo na pumasok anytime. Basta makumpleto lang niya ang anim na oras every working day."
"Ah. Ano na po 'yong pangalan ng company?" Tanong niya.
"AlgoBina Technology. Kumplikado at kailangan ng dibdibang konsentrasyon ang trabaho niya. Aywan ko ba sa batang 'yan. Naging stress reliever na ata niya si Eliza," malungkot na sabi ng ginang.
Si Eliza ang ex girlfriend ni Sed. Sa pagkakaalam ni Celine ay limang taon din ang relasyon ng dalawa. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay ayaw ng pamilya ng babae kay Sed kaya hindi sila maaring ikasal. Ipinakasal si Eliza sa childhood friend nito na si Peter. Sa palagay ng dalaga ay ayaw pang maitali ng kababata niya dahil napaka-workaholic nito at maraming pangarap sa buhay.
"Oh ano, pumapayag ka na ba?" Nakangiti at puno ng pag-asang tanong ng ginang. Marahil ay napansin nito ang paghagod niya ng tingin sa binata.
"Well, hindi maikakaila na pogi si Sed, tita. I'm sure kahit sino po ay mapapayag niyo sa inaalok niyo sa akin," aniya habang nakatuon pa rin ang paningin sa pintuan kung saan ito naglakad palayo.
Naglaho ang ngiti at pag-asa sa mga mata ng ginang. "'Yon na nga. Kahit sino. Kaya nga ikaw ang naisip ko."
"I don't want to say no, tita Sonia because I know the feeling. Kaya pag-iisipan ko po," tapat niyang sabi. She smiled sincerely.
"Nagkikita pa rin sila ni Eliza hanggang ngayon. Napakatigas ng ulo ng batang 'yan. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko." Napahawak ang ginang sa noo.
Nalungkot ang dalaga sa narinig. Ramdam niya ang hinanakit ng ginang. "Wala po ba siyang nililigawan?" With his looks and personality, madali lang itong makakahanap. Nakapag-aral naman ito so hindi issue ang educational attainment.
"Wala. Nakapa-busy niya sa trabaho. Kaya pumayag ka na, hija," patuloy na paki-usap ng matanda.
"Nasabi po ba niyo ito kay mama?" Naisip niyang itanong. Friends forever ang mama at ang tita Sonia kaya sa tingin niya ay kailangang ipalam iyon sa mama niya.
"Hindi. Kailangan ko pa bang sabihin?" Tanong ng ginang.
"Huwag na po. Give me one week, tita."
"Salamat, Celine!" Anito sabay yakap sa kanya.
"Teka lang, tita. Hindi pa po ako pumapayag," paglilinaw niya.
"Alam kong papayag ka. Ayaw mo ba akong maging mother-in-law?" Nakangiting tanong nito.
"Byenan agad tita?" Natatawang sabi niya. "Wala pa ngang nangyayari." Napaisip si Celine. Well, gwapo? Check! Good genes? Check na check!
"Anong wala pang nangyayari?"
Nagulantang si Celine pagkarinig sa tinig na iyon. Nakatalikod siya sa may pinto at magkaharap silang nag-uusap ng ginang kaya ito ang sumagot sa tanong ng lalaki.
"'Yong.. 'Yong pinagawa kong galanera sa furniture shop hindi pa nayayari. Bakit ka pala bumalik. May nakalimutan ka ba?" Pag-iiba nito sa usapan.
"Saan mo na naman ilalagay 'yong galanera, 'mi? Punong-puno na nga ang bahay," salubong ang kilay na sabi ni Sed. His expression suddenly changed. Naging kalmado ito. "'Yong isang phone ko, mi, nakita mo ba?" Nasa tono ng binata ang pagmamadali.
"Tingnan mo sa kwarto mo. Nandon lang 'yon," sagot ni Sonia.
"Thanks, Mi."
Pagtalikod nito ay muling bumaling ang ginang sa dalaga. "Muntik na tayo don," mahinang sabi ng ginang.
Ngumiti si Celine. "Kaya nga po, tita," mahinang sang-ayon niya. Inayos niya ang kanyang buhok at isinukbit ang kanyang sling bag. "Mabuti pa tita mauna na po ako."
Tumango ito. "Pag-isipan mong mabuti ha?"
"Opo."
"SAAN ka pupunta?" Tanong ni Sed pagkakita kay Celine na nakatayo sa labas ng bahay nila. Pinagmasdan niya ang dalaga habang abala ito sa paggamit ng cell phone. Lumipas man ang panahon ay hindi kumukupas ang kagandahang taglay ng kanyang kababata. Mas bata ito sa kanya ng tatlong taon. Maayos na nasuklay ang nakalugay nitong buhok na umabot hanggang balikat. Natural at halatang hindi ginamitan ng gamot pang-rebond ang kulay itim nitong buhok. Wala itong make-up maliban sa lipstick. Nakasuot ito ng white blouse, skinny jeans and a low heeled sandal. May maliit itong sling bag na nakasukbit sa balikat nito na sa hula niya ay hindi magkakasya kahit ang pinakamanipis na notebook. Lipstick at cellphone lang ba ang laman ng petite nitong bag? "Hatid na kita," kaswal na alok niya.
Nagulat ito sa sinabi niya. "Hindi ba nagmamadali ka? Matatagalan ka kung ihahatid mo pa ako," tanggi nito.
Tumingin siya sa suot na relo. "Maaga pa naman. Don ka pa rin ba bahay niyo nakatira?" Tanong niya.
Umiling ito. "Bumukod na 'ko."
"Okay. So saan kita ihahatid?" Tanong niya. Ang totoo ay alibi lang niya iyon. Gusto talaga niyang malaman kung paano na ang buhay nito. Nakita niyang tumingin ito sa relo sa bisig.
"Alas dos na ng hapon. Mahuhuli ka na sa trabaho mo."
"Come on, Celine. For old to time's sake, ngayon na lang uli tayo nagkita," he insisted.
"Tatawagan ko na lang si manong Reynante," patuloy niyang tanggi.
"Iistorbohin mo pa 'yong driver niyo. Baka natutulog 'yon ngayon. Hapon pa naman," he said while staring at her.
Tumitig ang dalaga sa kanya. Nginitian niya ito.
"Sige na nga." Ngumiti rin ito.
"Hintayin mo 'ko. Ilalabas ko lang 'yong kotse."
Abala sa pagte-text sa kaopisina si Celine kaya nagulat siya ng may marinig na busina. Bumukas ang bintana ng kotse.
"Tatayo ka na lang ba riyan at magte-text?" Pukaw ni Sed sa atensyon ni Celine.
"Nandiyan ka na pala," mabilis na lumakad patungong passenger's seat ang dalaga. Pagdating niya ron ay nakabukas na ang pinto ng kotse.
"Thanks," aniya ng makaupo na.
"Ano nga palang pinag-usapan niyo ni mommy?" Tanong ni Sed habang binabagtas nila ang kahabaan ng Araneta avenue.
"Ah... Wala. Nangumusta lang," anito.
"'Yon lang 'yon?" Sandaling lumingon siya sa dalaga bago muling itinuon ang paningin sa kalsada.
"Oo," tipid nitong sagot.
"Ano na nga palang trabaho mo?" Tanong niyang muli para magbukas ng usapan.
"Interior designer," sagot ni Celine.
"So pwede mong ayusin ang mga disenyo sa bahay ko."
Tipid na ngumiti ang dalaga. "Oo naman. Kontakin mo lang ako."
May dinukot ang binata sa bulsa. "It's been years. Ang tagal nating hindi nagkausap. Can I get your number? Para ma-contact na rin kita." Ibinigay niya ang cellphone sa dalaga. Alibi lang niya uli iyon dahil ang totoo ay gusto niyang magkaroon sila ng komonikasyon ng dalaga. Perhaps he is attracted to her without even knowing it.
"Oo naman." Kinuha ni Celine ang cellphone niya at nag-type ng numero.
"Paki-save na rin. Pakilagay 'yong pangalan mo at apilyedo."
"Okay na. I put my name Celine Almazan."
"Thank you. Kakaliwa ba tayo o kakanan?" Tanong ng binata. Malapit na sila sa condo unit niya.
"Kanan. Pakitabi na lang diyan sa harap ng JCL Homes," ani Celine nang makita nila ang building na parang nakikipaligsahan sa taas sa mga katabi nitong gusali at establishments.
"BAKIT ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaopisina ni Sed na si Jerry pagkarating niya ng opisina. Napalingon siya sa suot na relo. Mag-a-alas tres na ng hapon. Supposed to be ay few minutes bago mag-ala una ay dapat nasa opisina na siya.
"May inasikaso lang ako. Emergency," pagpapalusot niya. Pagdating niya sa cubicle niya ay agad niyang binuksan ang laptop na bigay ng kompanya.
"Kanina ka pa hinahanap ni boss." Abala ito sa pagtipa ng computer nito.
"Lumingon siya sa paligid ng opisina. "Nasaan siya?" Tanong niya.
"Naroon sa office niya," ani Jerry. Hininaan nito ang boses. "Mainit ang ulo niya."
"Natapos mo na ba 'yong pinagawa niyang mobile app?" Mula sa pagtitig sa laptop ay nilingon siya ni Jerry.
Umiling siya. "Pero malapit ko ng matapos," aniya bago tumayo upang kausapin ang kanyang employer. Nasa pintuan na siya nang muling magtanong si Jerry.
"Wait, pare. Paano mapapaikli ang size ng application? May plug in ba para sa android studio?" Sunod-sunod na tanong ng kaopisina. Nakaharap na ito sa computer at wala ang mga paningin sa kanya.
Senior android developer ang posisyon ni Sed sa kompanya. Bago siya natanggap bilang senior developer ng kompanyang AlgoBina Tech ay naging junior android developer siya ng tatlong taon sa dalawang magkaibang software company. Isang taon siya sa BetaLabs at nang matapos ang kontrata niya ay nag-aplay siyang muli sa ibang kompanya. Sa awa ng Diyos ay natanggap siya sa MegaAlpha Tech. Naging mabait ang mga seniors niya kaya marami siyang natutunan. Doon nahasa ang skill niya sa paggawa ng mga mobile applications. Gayunman, hindi naging madali ang mga unang araw niya sa trabaho noong fresh graduate pa lamang siya. Naranasan niyang masigawan ng katrabaho dahil sa kawalan ng ideya kung paano gumawa ng applications. Sa edad niyang bente sais, ay mayroon na siyang apat na mobile applications na naka-upload sa GooglePlay. "Gamitin mo yung ProGuard," sagot niya. Hinawakan na niya ang doorknob ng muling magtanong ito.
"Paano gamitin 'yong ProGuard?" Tanong muli ni Jerry. Si Jerry ay bagong tanggap lamang kaya hindi pa ito eksperto sa paggawa ng mobile applications. Junior android developer ito.
"I-browse mo yung developer.android.com. Makikita mo ron. O kaya using blog.mindworks.com," he instructed. Puyat at sakripisyo ang puhunan sa trabaho nila. Hanggang hating gabing pag-o-overtime. Minsan pa nga ay inaabot ng madaling araw. Maliban pa roon ang kalimitang pananakit ng ulo at paggamit ng may gradong eyeglasses dahil sa halos buong araw na pagbabad sa computer.
Ngumiti si Jerry. "Thanks."
"Pwede mo ring i-convert 'yong app from Java to Kotlin. Use android studio 3. It has property that converts your code from Java to Kotlin, Kotlin to Java. You can convert images using webp. Pinapaliit non ang size hanggang fifty percent."
Nag-thumbs up si Jerry kaya itinuloy na niya ang paglabas ng opisina.