Chapter 12

3399 Words
PUMASOK sina Sed at Celine sa isa sa mga guest room. Walang laman ang unang guestroom na pinasok nila. "Ikaw na ang bahalang mag-design dito. Ang guest room na ito ay para sa babaeng bisita. Ikaw na ang bahala since babae ka naman so you know kung ano ang appropriate. Ipakita mo na lang sa akin ang sketches mo," ani Sed habang pinagmamasdan ang kabuuan ng silid. "Sige. Kung iyan ang desisyon mo," wika ni Celine. "Kukuhanan ko ng larawan para sa bahay ko na lang gawin ang sketches." "Sige." Itinuloy ng dalaga ang pagkuha ng mga larawan sa silid bago nila tinungo ang ibang guest room. "Halika. Silipin natin ang kabilang guest room." Magkapareho ang sukat ng dalawang guestrooms. "Itong kuwarto na ito ay para sa lalaking bisita." Tumango siya. "May suggestions ka ba tungkol sa furnitures na dapat ilagay? Ang balak ko sana minsanan na lang ang pagde-design then isusunod na lang ang pagpipinta ng dingding at pagbili ng mga furnitures at house accesories. Para habang ginagawa ito, doon muna ako sa bahay sa Quezon City mamamalagi." "Pwede naman. Ikaw ang bahala," ani Celine. Inabot ng mahigit isang oras ang pagdidiskusyon nina Sed at Celine tungkol sa mga furnitures at accesories ng panlalaking guestroom. Nang masigurong maayos na ang lahat ay itinuloy na nila ang pag-aayos ng kusina. "Sino ang nagplano ng pad mo?" Tanong ni Celine sa binata habang pababa sila ng hagdan. "Maganda ang pagkakaplano niya." "May kaibigan ako nong high school. Engineer na siya ngayon. Si Lemuel Marasigan." Tumango si Celine. Nagtuloy siya sa pagbukas ng fridge. "Kumain muna tayo bago natin ayusin ang kitchen," aniya. Feeling at home siya dahil hindi na siya nagpaalam sa binata nang buksan niya ang fridge. Sinulyapan niya si Sed nang mapansin niyang parang hindi nababawasan ang laman ng fridge nito. Punong-puno ng pagkain. Mga processed foods, veggies and fruits. "Kumakain ka pa ba?" Tanong niya. "Oo naman. Bakit?" "Napansin ko lang. Parang di naman nababawasan ang laman ng fridge mo." "Hindi ako madalas kumain," sagot niya. "Pag namamasyal dito si mommy ang dami niyang dala. Hindi ko naman nauubos lahat." "Okay. Anong gusto mong meryenda?" Nagkibit-balikat ito. "Kahit ano diyan. Ikaw na ang bahala." Nasulyapan niya ang dalawang bote ng Carlo Roussi at isang bote Novellino sa fridge. May mga eggs rin. Kumuha siya ng apat na piraso ng itlog. She will make sunny side up eggs for their egg sandwich. Dapit hapon na ng matapos ang pagdidisenyo ng bahay ni Sed. Ang iba pang bahagi ng bahay ay tinapos na nila. Sa mga susunod na araw ay sasamahan ni Celine ang binata sa pagmimili ng furnitures at house decorations. Tutulungan niya ang binata na makahanap ng mapipintura ng dingding ng pad nito. Nakaramdam ng lungkot ang dalaga dahil hindi na niya makikita si Sed ng madalas. Pero sana pagkatapos ng bahay nito ay magkaroon pa rin sila ng komonikasyon. Sweet ang binata sa kanya pero ayaw niyang bigyan iyon ng ibang kahulugan. Their friends pero sa tuwina'y nahiling niyang sana umabot sa higit sa pagkakaibigan ang patutunguhan ng kung anuman ang meron sila. Para saan pa ang ginagawa ni Sed na pang-aakit sa kanya? Di ba nga sinabi nitong magpapakasal sila two to three years from now? "I'll drive you home," Sed offered. She smiled a little. "Thank you." "HINDI ka na papasok sa bahay?" Tanong ni Celine kay Sed nang pagbuksan siya ng pinto ng kotse. Nag-uusap sila sa tapat ng bahay ng mga magulang niya. "Hindi na. Marami pa akong aasikasuhin sa bahay ko," sagot ni Sed. "Okay. Ikaw ang bahala." Tinungo niya ang silid. Naulinigan niya ang pag-uusap sa kusina kaya sumilip siya. Nakita niya ang ina at si Sonia na nag-uusap. Naalala niya ang balak ng pakikipag-usap kay Sonia na naantala ng ilang araw. This is the perfect time para kausapin ito. Lumingon sa kinaroroonan niya ang ina. Umaaliwalas ang mukha ng ina niyang si Laila pagkakita sa kanya. "Umuwi ka pala, anak. Hindi ka nagsabi." Lumapit siya at nagmano sa dalawang ginang. "Oo, ma. Dito ako uuwi ngayon." Binalingan niya si Sonia at ngumiti. "Magandang gabi, tita." Tumango si Sonia. "Magandang gabi naman." "Magbibihis lang po ako." Itinuloy niya ang pagpasok sa silid. Matapos makapagpalit ng damit ay tinext niya si Sed. Nakauwi ka na? Narinig niya ang pagtunog ng kanyang cell phone after a minute. Yes babe Magre-reply pa lang sana si Celine pero tumawag na ang binata. "Hello, my dear Sed." "Good night, baby. You're kiss made my day complete." She chuckled. "What? I didn't kiss you." "Yes. You don't. So kiss me. It will make my day fully complete. Can you give me good night kiss?" Humagikigik siya. "Okay. I can give you. But how can I give you?" "Give me a sound kiss, babe." "Okay. Muaah." Hinalikan niya ng may tunog ang cell phone niya. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. She heard him kissing back. Marami. Hindi lang iisa. "I am kissing you back. Muah, muah, muah, muah." Muli siyang tumawa. "Hmm...Why so many kisses?" "Don't you like my kisses?" "Of course I like your kisses." Pero mas maganda kung totoo. "Okay, babe. Good night." "Good night, Sed. Sweet dreams." Lumabas siya ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Sinilip niya ang kanyang ina at ang si Sonia sa kitchen. Ang ina na lamang niya ang naroon. Linapitan niya ito. "Anong niluluto mo, ma?" Tanong niya. "Ulam. Pinagluto ko ang papa mo para mamayang pagdating niya ay kakain na siya. Siya nga pala malapit na ang birthday mo, anak. Saan mo gustong mag-celebrate? Gusto mo bang pumunta tayo sa beach?" "Huwag na, ma. Maghanda na lang tayo dito sa bahay. Wala naman akong gaanong bisita." Hindi mahilig sa big parties si Celine. Ayaw niya ng maingay at labis-labis na pagsasaya. Pili ang mga bisita niya tuwing ipinagdidiwang niya ang kanyang kaarawan. Ayaw niyang may mga umiinom ng alak sa tuwing may okasyon sa bahay nila. Baka iyon pa ang magsisimula ng gulo. "Ikaw ang bahala, anak." "Dito na lang po sa bahay. Si tita Sonia po?" "Nasa sala, anak. Nanonood ng TV." Tinungo niya ang living room at naabutan niya si Sonia na kumakain ng cookies habang nanonood. Sinulyapan siya ng ginang ng naramdaman ang presensiya niya. "Oh, Celine. Nandito ka pala. Dito ka na ba umuuwi?" Umiling siya. "Hindi, tita. Ngayon lang uli." Naupo siya sa tabi ng ginang. Ngumiti ito. "Kumusta na kayo ng anak ko?" "Okay naman kami, tita," malaki ang ngiti na sabi niya. DAYS have passed. Lumipat na si Sed sa bahay ng mga magulang sa Quezon City dahil sinimulan na ang pag-aayos ng bahay niya. Sa kasalukuyan ay pinipinturahan ang dingding ng bahay niya sa Cavite. Inaayos din ang bathroom ng kuwarto niya. Patuloy siyang tinatawagan ni Eliza sa phone ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Why would he? Celine is right. Eliza is a married woman. Bago umuwi sa bahay ng mga magulang ay dumaan siya sa Greenbelt para bilhan ng regalo ang kasintahan. Birthday ni Celine ngayong araw at gabi ang selebrasyon. Tuwing weekends ay sinasamahan siya ng kasintahan para bumili ng mga gamit sa bahay niya. Ini-start niya ang kotse at binagtas ang daan patungo sa bahay ng mga magulang ni Celine. Miss na niya ito. Gusto niya itong mayakap at mahalikan. Pagdating sa venue ay nakita niya ang iilang tables ang nasa paligid ng malaking bahay. Ang nanay ni Celine ang sumalubong sa kanya. Ngumiti siya. "Hi, tita. Good evening," aniya. Lumapit siya sa ginang at humalik sa pisngi nito. "Good evening too, hijo." "Si Celine, tita?" Magalang na tanong niya. "Nasa laba, Sed." Inilibot niya ang tingin sa malawak na paligid ng bahay. Nakita niya ang dalaga na kausap ang isang babae. Sumulyap ito sa dako niya. Nakita niyang may sinabi ito sa babaeng kausap bago patakbong lumapit sa kanya. Niyakap niya ito. "Hi. Happy birthday, baby." Bitbit niya sa kamay nag naka-paper bag na regalo niya sa kasintahan. Tumingala si Celine. "Thank you. Where's your gift?" "Here." Napasimangot si Celine ng makita ang naka-paper bag na regalo ni Sed. Sana naman pinabalot niya ng maganda at pinalagyan ng ribbon. "Hindi mo man lang binalot?" Hindi na maitago ang inis sa tinig niya. "Bakit ko pa ibabalot. Isusuot mo din naman agad," katwiran ng binata. Nagsalubong ang kilay niya. "Isusuot agad? Ano bang regalo mo? Still you should make it at least presentable." Tumawa siya. "Presentable 'yan. Tingan mo." Iniaabot nito ang regalo. "Ayoko," matigas na tanggi niya. Bumitaw siya sa pagkakayakap nito at naupo sa bakanteng silya. Nasa madilim na bahagi sila kaya walang nakakapansin sa kanila. Sumunod itong naupo. "Baby, huwag ka ng magtampo. Kunin mo na, please?" "Yan ka na naman eh. Sa pa-please please," nakabusangot na sabi niya. "Babe, busy lang ako sa trabaho. Pasensya ka na," anito at hinawakan ang kamay niya. Inilatag nito ang paper bag sa kamay niya. "Ano 'to?" Masungit niyang tanong. "Silipin mo." "Nang-utos pa," nakairap niyang sabi. "Tignan mo na," nakiki-usap na sabi ni Sed. Wala sa loob na pinakinggan niya ang sinabi nito. Binuksan niya paper bag. Kulay red na bikini ang laman ng paper bag. Masungit na sinulyapan niya ang binata. Nakangiti ito. Nakuha mo pang ngumiti? Malantod ka talaga! "Did you like it, darl?" Tanong nito ng mapansing nakatitig siya rito. "No," deretsang sabi niya. "Why?" Walang kangiti-ngiting tanong nito. "Paano mo naman nalaman ang size ko? Nanghula ka?" She asked. "Hindi. Sabi kasi ng saleslady okay daw 'yong bra kahit anong size. May adjustment daw 'yan sa hook at lock," paliwanag nito. "Ayaw mo ba?" Tiningnan niya ito sa mata. Hindi siya nagsasalita kaya nagpatuloy ito. "Kahit na hindi 'yan sale sa Greenbelt, binili ko pa rin para sa 'yo." Lumabi siya. "Ganon? Thank you, ha." "Joke lang, babe. Ikaw naman binibiro lang kita, eh." Binuhat nito ang upuan at inilapit sa kanya. Iniyakap nito ang mga braso sa kanya. "Hindi nakakatawa. Tanggalin mo nga 'yang mga kamay mo." Dahil sa sinabi niya ay lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Babe, may sasabihin ako." "Ano?" "Isuot mo na 'yang regalo ko. Tara sa kwarto," bulong nito sa kanya. Napakainit ng hininga nitong dumaloy sa tenga niya hanggang leeg at balikat. Sapilitang tinanggal niya ang mga braso nitong nakayakap sa kanya. Malalagot siya kapag nakita sila ng nanay niya. Kinurot niya ito ng pino sa tagiliran. "Tumigil ka." "Aray. Celine naman," reklamo nito. Tumayo na siya. Aasikasuhin niya ang mga bagong dating niyang bisita ngunit napigilan siya ni Sed dahil iniyakap nito ang mga kamay sa baywang niya. Can you please stop being so clingy? "Babe, I need to entertain my visitors," malumanay na sabi niya. "Mamaya mo na ako yakapin." Pinisil niya ang matangos nitong ilong. "Sabi ko pa tanggalin mo itong balbas mo." "I forgot, baby. Sorry." "Bitawan mo muna ako, darling. Kailangan ko pa silang asikasuhin," aniya. "Bayaan mo sila. Nami-miss nga kita. Hindi mo ba ako nami-miss?" "Nami-miss syempre. Kahit walang balot ang regalo mo." He chuckled. "Baby, sorry. Nanggaling pa kasi ako sa trabaho. Okay just one kiss. Please?" Paki-usap ng binata. Hinarap niya ito at binigyan ng damping halik sa labi. Ngunit niyakap siya ni Sed kaya naging malalim ang halik. "Thanks, babe." Akmang tatayo na siya ng bigla siya nitong pinigilan. Hinwakan nito ang braso niya. Nagtatakang sinulyapan niya ito. "Babe, I am hard again." Naguluhan siya sa sinabi ni Sed. "Ano?" "I am hard." Kinuha nito ang kamay niya at inilapit sa pagitan ng mga binti nito. "Here." Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ni Sed. Mabilis niyang tinanggal ang kamay. "Ano ba, Sed? Masyado kang malibog," aniya. "It's true. Everytime I am with you, it became hard." "Stop, please. I don't want to hear." "You are very shy, darling. Baka mahihiya ka pa rin sa akin pagkatapos ng kasal natin?" Tanong ni Sed. Kinilig si Celine nang marinig ang sinabi ni Sed na kasal nila. "Hindi. Hindi na. Pupunta na ko ron. Di ka ba sasama?" Tumayo na ito. "Sasama. Tara na." Magkaharap na kumakain ng dessert sina Sed at Celine. Tumayo si Sed. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Celine sa binata. "Iihi. Maiwan muna kita." "Sige." Nasulyapan niya ang nakalapag na cellphone nito. "Can I borrow your phone? Ipapasa ko lang 'yong mga picture natin nung nasa museum tayo." "Sige." While browsing their photos on their last date, her mom called her. "Celine! Narito na ang mga kaopisina mo." Maagap na pumasok siya ng bahay upang salubungin ang mga bisita niya. "Happy birthday to you." Sabay-sabay na bati ng mga kaopisina niya. Naroon sina Anthony, Nina at ang iba pa niyang kaopisina. Ngumiti siya at nagpasalamat. "Happy birthday," bati ni Nina na inabot ang malaking regalo sa kanya. Sinamahan niya ang mga ito sa isang lamesang ni-reserve niya sa bakuran ng bahay na exclusive for them. Katabi niyon ang iniwan niyang table nila kanina ni Sed. "Thank you, Nina," aniya. Sumunod na lumapit si Anthony. "Happy birthday," nakangiting sabi nito. Ibinigay nito sa kanya ang maliit na kahon na maganda ang pagkakabalot at may ribbon na pula. "Thank you, Anthony." May tumikhim sa likuran niya kaya lumingon siya. "Mga bisita mo?" Tanong ni Sed. "Oo. Halika. Ipaakilala kita," aniya na hinawakan ang braso nito. "Anthony, Nina, this is Sed. Sed, this is Nina. The other one is Anthony." Unang inilahad ni Anthony ang kamay kay Sed. "Nice to meet you, bro," nakangiting sabi ni Anthony. "Nice to meet you too. Are you also an interior designer?" Tanong ni Sed. "Nope. I'm a civil engineer. Are you an engineer?" Balik tanong ni Anthony. "In a way, yes. A software engineer. I studied pre-engineering before I took up computer science. How do you know by the way?" Nagkibit-balikat si Anthony. "I just felt. I think we have something in common." Ngumiti si Anthony kay Sed bago makahulugang ngumiti sa kanya. "See you around, Celine. Happy birthday," ani Anthony bago muling bumalik sa upuan. "So you are Sed?" Sandaling sinulyapan siya ni Nina at pinagalaw ang isang kilay. "I think Celine has been talking about you." Inilahad ni Nina ang kamay. "I am Celine's friend. Nina dela Rosa. Just call me Nina." "Nina. Got it. Pleased to meet you." "So am I," nakangiting sabi ni Nina. "ANTHONY is your friend?" Tanong ni Sed kay Celine nang mapagsarili sila sa isang mesa matapos ang ilang pagpapakilala at pagbati sa dalaga. Ang lahat ay nagkakasiyahan. Magkasalo sila sa iisang mesa. Pareho silang nakahawak ng wine. "Yes. He's been my friend the first time I was hired. Why?" "He said he thought we have something in common," "May gusto ba siya sa 'yo?" Her face expressed confusion. "Anong klaseng tanong 'yan?" "Iba mga tingin at ngiti niya sa 'yo," anito. Lumagok ito sa hawak na kopita ng alak. "Ganyan lang talaga si Anthony," wika niya. Nilingon niya si Anthony sa kabilang mesa. Masayang nakikipag-usap ito kay Nina. "May girlfriend 'yan." "Nasaan ang girlfriend niya? Bakit di niya kasama?" "Nasa Canada. Nagwowork doon si Nympha. Nurse," sagot niya. "Nasa Canada naman pala, eh. Kaya pala." Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "What do I mean?" Ulit nito. "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mong kaya pala?" "Darl, listen to me." Matamang nakatingin sa kanya si Sed. Sinalubong niya nang pagtitig nito. "I am listening," aniya. Sumandal siya sa upuan at inubos ang laman ng kopitang hawak. "Huwag kang lumalapit kay Anthony. Mag gusto siya sa 'yo. Baka tuksuhin ka niya." "Gaya ng ginagawa mo sa akin?" Humagikgik siya. His face twisted up in a smile. Hinaplos nito ang pisngi niya. "Yes, baby." "May tanong ako. Kung ayaw niya, maghahanap ka ba ng iba?" Tanong niya. Sandaling naguluhan ito sa tanong niya bago muling ngumiti at sumagot. "Hindi." "Then what will you do?" Kailangan niyang alamin ang opinion ng binata. "I will convince her. At sana pumayag siya," natatawa nitong sabi. She asked again. "Are you going to do it with her every night?" Malakas na tumawa si Sed. "Oo naman. Pero depende pa rin sa kanya. Baka hindi siya komportable. Ilang oras ang ibibigay mo sa akin?" Muli siyang humagikgik. "Anytime?" "Every night there is time, babe. I will do it with you every night, will you feel comfortable?" "Hindi ko alam. Paano ko malalaman?" Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Di subukan natin. Pa'no natin malalaman kung hindi natin susubukan?" Nanunukso ang mga ngiti nito. Bigla niyang inilayo ang upuan niya sa binata. Alam niya ang ginagawa nito. "Tumigil ka. I am not ready." Tumayo siya. "Maiwan muna kita. Aasikasuhin ko pa ang mga ibang bisita ko na bagong dating." "Go ahead, darl. I'll be fine." "Thanks," aniya. Humalik siya sa pisngi nito bago nito. Alas dyes y media ng gabi ng magsimulang magpaalam ang mga bisita niya. Nagpaalam na rin si Sed para umuwi. "Kayo na bahala sa mga bisita ma. Matutulog na ako," paalam niya sa ina. Nakakaintinding tumango ito. Pagod na umakyat siya sa sariling silid. Bago tuluyang natulog ay binuksan niya ang f*******: account para basahin at makapagpasalamat sa mga bumati sa kanya online. Napansin niya sa chat na gising pa si Sed. Marahil ay nakauwi na ito. Hindi ka pa matutulog? You are not here with me how can I sleep? Hay naku. Ito talagang lalaking ito. Good night darling. Muaaaaah. Oh my god you're kiss makes me romantic darl Natatawa at umiiling na binasa niya ang text nito. Kung hahaba pa ang usapan nila ay baka mauwi sa pag-aaway ang mangyari sa kanila. Haha. Okay. Good night, my darling Celine. MASAMA ang loob ni Celine dahil kaninang umaga pa niya tinatawagan si Sed para sana sabihin sa binata na magkita sila. Ngunit hindi nito sinasagot ang phone. Alam niyang Lunes ngayon pero kung mahal mo, you will have time. Kasi she always finds time para sa binata. Kahit man lang sana nag-iwan ito ng text sa kanya kaninang lunch time kung masyado itong busy. Imposible namang lunch time na ay busy pa rin? Kahit naman sobrang busy niya sa work ay nagagawa niyang kumustahin ang kasintahan. Hindi ito nagre-replay sa dalawang text niya. Binisita niya ang account nito sa messenger. Online naman ito bakit hindi man lang mag-reply? i am busy talk u later Busy? Puro na lang siya busy. Hindi man lang ba niya ako naalala? This is what I hate the most when I am in a relationship. Being rejected and neglected. Para na rin niyang sinabi na "Huwag kang magte-text. Marami akong ginagawa. Huwag kang istorbo." Aaminin niyang nagiging immature ang isip niya at walang dahilan ang ipinuputok ng butse niya. Pero talagang naiinis siya. Kaya hindi na niya ito rereplayan dahil baka lalong awayin niya ang lalaki. Kahit alas dyes na ng gabi, kapag nag-text ito ay nakokonsensya siya kung hindi siya magrereplay. Kaya kahit mapuyat na siya ay okay lang makausap lang niya ito. Tumunog ng dalawang beses ang ringtone ng messenger niya. my baby what r u doing? i m sorry i'm still in office darl Ngayon ka lang magrereplay? Malapkt ng mag-alas syete ng gabi. Kahit naiinis pa rin ay nagreplay siya. Ok. ano yung sinasabi mo? Wala. tell me baby Mapait siyang ngumiti. Pa-baby baby ka diyan. Baby-in mong mukha mo. Binara niya ang text nito. You said u r busy. Never mind. Lalo siyang nainis ng hindi na ito muling nagreply. Seen. Seen na naman. Makalipas ang ilang minuto ay muling tumunog ang phone niya. Sed is calling. Bakit ito tumatawag? Ramdam ba nito sa replay niya na hindi maganda ang mood niya? As soon as she answered the call, she heard him. "I am sorry, darling. Hindi ako nakapag-replay. Paalis pa lang ako ng opisina," malumanay na sabi ni Sed. Bumutong hininga siya. Ilang beses siyang huminga ng malalim. "Sasamahan pa ba kita? Saan tayo pupunta?" Tanong nito "Ngayon pa? Eh ang dilim-dilim na. Nakauwi na 'ko." Hindi niya itinago ang inis at pagdaramdam sa tinig. "All right. I'm sorry," anito sa mababang tinig. "You don't need to say sorry," may lungkot sa tinig na sabi niya. "Bakit ka pa tumawag kung marami kang ginagawa?" Inis na tanong niya. "Tumawag ako kasi alam ko na nagtatampo ka na naman." Hmp! Hindi siya umimik. Pinipigil niya ang sarili. "Paalis ka na ng opisina?" "Yes, babe." "Okay. Ingat," paalam niya. "Ingat ka din diyan, darl. I miss you." Hindi kita nami-miss. Naiiinis ako sa'yo! "Okay. Babay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD