Chapter 11

1483 Words
NAGISING si Celine nang marinig ang message ringtone ng phone niya. Binuksan niya ang mga mensahe. It's from Sed. Anong nakain nito at bakit nagte-text ng maaga? Hi baby Good morning :-) Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ng mabasa ang mensahe. Mabibilang sa kamay ang mga pagbati ni Sed sa kanya tuwing umaga kaya masarap sa pakiramdam na naalala siya nito matapos bumangon sa kama. Nag-reply siya. Hindi na siya naglagay ng smiley dahil baka isipin nitong masyado siyang masaya. Good morning too. Makalipas ang ilang minuto ay muling tumunog ang cell phone niya. Sed is calling. Sinagot niya ang tawag. "Hello." "Hello, Celine. Good morning. Pupunta ka ba dito sa bahay?" "Good morning. Bakit?" "'Yong designs ng bahay hindi pa natatapos," anito sa kabilang linya. Nadismaya ang dalaga. Akala pa naman niya kaya ito tumatawag dahil nami-miss siya nito. "Off ko kasi ngayon baka sakaling available ka?" "Ah, sige. Pupunta ako. Before lunch." "Thanks. See you." "Goodbye." "Bye, Celine." TININGNAN ni Sed ang sarili sa salamin. "Okay na siguro ito." He will make it. Kinuha niya ang flashdrive na nakalapag sa itaas ng drawer niya. Sinubukan niyang i-play iyon gamit ang stereo equipment niya. Narinig niya ang pagtunog ng doorbell kaya matapos masigurong hindi papalya ang flashdrive at radio ay bumaba na siya ng hagdan. Hawak niya sa magkabilang kamay ang flashdrive at radio. Nakita niya si Celine sa labas ng gate ng bahay niya. Dinukot niya ang phone sa bulsa at tinawagan ito. Sinadya niyang hindi i-lock ang pinto sa gate para madaling makakapasok ang dalaga. "Hi, babe. Pumasok ka na. Nakabukas ang gate. May ginagawa lang ako sandali," sabi niya hindi pa man nakakapag-hello ang dalaga. "Huwag ka nang kumatok sa pintuan kasi nakabukas 'yon. Pumasok ka lang at pihitin ang seradura. May tinatapos lang ako," pagsisinungaling niya. Narinig niya ang pagsagot nito at ang pagtulak ng dalaga sa gate ng bahay niya. Inihanda niya ang sarili. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang paggalaw ng seradura. Alam niyang nasa likod ito ng pintuan. Isinaksak niya ang flashdrive sa radio. Pagbukas na pagbukas ng pinto ay pumailanlang ang isang malamyos na nakakaindak na awit. "So love me like you do. La-love me like you do. Touch me like you do. Ta-touch me like you do." Kita niya ang pagkagulat at pagkamangha sa mukha ni Celine nang masilayan ang ayos niya. Nakasuot siya ng pinaka-sexy na niyang boxer. Nakangiti itong pinagmasdan siya kaya ipinagpatuloy niya ang pagsayaw. TAWANG-TAWA si Celine nang makita si Sed na ginagaya ang steps nina Dawn at Zeus noong nasa PBB house ang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay walang itong kaparis kaya sinusubukan nitong sumayaw ng mag-isa. Kabisado niya ang sayaw na iyon dahil sinusubaybay niya dati ang mga housemates ng PBB 737 at pinanood niya uli ang dance steps ng concert sa Youtube. Ang steps na ginagawa nito ay steps ng babae. Hindi maganda ang sayaw nito ngunit na-e-entertain siya dahil may pagkakomedyante din pala ang binata. Basa pa ang buhok ni Sed. Tingin niya ay katatapos lang nitong maligo. Malalaki ang mga biyas nito kaya hindi niya mapigilang tumawa na nauwi sa hagikgik. He still look so sexy and yummy despite fact na peke ang abs nitong drawing ng pentelpen. It doesn't made him less a man. Napatitig siya sa tiyan nito. Hmm. Flat tummy. Girls would swoon by that sight. Gusto niyang hawakan ang tiyan nito. Pwede na niya iyong kuhanan ng larawan, i-upload sa i********: at lalagyan ng hashtag na flat tummy is the new sexy. Tinitigan niya ang mga binti nito. Wow. May mga kulot na balbon ito na kitang-kita dahil sa napakaliit nitong saplot sa katawan. Anong ginagawa nito? Sineryoso ba nito ang sinabi niya at desidido itong akitin siya? Oh my. Mukhang magtatagumapy ito sa binabalak. Hindi maari! Tumikhim siya. "Anong ginagawa mo?" Lumapit ito sa kanya. He is dancing seductively. Sed smiled at her. "Isn't obvious, darl?" "Akala ko ba tungkol sa bahay ang ipinunta ko rito," aniya na nakangiti. "Mamaya pa 'yon. Ngayon mag-enjoy ka muna sa panonood sa akin. Am i a good dancer, baby?" He asked. Humagikgik siya. "Hmm. Pwede na. May ibang lahi ka ba?" "What do you mean?" Tanong nito. Patuloy pa rin ito sa pagsayaw. Linapitan niya si Sed at hinaplos ang pisngi nito. Naramdaman niyang tumigil ito sa pagsayaw. "Naisip ko lang. Kasi kadalasan naman kapag pinoy, walang balbas dito," aniya na hinawakan ang mumunting buhok sa pagitan ng tainga at leeg nito in her most gentle way. Tingnan natin kung sino ang maaakit. Is it me? Or is it you? Tinanggal ni Sed ang paghawak niya. "My dad is half Italian, half Filipino. I was born in Sedrano, Italy. Kaya pinangalan sa akin ang lugar kung saan ako ipinanganak." "Kaya pala. Iba ang hugis ng ilong mo," aniya na hinaplos ng marahan ang ilong nito maganda at mataas ang nose bridge. Nakita niyang nag-iba ang reaksyon nito sa ginawa niya. Natawa siya ng hulihin nito ang kamay niya. "Stop doing that. You don't know what you're doing," saway nito. "Ako dapat ang nang-aakit at hindi ikaw." Lumakas ang tawa niya. "Hindi ko kaya ang ginagawa mo, Sed. Kung hindi pa natin sisimulan ang pag-ayos ng condo mo, tawagan mo na lang uli ako. Kapag matino na ang isip mo." Humakbang siya palayo sa binata. Mabilis siya nitong hinabol bago pa niya mabuksan ang pinto. Iniharang ng binata ang kanang braso sa pinto. "You cannot leave this time. Just sit and relax. Sayang ang effort ko kung hindi mo 'ko panonoorin." Malaki ang ngiti niya. Ano ba 'tong ginagawa nila? "Talaga?" "Yes, my baby Celine." Sa gulat niya ay pinangko siya nito at pinaupo sa galanera. Napansin niyang nagpalit ng tunog ang radyo. Ibang awit ang pumailanlang. Ang introduction ay more daring, more seductive. Mas naging malumanay ang melodiya ng kanta na lalong nagpatindig sa mga balahibo niya sa katawan. Bumagal ang tempo. Natatawang naupo siya habang patuloy na pinagmasdan ang mga nakakatawa at hindi nakakaakit na dance steps ng binata. Tinakpan niya ang mga mata nang makitang unti-unting tinatanggal nito ang kakarampot nitong saplot sa katawan. "Uy, tigilan mo yan, Sed!" Sigaw niya. Ngumisi ito pagkatapos ay humalakhak. Patuloy ito sa ginagawa with his charming but not-so-seductive dance steps. Nakangiting tumalikod siya. "Tigilan mo 'yan sabi!" "Humarap ka nga! Huwag kang tumalikod!" Narinig niyang sabi ni Sed. "Ayoko. Tigilan mo na kasi 'yan. Huwag mong tatanggalin. Please?" Paki-usap niya. Tanggalin mo yan! Gusto kong makita. Ipinilig niya ang ulo. Kung anu-ano na ang iniisip niya. Bad influence talaga ang lalaking ito. Juice colored. Panumbalikin niyo na po ang katinuan ng lalaking ito. Hindi ko kaya ang kabaliwan niya. "Humarap ka sa akin," utos ni Sed. "Hindi ako haharap," aniya. "Kung hindi ka haharap ako ang lalapit sa 'yo," babala ng binata. "Hindi mo tinanggal?" Tanong niya. "Hindi." Celine slowly turned around. Nakita niyang may damit na nakakalat sa sahig. Halla! Tiningala niya ang binata at sadyang iniiwas ang paningin upang hindi niya mapasadahan ang hindi dapat makita. Malaki ang ngiti nito. Bumaba ang tingin niya sa malapad nitong balikat hanggang sa nakita niya ang pusod. Bumaba pa ang tingin niya. Nanghinayang siya ng makitang nakasuot ito ng brief pero at the same time ay nakahinga siya ng maluwag. Napatitig siya roon ng wala sa oras. Oh my. Natakpan niya ang bibig. Extra large ba ang nakikita niya? Kakayanin kaya niya kapag ganyan ang size? Nataranta siya ng lumapit si Sed sa kanya. "You are making my mood, darl. You are so beautiful," anito. Hinaplos nito ang pisngi niya at hinapit siya. Uh oh. Do not do this. I cannot take this! Bago pa siya makapagreklamo ay sinakop na ng binata ang mga labi niya. Marubdob at nag-aalab ang halik na pinagsaluhan nila. Sandaling nawala sa katinuan ang dalaga at tinugon ang mga nakakahalinang halik ni Sed. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya inasam ang halik nito sa nakalipas na mga araw. Sandaling binitawan ni Sed ang mga labi niya. "I miss you, baby," he said in his low, husky voice. Napakasarap sa pandinig na mapakinggan ang mga sinambit nito. Ngumiti siya. "I miss you too." Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata. "Tell me to stop, darling," wika ng binata sa pagitan ng paghalik sa kanya. Ramdam niya ang paghagod ng kamay ng binata sa likuran niya. Kailangan niyang labanan ang sarili. Nag-ipon siya ng lakas at unti-unting itinulak si Sed. "I think that is enough. Nagtagumpay ka sa pang-aakit." Mahinang tumawa ito. "You're right," sang-ayon nito. "Do you like my kiss?" Nahihiyang tumango siya at ngumiti. "Is it good or not?" Oh darling Sed. It's so good. "It's good," malaki ang ngiting sabi niya. "Magdamit ka na. Ayokong makipag-usap sa hindi nakadamit." Tumawa ito bago tinungo ang radio at pinatay iyon. "I'll be back," anito bago nagmamadaling tinahak ang silid sa ikalawang palapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD