MAHIGPIT na yakap ni Sonia ang sumalubong sa mag-asawang Sed at Celine. Unang niyakap ni Sonia ang anak at isinunod na niyakap ang manugang.
"Dito ba kayo maghahapunan?" Magiliw na tanong ni Sonia sa dalawa.
Tumingin si Sed kay Celine na parang ito ang dapat sumagot sa tanong ni Sonia. Ngumiti si Celine.
"Opo, mommy," aniya.
Tinutulungan ni Celine si Sonia sa paghahanda ng pananghalian. Naghihiwa siya ng mga sibuyas at mga gulay na isasahog sa pansit. Parang mapapiyesta si Sonia dahil maraming nakahandang iluluto ang ginang.
"Masyado na po atang marami ang mga niluluto natin. May hinihintay pa po kayong ibang bisita?" Tanong ni Celine. Inaayos niya ang lamesa at tinatanggal ang mga nagbalatan ng mga gulay.
"Wala na, anak. Tayo-tayo lang," wika ni Sonia.
Makalipas ang ilang minuto ay nakahanda na ang hapag kainan at sabay-sabay silang nagsalo-salo para sa hapunan.
"Kumusta ang pagsasama niyo ng anak ko, Celine?" Tanong ni Danny, ang ama ni Sed.
"Okay naman po ti... daddy," sagot ni Celine. Naiilang pa ang dalaga sa pagtawag ng 'daddy' sa ama ng asawa niya.
Sinulyapan niya si Sed na magana sa pagkain. Katabi niya si Sonia. Silang apat ang nagkakaharap-harap para maghapunan.
"Kumuha ka pa ng ulam mo, anak," masayang sabi ni Sonia. Itinulak nito sa tabi niya ang isang putahe ng ulam.
Ngumiti si Celine. "Salamat po, mommy."
"Kung nababagot sa bahay niyo ng anak ko, pwede kang mamasyal dito anytime," sabi ng ginang.
"Tatandaan ko po 'yan," aniya na ngumiti.
"Kumusta ang pagsasama niyo ni Sed. Mayron na ba?"
Muntik ng masamid si Celine dahil sa narinig. Walang nagsasalita sa kanila ni Sed. Alam niyang ang tinutukoy ng ginang ay kung buntis na ba siya.
"Aba'y sa tingin ko'y wala pa. Kailangan niyo ng umuwi para makarami kayo. Sabik-sabik na kami ng nanay mo, Celine, na magkaroon ng apo," sabi ni Sonia.
Hindi maiwasan ni Celine ang tumawa. "Para niyo naman kaming pinapauwi na, mommy " wika ni Celine.
"Hindi naman, anak. Aba'y bilisan niyo na!"
Tinapik ni Danny ang braso ni Sed. "Anak,
huwag kang babagal-bagal. Bigyan niyo na kami ng mga apo," nakangiting sabi ng ama ni Sed.
"Darating din tayo diyan, Dad. Relax lang kayo. Malay niyo, bukas makalawa ay buntis na ang asawa ko," wika ni Sed na nakangiting hinawakan ang kamay niya.
"LET'S spend the whole night making love, darling. I will make you relax," masayang sabi ni Sed sa kanya pagdating nila sa bahay. Nakapulupot ang mga kamay ni Sed sa baywang niya. Sandaling tinanggal nito ang pagkakayakap sa kanya dahil isinara nito ang main door ng bahay.
"Talaga?" Malaki ang ngiting sabi niya. May pakiramdam siyang sineryoso ni Sed ang sinabi ng mga magulang nito sa kanila.
Matapos ikandado ang pinto ay muli siyang kinabig ng asawa paharap rito. "Yes, my baby." Hinagod nito ang kanang braso niya at sinamyo ang buhok niya. Banayad nitong hinaplos ang pisngi niya. Malapit na malapit ang mga mukha nila. "I will get off all your tiredness." He smiled. Ang ngiting nakikita lamang niya kapag nasa mood ang asawa niya para sa love making.
"I am not tired," nakangiting sabi niya.
"Well, very good then. Baka maubos na ang lahat ng lakas mo mamaya."
Napatawa ng malakas si Celine. Tiningala niya ang asawa at dinampian ng halik ang mga labi nito. Sandaling halik ang iginawad niya at ng maramdaman ni Sed na tumigil siya sa paghalik ay ito naman ang humalik sa kanya. Not a simple kiss. The kiss he is giving is requiring her to respond. Sa una'y nabigla siya sa at hindi agad tumugon. Niyakap pa siyang lalo ng asawa kaya mas lalong naging mainit ang halik na ibinibigay nito sa kanya. Hindi niya pinigil ang sariling tugunin ang mga halik nito. Ang mga kamay ni Sed ay naging malikot. Mula sa main door ay unti-unti silang nakarating sa living room. Mabilis na naihiga siya ni Sed sa sofa. Tumayo ito at mabilis na tinanggal ang polo shirt at muli siyang nilapitan. He softly shower kisses all over her face and the back to her lips.
"Baby, take off my pants."
"Okay," mahinang sambit niya bago inayos ang pagkakaupo. Tumayo si Sed sa tabi niya at mabilis na ibinaba niya ang zipper ng suot nitong pantalon. Nag-aaatubili siya kung isasama huhubarin ang brief ng asawa. Napatitig siya roon ng ilang saglit bago tumingala upang salubungin ang tingin ng asawa.
"Take that off, darling," anito at kinuha ang kamay niya, inilapit sa pagitan ng mga binti nito. Pikit-matang tinaggal niya ang natitirang saplot nito sa katawan. Aaminin niyang matagal na nilang ginagawa ito, almost every night at hindi lang isang round ngunit sa tuwina'y nakakaramdam siya ng pagkailang.
Mabilis na nagbago ang posisyon nila. Si Sed na ang nakaupo sa sofa at siya ang nakatayo. Tumalikod siya at mabilisang ibinaba ni Sed ang zipper sa likod ng suot niyang bestida.
"Oh, baby you're so beautiful," anito na pinaharap siya. Pinaupo siya nito sa kandungan niya.
Muli siyang siniil ni Sed ng mainit na halik. She moaned in pleasure when she felt his hands roaming around her body. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ng asawa. His right hand cupped her breast while he is kissing her neck. Bumalik ang mga halik ni Sed sa mga labi niya. Tinugon niya ang mga halik nito. She moved her tounge inside his mouth. Kumawala ang ungol ng asawa. Naglandas ang mga kamay ni Sed sa likuran niya kaya ramdam niya ng mahulog sa sahig ang kanyang natitirang suot.
"Sed, doon na lang tayo sa kuwarto. Mas komportable," hiling niya.
"Okay," anito at pinangko siya hanggang sa makarating sila sa silid at maingat na ibinagsak siya sa malambot na papag. Hindi hinayaan ni Sed na maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Babe, thank you for your love," buong pagmamahal na pasasalamat ni Sed sa kanya. Abot hanggang sa mga mata nito ang kaligayahang nadarama.
"Thank you rin, darling. I love you." Siniksik niya ang sarili sa katawan ng asawa. Niyakap siya ni Sed ng mahigpit.
"I love you," wika ni Sed na hinalikan siya sa noo. "Sleep, baby. Good night."
"Good night, darl."
NATAPOS na ni Celine ang paglalaba kaya plano niyang i-drain ang laman ng washing at linisin na iyon. Ngunit hindi niya iyon magagawa dahil may nakasalang na maruruming damit. Nangunot ang noo niya ng makita ng malapitan ang mga nakasalang na damit. Hindi lang basta marurumi. Iniangat niya ang isang damit at nanunuring tiningnan iyon. Mga basahan! Bumadya ang inis sa dibdib niya. Sinong nangialam ng mga labahin ko? At bakit pati mga basahan ay nilagay sa washing? Inilibot niya ang paningin sa loob ng laundry area. Walang tao roon maliban sa kanya. Nasapo niya ang noo. Konsomisyon. Mapapagalitan niya ang sinumang gumawa nito.
Tinungo niya ang sala at nakita si Sed na prenteng nakaupo sa couch. Kaharap ito sa laptop na nakalapag sa center table.
Humugot siya ng malalim na hininga at pinakalma ang sarili. Si Sed ang naglagay ng mga basahan sa washing machine. Hindi ba nito naisip na hindi dapat iwina-washing ang mga basahan? Sa halip na pagbinatangan ito ay patuloy niyang kinalma ang sarili at mahinahong nagtanong. "Sed," tawag niya.
Umangat ang tingin nito mula sa pagbabasa sa computer. "Bakit, darling?"
"Ikaw ba ang naglagay ng mga basahan sa washing machine?" Mahinahon ang pagtatanong niya ngunit kabaliktaran ng expression niya. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit at inis.
"Oo. Bakit?" Inosenteng tanong niya.
Umiling siya ng ilang beses. "Pinapasakit mo ang ulo ko. Bakit mo nilagay?" Nakapamaywang siya. Nasapo niya ang noo.
"Bakit? May problema ba?"
"Dapat hindi mo nilagay 'yong mga basahan sa washing machine! Mga maruruming damit lang dapat ang nilalagay ron."
"Ganoon ba? Hindi ko alam," anito. "Gusto ko lang makatulong."
"Pwes, hindi ka nakakatulong. Kaya ko namang gawin 'yon. Huwag ka ng mangialam sa mga labahin," aniya habang paalis ng living room.
MABILIS na lumipas ang isang taon. Masaya ang mga araw ng pagsasama ng mag-asawang Sed at Celine. May mga pag-aaway at malimit na 'di pagkakaunawaan ngunit bago muling sumikat ang araw ay naayos din. Anak na lamang pinakahihintay nilang dumating. Patuloy ang pag-iipon at paghahanap-buhay ni Sed para sa pagdating ni baby.
Nagtatakang napasulyap sa orasan ng living room si Celine. Pasado alas-otso na ng gabi. Dapat ay nakauwi na si Sed. Tiningnan niya ang cell phone sa pagbabakasakaling nag-text ito ngunit wala naman. Binuksan niya ang mobile data upang tingnan ang kanyang messenger. Maging sa messenger ay wala rin itong text. Ano kayang nagyari? May emergency na naman ba? Nang makaramdam siya ng pagkabagot sa pagbabasa ay binuksan niya ang telebisyon.
Hinintay niya ang pagdating ni Sed kahit malapit ng mag-alas dyes ng gabi. Kung nag-o-over time ito'y sobra naman na ata ang inilagi nito sa opisina. Kadalasan ay bago mag-alas-otso ng gabi ay dumarating na ito. Bakit may iba siyang pakiramdam? May takot at lungkot siyang nararamdaman sa dibdib. Nang mapagod siya sa paghihintay ay itinuloy niya ang pagpanhik sa silid.
Alas-onse ng gabi ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Marahil ay dumating na ang asawa niya. Sumilip siya sa bintana at nakitang isinasara ni Sed ang gate ng bahay. Hindi maiwasang mainis ni Celine. Hindi man lang ipinaalam ni Sed sa kanya na gagabihin ito ng uwi. Hindi ba nito naisip na hinihintay niya ito? Nang marinig ang pagbukas ng pinto ng silid ay nagtalukbong siya ng kumot at nagkunwaring natutulog. Nakasimangot siya at mabigat ang dibdib niya.
"Gising ka pa, darling?" Tanong ni Sed.
Hindi siya gumalaw. Ramdam niyang naupo ito sa kama at hinaplos ang braso niya. Rinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "I am late, darl. I'm sorry."
Tumaas ang kilay niya. Oo. I am so much awake. Bakit ngayon ka lang dumating? Anong ginawa mo?
"Work is so stressful. Na-corrupt ang files ng ginawa kong mobile app kaya nahuli ako ng dating. Pasensya ka na. Hindi ako nakasalo sa hapunan."
Nang maramdaman na wala na si Sed sa kama at nakarinig ng mga pagbukas ng cabinet ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa kanya. Nakita niya ang asawa na nagpapalit ng damit. Sa malamlam na ilaw ng lampshade ay nakita niya ang likuran nito. Wala na itong damit pang-itaas.
"Alam kong gising ka pa," wika ni Sed.
Napapitlag siya ng marinig ang sinabi ni Sed. Muli niyang ibinalik ang pagkakatalukbong sa kumot. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa likod.
"Kumusta ka, darling?"
Hindi siya sumagot. "Darl," patuloy nito. Marahan siya nitong inalog.
Unti-unti niyang tinanggal ang kumot at hinarap si Sed. Nanunuring tiningnan niya ang asawa. "Bakit ngayon ka lang?"
"I was in office, darl. I just finished work," sagot ni Sed.
Di niya napigilan ang mapaismid. Muli siyang tumagilid ng higa. "You should have called so that I am not worrying about you. You didn't even bother to send me a text message," may himutok na sabi niya.
Huminga na malalim si Sed. "I'm sorry." Tumabi ito sa kama. "I'm sorry, darl. I'll catch up now. I miss you. Nakalimutan kong mag-text," he said with a tight hug.
Pumiksi siya. "Darling, please. I miss you, babe," malambing na sabi ni Sed. Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kaniya. Nananatili siyang walang imik.
"My darl, don't be upset. I was so busy."
Hindi siya sumagot. "Bumaling ka dito para makapag-usap tayo."
"Ayoko," matigas niyang sabi.
"Darling, we need to talk," anito ng hinila siya paharap rito.
Sapilitan niyang iminulat ang mga mata. Ang pagod na mukha ng asawa ang nakita niya. "I was in office," panimula nito.
"Alam ko. Sinabi mo na kanina," paalala niya.
Itinaas nito ang baba niya ng bahagya at inobserbahan ang expression niya. "Hindi ka naniniwala?" Tanong nito.
"I am."
"Then what is your problem, darling?"
They both stared at each other. "I don't have a problem." Muling tumagilid si Celine.
"Oh, babe. I know we have a problem. Tell me, please," nakiki-usap na tanong nito.
"If I hug you will that pain go?" Tanong ni Sed.
"No."
"If I kiss you will that pain go?" Muling tanong ni Sed.
"No," aniya na muling tumagilid at ipinikit ang mga mata.
"My darl, please. I need you, babe. I cannot sleep if you are angry at me." Hinawakan ni Sed ang ang hita niya. Awtomatikong naigalaw ni Celine ang mga binti dahil sa ginawa ng asawa. Huwag mo akong akitin! "Darling, wake up. Please."
Muli nitong inaalog ang balikat niya ngunit nanatili siyang walang reaksyon. Naramdaman niyang umalis ito ng kama. Tumaas ang kilay niya. Saan ka naman pupunta?
Mabilis niyang ipinikit ang mga mata ng makitang naglakad si Sed at umupo sa gilid ng kama sa direksiyon niya. Ramdam niyang pinagmamasdan siya nito. Hinaplos nito ang mukha niya.
"You are so beatiful, Celine," anito sa nanunuyong tinig. Hmm. Fresh breath. Pasalamat ka mabango ang hininga mo dahil kung hindi ay hindi mo ako maakit. Hindi siya nagmulat ng mga mata. Nagkamot siya ng ilong na parang walang naririnig.
Hinawakan ni Sed ng buhok niya. "You're hair is so beautiful and..." Kumuha si Sed ng ilang hibla ng buhok niya at inamoy iyon. "...it smells so nice, darl. Nag-shower ka ba bago ka natulog?"
Hindi, sagot niya sa isip. s**t! Ang galing mo ring manuyo. Napangiti na siya at nagmulat ng mata. "Talaga?"
Tumango ito "Yes, darling."
"Weh. Sinasabi mo lang 'yan dahil may gusto kang gawin," kontra niya.
Mabilis itong umiling. "No, darl. I'm saying true."
"Niloloko mo ako," aniya na pilit itinatago ang ngiti.
"Hindi, darl." Humikab ito.
"May gusto ka bang gawin ngayon?" Tanong niya sa masiglang tinig.
"None. I just want to sleep and hug my beautiful wife."
"Okay," aniya. "Then come and hug me= darl. Then let's sleep."
Bumalik ito sa higaan at magkayakap silang natulog. Magaan na ang pakiramdam niya.
INABUTAN ni Celine na nakabukas ang laptop ni Sed sa kuwarto. Kaya siya nagtungo sa kanilang silid ay para tawagin ito para makapag-agahan na sila bago ito pumasok sa opisina. Binalingan niya ang banyo at rinig niya ang mga lagaslas ng tubig. Naintriga siyang pakialaman ang laptop ng asawa. Sasabihin na lang niya kapag nakita siya nito na may hinahanap lang siyang mga larawan na naka-save sa computer. Nagulat siya ng mahagip ng paningin niya ang isang larawan. Larawan iyon na sa tingin niya ay conversation sa messenger. Anong conversation ito? Binasa niya ang conversation nito at ni Eliza. Naghanap pa siya ng iba pang mga larawan. Hindi lamang mga chat conversation ang naroon kundi pati mga video chat. Hindi lang basta video chat. s*x chat! Cybersex! At ini-screenshot pa ng asawa niya. Parehas kayong malandi! Kung cell phone sana ang hawak niya ay baka nabitawan na niya iyon. Sinulyapan niya ang banyo ng marinig na tumigil na ang lagaslas ng tubig. Kailan pa nito ginagawa iyon? Kailan pa siya nito pinagtataksilan? Kaya ba masyadong gabi na kapag dumating ito galing sa trabaho? Nakikipagkita pa pala ito kay Eliza? Baka hindi lang video chat ang ginagawa nila. Maybe they're doing it behind her back. Galit na galit siya kay Sed. Galit na galit siya kay Eliza. Akala niya ay nagbago na si Sed. Akala niya mahal siya ng asawa niya kaya hindi na ito maghahanap pa ng iba. She is wrong. She is wrong all this time. Siya ba ang nagkulang? Pero paano? Binigay naman niya lahat! Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit ayaw niya, pinilit niyang lunukin ang pride niya. At ganito lang ang mangyayari? Walang hiya kang lalaki ka. Napakasama mo. Matapos kong ibigay lahat sa 'yo ay magagawa mo pa akong pagtaksilan. Umiiyak na lumabas siya ng silid.
Paglabas ni Sed sa banyo ay agad siyang nagbihis ng damit para bumaba at makapagsalo ng agahan kasama si Celine. Nagtataka siya kung bakit hindi siya tinatawag ng asawa. Isasara sana niya ang laptop ng may makita siya. Ang mga larawan ni Eliza! Nakita ba ng asawa niya ang mga ito? Pumasok ba ito sa kuwarto? Instinctively ay malakas na tinawag niya si Celine ngunit hindi ito sumasagot. Mabilis na lumabas siya ng silid at natungo sa dining area. Wala ito roon. Nakita niya ang mga inihandang pagkain ni Celine na nasa lamesa. "Darling, where are you? I can explain," malakas ang tinig na sabi niya. Wala siyang narinig na anumang sagot kaya mabilis niyang sinilip ang lahat ng bahagi ng bahay. Wala ito. Nanlulumong naupo siya sa sofa sa living room. Pinagsisihan niya na hindi pa niya binura ang mga larawang iyon noon. Pati ang mga conversation nila ni Eliza. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan ang cell phone ng asawa. Bumalik siya sa silid at narinig niya ang pamilyar na ringtone ng cell phone ng ni Celine malapit sa laptop. Naiwan nito ang cell phone. Saan ito nagpunta? Bumadya ang takot sa dibdib niya ng maalalang baka lumayas na naman ito. Agad niyang tinawagan ang kaibigan ni Celine na si Nina upang alamin kung naroon ang asawa niya ngunit ang sabi nito'y nasa opisina na raw ito. Hindi nito kasama ang asawa niya. Sinabihan na lamang niya si Nina na kapag napunta si Celine sa bahay ng mga ito ay agad nitong sabihin sa kanya.
Nagdadalawang isip siya sa susunod na gagawin. Wala sa sariling sinulyapan niya ang cell phone na kanina pa tumutunog. Kanina pa tawag ng tawag ang mga kaopisina niya. Maging ang boss niyang si Albert ay may isang missed call. Hahanapin ba niya si Celine o papasok siya sa opisina? Tiningnan niya ang oras. Alas otso na. Binasa niya ang isang text galing kay Albert. Sinasabi nitong hindi siya maaring umabsent dahil may mahalagang meeting ang gagawin nila ngayon. Lahat ng developers ay kailangang makausap. Ilang sandali siyang tumitig sa bahay bago muling ibinalik ang tingin sa cell phone. Alright, palalamigin ko muna ang ulo ni Celine. Mamaya na niya ito hahanapin at kakausapin. Kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano makukumbinsi ang asawa na bumalik sa bahay nila. Ayaw niyang mawala ito. Mahal niya ang asawa kaya gagawin niya ang lahat para magkaayos sila.
MATAPOS ang meeting sa opisina ay agad na kinuha ni Sed ang cell phone ni Celine na inilagay niya sa bag bago umalis ng bahay. Tiningnan niya ang mga laman ng contacts nito. Naisip niyang maaaring may pwede siyang kausapin roon. Alam niyang invasion of privacy ang ginagawa niya ngunit wala siyang ibang magagawa. Sabik na sabik siyang maka-usap ito at pagaaanin ang pakiramdam ng asawa. Ayaw niyang malungkot ito at hindi sila okay. Kapag may dinaramdam ito sa kanya ay hindi siya nito kikibuin. Ayaw niyang mangyari iyon. Wala siyang ibang iniisip sa panahon ng meeting kundi si Celine. Nag-aalala siya sa maaring gawin ng asawa niya. Alam niyang sadyang matigas ang ulo nito at ginagawa ang gustong gawin. Lalo na at galit ito sa kanya.
Binuksan niya ang mga messages nito sa cell phone. Kakaunti lang ang mga mensahe nito. Ang iba ay galing sa kanya. Nakita niya ang ibang mga mensahe ay galing kay Nina at sa mama nito. Ang mga mensahe roon ay halos days ago pa. Muli niyang tiningnan ang mga contacts. Aksidenteng nakita niya ang pangalan ni Mark. Hinalungkat niya sa isip kung sino ang lalaking iyon. Hanggang sa maalala niyang ito ang high school friend ni Celine. Ito ang kausap ni Celine noong nakita niya ang mga ito sa basketball court at masayang nag-uusap. Pumunta si Mark noong kasal nila ngunit hindi niya ito gaanong in-entertain. Malayo ang loob niya sa lalaki.
Matagal niyang tinitigan ang numero ni Mark na naka-flash sa screen ng phone ni Celine. Posible kayang nagtungo ang asawa niya kina Mark? Ayaw niyang bigyang pansin ang umuusbong na selos sa dibdib niya. Kahit kailan ay hindi niya magugustuhan si Mark. Kapag bumabalik sa alala niya ang masayang usapan ng mga ito ay naiinis siya. Sa huli ay napagpasyahan niyang i-dial ang numero nito. Ilang beses ng nag-ring ang phone nito ngunit walang sumasagot. Ang numero ni Celine ang ginamit niya para siguradong sasagutin nito ang tawag. Muli niyang tinawagan ngunit pawang ring ang naririnig niya. Naroon na ba ang asawa niya at sinabi nito kay Mark na naiwan nito ang phone kaya posibleng siya ang tumatawag para alamin kung nasaan ito? Bullshit! Hindi siya mapakali. Sobrang takot at kaba ang nararamdaman niya. He needs to talk to his wife the earliest possible time. Mabilis siyang naglakad patungo sa opisina ng boss niya at nagpaalam rito. Labis-labis ang pagsisisi niyang hindi pa niya binura ang mga larawang iyon noon.
GULONG-GULO ang isipan ni Celine habang nagmamaneho. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kaya ba iba ang amoy ng damit ni Sed ng minsang nilabhan niya ang pang-opisina nitong damit? Iisa lang ang ginagamit niyang fabric conditioner kaya malamang ay iba ang huling naglaba sa damit nito. Saan ito nagtungo? Sino ang naglaba sa damit nito? Kasalanan ba niya dahil hindi niya ito kinompronta kaagad? Nagpalipas ba ito ng magdamag sa hotel kasama ang haliparot na Eliza? Iniisip pa lamang niya ang mga nangyari ay para na siyang mamamatay. Ilang araw na siyang naghihinala sa mga gawain ng asawa niya ngunit hindi siya gumawa ng paraan. Noon ay iniisip niyang baka napapraning lang siya. Ngunit napatunayan na niyang hindi siya napapraning. There are solid evidences. Sapat na iyon para makaramdam siya ng lungkot at panigbugho. Walang kasing sakit ang makitang nagtataksil ang asawa niya. Hindi niya akalaing mangyayari sa kanya ang ganito. Bakit siya pinarurusahan? Ang pangarap niya ay magkaroon ng masyang pamilya. Hindi ang magulo at komplikado. Hindi niya kailanman ginusto na makikipag-ugnayan pa rin si Sed kay Eliza sa kabila ng katotohanang kasal ito sa kanya.
Itinigil niya ang sa gilid ng daan ang sasakyan upang pagmasdan ang binabagtas na kalsada. Ilang sandali niyang pinagmasdan ang mga sasakyang paroo't parito. Nasaan na ba siya? Naglalayag ang isip niya at wala sa kalsada ang konsentrasyon niya. Nilibot niya ang tingin upang makakita ng anumang signage na makakapagtukoy kung nasaan siya. Palabas na siya ng Cavite. Nakita niya ang karatula na nagsasabing thank you for visiting Cavite. Come back again next time. Itinuon niya ang tingin sa harap ng sasakyan at nakita niyang babagtasin na niya ang South Luzon Expressway. Pupunta siya ng Maynila. Kakausapin niya si Mark at sasabihing doon siya magpapalipas ng buong araw habang iniisip niya ang susunod na gagawin. Kapag nakahanap na siya ng hotel ay aalais na siya sa bahay ng kaibigan. Alam niyang hindi maganda ang naiisip niyang pagtuloy sa bahay ni Mark dahil may asawa siyang tao ngunit wala siyang ibang pupuntahan. Hindi siya maaring pumunta sa bahay nina Nina dahil paniguradong kinontak na ito ng asawa niya. Nagrereklamo na rin ang tiyan niya. Kailangan niyang makahanap ng kainan bago tumungo sa bahay ni Mark. Hindi pa siya nag-aagahan. Itinigil niya ang sasakyan sa isang kainan. Patuloy siyang nag-iisip at pilit pinipigil ang sariling mapahagulgol. Kailangan niyang magpakatatag at paganahin ang utak.