MAGILIW siyang pinapasok ng mga magulang ni Mark sa bahay ng mga ito. Nahihiyang pumasok siya sa loob ng bahay. Naabutan niyang naglalaro ng mga robot ang dalawang lalaking bubwit. Katamtaman ang laki ng bahay ng mga magulang ng high school friend niyang si Mark. Nagtatrabho ito sa sarili nitong talyer. Dati ay sa isang mining company ito nagwo-work ngunit nang makaipon ito ng sapat na kaalaman ay nagdesisyon itong magtayo ng sariling talyer.
"Pasensiya na po kayo, tita. Magulo lang ang isip ko at wala akong ibang mapuntahan," hinging paumanhin ni Celine sa nanay ni Mark na siyang nagbukas ng pinto para sa kanya.
Ngumiti ang ginang. "Huwag mo ng alalahanin iyon. Nag-agahan ka na ba?"
"Opo." Nagpalinga-linga siya upang hanapin si Mark.
"Si Mark ay nasa talyer. Tinawag ko na siya. Papunta na siya dito," wika ng ginang ng mapansing hinahanap niya ang anak nito.
"Salamat po, tita. Ako na lang ang pupunta ron," aniya. Kailangan niyang aliwin ang sarili upang makalimutan ang problema niya. Ayaw niyang isipin si Sed dahil lalo siyang malulungkot at bumabalik ang sakit kapag iniisip niya ito.
"Hi," bati ni Celine kay Mark na kasagsagan ang trabaho. Nakasuot ito ng sando, tagktak ang pawus habang inaayos ang makina ng isang kulay itim na Hilux.
Nang marinig ang boses niya ay lumingon ito. Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito ng makita siya at pagkatapos ay ngumiti ng makilala siya. "Hi, Celine. Anong ginagawa mo dito?"
Pilit niyang pinasigla ang tinig. "Magpapalamig lang."
"Bakit?"
Yumuko siya at pinahid ng mga luhang naglandas sa pisngi niya. Magsusumbong siya ng mga hinaing sa binata. Sinabi niya sa sarili niyang hindi siya iiyak ngunit patuloy ang pagdaloy ng mga luha niya. "Niloloko niya ako."
Tumabi ito sa upuan niya at kinuha ang nakasampay na tuwaly sa balikat. Nagpunas ito ng mukha gamit ang maruruming kamay bago nagsalita. "Sino?"
"Ang asawa ko!" Aniya na napahagulgol. Sinikap niyang magsalita sa pagitan ng paghikbi. Kailangan niyang may mapagsabihan ng hinaing dahil malapit ng sumabog ang dibdib niya. Basang-basa na ang panyong hawak niya. "Nakita ko ang mga larawan..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Parang hinihiwa ang puso niya sa isiping nagawa iyon ni Sed sa kanya. Masaya naman sila ah. O akala lang niya masaya sila?
"Baka nagkamali ka ng iniisip," saad ni Mark.
Pigil ang iyak ng umiling siya sa paraang alam niyang walang mali sa iniisip niya. "Hindi ako nagkamali. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Ang... Ang mahalay na Eliza na 'yon!" Hindi niya alam kung sino ang sisisihin. Si Eliza dahil malandi ito? O ang asawa niya na patuloy pa rin ang pakikipakomonikasyon nito sa ex girlfriend?
"Ano ba ang nakita mo?" Tanong ni Mark.
"S-silang dalawa," aniya
"Anong silang dalawa?" Muling tanong ni Mark.
"Si Sed ay..." Halos ayaw niyang banggitin ang mga nakita niya. "Si Eliza! Nakikipag-s*x video chat siya sa asawa ko." Yumuko siya at patuloy ang paghikbi. Naramdam niya ang paghagod ni Mark sa likuran niya. Nanumbalik sa isipan niya ang palitan ng mga mensahe ng mga ito.
"Pati ba naman sa chat ay wala silang papalampasin!" Galit na sigaw niya sa pagitan ng paghikbi. "Hindi pa ba ako sapat sa kanya?"
Sa malungkot na mga mata ay hinarap niya si Mark at tinitigan ito. "Hindi ba ako maganda?"
"Maganda ka. Mabait, matalino. Ang swerte nga ng asawa mo sa 'yo eh," matapat na sagot ni Mark.
Ngumiti siya ng mapakla. "Kung gayon ay bakit naghahanap pa siya ng iba? Ganyan ba kayong mga lalaki? Hindi nakukuntento sa isa?"
"Huwag ka naman mandamay. Ang mas makabubuti ay mag-usap kayo."
"Para ano pa? Para bilugin niya ang ulo ko at patuloy na lokohin?" Mapait niyang tanong.
"Mag-usap kayo para malaman mo ang dahilan niya. Wala ako sa posisyon para payuhan ka, Celine. I am not married. How could I help you with that? Baka makasama pa ang ipapayo ko," wika ni Mark.
Tahimik siyang sumang-ayon. "May girlfriend ka ba ngayon?"
"Wala."
"Kung may girlfriend ka ba ngayon, maghahanap ka pa ng iba?" Tanong ni Celine.
Umiling ito. "Hindi. Bakit pa ako maghahanap ng iba?" Balik tanong nito. Hindi siya umimik.
"Magpalamig ka. Kapag medyo maayos na ang pakiramdam mo, umuwi ka. Mag-usap kayo. 'Yon ang mas makabubuti. Ayokong isipin ng asawa mo na inaayunan kita."
Sumimangot siya at bumalik ang galit sa dibdib. Apoy at determinasyon ang makikita sa kanyang mga mata. "I am not going home in his house."
ILANG beses na muling tinawagan ni Sed ang numero ni Mark bandang hapon. Nakaupo siya sa sofa sa living room ng bahay niya at hindi siya mapakali. Nag-aalala siya sa maaring kahihinatnan ng mga nakita ni Celine. Ayaw niyang masira ang pamilya niyang nagsisimula pa lang mabuo dahil wala pa silang anak. Ayaw niyang magkahiwalay sila ng asawa niya. Hindi niya kakayanin. Ginamit na niya ang sariling number. Nakahinga diya ng maluwag ng sa wakas ay may sumagot.
"Hello?" Boses iyon ng isang lalaki sa kabilang linya.
"Hello. Good eve. I'm Sed, Celine's husband," pakilala niya sa sarili.
"Oh, good eve."
"Is my wife with you?" Tanong niya.
Ilang sandaling hindi nakapagsalita ang nasa kabilang linya. Pigil ang hininga niya habang hinihintay ang sagot nito. Ito na lamang ang kaniyang huling pag-asa. Natawagan na niya't napagtanungan ang halos lahat ng mga contacts ni Celine ngunit nabigo siyang malaman kung nasaan ito. Ayaw niyang tumawag sa mga biyenan dahil alam niyang hindi roon tutungo ang asawa niya.
"Oo. Nandito siya."
"Can I talk to her? Saan ang bahay niyo? Pupunta ako diyan," masayang sabi niya.
"Mas mabuti siguro pare kung mag-usap kayo ng personal," ani Mark.
Sinabi ni Mark ang kompletong address ng kanilang bahay bago tinapos ang tawag. Hindi niya sinabi kay Celine na tumawag ang asawa nito. Alam niya kung paano mag-isip ang kaibigan. Baka tumakas ito at hindi harapin ang problema sa sandaling sinabi niyang patungo sa kanila ang asawa nito. They need to talk. Anuman ang problema nilang mag-asawa ay kailangan nila iyong ayusin sa lalong madaling panahon.
MABILIS na nagbihis si Sed matapos sabihin ni Mark sa kanya ang kumpletong address nito. Sumakay siya sa sasakyan at umalis ng Cavite. Pupunta siya ng Maynila upang maka-usap si Celine bago matapos ang araw na ito. Oh, he missed her already. Hindi pa niya ito nakasalo sa agahan. Habang nagmamaneho ay iniisip na niyang mabuti kung paano kakausapin at kukumbinsihin ang asawa niyang bumalik na sa bahay nila. Their house will be very sad without his wife.
Matagal na niyang nakalimutan si Eliza. Eliza is nothing for him since the day na nagtapat siya kay Celine. Those are just memories. Memories na sana ay noon pa niya binura! Memories na hindi na niya pinagkaabalahang alalahanin pa. He's too busy and too happy being married to Celine to reminisce the past. Gigil na hinawak niya ang manibela. Binilisan niya ang takbo ng sasakyan. He couldn't wait to see his lovely wife, his lovely Celine. Bumagal ang takbo niya ng makapasok siya sa Metro Manila. This bullshit traffic! Nakisabay pa ang trapiko. Anong oras siyang makakarating? He made a promised to himself that one day he's going to buy a motorcycle.
Pasado alas-syete na ng gabi ng makarating siya sa address na ibinigay sa kanya ni Mark. Kapag nagka-ayos na sila ng asawa niya ay magpapasalamat siya kay Mark. He shoudn't be jelous to Mark. Mark is her good friend. And maybe they can be good friends too.
Isang ginang ang nagbukas ng gate para sa kanya. Pinagmasdan niya ang bahay at ang paligid nito. Hindi kalakihan ang bahay ngunit masasabing may kaya ang may-ari nito. May malaking mangga sa loob ng bakuran. Bumukas ang pinto ng gate at maluwag na ngumiti ang matandang ginang sa kanya.
Ngumiti siya. "Magandang gabi po," bati niya.
"Magandang gabi naman. You must be Celine's husband. Am I right?" Tumango siya. "Pasok ka."
"Nasa living room si Celine. Nagkakape. Magka-usap sila ni Mark."
Inakay siya ng ginang patungo sa sala. Nasilayan niyan ang asawa na malungkot na kausap si Mark. Nag-uusap ang mga ito ngunit hindi niya naririnig. Tumigil siya sa paghakbang. Ang ginang na marahil ay nanay ni Mark ang kumuha sa atensyon ng dalawa. Lumingon si Celine sa direksyon nila at sinalubong ang kanyang mga titig. Lungkot at galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Ito ang unang nagbaba ng tingin.
"Maiwan ko na kayo," wika ng matanda.
Sinulyapan niya si Mark. Sandaling tumingin ito sa kanya bago muling inilipat ang tingin sa asawa niya. Ilang sandali pa ay tumayo ito at nagpaalam sa kanila. Lumapit siya sa asawa niya at ilang beses na pinuno ng hangin ang dibdib. Patuloy niyang itinataboy ang tensyong nararamdaman. Hindi gumalaw si Celine ng maramdaman ang paglapit niya. "I am sorry," mahinang sabi niya.
Nakayuko si Celine at hindi nagsalita. "I am sorry na nakita mo pa ang mga iyon. That's our conversation. Before. Matagal na."
"Bakit di mo pa binura? Don't tell me tinititigan mo pa ang..." Mapait na ngumiti si Celine. Hindi nito mabigkas ang gustong sabihin. "Did you save it so that you can always see 'it'?"
Umiling siya. "No."
Mapaklang tumawa si Celine para itago ang lungkot na nararamdaman. Alam niyang anumang sandali at tutulo ang mga luha niya. "Sana inayos mo ang pagkakatago para hindi ko nakita. You're being careless."
Tumitig si Sed sa asawa. "Celine, darling, listen to me. Look at me please."
Umismid si Celine at tinignan si Sed. "Why should I look at you?" Nandidilat na tanong nito.
"So that you will see the love in my eyes that is only for you," aniya na patuloy ang pagtitig sa asawa.
Celine waved her hand as if telling him to stop saying those lies. "Oh it's not love that your eyes are showing. It is lust. I should have known it before. Sana hindi ko pinaniwala ang sarili ko na mahal mo ako." Umiling-iling si Celine. "What is those video chat? At ini-screenshot mo pa! Are you not contented to have me?"
"No, darl," may pagsisising pahayag niya. "That's our picture before. Noong kami pa. Matagal na."
"Sigurado ka ba?" Tanong ni Celine sa kanya na hindi kumukurap. Galit na galit siya. Hindi niya alam kung sino ang sisisihin. Ang sarili ba niya dahil pinaniwala niya ang sarili na mahal siya ni Sed o si Sed na hindi makuntento sa kung ano ang maibigay niya? Ipinilig niya ang ulo. Stop asking yourself, Celine! Sabihin mo sa kanya at magka-alaman na. Umiiyak na nagsalita siya. Marahas na pinahid niya ang mga luhang naglandas sa mga pisngi niya. "I've done everything for you. I do it even though I can no longer take it because I love you and I hate myself for degarding my moral just for you."
"I do it because I want to make you happy. I want our relationship to grow. I forgot all my rules, principles, dreams, just for you. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko kahit ayoko sana. And you still do this to me? How dare you!"
She heard him sigh. A frustrated sigh. Nagpatuloy siya. Kailangan niyang ilabas ang mga hinanakit niya dahil parang sasabog na ang kanyang dibdib anumang sandali. "Malay ko kung nagsasabi ka ng totoo. Okay lang kung past. Past is past na nga, 'di ba. Pero kung 'yong past, isinisingit mo pa rin sa present, o kaya sa future, ibang usapan na iyon. Lintik lang ang walang ganti. Maghiwalay na tayo," may pinalidad na sabi niya.
Nakita niyang naguluhan, nabigla at natakot si Sed. "What?"
"Let's stop this non sense!" Mahina ngunit mariin niyang sabi. Ayaw niyang sumigaw dahil nakakahiya sa may-ari ng bahay.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Sed. "No. No, darling. I can not let you go. I love you."
Muli siyang umismid. "Can you please stop telling me you love me when the reality, you don't!" Lumabas siya ng sala dahil hindi na niya kayang kontrolin ang sarili niya. Sumunod si Sed sa paglabas niya ng bahay. She breath a lot. Pinipilit pakalmahin ang sarili. "Mahal mo ba siya?"
Hindi ito sumagot kaya lalong uminit ang ulo niya. "Tinatanong ko kung mahal mo ba siya!"
"Hindi," mahinang sagot nito.
"Really?!" Galit na singhal niya. Pinagsusuntok niya ang mga braso ng asawa. "I hate you! I hate you for getting that and yet you still find time to s*x chat with that girl."
Bigla siyang niyakap ni Sed ng mahigpit. Nasasaktan siya. Ang sakit-sakit na. Iginalaw niya ang leeg upang makita ito. Pilit siyang nagpupumiglas ngunit hindi niya kayang labanan ang lakas nito. Hinayaan niyang yakapin siya dahil kahit masakit ang dibdib niya ay nami-miss pa rin niya ito.
"Akala ko ba tayo hanggang dulo?" Tanong ni Sed na yakap-yakap pa rin siya.
"Yon din ang akala ko. I've had enough chest pain. I cannot endure more. I am not a masochist. I am sorry." Hello? Celine? Is that you? Bakit ka nagso-sorry? You don't have to say sorry to him! Saway ng isip niya. "Anong sasabihin mo sa 'kin? Kung paano ka niya pinasaya?"
Nakita niyang ngumiwi ito. "No, babe. We did not. I told you."
"Then what did you do?"
"We just chat, darl. Pero noon pa 'yon," malumanay na paliwanag nito. Hindi siya umimik. Patuloy ang pag-iyak niya. Humarap si Sed sa kanya at hinawakan ng dalawang kamay ang mga pisngi niya upang makita siya nito. Pinahid nito ang mga luha niya. "I'm sorry. Do not cry please." Ito man ay umiiyak din. "Hindi ko 'yon nabura dahil matagal ko ng hindi iyon napapansin. Kung hindi mo pa nakita ay di ko na maaalala na naka-save pa pala ang mga iyon sa computer ko. Because those pictures are not important to me now. Ikaw ang mahal ko. Sorry, Celine. Sorry," anito sa gumaragal na tinig.
Nakasimangot na sinulyapan niya ang asawa. "Hindi ako naniniwala."
"Oh, darl, you should believe me because I am telling you the truth."
Tinitigan niya ang asawa. Malay ba niya kung umaarte lang ito. Pero alam ng puso niyang nagsasabi ito ng totoo. Nakikita niya ang lungkot at pagsisisi sa mga mata nito. Itinaboy niya ang naisip. Tigilan mo 'yan. Pairalin mo ang isip mo huwag puro pakiramdam. "Umuwi na tayo, Celine. The house is so dull without you." Hinawakan ni Sed ang kamay niya at pinisil iyon.
Lumipas ang ilang sandali na walang nagsasalita sa kanila. Patuloy na pinagmasdan ni Celine ang asawa. Should I give him another chance? Does he deserve it? Paano kung saktan niya uli ako? Sumagot ang kabilang bahagi ng isip niya. You vowed promises to him. You should at least try your best to be a wife to him kahit nagkamali siya. Give him the chance. Narinig mo naman ang paliwanag niya, 'di ba?
Huminga siya ng malalim. Ilang beses niyang sinulyapan si Sed at ang singsing sa kamay. Nanunuri ang mga tingin niya. Nakayuko ito. "Okay," aniya.
Kumunot ang noo ni Sed at nag-angat ng tingin. "Okay?"
"Okay." Humalukipkip siya. "Okay. Umuwi na tayo. You're forgiven."
Atubiling ngumiti ito. She smiled back. "Thank you," sabi ni Sed na niyakap siya ng mahigpit.