SA mga sumunod na araw ay hindi naging madalas ang pagkikita nina Sed at Celine. Pareho silang busy sa trabaho. Minsan ay kinukumusta niya ang lalaki ngunit ng maglaon ay nagsawa na siya sa pagte-text sa binata. Inabala niya ang sarili sa pagta-trabaho para hindi sumagi sa isipan niya ang binata. Baka lalo siyang maging attach dito ay makalimutan niya ang sarili. Hinayaan niyang ito naman ang makaalala sa kanya. Hindi naman siya nagkamali. Ngunit kadalasan ay gabing-gabi na ito mangungumusta. Pinakamaaga na ang alas-nuebe na pagtawag nito. Minsan ay naalala naman siya nito sa umaga at unang nagte-text ng 'good morning.' Inintindi na lang niya ang binata. Masyadong busy ito sa trabaho.
Muli sana niyang iimbitahan si Sed na magtungo sa isang furniture company para makapili na rin ito ng mga ilalagay nito sa pad nito ngunit ng maisip na baka abala ito sa trabaho ay nagbago ang isip niya. Baka tanggihan siya nito. Ayaw niyang ma-reject. Kaya napagpasyahan niyang magtungo roon ng mag-isa.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Anthony ng mapansing paalis siya ng opisina.
"Diyan lang sa katabing gusali. Kukuha ako ng mga samples para ipakita sa isang kliyente." Itinuloy niya ang pag-aayos ng cubicle niya.
"Samahan na kita," he offered.
"Baka marami kang ginagawa. Huwag na. Kaya ko naman," tanggi niya.
"Wala akong ginagawa," he insisted.
Kasama ni Celine si Anthony sa pagpunta sa kalapit na furniture shop. Nagyaya si Anthony na magmeryenda sa isang ice cream shop. Hindi naman ito matanggihan ni Celine. Malapit ng mag-lunch break ng magbalik sila sa opisina.
Si Anthony ang nakapansin kay Sed na nakaupo malapit sa entrance door ng opisina nila.
"Maiwan ko na kayo," paalam ni Anthony na tinungo ang pinto.
"Hi. Bakit ka nandito?"
Madilim ang mukha ni Sed. "Bakit kayo magkasama?" Naninitang tanong nito.
"Sinamahan lang niya ako," mahinang sagot niya. Tinabihan niya ito sa upuan.
"Bakit kayo nagngingitian?"
Napatitig siya kay Sed ng wala sa oras. Bakait ganito ito magtanong? "May naikwento lang siya sa akin na nakakatawa. Bakit ka nandito?" Tanong niya para ibahin ang usapan.
"Yayain sana kitang kumain sa labas. Pero mukhang tapos ka ng nananghalian."
"Hindi. Kumain lang kami ng ice cream."
"Bakit ka sumasama kay Anthony?"
Wow. Akala mo kung sino kang makatanong. Ikaw nga itong walang panahon sa akin. "Pumunta kami sa furniture shop. Sinamahan niya akong tumingin ng samples para sa ibang kliyente ko," paliwanag niya.
Ilang sandaling pinagmasdan siya ni Sed. Wari ay inaarok kung nagsasabi siya ng totoo. Then he smiled. "Okay. Kumain ka na ba?"
"Nope."
"Hi, Celine. Natapos mo na 'yong pinapagawa kong report?" Very sweet na tanong ni Ali.
Celine rolled her eyes. Itong makulit niyang boss. Magkasabay nilang sinulyapan ni Sed ang nagsalita. Malaki ang ngiti ni Ali at kumindat pa sa kanya. Walang hiya minsan ang boss niya eh. Hindi ba ito nakikiramdam? Kailangan pa ba niyang sabihin na boyfriend niya ang kaharap niya kaya tigilan na nito ang pagpapansin sa kanya?
"Hindi pa po, sir," she said in her professional tone.
"Okay. Kukunin mamaya, ha? Mga alas dos."
Tumango siya. "Sige po, sir."
Muling ngumiti ni Ali bago tumalikod at nagsimulang humakbang papasok ng opisina. Sinulyapan niya si Sed.
"Ang dami mo namang suitors," pansin ni Sed.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Tatawagan sana kita para samahan mo 'ko. Para makapili ka na ng ilalagay mong furnitures once matapos 'yong pagpipintura ng pad mo. Pero naisip ko baka maabala kita kaya sabi ko, ako na lang ang pupunta. Then Anthony offered to come with me. I coulndn't say no. Friendly lang talaga si Anthony."
"Weh? Hindi ako naniniwala," anito.
"Totoo," aniya. Tumayo siya at inilahad ang kamay. "Saan tayo kakain?"
Tinanggal nito ang kamay niya. "Saan pa? Eh di sa labas."
Paalis na sila ng resturant at nasa loob ng kotse ng lalaki. Pagsakay niya sa passenger's seat ay mabilis na niyakap siya ni Sed at hinalikan sa mga labi. Matagal. Nakakalusaw ng katinuan ang mga halik nito. Napakinit ng halik na pinagsasaluhan nila. Nabubuhay ang bawat himaymay ng katawan niya. Push him! Stop that kiss! Alam mo na ang susunod na mangyayari! Sigaw ng isip niya.
"Baby, let's go somewhere else."
"Saan?" Pamamang-maangan niya.
"Let's go in a room where we can be alone, darling." Patuloy ang paghalik ni Sed sa kanya. Ramdam niyang ang kamay nitong naglalakbay sa mga braso niya.
Sa muling paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya ay hindi na siya tumugon. Hinayaan niya ang sariling makapag-isip.
"What's wrong?" He asked. Tumigil ito sa paghalik marahil ay naramdaman ang pagtigil niya. "I am so hot now, darling."
Ngumiwi siya. "Please stop saying that, paki-usap niya. Hindi siya komportable kapag sinasabi nito ang nararamdaman. Especially in a situation like this. I'm sorry. You very well know how I stand about s*x and lust. I don't like. I can't," aniya.
"Please?" Paki-usap nito.
"No," mariing tanggi niya. "Sorry."
"Babe, you should like it. Because we will marry soon."
Aw. It sounds like mapipilitan itong magpakasal sa kanya o kaya ay atat na atat siyang magpakasal dito. "Huwag mo akong itulad kay Eliza. Hindi ako siya." Hindi ito nagsalita kaya muli siyang nagpaliwanag sa mababang tinig. Hinawakan niya ang braso ng binata. "Sed, sorry. Sana maintindihan mo ako."
Huminga ito ng malalim bago ini-start ang makina ng kotse. "I will try to understand," napipilitang sabi nito. Walang nagsasalita sa kanila hanggang sa miahatid siya ng binata sa opisina.
ANG NAKANGITING si Nina na nakaupo sa upuan niya ang nabungaran niya pagdating sa opisina. "Kumusta ang date niyo ni Mr. Handsome?" Usisa nito.
Malungkot na ngumiti siya. "Okay naman."
"I can feel something is wrong. Anong nangyari?" Umalis ito sa upuan niya upang makaupo siya. Bumalik ito sa sariling puwesto, kinuha ang upuan nito at muling naupo sa tabi niya. "Kayo na ba?"
Nag-isip siya ng ilang sandali bago sumagot. Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Parang ganun na nga."
Kinilig na nagtanong si Nina. "So how far did the two of you go?" Tanong nito.
"We kissed," walang ganang sabi niya. Malungkot na tiningnan niya ang kaharap na laptop. "Nag-away kami."
"Bakit naman kayo nag-away?"
Nagdadalawang isip na tiningnan niya ang kaibigan. Kaya ba niyang sabihin dito ang pinag-awayan nila? "He keeps on insisting something I don't wanna do," sumbong niya. "Paano ma ba malalaman kung mahal ka ng isang lalaki? Paano kung iyon lang ang gusto niya then iiwan ka pagkatapos?"
"Ganyan talaga mga lalaki. Lalaki 'yan eh. Magtataka ka na kung hindi siya ganun. Baka bading."
"Yon ang laging sinasabi niya kapag magkasama kami," naiiyak na sabi niya.
"Pwedeng hindi ka niya mahal." Napasimangot siya ng marinig ang sinabi ni Nina. "Pwedeng ring mahal ka niya talaga."
"Ang gulo mo, Nina," may pagkainis na sabi niya.
Mahinang tumawa ito. "Nature na kasi 'yan ng lalaki. Hindi naman dahil iniuungot niya yun sa 'yo, hindi ka niya mahal. May mga taong sadyang mataas ang s*x drive."
"Ayoko pa nga, eh," reklamo niya.
"Yan ang dapat niyong pag-usapan. Dapat magkaliwanagan kayo kasi kung hindi niyo maintindihan ang isa't-isa, lagi kayong mag-aaway. Tiyempuhan mo 'yong maganda ang mood niyo pareho saka mo ibukas 'yong topic," payo ni Nina.
"Masaya ba ang may asawa?" Biglang tanong niya.
"Masaya kung hindi kayo nag-aaway. Pero kapag hindi ka sinusuyo ng asawa mo, nakakabwisit," Nina said sincerely. Tumitig si Nina sa kanya. "Alam mo, Celine, mahal ka nun."
"Paano mo naman nasabi?" She asked skeptically.
Lumingon ito sa pinto. "Kasi iba ang tingin niya sa 'yo kaninang nakita ka niya. Lalo na nung kausap mo si Anthony. Nakita mo lang sana 'yong mukha niya. Para gusto nitong salubungin ng suntok si Anthony."
Nabuhayan siya ng loob. "Sigurado ka?"
Nina nodded a few times. They both smiled. "Thank you sa advices, Nina."
SINUSUBUKAN ni Celine na kausapin ang binata sa phone pero out of coverage area ang numero ni Sed. Alam niyang nagalit ito sa kanya at siguro ay ayaw siyang kausapin kaya pinatay nito ang phone. Sa sumunod na araw ay patuloy niya itong kinokontak. Nag-iiwan siya ng mga mensahe ngunit hindi ito nagrereplay. Nagri-ring na ang phone nito ngunit sadyang hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Nababahala na siya. Sinubukan niyang muling tawagan ang lalaki ng bandang lunch break. Baka sakaling makulitan ito at kausapin siya. Hindi siya nagkamali. At last, tinanggap ng binata ang tawag niya.
"Hello, darl. Kumusta ka na?" Malambing niyang tanong.
"Bakit ka tumatawag? May sasabihin ka ba?"
Uh oh. Ang sungit naman ni Sed. Hindi man lang nito sinagot ang tanong niya. Hinihintay niya itong magsabi ng hello bilang phone courtesy mula sa kabilang linya ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay hindi ito umiimik. Kaya siya na ang unang nagsalita. "Can we talk?"
"I am busy. I cannot attend to you."
"Mamayang pass five PM sana. Mag-usap naman tayo, Sed." Hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita ay naputol na ang linya. "Hello? Sed, are you still there?"
Walang sumagot. Pinatayan siya ng phone. Nakapabastos naman nito. Uminit ang ulo niya ng wala sa oras. Nauubos na ang pasensiya niya. Kailan pa niya ito sinusuyo, bakit nagmamatigas pa rin ito? She doesn't even have to say sorry in the very first place. Tama lang ang ginawa niya. Pero bakit hindi siya naiintindihan ni Sed? Tinitigan niya ang cell phone na wari baga'y sa mga sandaling iyon ay maririnig pa ng binata ang mga sinasabi niya. So if he doesn't like to talk to me, then let it be. Kung ayaw na niya sa akin, di ayaw ko na rin sa kanya. Sino ba siya? Marami pang iba diyan. Tse! "Why would even I like you? You are.. You are ugh," she said in irritation. "I never dreamt to be with someone like you. Goodbye, Sed. Thanks for the good times."
SINULYAPAN ni Celine ang kabuuan ng bar na pinuntahan niya sa Delta, Quezon City. Hindi gaanong crowded ang bar kaya may panahon siya para magmukmok sa isang sulok dahil hindi maingay ang paligid niya. Tinungga niya ang alak na hawak. Hindi niya alam kung nang-aasar ba ang babaeng bokalista ng marinig niya ang inaawit nito or it's purely coincidental. Naramdaman ba ng bokalista na maraming single girls na broken hearted ngayon? Pinagmasdan niya ang ibang mga babaeng naroon. Maraming grupo ng kababaihan na masayang nag-uusap. Mabuti pa sila masaya. Siya lang ang walang kasama. Naghahagikgikan ang mga grupo na babaeng nasa kabilang mesa.
Ang sarap pakinggan ang pag-awit ng babaeng nasa entablado at nakaupo sa stool. Siguro kung hindi siya broken hearted ngayon ay sasabayan niya ang pag-awit nito. Pero masakit ang puso niya kaya lalo siyang nalungkot habang pinapakinggan ang awit na ni-revive ni Nina.
"Wish, I could be the one. The one who could give you love. The kind of love you really need. Wish I could say to you. That I always stay with you. But baby, that's not me. You need someone who's willing to give their heart and soul to you..."
Tahimik siyang umiiyak habang ramdam niya ang hinanakit sa puso. Kahit naiinis siya kay Sed ay namimiss pa rin niya ang binata. Gusto niya itong makita at maka-usap. Damang-dama niya ang bawat liriko ng break up song ni Nina. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan niya ang unang pangungusap ng awit. How she wish she could be the one.
Hindi siya kailanman pumapasok sa mga bars. Hindi niya hilig. Ngayon lang dahil gusto niyang lunurin ang sarili sa alak para makalimot kahit saglit. Gusto niyang makalimutan ang lungkot na nararamdaman niya at makapagliwaliw.
"Promise you forever. But that's something I can't do. Oh I can say that I'll be all you need but that would be a lie. I know I'd only hurt you. I know I'd only make you cry. I'm not the one you needing. I love you, goodbye."
Habang pinapakinggan ang awit ay ngayon lang niya na-realize ang mensahe ng kanta. Marahil ay pareho sila ng sitwasyon ng composer ng awit. Hindi maibigay ng babae ang pagmamahal na kailangan ng lalaki. Gaya ng hindi niya maibigay sa Sed ang pagmamahal na hinahanap nito. Hindi siya 'yon. She will never be Eliza. She's Celine and she can never be someone else.
Patuloy siyang uminom ng alak hanggang sa maramdam niya na may pumigil sa muling pagtungga niya. Sa nahihilong diwa at malamlam na ilaw ay bulto ng isang lalaki ang nasa harapan niya. Kumurap siya ng ilang beses upang kilalanin ang lalaking maganda ang tindig.
"Bakit ka ba naglalasing?" Patuyang tanong nito. Pilit na inaagaw ni Sed ang kopitang may alak na hawak niya. Bumalik ang galit at panibugho sa dibdib niya.
"Hindi ako naglalasing," aniya. Pilit niyang tinatanggal ang braso niya mula sa mahigpit nitong pagkakahawak subalit sadyang malakas ito kaya natapon ang laman niyang alak. Napatingin siya sa sahig. Mabuti na lang at hindi sa damit niya tumilapon kundi basa ang damit na uuwi siya ng bahay. "Kita mo na? Natapon tuloy!" Asik niya. "At anong naglalasing? Juice lang 'to!"
Inagaw nito ang kopita mula sa kamay niya. "Sino ang niloloko mo? Umuwi na tayo." Hinatak ni Sed ang braso niya.
Tumalim ang tingin niya kay Sed at padabog na tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Ayoko. Umalis ka na nga!" Kulang ang lakas na itinulak niya ito ngunit lalo itong lumapit sa kanya. "Bakit ka ba lumalapit?"
Nasinghot niya ang binata. Ipinilig niya ang ulo sa balikat nito. "Alam mo, hindi ka naman gwapo, eh." Pinaglandas niya ang kamay sa mukha nito hanggang sa mapansin niya ang ilong nito. Pinisil niya iyon. "Matangos lang ang ilong mo."
Hindi kumibo si Sed.
Umasim ang mukha ni Celine at tumawa ng peke. "Pero mukha kang matanda. Kung ako umaaktong taga 1950 at nagpapakaMaria Clara, ikaw naman mukha kang sinaunang tao. Mukha kang si... Sino na ba 'yon? Ah, si Rutherford." Mahigpit na hinawakan niya ang binata upang hindi siya matumba.
"Sinong Rutherford?" Kunot noong tanong ni Sed.
"Si Rutherford Burchard Hayes. 'Yong republican president ng Amerika noong 1877."
Ngumiti ito. "Bilib din naman ako sa talas ng memorya mo."
Hinilahila niya ang mahabang balbas nito. "Bakit ba kasi hindi mo tanggalin to?" She asked in an iritated tone. "Masyado kang mabuhok. Baka pati sa ibaba mabuhok din." Humagikgik siya.
Kinabig niya ito at binulungan. "Patingin nga." Muli siyang tumawa. "Biro lang."
"Ano naman, hindi ko naman kailangan ng malaki. Hindi ko kailangan 'yon. Kung ayaw mo sa akin, sabihin mo. Don! Pumunta ka don!" Turo niya sa labas ng bar. "Bilhin mo ang kaligayahan mo." Pinigil niya ito sa braso kahit hindi naman ito gumalaw. "Mag-ingat ka lang at baka magka-HIV ka. Uso pa naman 'yan ngayon. Sayang ang lahi kung hindi ipagkakalat." Pagkatapos sabihin iyon ay naipikit niya ang mga mata. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.
ILANG beses na pinindot ni Sed ang busina ng kotse bago lumapit ang isang katulong at binuksan ang gate ng bahay ng mga magulang ni Celine. Sinulyapan niya ang dalaga. Nakatulog na ito dahil sa kalasingan. Bago siya nagtungo sa bar ay tinatawagan niya ang dalaga ngunit walang sumasagot. Tinawagan niya si Nina upang alamin ang kinaroroonan ni Celine at sinabi nitong pumunta si Celine sa isang bar. Halos napasok niya ang lahat ng bar sa QC bago niya ito natagpuan.
"Magandang gabi po," bati niya sa katulong. Napasinghap ang katulong. Pinangko niya si Celine. "Saan po ang kuwarto niya?"
"Sumama po kayo sa akin."
"Salamat sa paghatid kay Celine, sir. Hindi alam ng nanay niya na nagtungo siya sa bar," sabi ng katulong ng maiayos nito ang higaan ni Celine. Inihahatid siya ng katulong palabas ng gate. Nakatulog na ang mga magulang ni Celine kaya ang katulong ang sumalubong sa kanila.
Ngumiti siya. "Sige po. Uuwi na po ako," paalam niya.
IMINULAT ni Celine ang mga mata at kinapa ang cell phone sa bedside table. Kung hindi pa tumunog ang cell phone niya ay hindi siya magigising. Nasapo niya ang masakit na ulo. Pilit inaalala ang nangyari kagabi. Sino ang naghatid sa kanya kagabi? Pinatay niyan ang alarm at tiningnan ang oras. Ten thirty three AM. Iniunat niya ang mga kamay at bumangon sa kama.
"Mabuti naman at nagising ka na. Hindi kita ginising dahil late kang umuwi kagabi. San ka nagpunta?" Tanong ng nanay niya.
"Nagtungo po ako sa bar," aniya habang kumukuha ng baso sa cupboard. Iinom siya ng tubig para labanan ang pananakit ng ulo.
"Ang sabi ni Linda na siyang nagbukas ng gate kagabi ay si Sed daw ang naghatid sa 'yo. Celine, may relasyon ba kayo ni Sed? Akala mo ba hindi ko napapansin. Kakaiba kung makatingin at makahawak sa 'yo 'yong anak ni Sonia noong kaarawan mo. Boyfriend mo ba siya?"
Hindi siya umimik. "Anak, hindi naman ako magagalit kung may relasyon kayo ni Sed. Kayo ba?" Patuloy na tanong ng ginang.
Dahan-dahan siyang tumango. "Nakita ko kayong magkayakap noong birthday mo. Anak, huwag kang masyadong maging malapit sa kanya. Kahit pa boyfriend mo siya. Iba kumilos ang mga lalaki."
"Opo, mama."
"Anong ginawa mo kagabi?"
Binalikan niya sa isip ang mga nangyari sa bar. Hindi niya matandaan kung gaano karami ang nainom niya. "Pumunta po ako sa isang bar. Uminom lang ako ng kaunti."
"Huwag mo ng uulitin ang pagpupunta ng bar mag-isa. Mabuti at sinundo ka ni Sed. Magtimpla ka ng kape mo para mahimasmasan ka. May pagkain diyan. Magsandok ka na lang."
"Sige po. Pasensiya na kayo, ma. Hindi ko nasabi agad."
Ngumiti ang nanay niya. "Huwag mo ng alalahanin 'yon. Matanda ka na. Kapag alam.mong ikakasama mo, iwasan mo. Alam kong matalino ka, anak."
"Opo, mama."
GISING na kaya si Celine? Nasa kusina si Sed at nakaharap sa computer habang umiinom ng tsaa. Nag-alala siya ng malaman kay Nina na nagpunta sa bar si Celine. Kaya sinundan niya ito. Lihim na napangiti si Sed ng maalala ang mga nangyari bar. He saw the naughty side of Celine. Nagiging makulit pala ito kapag nakainom. What a naughty girl. He took a sip of his tea. Tuwing umaga ay nakagawian na niya ang uminom ng niyon.
"Saan ka pumunta kagabi? Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan mo dis oras ng gabi," wika ni Sonia.
"Sinundo ko po si Celine," sagot niya. Ayaw niyang magsinungaling sa ina kaya sinabi niya ang totoo. Hindi naman siguro ito magagalit kung magkakamabutihan sila sa anak ng kaibigan nito.
Sinulyapan siya ni Sonia mula sa pagbabasa ng libro. Inayos nito ang eyeglasses na suot. "Bakit saan siya nagpunta?"
"Sa bar."
"Bar? Inaway mo ba ang anak ni kumare?" Nanghihinalang tanong nito.
"May hindi lang po kami pinagkaunawaan. Mi, alam niyo po ang relasyon namin?" Nagtatakang tanong niya. Iniangat niya ang tingin upang makita ang reaksyon ng ina na kaharap niya. Umiinom ito ng kape.
"Aba'y pano ko hindi malalaman eh nakiusap ako sa kanya na lumapit----" Tila pinigil nito ang pagsalita. Nangunot ang noo niya at nagtataka sa naudlot na sasabihin ng ina. Bakit ano ang dapat sabihin ng mama niya? Mataman niyang tiningnan ang ina. Nag-iwas ito ng tingin. Sinabihan ba ni mommy si Celine na lapitan ako? Biglang sumagi sa isipan niya ang mga unang pag-uusap nila ni Celine noon. Alam nito ang pangalan ng dati niyang kasintahan. Pilit niyang inaalala kung may sandaling binanggit niya sa dalaga ang pangalan ni Eliza. Muli niyang inobserbahan ang reaksyon ng ina na muling itinuon ang atensyon sa pagbabasa ng libro. Did his mom tell her of his relationship to Eliza? Alam niyang noon pa man ay ayaw na ng nanay niya kay Eliza. Mainit ang dugo nito sa babae. Kaya alam niyang nagagalak ang ina niya ng malaman nitong nagpakasal na sa iba ang dati niyang girlfriend. Kailangan niyang tanungin ang ina. "Sinabihan niyo po ba si Celine na makipaglapit sa akin, mommy?" Direktang tanong niya.
Tiningnan siya ng ina. "Oo," buo ang tinig na sabi ng ina. "Can you blame me? You are so affected when Eliza got married. Ayokong masira ang buhay mo. Ayokong nakikipagkita ka pa sa kanya."
Gusto niyang magwala. So ginawa lang iyon ng dalaga dahil sinabihan ito ng nanay niya? Bakit hindi niya nalaman ng maaga? Bullshit! "Hindi ko niyo na po kailangang gawin iyon," puno ng hinanakit na sabi niya.
"Anong gusto mong gawin ko?" Sabi ng ina.
"Pinaglalaruan niyo ang damdamin ko, mom." Inubos niya ang laman ng tasa at saka tumayo. "Dinamay niyo pa si Celine." Ang alam niya ay mahal siya ng dalaga. Pagkukunwari ba ang lahat ng iyon? Ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang mararamdam sa ina at kay Celine. Hindi niya alam kung totoo ba ang mga ipinapakita ni Celine sa kanya. Mabibigat ang hakbang na umalis siya ng kusina.
"Huwag mo akong tinatalikuran, Sed!" Galit na sabi ng ina niya. Sinundan siya nito at pinilit siyang ipaharap.
"Anong binigay niyo sa kanya ,mommy? Sinuhulan niyo ba siya? Binigyan ng maraming pera para mailayo niyo ako kay Eliza?"
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. "Gusto kong maging maayos ang buhay mo. Ginagawa ko ang dapat gawin ng isang ina kapag nagkakamali ng hakbang ang anak," wika ni Sonia.
"Walang masamang ginawa si Celine. Don't be mad at her. Hindi niya ko siya binigyan ng kahit ano," pahabol na sabi ng ina.
Nagkulong siya sa kuwarto at hinayaan ang sarili na makapag-isip.
Chapter 14
NAROON sina Celine at Mark sa isang basketball court at kumakain ng fishbol. Si Mark ay nagyaya kaya sinamahan ito ng dalaga. Sinamahan ni Celine ang kaibigang si Mark na gaya niya ay heart broken. Nag-away si Mark at ang girlfriend nito. Kadalasan kasing nakikipag-usap lang sa kanya si Mark kung may problema ito. Kung malungkot ito at walang mapagsabihan ng problema. Kabisado na niya ang kaibigan.
"Wala na kaming komonikasyon. Apat na buwan na," malungkot nitong sabi.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Celine.
"Nagpunta na siya ng Canada. Kinuha siya ng papa niya. Doon na siya pag-aaralin."
"Anong sabi mo? Pumayag ka?" Usisa niya.
"Alangan naman na pigilan ko siya, eh, matagal na niyang pangarap na makasama ang papa niya. Two years old pa lang kasi siya noong mamatay ang mama niya. Then ipinagbubuntis pa lang siya iniwan na sila ng papa niya. And last year nung nagparamdam uli 'yong papa niya."
"So sinabi mo ba na siya ang bahala?" Patanong na hula niya.
"Pinaliwanag ko na kung ako ang tatanungin, ayoko. Pero hindi ko ipagkakait sa kanya 'yong mga bagay na bubuo ng pagkatao niya. Saka matagal na niyang pangarap na makita ang papa niya. Dream come true na 'yon. Ipagkakait ko pa ba sa kanya 'yon?" Sumulyap si Mark kay Celine.
"Kung kayo, di kayo. Hindi naman natin alam ang mangyayari kinabukasan. Ang hirap mag-move on, 'no?" Katulad ng hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Sed.
"Ang daling sabihin pero mahirap gawin. Wala namang closure na nangyari. Hindi ka sigurado kung may hihintayin ka pa o wala na," he said in a trembling voice.
"Kaya nga. Kung may darating na bago, di pagbigyan. Hindi mo naman siya masisi kung may makita siyang iba dun, mahirap kasi ang LDR," aniya. "Pero kahit naman hindi magkalayo nag-aaway pa rin."
"Sa ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Maghihintay ako hangga't kaya pa. Pero kung hindi na, bakit pa tayo kakapit sa walang kasiguraduhan."
"Magkasama ba kayo bago siya sumakay ng eroplano?"
"Ako naghatid sa kanya sa airport. May usapan naman kami bago siya umalis. Pero nitong mga nagdaang buwan di ko na siya nakaka-usap. Hindi na siya active sa messenger. Di ko na din makontak kahit sa phone."
"Eh, 'yong papa niya nakakausap mo ba?"
"Di kasi maganda 'yong first meet up namin. Lasing noon kaya napagsalitaan akong hindi maganda."
"Ikaw? Kumusta ka naman?"
She plastered a fake smile. "Ayos lang."
"Hindi lahat ng gwapo maganda ang ugali. Marami sa kanila bully."
"Katulad mo?" Nakangiti niyang tanong.
"Gwapo lang ako pero hindi ako bully," nakangiting sagot ni Mark.
NANINGKIT ang mga mata ni Sed pagkakita kay Celine na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Kumakain ang mga ito ng street foods sa gilid ng basketball court. Kinakain siya ng selos ng makitang tumawa ang dalaga ng may sinabi ang lalaki. Sino ang lalaking iyon? Bakit sila nag-uusap? Pinuntahan niya ang dalaga upang makapag-usap sila. Natungo siya sa bahay ng mga magulang ni Celine at sinabi ng kapatid nitong si Rob na nagpunta ito sa panonood ng basketball. May liga raw kasi. Gusto niyang mag-sorry sa mga inasta niya nitong mga nakaraang araw. Subalit naumid ang dila niya ng makitang masaya ito sa pakikipag-usap. Ang lalaki man ay ganoon din. Aaminin niyang malakas ang appeal ng lalaking kasama nito. Ang mga kababaihang nanonood ng basketball game ay patuloy ang pagsulyap sa lalaki. Galit man siya sa kanyang ina ay hinayaan ang sarili na makapag-isip ng maayos. Kakausapin niya si Celine upang malaman ang dahilan nito. Umaasa siyang sasabihin nito na nagkakamali siya ng iniisip. Handa siyang makinig dahil mahal niya ang dalaga. Ngunit agad na nagbago ang isip niya ng masilayan ito. Tinalikuran niya ang basketball court at malalaki ang hakbang na tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan niya. Mabilis na pinaharurot niya iyon paalis.
PAGDATING sa sariling silid ay muling nakaramdam ng lungkot ang dalaga. Hinatid nga siya ni Sed kagabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap. Sinulyapan niya ang cell phone, nagbabakasakaling may mensahe siya galing sa binata. Hindi siya nagkamali.
Hi my darl. Pupunta ako jan. Mag-usap tayo. Paalis na 'ko.
Sweet ang pag-text nito dahil gumamit ito ng endearment. Kung pagbabasehan ang mensahe nito ay mukhang magkakaayos na sila. Ngunit bakit hindi ito nagpakita sa kanya? Binasa niya ang oras ng pagdating ng mensahe nito. It's two pm. Ngayon ay maglapit ng mag-alas syete. Mabilis siyang bumaba ng hagdan upang tanungin kung nakita ba nila si Sed na nagpunta ng bahay nila. Naabutan niya ang kapatid na si Rob sa couch, nakadapa, at naglalaro ng Mobile Legends.
Tinapik niya ang balikat ng kapatid. "Rob, nagtungo ba dito si Sed?"
"Kanina. Sinabi ko na nanood ka ng basketball kaya pinuntahan ka niya ron." Nasapo niya ang noo. Nakita nitong magkasama sila ni Mark. Nagselos na naman iyon kaya hindi nagpakita sa kanya. "Bakit? Hindi ba kayo nagkita?" Tanong ni Rob.
"Never mind. Thanks," aniya. Lumabas siya ng bahay at sumakay sa kotse. Tutungo siya sa Cavite. Kailangan niyang kausapin ang binata para matigil ang pag-iisip nito ng hindi maganda. Kung patatagalin pa niya iyon ay baka lalong silang mag-away at hindi na magbati.
PASADO alas otso ng gabi ng makarating siya sa pad ng binata. Bukas ang gate kaya malaya niyang naipasok ang sasakyan. Sumilip siya sa nakabukas na pinto at nakita niya itong nakaupo sa galanera. May hawak itong maliit na baso at bote ng Novelinno na nakita niya sa fridge. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito.
Matamlay na tumingin ito sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" He asked.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Tumango ito. "Come."
"Kababasa ko lang 'yong text mo," panimula niya.
"Malamang. Paano mo naman mapapansin kung masyado kang abala sa iba," anito bago muling lumagok ng alak. Muli nitong sinalinan ng alak ang kopita. "Sinabihan ka ba ni mama para makipaglapit sa akin?" Nahimigan ni Celine ang lungkot, galit at hinanakit sa boses ng binata.
Nabigla siya at sandaling hindi nakaimik. Ano ang sasabihin niya? "Oo. Kinausap ako ni tita. Pero totoong mahal kita at hindi ko ginawa 'yon dahil sinabi niya. Well, nung una ay parang ganon. Pero noong makita kita sa bahay niyo, nakakahiya mang aminin pero naging instant crush kita. Kabisado ko pa nga hanggang ngayon ang damit mo noon. Tama ang hula mong ini-stalk kita sa f*******: pero syempre hindi inamin agad," pagtatapat niya.
Sandaling natuwa ito sa sinabi niya. "Ano ang damit ko noon?"
"T-shirt at cargo pants," sagot niya.
Muling sumimangot ang binata. Tinitigan ang kopitang may alak. Kanina pa ba ito umiinom? Nakakalahati na nito ang bote. "Sino naman 'yong kasama mo sa basketball court? Ang sarap ng usapan niyo, ha. Kumakain pa kayo ng fishbol," puno ng sarkasmo na sabi ng binata.
"Si Mark 'yon, kaibigan ko. Kung lumapit ka sana, di ipinakilala kita. Broken hearted kaya sinamahan ko. Nagsusumbong siya ng mga hinanakit niya sa akin."
Mapait na ngumiti si Sed. "Wow. Ang sweet niyo naman."
"Huwag kang magselos. High school friend ko si Mark at saka lang siya nagpapakita sa akin kapag may problema siya sa girlfriend niya. Umalis na kasi si Jasmine, 'yong girlfriend niya, patungong Canada. Naiwan siyang mag-isa."
"I am not interested," galit na sabi nito. "Bumalik ka na ron," pagtataboy ni Sed sa kanya.
Nalungkot siya sa sinabi ni Sed. Ang tagal nilang hindi nagkita at ngayong magkaharap na sila ay hindi na naman sila nagkakaunawaan. Pinagmasdan niya si Sed. Patuloy ito sa pagtungga ng alak. Sa mapupungay ng mga mata dala ng kalasingan ay nilingon siya ng binata. Nakita niyang malungkot ito ngunit naroon rin ang galit sa mga mata. "Umalis ka na. Wala tayong pag-uusapan. Masama ang pakiramdam ko."
Nagpatuloy sa pagbagsak ang pinipigil niyang luha. Miss na miss niya na ang binata. Matagal silang nagtikisan at ngayong magkaharap sila ay nag-aaway sila at itinataboy pa siya. Hindi na ba siya mahal ni Sed? Magpapadaig na lang ito sa selos na nararamdaman? "Magkaibigan kami ni Mark. Ikaw ang mahal ko," giit niya.
Umiling-iling ito. "Sinasabi mo lang 'yan because my mother told you so, right?"
"No," aniya sa nanginginig na boses. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito. Pinigil niya ang emosyon. "Do you really want me to go away?" Lakas loob niyang tanong.
Bale walang ngumiti ang binata. Parang hindi nito nararamdaman ang lungkot niya. "No. Come with me," he commanded.
Kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. "Come with me. In my room," seryosong nakatingin si Sed sa kanya.
Pinakatitigan niya ang binata. Nagtagpo ang kanilang paningin. Biglang nagbago ang ekspresyon ng binata. Lumambot ang tingin nito. Nag-iba rin ang boses. Hinawakan ni Sed ang kamay niya at masuyong hinalikan iyon. Napalunok siya ng maramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Sed sa kanyang balat. "Let's go, baby?" Malambing na tanong nito.
Matagal niyang pinagmasdan ang binata bago malungkot na tumango. Kung ito ang magiging daan para magbati sila ay pilit niyang ipipikit ang mga mata at kalilimutan ang mga pangarap. Mahal niya si Sed at gusto niyang magkaayos sila. Binitawan nito ang hawak na walang lamang kopita. Tumayo ito at inilahad ang mga kamay sa kanya. Tinanggap niya ang kamay nito. Nanginig ang buong katawan niya ng maramdaman ang braso ng binata sa kanyang baywang.
SED switch on the light in his room with Celine beside him. His arm still wraps around her waist. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa dalaga at pinaharap ito. Dinampian niya ng halik ang buhok nito. Itinaas niya ang mukha ng kasintahan para masilayan ang maganda nitong mukha. Nginitian niya ito. Tipid na gumanti ng ngiti ang dalaga. "Don't be shy, darling," aniya. Hinaplos niya ang mukha at hinalikan ang dalaga sa mga labi. "We will have fun, darl. Don't worry." Tinanggal niya ang suot na polo shirt.
IPINIKIT ni Celine ang mga mata upang hindi niya makita si Sed na nagtatanggal ng saplot sa katawan. Oh my. This should not happen! Run! Run, Celine! Run for you life! Sigaw ng kabilang bahagi ng isip niya. He is kissing her. Nalasahan niya ang alak sa mga labi ng binata. Hindi banayad ang paghalik nito. Marahas na parang pinaparusahan siya. Hinawaka nito ang ulo niya. Unti -unting naging mapusok ang mga labi ng binata. Ramdam niya ang paglalakbay ng kamay nito.
"Kiss me back, Celine, please," he pleaded.
Dumaloy ang mga luha sa pisngi niya. Tahimik siyang umiiyak bago tinugon ang mga halik ni Sed ng marinig ang nakikiusap nitong tinig. Celine hates herself for letting him do it. Celine hates herself for she responded. Her responses and moans turned him on. "Hug me, babe," he said.
Masunurin niyang niyakap si Sed. Tumigil ito sa paghalik sa kanya at tinitigan siya. "Stop crying, darling. I love you," masuyo nitong sabi. Pinagmasdan nito ang kabuuan niya. "You look so beautiful in your bikini, darl. Come, my baby, sit on my lap."
Sinunod niya ang bawat namutawi sa bibig ng binata. Rinig niya ang mga ungol nito. "Make it fast," aniya. Ngunit sa totoo lang ay sinasabi lang iyon ni Celine upang mabilis na matapos.
"You want fast, babe?" Sed asked.
"Yes."
Binuksan niya ang mga mata at nasilayan ang kahubdan ni Sed. Ilang beses siyang kumurap. Talagang napalaki. Napasinghap siya. Marahil ay nakita ni Sed ang pagkamangha at pag-alinlangan sa mukha niya kaya nagtanong ito.
"Will you bear it, my darling?" May pag-aalalang tanong ni Sed.
Pa'no niya malalaman kung hindi nila susubukan? Kaya napipilitan siyang tumango. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit. She realized it is more painful that way.
"Baby, am I hurting you? I'm sorry," nag-aalalang sabi ni Sed. Sabdaling tumigil ito at pinagmasdan siya. "Kasi sinabi mo, mabilis. Sumunod lang ako. Bibilisan ko pa ba?"
Umiling siya. Tuluyang naglaho ang anumang pag-aalinlangang nararamdaman niya. Buong puso niyang ipagkakaloob ang sarili sa binata.
"Dont be so shy, darl. Let me hear your moans and shrieks," he begged.
Nawawalan siya ng lakas kaya napakapit siya sa binata. Isinigaw niya ang kaligayahang nararamdaman. "I love you, Sed," nakapikit na pahayag niya. Ngayon niya napagtanto na kaya niyang kalimutan ang lahat para sa binata. All that matters now is that they love each other so deeply. Sed runs his hands over her. It felt so wonderful when he's touching, caressing and kissing her most sensible parts whispering his love to Celine. Celine never let any man came close to her like this. Only him. Just him. Celine loves him and she wants him to feel it. And if it is the only way for him to realize she love him, then be it. She will take the risk. Her mind is saying her to stop him but her body told her otherwise. She met his eyes before he desirely kiss her lips. She felt his hesitation when he stop kissing her so she screamed. "Don't stop! Please."
Naramdaman niyang nawala ang alinlangan kay Sed ng marinig ang sinabi niya. She responded hungrily to his movements. Celine wants what he's doing and she doesn't want him to stop. She will give him the love that he needs, even it means giving herself to him. She let out her moans and gasps. He begged for it.
"Would you like to become pregnant or can I throw my sperm out?"
"I want a baby with you," sagot niya bago ipinikit ang mga mata.
Kinalimutan niya ang mga prinsipyo sa buhay at ipinagkaloob ang sarili sa lalaking mahal niya. Bahala na ang bukas.
MABIGAT man ang katawan ni Celine ay pipilitin niyang bumangon. Kasabay ng pagising niya ay ang paggising sa isip niya ang masakit na katotohanan. She lost it. Forever. Sinulyapan niya si Sed na mahimbing ang tulog. Nakayakap sa kanya ang isang braso nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang braso ng binata upang makabangon siya. Naramdaman niyang gumalaw ito at iminulat ang mga mata. Abot hanggang tainga ang mga ngiti nito. "Good morning, babe," anito. Alanganin siyang ngumiti. Hindi siya magsasawang pagmasdan ang gwapong kasintahan. Muli itong pumikit ngunit humigpit ang pagkakayakap sa kanya. Paano pa siya aalis? Pinagmasdan niyang mabuti kung nakatulog na ang binata bago muling tinanggal ang mga braso nito sa kanya. Mabilis niyang pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig bago nagbihis. Nanginginig ang kamay na gumawa siya ng sulat. Inilapag niya iyon sa katabing lamesa. Kailangan na niyang umalis habang hindi pa sumisikat ang araw at hindi pa tuluyang gising ang diwa ni Sed. Dinampian niya ng mabining halik ang pisngi ng natutulog na binata bago tuluyang nilisan ang silid.
Sed,
Pasensya ka na. Pinipilit kong intindihin ka. Dapat hindi kita hinusgahan. Hindi ako ikaw kanya mahirap sa akin na intindihin ka. May mga bagay na kahit pilitin kong intindihin ay hindi ko pa rin talaga maintindihan.
Gusto ko maging masaya ka. Mahahanap mo rin siya. Pero sana itigil mo na ang pakikipagkita kay Eliza. Kasal na siya.
Kung nakapagsalita man ako ng hindi maganda, pasensya ka na.
'Yong nangyari kalimutan mo na 'yon.
Celine
GALIT na galit si Sed dahil sa nabasa. Anong ibig sabihin ni Celine? Ganoon na lang iyon? Hindi ba siya nito mahal kaya iniwan siya? Mabilis siyang nagbihis at hinanap si Celine. Baka hindi pa ito nakakalayo. Subalit inabot siya ng maghapon sa paghahanap sa dalaga ay hindi pa rin niya ito nakikita. Wala ito sa sariling bahay, maging sa bahay ng mga magulang nito. Nagpunta rin siya sa opsina kahit alam niyang Sabado ngunit walang tao roon. Binalikan niya ang bar sa Delta ngunit wala ito roon. Kinausap niya si Nina ngunit malungkot nitong sinabi na hindi pa nito nakakausap si Celine. So he is down on his last resort. Nagtungo siya sa mga magulang ni Celine at ipinagtapat sa mga magulang ng dalaga ang nangyari. "Alam niyo po ba kung nasaan siya, tita?" Tanong niya sa ina ni Celine. Sinabi nito kung saan niya makikita ang ang dalaga. Lulan ng kotse na tinungo niya ang isang inn sa La Trinidad, Benguet.
WALANG tigil ang pag-iyak ni Celine sa loob ng kuwarto sa inupahan niyang silid sa bayan ng Benguet. Umalis siya ng Maynila upang makalimot sa kagagahang ginawa. Gusto niyang magpalamig at makapag-isip ng maayos. Nakatalukbong siya ng kumot at patuloy na umiiyak. Naiinis siya sa sarili dahil nagpatianod siya. Kung naging malakas sana siya'y wala sanang nangyari na pagsisisihan niya ngayon. Ang tagal niyang iningatan ang sarili para sa lalaking maghihintay sa kanya sa altar. Subalit anong ginawa niya? Nagpaubaya siya! Napakarumi niyang babae. No one deserves her.
Natigil ang pakikipag-away ni Celine sa sarili ng tumawag ang kanyang ina at sinabing nasa Baguio ito at kailangan nilang mag-usap. Nagtataka man ay tinungo niya ang restaurant na sinabi ng ina. Subalit hindi ang ina niya ang nakatagpo niya kundi ang lalaking ayaw niyang makita. Ang lalaking pinaka-iniiwasan niya- si Sed.
"Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa akin?" Tanong ni Sed kay Celine ng magkaharap sila sa isang restaurant. Nakayuko si Celine at ramdam niyang ayaw nitong salubungin ang mga titig niya. "Pinagsisisihan mo ba na ginawa mo 'yon with me?" A hint of hurt and sadness is evident in his voice.
Hindi sumagot si Celine. Patuloy ito sa paghikbi hangang sa hindi na niya napigilan ang sarili. Tuluyan na siyang napahagulgol.
"Huwag kang umiyak, darl," pagsusumamo ni Sed. "If this will make you calm then let's get married."
It's so easy for you to say that. Parang sa pagsabi ni Sed ng kasal ay ito ang solusyon nito. Gusto niyang sampalin ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito naiintindihan ang mg hinaing niya sa buhay. Hindi naman ganoon kadali ang magpakasal. Ayaw niyang sumbatan siya nito balang araw na napilitan lang naman itong makasal sa kanya. Gusto niyang magpakasal sa taong mahal niya at mahal rin siya. Ngayon niya pinagsisisihan ang pagtanggap sa alok ng nanay ni Sed. Sana hindi nangyari ang lahat ng 'to. Sana masaya siya kahit wala siyang boyfriend. Sana wala siyang iniisip na problema. At sana virgin pa siya hanggang ngayon. Dahil pangarap niyang lumakad sa altar na malinis. Hanggang pangarap na lang iyon ngayon dahil hindi na 'yon mangyayari. Dahil sa naisip ay lalo siyang nalungkot. Lalong naging kumplikado ang pakiramdam niya dahil hindi naman siya sigurado kung mahal din ba siya ng lalaking mahal niya.
"I never thought this will happen to me!" Puno ng pagsising sigaw niya habang umiiyak. "Sana kahit kaunti pilitin mong maintindihan ako. Kasi ako, pinipilit kong intindihan ka. Alam kong lalaki ka pero sana, hindi lang sarili mo ang iniisip mo."
"What do you mean?"
Humugot ng malalim na hininga si Celine. Ayan na naman. What do you mean na naman? Pinigil niya ang sariling sampalin ito. Kailangan niyang magbilang hanggang isang daan upang pigilin ang sariling magbulyaw.
"Ilang beses ko ng ipinaliwanag sa 'yo pero hindi mo pa rin naiintindihan," nauubos ang pasensyang sabi niya. Pinilit niyang makapagsalita ng maayos sa pagitan ng pagluha niya. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya.
"I-i'm sorry."
Ngayon ka lang magso-sorry. Antagal ko ng gustong marinig 'yan sa 'yo. Na aminin mo rin na may kasalanan ka. Ngunit hindi niya iyon isinatinig. "Don't say sorry. I don't need your sorry. I'm going," kalmado ngunit pinal na wika niya. Galit at panibugho ang makikita sa mga mata niyang luhaan.
"Masyado kitang minahal na wala na akong tinira para sa sarili ko. Thank you for the breakfast."