NAG-AALALA si Celine dahil hindi nagpaparamdam si Sed sa kanya. It's been four days since they have talked. Since their 'naunsyaming eksena.' Galit kaya ang binata sa kanya? Bakit naman ito magagalit? She's just being in control and standing her grounds. Nilakasan niya ang loob niya at kinatok ang pinto. Seconds passed bago siya pinagbuksan ni Sed. Magulo ang buhok nito at parang hindi pa naliligo. Kababangon siguro nito sa kama. Halata na rin ang mga balbas nito. Ganoon man ang itsura nito ay guwapo pa rin.
"Hi," bati ni Celine sa binata, trying to take off the uneasiness she felt. Batid niyang ang binata man ay ganoon din ang pakiramdam. Tipid na ngumiti si Sed kaya nagpatuloy siya. It's now or never. Kahit hindi niya ugaling magyaya ng date sa lalaki ay gagawin na niya. Para makausap niya ang lalaki, makapag-sorry at magbati na sila. Ayaw man niyang aminin pero nami-miss niya ito. Gustong-gusto niya itong makasama at makausap. Hinihintay niya si Sed na unang kumausap sa kanya ngunit malakas ang kutob niyang iyon mangyayari. Napagtanto niyang tama ang hinala niya ng tipid na ngumiti ito ng makita siya. Wala siyang makitang saya sa mga mata nito. Lungkot ba ang nakikita niya sa mga mata nito? Dati naman ay laging malaki ang ngiti ng binata kapag nagkikita sila. Hindi tulad ngayon. Kaya siya na ang gagawa ng paraan. "Would you like to go on a date with me?" She asked.
"Where?" He asked.
"Kahit saan. Sa museum, nakapunta ka na ba ron?" Tanong niya.
"Hindi," napakalamig nitong turan. Niluwagan nito ang pagbubukas ng pinto. "Pasok ka."
"May gagawin ka ba ngayon?"
"Wala."
Napakatipid nitong magsalita. Hindi siya nito niyayang maupo ngunit naupo na siya wala pa man itong sinasabi.
"Magpapalit lang ako," anito bago siya iniwan sa living room.
After twenty minutes ay bumaba na ito ng hangdan. Nakapaligo na ang binata at nakapag-shave. May hawak itong laptop sa kaliwang kamay. Maayos na ang buhok nito.
"May dala ka bang sasakyan?" Tanong ng binata.
Tumango siya.
"'Yong sasakyan ko na ang gamitin natin. Iwan mo na ang kotse mo dito. Kukunin ko lang 'yong susi sa kuwarto."
"Kumain ka na?" Naalala niyang itanong.
"Oo. Kumain ako ng biskwit at uminom ng tsaa," he answered coldly.
"MAGKANO po ang entrance fee?" Tanong ni Celine sa babaing nakauniporme ng asul. Papasok sila ni Sed ng National Museum.
Ngumiti ang babae na sa hula niya ay nasa early forties ang gulang. "Walang entrance fee ang pagpasok ng National Museum. Tinaggal na ng pangulong Digong ang dating fee ng museyo. Mag-fill up kayo dito sa attendance at paki-iwan na rin ang mga gamit niyo," the lady instructed in friendly tone.
May lalaking umabot ng mga gamit niya. Nakatingin ang lalaki sa likuran niya na parang may hinihintay. Nilingon niya si Sed. "Pagsamahin na natin sa gamit ko ang laptop mo para isang number na lang," aniya.
Iniabot ng lalaki sa binata ang laptop at may ibinigay na numero. "Paala lang po ma'am, ha? Bawal po ang may flash na camera sa loob ng museum."
She nodded after writing their names in the log in form.
Pakiramdam ni Celine ay napunta siya sa unang panahon nang makita ang napakalaking obra na naka-display sa main floor ng museyo. Ang canvass na dati ay kinakabisado lang niya noong kolehiyala siya na gawa ni Juan Luna. Ang La Spoliarium ay kitang-kita niya ngayon. Ang alam niya'y maliit lamang iyon kaya nalula siya ng makitang hindi ito gaya ng karaniwang canvass. Napakalaki kaya batid niyang matagal iyong ginawa ng nasabing pintor. Sa tingin niya ay may apat na metro ang kapal at ang taas ng painting ay mahigit pitong metro. Sumisimbolo ang La Spoliarium sa pakikipaglaban ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naalala niyang nagwagi sa Madrid, Espanya ang nasabing obra. Tinalo nito ang obra ng mga dayuhan sa dayuhang pook. Nakatanggap ito ng gintong medalya. Naakit si Celine na hawakan ang painting ngunit ayaw niyang masira ang oil on canvass painting. Sayang naman kung hindi na ito masisilayan ng susunod na henerasyon. Baka i-ban pa siya ng National Museum at hindi na muling papasukin.
Matagal na niyang pangarap ang makapasok ng museyo, makakita ng mga artifacts, at makita ang mga gawa ng mga bayani na nagsisilbing tulay ng panahon noon at ng makabagong panahon ng teknolohiya. Pakiramdam niya nasa panahon siya ng 19th century ng makita ang mga ginamit na paintbrushes ng mga dakilang pintor gaya ni Relix Resureccion Hidalgo at Juan Luna.
"Wow," tanging sambit niya ng makita ang napakataas ng pintuan. Ganyan ba kataas ang mga pintuan noong unang panahon? Paano kaya kung nakapaglakbay siya noong panahon ng mga bayani? Sinulyapan niya ang binatang kasama. Nagmamasid ito. She smiled a little. "Mag-picture tayo!" Tinuro niya ang upuan sa tapat ng malaking pinto at ibinigay ang kamera sa binata. Gusto sana niyang kunan ng larawan ang La Spoliarium ngunit hindi siya makasingit dahil napakaraming tao na naroon na nagmamasid rin. Hindi siya makakuha ng magandang anggulo. Maraming photo bomber kaya naisipan niyang puntahan ang iba pang bahagi ng museyo. Naupo siya sa kalagitnaan ng bangko. "Sed, paki-picture-an naman ako," paki-usap niya. Tumango ito kaya nag-pose na siya.
"Hindi ka naman ngumingiti," wika ni Sed habang inaayos ang camera.
Napangiti siya. "Hindi naman kailangang ngumiti. Kunawari stolen shot!" Excited na sabi niya.
Amuse na ngumiti ito. Pati mga mata ay nakangiti rin. Nawala na ang nararamdaman ni Celine na awkwardness. Alam niyang okay na sila. "Ikaw bahala. Okay, one-two-three. Click."
Mabilis na tumayo siya matapos makapakuha ng larawan. "Patingin nga. Baka hindi maganda," wika niya bago kinuha ang kamera mula sa binata. "Okay naman. Maganda. Magaling ka palang kumuha ng larawan. Maupo ka ron." Tinuro niya ang upuan na inupuan niya kanina. "Bakit?" He asked.
"Eh kukunan din kita ng larawan. Magmadali ka habang wala pang ibang tao rito." Tinulak niya ito kaya sapilitan itong naupo. Ngumiti ang binata kasabay pag-click niya ng kamera.
Tinungo nila ang second floor at nakita ang mga antigong paintings ng mga pintor. May nakita si Celine na sculpture kaya ginaya niya ang pagkakatayo niyon. "Picture-an mo ko dito," utos niya sa binata. Kukuhanan na sana siya ng binata ng picture ng may biglang lumapit na nakaunipormeng babae sa kanila. Sa hula niya ay employee ito ng museyo. Ngumiti ang ginang. "Ma'am, pasensya na po pero hindi po pwedeng ginagaya natin 'yong mga sculpture," friendly na reminder ng ginang. Nakatingin ito sa kanya bago ngumiti. "Kasi bawal po. Pagbibigay galang po iyon sa mga yumao nating kababayan na nag-buwis ng buhay para sa atin."
"Pasensiya na po. Hindi ko alam na bawal po," apolegetic na pahayag niya.
"Okay lang basta huwag niyo ng ulitin. Bawal din po ang pagkuha ng videos sa loob ng museyo," malumanay na saad ng ginang.
"Ay, eh ang pagkuha po ng larawan, okay lang po ba?" Tanong niya.
"Oo. Okay lang. Hindi naman gaanong mahigpit ang patakaran dito. Hindi rin po pwedeng i-upload sa social media sites. May isang artista nga na na-ban na ng museum dahil nag-video siya habang paakyat ng hagdan. Bawal po 'yon."
Tumago tango siya. Sinulyapan niya ang kasamang binata. Matamang nakikinig ito.
"Mas mahigpit nga sa ibang museum dahil maski ang pagkuha ng larawan ay ipinagbabawal," patuloy ng ginang.
"'Yong pag-indian seat po sa floor tapos kukunan ng larawan, hindi po ba bawal?" Tanong ni Sed.
"Naku mister bawal po 'yon," sagot ng ginang.
Ngumiti si Sed at tumango.
"Maiwan ko na kayo, ha?" Paalam ng ginang.
Tumaas ang kilay ni Celine nang may makitang magkahawak-kamay na magkasintahan na nakaupo sa mga upuan sa loob ng museyo. "Sana hindi na lang tinanggal ni president 'yong entrance fee. Ginawa na nilang dating area ang museum," puna niya.
Liningon siya ni Sed. "Di naman," kontra nito saka bumulong. "Naiinggit ka lang."
"Hindi 'no," aniya.
Matapos pumasok sa museum at managhalian sa isang restaurant ay ipinagpatuloy nila ang pamamasyal sa Star City. Niyaya niya si Sed na sumakay sa Bump Cars na pinaunlakan naman nito. Papalubog na ang araw sa Manila bay nang sumakay sila sa napakataas na ferris wheel. Kitang-kita ni Celine ang kagandahan ng sunset na sinamahan ng malakas ng ihip ng hangin mula sa look. Siya ang nakaharap sa malawak na baybayin. Kinuha niya ang cellphone mula sa bag. Mabilis na kinuhanan niya ng larawan ang binata na ang background ay ang kulay crimson na kalangitan habang nasa pinakamataas na bahagi sila. Agad naman itong ngumiti. Okay na sila. Alam niya iyon.
Isinunod nila ang pagsakay sa Viking at pumasok sa man made na kuweba. Nang mapagod ay naupo sila sa isang bench malapit sa mga rides. Napakaganda ng kapaligiran. Iba-ibang kulay ng ilaw ang nakasabit sa mga hindi kataasang puno. Sila lamang ang naroon dahil ang abala sa pilahan ang mga tao. Kumakain sila ng hotdog.
"Have you been in an amusement park before?" Tanong ni Sed kay Celine. Pinagmamasdan nila ang mga bata na sumasakay ng Carousel.
"No. This is my first time, actually. It's always been my dream to spend the day with mom and dad in a place like this. S
."Bakit? Hindi ka ba nagkaroon ng pagkakataon na makasama sila sa mga lugar gaya rito?"
"Hindi. Kapag Sunday, napi-picnic kami. Mom loves nature. Kaya thank you, Sed, dahil tinupad mo ang matagal ko ng pangarap."
"You're very much welcome, Celine my darling," nakangiting tugon ng binata.
Biglang sumingit sa isipan ni Celine si Eliza habang pinagmamasdan ang masayang aura ng binata. Do you still love Eliza? Nais sanang itanong ni Celine ngunit kalauna'y nagbago ang isip niya. It's not the right time to ask such questions. Don't spoil your evening with him, Celine. Just enjoy the moment. Isa sa mga araw na ito ay maglalakas loob siyang kausapin ang binata tungkol kay Eliza. Nakahanda siyang tanggapin anuman ang isasagot nito sa mga katanungan niya. Kailangan niyang makasigurado habang maaga pa.
Nakatuon ang paningin ng binata sa mga grupo ng kabataan na humihiyaw at nagsasaya habang nakasakay sa Surf Dance. "Gusto.mong sumakay sa surf dance?" Natanong ni Sed.
Ngumiti lang si Celine.
Nagtaka si Sed dahil hindi sumagot si Celine. Patuloy lang ito sa pagtingin at pagngiti sa kanya.
"Tinatanong kita kung gusto mong sumakay rin don," ulit ni Sed na itinuro ang mga tinedyer na masayang sumasakay sa surf dance.
Kumunot ang noo ng dalaga. "Why?"
Naguluhan si Sed. "Why?"
"Look at your face. Why are staring at me like that?"
Mahinang natampal ni Celine ang pisngi. "Ha? Ano uli 'yon?"
"May iniisip ka yata."
"Wala. Sige, tara sa surf dance," masiglang sabi ni Celine. Tumayo siya at mabilis na hinila sa kamay si Sed para pumila.
"SAAN kita ihahatid? Sa condo mo?" Tanong ni Sed kay Celine habang naglalakad sila palabas ng Star City. Mabigat pa rin ang traffic kahit alas nuwebe na ng gabi.
"Pakihatid na lang ako sa condo."
Ilang minuto rin bago sila nakarating na sila sa JCL homes. Hindi na hinintay ni Celine na pagbuksan siya ng pinyo ng binata. "Thanks for the ride," aniya.
"You're welcome."
"Good night," sabi niya.
Tipid na ngumiti ito. "Good night."